Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Extreme sport(the truth behind 10)

This is my first Narrative story thru the years have past and to be honest i have no idea on the first place because i have no clue on how to connect all the details about myself, just like my friends always said to me before " just write a story about yourself and don't stop until the end" thanks to his positive compliment i know i can do it.

Enjoy Reading





ang totoo wala talagang dahilan kung bakit ko sinubukan ang extreme sport na gusto ko
pero isang bagay lang ang masasabi ko na kahit sino man ay hindi parin ako maiintindihan kahit ano pang paliwanag ko :sigh:
simple lang "iba kasi ang pakiramdam pag nabuo mo na yung trick na gusto mo kahit ilang beses ka pang bumagsak babangon at babangon ka parin kahit anong mangyari!"
yan ang sagot ko sa tanong na yan :yes: kahit hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang kwento ko eh bahala na, bahala na talaga si batman basta huwag lang sumama si joker :lmao:


sa dami ng sports na napapanood ko dati sa tv eh dalawang sport lang ang nagustuhan ko, walang iba kundi ang skateboarding at aggressive inline skate tama ang nabasa mo :yes:
bakit? kasi kahit alam kong mahirap yung mga stunts na ginagawa nila eh hindi sila tumutigil kahit ano pang mangyari sa kanila, mapilayan, gumulong ng mala stuntman, dumugo ang ulo at ano ano pang parte ng katawan nila
kasi extreme eh :yes: pagkatapos ko makanood ng ganong klasing sport eh naisip ko bigla na bakit hindi ko subukan yung ganong sport dahil nung mga panahon na yun basketball lang sport ko kahit alam kong hopeless nako :slap:
nung mga panahon na nauso ang inline(rollerblades) eh late nako nagkaron nun kasi nanghihiram lang ako dati sa kaklase ko nung una hirap ako tumayo dahil naglalayo ang dalawang paa ko, andon yung punto na may tutulak sayo ng hindi mo alam tapos pagtatawanan ka pa :sigh: pero sa isip ko nakapagdesisyon agad ako
pinangako ko sa sarili ko na matututunan ko rin siya kahit ilang beses ako bumagsak, kahit yung ibang kalaro ko may inline yung iba roller skate pa nga eh kaya medyo naiinggit ako kasi gusto ko din subukan yung mga ginagawa nila kaya nakiusap ako na manghiram kahit hindi ako marunong :slap:salamat sa isang kaibigan ko na nagpahiram sakin ng pares ng roller skate na sapatos lang ang kailangan para magamit mo :yes: halos araw-araw ko suot yun sa una mahirap para kasi siyang inline
pero :thanks: sa isang kalaro ko na mabait at willing magturo sakin dahil nagtiyaga siyang magturo sakin kahit hirap ako matuto pero sa awa ng diyos natuto ako na halos inabot ng tatlong linggo :dance:
nung time na aalis ang tita ko papunta sa ibang bansa para mag out of the country eh nagpabili agad ako ng sarili kong inline at nung paguwi niya eh tuwang tuwa ako dahil kasama ko nung sinundo namin siya sa airport at nung pagbaba ko ng sasakyan eh ginamit ko na agad kasi excited :naughty: pero nanibago ako bigla dahil iba yung feeling nung inline ko kasi mabilis at magaan siya :slap: kaya ang ginawa ko pumasok nako sa bahay at natulog kinabukasan nung pumasok ako sa school at pinakita sa mga kaklase ko yung bago kong inline maraming namangha pero hindi ko inisip na may inggit sila sakin dahil wala naman akong pakialam sa nararamdaman nila basta ang sakin eh masaya ako dahil may sarili nakong inline sa wakas :yes:
yung time na sinubukan ko ulit yung bago kong inline at nagpaandar may nagbalak na naman akong itulak pero nung ginawa niya yun eh hindi ako natumba at tinawanan ko lang siya :giggle:. halos araw-araw ko suot yung inline ko dati kasi pag bata ka andon yung urge mo matuto ng kahit anong bagay, mahirap o hindi willing ka matuto :approve: dumating yung time na napahinto ako sa inline dahil may nangyaring hindi maganda, hindi ko alam kung katangahan ba yun o hindi pero huli na ng malaman kong mali yung ginawa ko nung nangyari na sakin simple lang linggo ng gabi yun pauwi nako naandar ng mabagal tapos may sasakyang papunta sa harapan ko ang ginawa ko dali dali akong napatakbo agad para pumunta sa bangketa pero hindi ako nakapunta agad kasi pagkalampas palang ng sasakyan eh
nag stock yung unahang gulong ng inline ko sa linya ng kalsada kaya natumba ko bigla, yung patumba nako wala nakong choice nun dahil takot akong magkagalos sa mukha kaya ang ginawa ko tinukod yung kaliwang braso ko na akala ko nabali kasi naramdaman kong masakit buti nalang hindi pero sa tuwing binebend ko para siyang bali :slap:


itutuloy.....:hilo:


ps:TSE!
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Dumating ang araw ng lunes, napaaga ang dating ko akala ko mauuna sakin yung mag-pinsan kaya nagtataka ako, maya-maya biglang lumabas si Condura para maglaro, warm-up muna ng ilang minuto hanggang sa dumating si Manong at Major Pain na sinasadya talaga nilang dalawa na bagalan yung lakad nilang dalawa.

Nang nakarating na silang dalawa sa spot saka ko napansin na ginamit na pala nila yung bagong deck na pinabili din nila sakin kaya nagulat ako.

“halatang excited kayong dalawa ah” sambit ko.
“blade narin kasi yung gamit namin kaya ginamit na namin” si Manong.

“madami naring chips yung gilid ng deck na gamit naming dalawa kaya ginamit na namin agad, sayang naman kung hindi namin gagamitin agad” si Major Pain.
“eh anong balak niyong dalawa sa lumang deck niyo?” sambit ko.

“wala gagawin na lang naming display sa bahay para may remembrance kami” si Manong.
“ayos ang trip niyong dalawa hehehe….”: sambit ko.

“hehehe….hindi naman” si Major Pain.
“tara! laro na tayo, sayang ang araw” sambit ko.

“uy! bago deck niyong dalawa, nice” si Condura.
“saka mo lang napansin na bago eh kanina pa namin dini-display” si Manong.

“eh di ko napansin sa malayo kasi kung saan-saan ako nakatigin eh” si Condura ulit.
“hahaha…..yun lang” si Major Pain.

“tara! laro na tayo” sambit ko.
“mabuti pa nga” si Manong.

Isa-isa naming nilabas ang mga obstacle na gagamitin, nang matapos kaming maglagay ng mga obstacle sa kalsada biglang.

“naks! bago pala deck niyong dalawa” si Mr.Clean.
“opo kuya nagpabili lang po kami kay” sabay turo sakin ni Major Pain.

“magkano bili mo sa deck?” tanong sakin ni Mr.Clean.
“975 po kuya” sambit ko.

“mura ah teka asan na yung sayo?” sambit niya.
“saka ko na po gagamitin kuya, okay pa naman yung gamit kong deck ngayon kahit blade na yung nose and tail kaya pa naman” paliwanag ko.
“okay ikaw bahala hehehe…..teka kunin ko lang yung camera ko para may remembrance kayo” sambit ni Mr.Clean sabay pumasok sa bahay.

Pagkatapos ng ilang minuto bumalik na agad si Mr.Clean dala ang kanyang digital camera kaya’t tinawag niya kaming apat para mag-pose.

“kuya saan po kami pupwesto?” tanong ni Manong.
“sa ledge na lang tutal kasya naman kayong apat dyan eh” si Mr.Clean.

“sige sige hehehe….ayos!” si Manong.
“tara pwesto na” si Major Pain.

Nang nakaupo kaming apat sa ledge ay hindi naganap agad ang picture taking na parang class picture lang dahil sine-set pa ni Mr.Clean ang dala niyang camera kaya’t naghintay muna kami saglit.

Pagkatapos ng ilang segundo saka nagutos si Mr.Clean.

“oh game pwesto na kayong apat” sambit niya.
“sige po kuya” kaming apat.

“teka lang ha? huwag kayong gagalaw, 1 2 3 ayun maganda ang kuha” si Mr.Clean.
“oooppppssss teka meron pang isa para may remembrance kayo hehehe…..1 2 3 okay na” siya ulit.

“okay solo picture naman sino mauuna?” sambit niya.
“ako na po kuya” si Major Pain.

“tapos ako ang next” si Manong.
“sige huli na ko” sambit ko.

Pagkatapos kaming kuhanan ng picture ni Mr.Clean, nag-request kaming tignan lahat ng kuha namin, Hindi ko alam kung masasabi kong maganda o pangit ang kuha pero nung nakita ko lahat ng kuha namin eh maganda pala pagkatapos ay saka kami naglaro hanggang mapagod kami.

Palaging ganon ang madalas naming gawin pero hindi ko naisip na tumigil talaga at bumalik sa aggressive inline dahil kung babalik man ako sa unang extreme sport na nagustuhan ko sigurado pagtatawanan ako ng mga taong nakakakita sakin kaya’t itutuloy ko parin ang skateboarding dahil mas marami akong nakilalang mga kaibigan sa sport na sinubukan ko, bigla ko na namang naisip yung sinasabing frustration na sinabi sakin ni Manong at parang nangyayari na sa akin everytime na naglalaro o pagkatapos ko maglaro pero isang bagay parin ang nangingibabaw sa isip ko, ang ituloy parin kahit anong mangyari dahil lahat ng bagay dumadaan muna sa hirap kaya nahinto pansamantala ang nararamdaman kong frustration sa sarili ko.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Dumating ang isang linggo pero hindi ko parin ginagamit yung bagong deck ko dahil parang ayaw ko pa kaya’t yung lumang deck ko parin yung gamit ko kaso may nangyaring hindi maganda, habang naglalaro kaming apat nila Major Pain, Manong at Condura ay minalas ako, hindi ko mabuo yung mga tricks na nabuo ko na, mabuo ko man sketchy o pangit ang out kaya inulit-ulit ko pero ganon parin ang resulta kaya sa tuwing hindi ko nabubuo ng maganda o hindi ko nabubuo yung trick na gagawin ko hinahagis ko yung deck pataas at pinapanood na bumagsak sa kalsada na hindi ko iniisip kung mababali o hindi, sa isip ko mukhang ito na ata yung frustration na sinasabi sakin ni Manong, mukhang nagsisimula ko ng maramdaman sa pagkatao ko, nung ganon ang nararamdaman ko dahil wala akong laro ay tinigil ko na lang muna at nagpahinga para ma-relax ako at makapagisip kahit papano habang sila Manong, Major Pain at Condura ay patuloy sa paglalaro, ako tumigil na lang at nanood lang sa ginagawa nilang tatlo hanggang sa magdilim ulit.

Nang nakauwi ako sa bahay at nakahiga sa aking higaan bigla kong naisip yung mga nangyari nung araw na yun, tama nga yung sinabi sakin nung isang kalaro ko dati nung naguumpisa palang akong mag-skate, minsan swerte ka minsan hindi at huwag ipilit kung tatalagang ayaw dahil baka disgrasya pa ang maging kapalit, sa bagay na naisip ko doon ako an-relax at inisip sa sarili ko.

“okay lang, wala akong magagawa kung talagang ayaw sa ibang araw ko na lang subukan” sambit ko sa sarili.

Pagkatapos ko magdesisyon saka lang ako nakatulog dahil nung gabing yun, magulo ang isip ko at walang pumapasok na solusyon nung una pero nung bigla kong naisip yung ganong bagay saka ako nakatulog ng maayos.

Dumating ulit ang hapon at oras an ulit ng laro, nung papunta ko sa spot bigla kong naisip na.

“mukhang malas na naman ata ko ah, pero bahala na ako lang ang nagiisip ng negative sa sarili ko”
“walang mawawala kung hindi ko susubukan, kung ngayon palang sumusuko na ko ng wala pang nangyayari parang pinalabas ko narin na nagpatalo ako” sambit ko.

Kahit ganon ang laman ng isip ko hindi parin ako nagpatalo sa isang bagay na nararamdaman kaya’t nung malapit na ko sa spot ay biglang nawala lahat ng iniisip ko sa sarili dahil tama nga, walang mawawala kung hindi mo susubukan.

Nung naglalaro na kaming apat sa spot bigla akong may naisip na naman, habang napadyak ako papunta sa tubo ay biglang hindi ko tinuloy ang gagawin kaya’t takang nagtanong sakin si Major Pain.

“pre anong nangyari sayo? hindi ka naman ganya dati ah” sambit niya.
“ewan ko ba kung anong nangyayari sakin ngayon hay…….” sambit ko.

“iniisip mo ata na tutumba ka kaya hindi mo tinutuloy yung trick na gagawin mo, tandaan mo pre kahit anong mangyari ituloy mo huwag mo isipin na tutumba ang mahalaga sinubukan mo parin” sambit niya.

Dahil sa sinabi niyang yun doon ako natauhan talaga ng matindi dahil bakit ako matatakot kung alam kong kaya ko naman, bakit iniisip ko agad na tutumba ako kung hindi ko pa sinusubukan, naisip ko bigla.

“oo nga naman, tama siya”

At saka.

“lahat naman ng sport eh kailangan mo talaga masaktan bago ka matuto”
“sige susubukan ko kahit ano pang mangyari, kahit ilang beses ako mabigo hindi ako titigil hangga’t di ko nagagawa”

Sa mismong araw na yun doon ako nagkaron ng isang desisyon na hindi ko pinagsisihan sa buong buhay ko, sinubukan ko parin kahit may gumugulo sa isip ko pero hindi ako nagpatalo sa bagay na alam kong wala akong mapapala kaya’t sinubukan ko ulit tumira, bago ako makarating sa tubong titirahan ko ay naka-focus na agad ako buo ang loob kong tumalon, nung malapit na ko sa paa ng tubo tumalon ako bigla at hinintay na makapatong yung gitnang part eng deck ko sa tubo para dumulas, nung una parang slow motion pero naka-foucs parin ako para hindi matumba, nung saktong nakapatong na yung gitnang bahagi ng deck ko sa tubo saka siya dumulas medyo mabagal pero malinis at ubusan kaya na-out ko ng maganda kaya’t nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang mangyayari at pati si Major Pain ay nagulat din sa nasaksihan kaya’t.

“kaya mo naman pala eh, kita mo mas maganda pa yung out ngayon kesa dati” sambit niya.
“nagulat nga ko eh, akala ko ganon parin yung out yun pala hindi hehehe….mas malinis at angas out pa” smabit ko.

“gawin mo lang ng gawin yan araw-araw para ma-consistent mo, next time gawin mo naman yung regular out para dalawa na yung out mo sa boardslide” sambit niya.
“sgie pre pero mukhang matatagalan pa bago magawa yun pero susubukan ko parin” smabit ko.

Pagkatapos ng usapan naming dalawa ni Major Pain ay tinuloy tuloy ko lang yung ginagawa kong trick sa tubo, kahit minsan ay hindi ko ma-out eh okay lang sakin dahil iniisip ko na mahalaga sakin kung ma-out ko o hindi dahil ang importante sakin ngayon ay maramdaman ko ang dulas at maging komportable ako kapag nasa ibabaw ng tubo habang hindi pa tapos ang pagdulas ko.

Nung nasa bahay na ko pagkatapos ng madugong non-stop skate session naisip ko bigla na hindi na ko nageenjoy sa lumang deck na gamit ko dahil sobrang iksi at blade na talaga yung nose and tail kaya naisip ko na gamitin na yung deck na binili ko kasabay nung deck na pinabili sakin ni Manong at Major Pain pero bigla kong naisip na kulang ako ng griptape kaya hindi ko pa siya magagamit kaya nagipon muna ko saglit para may pambili ako, nung saktong may naipon nakong pambili ko ng griptape ay humingi ako sa tita ko ng pamasahe para kung sakaling kulangin ay may reserba akong budget kapag bumili ako, nung nakabili ako ng griptape sa alabang ay may napansin akong allen na hardware at tinignan kung magkano ang presyo, sa isip ko bili narin ako kasi malapit na masira yung ginagamit kong hardware kasi lose thread na at hindi na masyadong kumakapit kapag kinakalas ko kaya’t sabay kong dinala sa cashier yung binili ko at ng mabayaran ko na eh dali-dali akong lumabas ng mall at umuwi, nung nasa bahay na ko dali-dali kong kinabit yung griptape sa bagong deck pero bigla akong natawa sa nakita ko kasi first time ko magkabit ng griptape sa skateboard tapos may sablay pa at nanibago din ako dahil sobrang kapit ng nabili kong griptape na kulang nalang ay masugatan ang balat ko kapag kinaskas ko ng hindi sinasadya, pati yung pagkabit ko ng bagong hardware eh sablay din dahil hindi ko nasikipan ng maayos kasi wala akong tools para sa allen pero kinabit ko parin naisip ko na alam kong may tools si Mr.Clean at sa kanya nalang ako manghihiram kapag nakarating na ko don para masikipan ko bago ako maglaro, habang naglalakad ako papunta sa spot eh iniisip ko sa sarili ko na marami akong mabubuong tricks dahil mahaba at bago ang deck na gamit ko, nung nakarating na ko sa spot ay nanghiram agad ako ng tools kay Mr.Clean at walang sinayang na oras, bago pa ko makahiram kay Mr.Clean ng tools ay napansin niya agad yung bago kong deck kaya inasar ako ng nakangiti.
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

“uy nice! bago ang deck, binyagan mo na agad habang mainit” sambit niya.
“kuya pahiram po muna ng tools, di ko po kasi nasikipan kanina nung kinabit ko kasi wala po akong tools na para sa allen” sambit ko.

“teka kunin ko lang yung tool box ko sa loob” sambit niya.
“sige po kuya, thanks” sambit ko.

Habang hinihintay kong lumabas si Mr.Clean para kunin ang kanyang tool box ay pinapanood kong maglaro si Major Pain at Manong dahil hindi na naman naglaro si Condura, pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ko kay Mr.Clean ay bigla na lang siya lumabas at dala-dala yung tool box, nung nailabas na niya yung tool box ay siya mismo ang nagbukas.

“hindi ko alam kung ano yung size ng para sa hardware eh pero meron dyan” sambit niya.
“sige po kuya, hanapin ko na lang po” sambit ko.

Hindi naman ako nahirapang maghanap dahil naka-organize yung tools niya na puro allen kaya nakita ko agad yung size na hinahanap ko at dali-dali kong kinuha kasama narin yung long nose para may pangontra sa ilalim habang sinisikipan ko.

Pagkatapos ko masikipan yung hardware na binili ko ay nagpasalamat ako kay Mr.Clean at dali-dali akong naglaro, una kong nakita yung mababang ledge at nagulat ako dahil nagkaron na ng paa, dati ay sa gutter lang madalas nakapwesto sa tuwing naglalaro kami pero iba ang nakita ko, naisip ko bigla na 50-50 grind agad ang subukan kong trick, sinubukan ko ng mabagal at muntik ko ng ma-out pero dahil kulang sa bilis ay huminto sa dulo pero hindi ako nainis, natuwa pa nga ko sa nangyari naisip ko na subukan ko ng mabilis para tuluyan kong ma-out kaya’t pumadyak ako ng may tamang bilis nung malapit na ko sa ledge at tumalon ako, saktong sumabay yung deck ko sa talon ko at parehong pumatong yung dalawang trucks ko sa angle bar dahil ramdam ng dalawang paa ko ang dulas ng bakal na nagkikiskisan, nang malapit na ko sa dulo ng ledge inangat ko yung nose kagaya ng tinuro sakin ni Major Pain kaya na-out ko ng mas maganda, nagulat si Major Pain dahil siya lang ang nakakita ng ginawa ko kaya.

“yeah!” sambit niya.
“teka di ako kuntento, isa pa” sambit ko.

“sige lang” sambit niya.
“hehehe…mukhang marami akong mabubuo ngayon” sambit ko.

“mukha nga eh, pansin ko” sambit niya.
“kahit naninibago ako sa gamit kong deck kaya naman eh” sambit ko.

“sa una lang yan, tignan mo mamaya sisiw na sayo yan” sambit niya.
“oo nga eh hehehe….okay pala kapag bago ang gamit mong deck, fresh and smooth pop” sambit ko.

“hehehe…sinabi mo pa, sana nga araw-araw bago ang deck eh pero ganon talaga napupudpod siya eh pwera na lang kung sa makinis na kalsada ka maglaro sigurado tatagal ang deck na gamit mo” sambit niya.
“eh bihira lang naman tayo makakita ng makinis na kalsada eh saka swertihan lang yun” sambit ko.

“sabagay ganon talaga pero alam ko namang maluluma din yung deck ko kapag tumagal” ako ulit.
“sana bago maluma yung deck mo consistent mo na lahat ng trick mo” sambit niya.

“hehehe….bago maluma tong gamit ko ngayon eh pagsasawaan ko muna lahat ng trick na meron ako” sambit ko.
“sige ikaw bahala, try mo boardslide tutal nabuo mo na yun eh” siya ulit.

“teka maya-maya ng konti, nangangatog pa paa ko eh” sambit ko.
“sus! normal lang yan, tara tira an” siya ulit.

Habang naglalaro kami eh biglang lumabas si Condura sa bahay nila at may kasamang babae, naisip namin na yung ang girlfriend niya kaya pinagpatuloy na lang namin ang paglalaro, samantalang si Mr.Clean ay pumasok saglit para ibalik yung tool box na pinahiram niya sakin.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Samantala, patuloy parin kaming tatlo sa paglalaro habang naglalaro kami ay napapansin namin kung sino ang dumadating kahit sa malayo, habang papalapit yung taong nakita namin mula sa malayo ay saka lang namin nakilala kung sino kaya nagulat kami dahil nagpunta si Mr.Imposible para manood samin, bago pa siya makalapit sa pwesto namin at tuloy parin ang ginagawa naming tatlo, nang nakalapit na siya samin at saka namin siya binati, kinamusta at inaya maglaro pero tumanggi si Mr.Imposible sa aya namin.

“pahinga muna ko, hindi pa magaling yung tapilok ko eh” sambit niya.
“aw ganon ba? sayang naman, may next time pa naman eh” si Major Pain.

“kamusta pre?” sambit ni Manong.
“eto okay lang, hindi makapaglaro gawa hindi pa magaling yung tapilok ko” si Mr.Imposible ulit.

“ganon ba? pahinga ba muna” si Manong.
“oo eh pero maglalaro agad ako kapag gumaling tong paa ko” si Mr.Imposilbe ulit.

Habang naguusap silang tatlo ay saka ako lumapit sa kanila at para narin kamustahin si Mr.Imposible.

“uy pre kamusta?” sambit ko.
“eto ayos lang, sayang gusto ko sanang mag-skate kaso hindi pa magaling yung tapilok ko” sambit niya.

“ay yun lang, sayang naman” sambit ko.
“basta pag magaling na yung paa ko dito ako i-ispot” sambit niya.

“sige para madagdagan kami ditto, nakakasawa narin kasi kami-kami lang yung madalas maglaro ditto” si Manong.
“pagaling ka na agad pre para makalaro ka na namin” sambit ko.

“sige sige hehehe….”si Mr.Imposible.
“uy pre laro lang kami” sambit ko.
“sige lang, panoorin ko na lang kayo” si Mr.Imposible ulit.

Pagkatapos ng kamustahan at kwentuhan naming tatlo kay Mr.Imposible ay pinagpatuloy namin ang non-stop skate session, habang pinagsasawaan ko yung 50-50 sa mababang ledge ay sa flat bar naman ako tumira ng tumira, hindi pa ko nagi-init sa flat bar ay biglang dumating si Mr.Kickflip kaya kumaway na lang kaming tatlo sa kanya at pinagpatuloy ang paglalaro kahit ilang beses na kami talon ng talon ay hindi parin kami nakakaramdam ng pagod dahil nage-enjoy kami sa ginagawa, nakailang attempt din ako sa boardslide pero hindi ako nakakaramdam ng pagka-frustrate dahil iniisip ko na ayos lang, minsan nabubuo ko pero sketchy( hindi nuts to nuts ang patong ng dalawa o isang paa sa mismong hardware sa ibabaw) kaya uulitin ko ulit para gawing hindi sketchy kundi smooth ang out, nagagawa ko man na smooth ang out pero kulang sa roll away(palayo sa obstacle) kaya uulitin ko ulit hanggang sa mkuha ko ng tama, habang paulit-ulit kong ginagawa yun ay hindi ko namalayan na unti-unting gumaganda ang pagtira ko ng ganong trick sa flat bar sabagay doon ko unang na-out yung boardslide dati pero mas maganda parin kung sa tubo ko unang nabuo dahil kung sa tubo ay kailangan mo pang i-balance yung deck kapag nasa ibabaw ka na ng tubo yung ang madalas sabihin sakin ng mga nakalaro ko dati na halos lahat ng skater ay sa tubo naguumpisang tumira imbis sa flat bar dahil sa flat bar ay madali lang dahil hindi na kailangang i-balance yung deck kapag nasa ibabaw ka na kundi parang ipapatong mo na lang tapos control sa slide hanggang sa ma-out mo samantalang sa tubo ay iba pero once na nakuha mo ang tamang balance sa tubo ay madali na lang gawin sa flat bar kulang na lang ay tawanan mo dahil sa sobrang dali.

Habang ganon ang ginagawa ko ay di ko namalayan na dumating pala si Drew para maglaro din pero hindi namin siya pinansin dahil halos pareho sila ng ugali ni Condura kaya ignore lang kami at alam naming pinipilit niya makabuo ng trick na hindi pa niya nasusubukan kumbaga umaasa sa tsamba.

Kahit ilang beses ko na na-out yung boardslide sa flat bar na may kasamang tawa ay parang wala lang sakin pero bigla kong napansin na parang akong lang yung natira sa flat bar kaya naisip ko na sumabay sa magpinsan na natira sa mataas na tubro pero naisip ko agad na.

“kaya ko na kayang i-out kung sakaling susubukan ko?”
“hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan, bail kung bail ang mahalaga sinubukan ko parin”

Yan ang mga bagay na gumugulo sa isip ko habang pinapanood kong maglaro yung mag-pinsan pero nagbago ang mood ko, buo na ang loob ko na subukang i-boardslide yung mataas na tubo dahil may tiwala ako sa gamit kong deck dahil bago at mahaba kaya kahit konting ollie ko lang ay makakapatong siya sa ibabaw, nang biglang nalibre yung matataas na tubo ay biglang akong pumadyak ng tamang bilis para sigurado akong maipapatong ko ng maayos once na um-ollie ako, habang papalapit ako sa tubo ay iniisip ko agad na.

“ kaya ko to, kaya ko to”

Nang malapit na ko sa pinaka-paa ng tubo ay bigla akong tumalon na kahit tingin ko ay bitin ay saka ko lang nalaman na sakto pala ang ollie ko dahil may narinig akong “tiiiiiiiiinnnnnnnnnggggg” dahil sa impact ng deck at tubo kaya feeling ko eh para talaga akong pro skater nung panahon na yun, naisip ko lahat ng dapat gawin nung nasa ibabaw ako ng tubo kaya hindi ako na-out of balance, slow motion ang pag-slide ko sa tubo na akala ko ay sobrang bagal ng approach ko pero mali pala ko ng iniisip dahil mabilis pala talaga ang andar ko at feel na feel ko ang pag-slide ng deck ko sa tubo kaso may nangyari na ikinagulat ko, akala ko maa-out ko na pero kumakalas sa paa ko yung deck paglampas ko sa dulo ng tubo kaya lahat sila ay nagulat.

 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

on process na yung next part nito :yes::alright: medyo busy lang talaga pasensiya na.

 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

“yun oh! konti na lang” si Manong.
“rekta fakie out mo na kasi pa-fakie ang pihit mo eh” si Major Pain.

“oo nga no hehehe….hindi ko naisip bigla yun ah” sambit ko.
“basta rekta fakie-out mo na” si Major Pain.

“sige sige hehehe….” sambit ko.
“buoin mo na para may makainom na tayo ng pop mamaya” si Manong.

“addict ka hahaha….teka….teka nangangatog tuhod ko eh hehehe…pahinga ko muna saglit yung paa ko” sambit ko.
“wala ng pahinga pahinga buoin mo na agad” si Manong.

“oo eto na nga eh hahaha….atat ka ata” sambit ko.
“hahaha….hindi naman tol” si Manong.

“tira muna bago kwento” si Major Pain.
“teka eto na eh addict” sambit ko.

Pumadyak ulit ako pagkatapos ko makipagkwentuhan saglit, halos lahat ng andon nag-aabang sa gagawin ko, inaabangan ang mangyayari kung mabubuo o hindi ang isang trick sa mataas na tubo ng malinis at swabe, nang malapit na ulit ako sa tubo at napansin ko yung paa ng tubo eh tumalon ako agad para hindi sumabit yung gulong ng deck ko, habang nasa ere ako bigla kong pinihit ang katawan ko pa-180 at sakto ang patong ng deck ko sa tubo dahil may narinig na naman akong .

“tiiiiiiinnnnnnnnngggggg!”

Kaya’t tuloy-tuloy ang dulas ng deck ko sa ibabaw ng tubo, lahat parin ay nag-aabang sa susunod na mangyayari kaya ang buong paligid ay tahimik na kulang na lang ay hindi huminga ang lahat ng saksi at nanonood, nang napansin kong malapit na ko sa dulo ng tubo ay alam ko na ang aking gagawin, ang ipihit agad ng pa-fakie ang out kapag matatapos na ang pag-slide ng aking deck sa tubo, nang mapansin kong nasa dulo na pala ko ng tubo ay bigla kong pinihit pa-fakie ang deck kasama ang katawan at nai-roll away ko ang trick na aking ginawa at feel na feel ko ang out na ginawa ko, pakiramdam ko parang hand rail ang tinirahan ko ng trick kasi angas out ang ginawa kong out, medyo suplado pa ang dating ko kasi hindi ako kumibo kahit patuloy ang roll away ko sa ginawang trick sa mataas na tubo kaya’t namangha ang lahat ng saksi at nag-aabang sa ginawa ko.

“wwwwwwwwwwwwhhhhhhhhhooooooooooaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!” sigaw nilang lahat.

Sa buong buhay ko first time kong mapuri ng ganon na kahit simpleng trick o masasabing basic trick lang siya iba ang impact kapag ang ginawa mong trick ay ubusan at malinis kaya’t hindi ako makapaniwala sa ginawa ko, hindi ko rin inasahan na ganon ang mangyayari sa mismong araw na yun pero isang bagay ang pumasok agad sa isip ko.

“sa wakas nabuo ko rin, eto pala ang kapalit ng pagpupursige ko sa skateboarding, akala ko hopeless na ko magkaron ng new trick pero nagkamali ako dahil naghihintay lang pala ng pagkakataon ang sarili ko sa ganong bagay, kahit huminto ako sa skateboarding hinding-hindi ko makakalimutan ang isang bagay na na-achieve ko”

Pagkatapos ng pangyayari ay huminto ako para kunin ang deck ko at naglakad papunta sa mga nakasaksi ng aking ginawa, habang papalapit ako ay sinalubong ako ni Manong at Major Pain para makipaghigh five.

“yeeeeeeaaaaahhhhh! ang galing pre, swabeng swabe ang pagkaka-out mo tol” si Manong.
“yun oh ang ganda ang out pre, malinis sabi ko sayo ganon lang eh” si Major Pain.

Habang papalapit ako kay Mr.Clean ay hindi maalis sa mukha niya ang ngiti dahil sa kanyang nasaksihan .

“yes! na ko mukhang kailangan ko na tawagin ang lahat ng santo dahil sa ginawa mo, sayang lang hindi ko na-videohan yung tira mo” si Mr.Clean.
“okay lang po kuya, may next time naman po para don” sambit ko.

“uy papainom na yan mamaya” si Mr.Impossible.
“nice tol, ang ganda ng pagka-out mo mabagal pero ubusan” si Mr.Kickflip.

“hindi ko expect na maa-out ko basta ginawa ko lang bigla saka sinagad ko yung kaya kong gawin” sambit ko.
“i-consistent mo na lang tol yung boardslide mo tapos isunod mo na agad yung regular out para dalawa na yung out mo pag natira ka ng boardslide sa tubo” si Manong.

“ano drew ikaw naman, wala ka pala eh” pang-aasar ni Major Pain.

Hindi kumibo si Drew dahil alam niyang tama si Major Pain kaya’t umupo na lang siya sa isang sulok para hindi mahalatang napahiya.

Pagkatapos kong marinig na asarin ni Major Pain si Drew ay saka ako umupo bigla sa gutter dahil nakaramdam ako ng pagod at pressure sa sarili kaya’t nagpahinga muna ko saglit, pagkatapos ng ilang minuto saka ako tumayo ulit para maglaro dahil feeling ko hot skate talaga ko kaya’t dali-dali akong pumunta sa malapit sa tubo, nung susubukan ko ulit yung ginawa kong trick na nabuo ko eh nabitin yung ollie ko dahil hindi ko nai-shift masyado kaya yung nose ng deck ang tumama sa tubo, akala ko maisasampa ko pero kumalas din kaya nagulat ako pati narin si Mr.Impossible.

“masyado kang advance, kakabuo mo lang nung boardslide eh noseslide naman ang gagawin mo, saka mo na gawin hehehe…” sambit niya.
“nabitin yung ollie ko kaya yung nose lang ang tumama sa tubo, boardslide talaga gagawin ko” sambit ko.

“sa ibang araw mo na gawin, inubos mo lahat ng lakas mo sa isang trick eh” si Mr.Impossible.
“oo nga pala no, sabagay pagod narin talaga ko kaya hindi na ko makatalon ng maayos” sambit ko.

“basta saka ka na mag-noseslide kapag kaya mo na, uy una na ko makikilaro ako sa inyo kapag okay na yung injury ko” si Mr.Impossible.
“uy sige ingat pre” si Manong.

“uy una narin ako” si Mr.Kickflip.
“uwi ka narin ba pre? sige tol ingat” si Major Pain.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

wala pang time para i-update yung karugtong, pasensiya na :yes:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Pagkatapos magpaalam ni Mr.Impossible at ni Mr.Kickflip ay isa-isa naming kinuha yung mga obstacle para itabi dahil hindi na namin kaya maglaro pa dahil sa maghapong kakatalon sa mga obstacle, pagkatapos naming mailigpit lahat ng obstacle ay naupo muna kami sa gutter para makapagpahinga at makapagrelax dahil talagang ramdam na ramdam namin ang pagod sa katawan.

Habang nagpapahinga ay hindi nawala ang ngiti ko dahil sa isang bagay na nagawa ko ng araw ding iyon dahil akala ko hindi ko kaya ang isang bagay na minsa’y inisip ko na imposible talagang mangyari pero nagkamali pala ko ng inisip minsan ay akala ko hindi ko talaga kaya pero once na sinubukan ko na kahit hindi ko alam ang susunod na mangyayari ay magugulat na lang ako sa dahil kaya ko naman pala.

Lumipas ang isang linggo at ganon parin ang routine namin sa tuwing naglalaro kami, kuha ng obstacle na gagamitin kahit yung iba ay hindi nagagamit madalas saka para konti lang ang itatabing obstacle kapag tapos na maglaro, isang hapon nung naglalaro kaming apat, ako, si Major Pain, Manong at Condura warm-up palang at hindi pa kami nag-iinit magskate ay may nangyari sakin na hindi maganda, nakakailang tira palang ako sa tubo para magpainit ay hindi ko inaasahan ang mangyayari sakin, pa-take off ako nun at nung malapit na ko sa paa ng tubo ay bigla akong tumalon para hindi tumama ang gulong ko, akala ko ay naipatong ko ng tama ang gagawin kong trick pero saka ko lang naramdaman na mali ang patong ko nung hindi ko naramdaman na dumulas sa tubo ang deck ko, ang nangyari nag-180 lang ang pihit ko at sa kabilang side ako sumemplang, pagkatapos ng tagpong iyon doon ko naramdaman na masakit ang semplang ko, nung nakita nila akong sumemlang ay biglang lumapit si Major Pain at Manong para tanungin ako.

“uy pre, okay lang?” si Major Pain.
“ah oo ayos lang ako” sambit ko.

“ano ba kasi ang nangyari at na-bail ka” si Manong.
“hindi ko nga alam eh, tama naman ang pihit ko akala ko sakto sa tubo yung patong ng deck ko yun pala eh hindi kaya ayun bail ako, hindi ko nabigatan yung paa ko sa bandang nose kaya ganon ang nangyari” sambit ko.

“ay kaya naman pala eh, huwag mo kakalimutan sa tuwing titira ka ng boardslide eh dapat ready na yung bigat ng front foot mo para kapag nakapatong na eh hindi ka magugulat para tuluy-tuloy ang slide” si Manong ulit.
“tandaan mo lang lagi yung sinabi ni Manong para hindi ka magkamali lagi” si Major Pain.

“sige, tatandaan ko lahat ng sinabi niya kapag nakalimutan ko eh magtatanong na lang ulit ako” sambit ko.

Hindi ko na tinuloy ang tumira sa tubo dahil na-trauma ako kaya sa ledge na lang ako tumira para hindi masayang ang laro ko kesa naman nanonood lang ako maghapon, palubog na ulit ang araw kaya kanya-kanya kaming bitbit ng obstacle.

Pagkatapos magligpit ay.

“tambay muna tayo sa tindahan” si Manong.
“sige ba, tutal hindi pa naman late ang oras” sambit ko.

“tatambay pa kayo sa tindahan?” si Condura.
“oo, sama ka?” si Manong.

“sige kayo na lang tol, may pupuntahan pa kasi ko” si Condura ulit.
“sige ikaw bahala” si Major Pain.

Nung nasa harap na ng tindahan.

“uy ilang pop ang iinumin natin?” si Major Pain.
“isa lang muna bilin natin, kapag bitin eh bili na lang ulit ng isa” sambit ko.

“pero tingin ko kulang sating tatlo ang isa” si Manong.
“ay oo nga pala hehehe…malakas nga pala uminom ng pop si Major Pain” sambit ko.

“hahaha….natumbok mo tol” si Manong.
“hehehe….hindi naman, sakto lang” si Major Pain.

“sakto ka dyan eh terminator ka nga ng tubig eh” sambit ko.
“baliw ikaw din kaya hahaha….” si Major Pain.

“terminator lang ako ng tubig hehehe….” sambit ko.
“sige sabi mo eh hehehe….” si Manong.

“tubig o softdrinks pareho din yun” si Major Pain.
“nyak hindi kaya hahaha….magkaiba sila kasi yung tubig walang kulay, ang softdrinks meron” sambit ko.
“sige sabi mo eh” si Major Pain.

“hehehe….” ako ulit.
“tara na nga sa tindahan at nauuhaw na talaga ko” si Manong

“okay tara na” sambit ko
“eh kanina pa tayo nagtatalo dito eh dapat umalis na tayo agad” si Major Pain

“hehehe…..tara na nga sa tindahan ng matigil ka” sambit ko
“hahaha…..di naman” si Major Pain

Nang nasa tindahan na kaming tatlo:

“uy ano nangyari sayo kanina at na-bail ka? si Major Pain
“hindi ko nga rin alam kung bakit eh” sambit ko

“baka nailang ka bigla kaya hindi mo na tinuloy pero pinilit mo parin” si Manong
“hindi ko pinilit, sigurado akong hindi kasi tama naman yung posisyon ng paa ko at siniguro ko yun bago tumalon” paliwanag ko

“yaan mo na, malas ka lang ngayon kaya ganon ang nangyari” si Major Pain
“hay…..siguro nga hahaha…” sambit ko

Nang medyo nagkatamaran na:

“uy tara na, inaantok na ko eh” si Manong
“inaantok ka dyan, gusto mo lang umuwi para makapag-online ka pa” sambit ko

“hehehe…” si Manong
“pagkatapos niya mag-online ako naman ang susunod” si Major Pain

“sige tara uwian na” sambit ko

Malalim na ang gabi, nakahiga na ko sa higaan pero ayaw paring dalawin ng antok kaya’t nagisip muna ko ng kung ano-anong bagay bago matulog pero naisip ko na naman ang bagay na pinagduduhan ko sa sarili, hanggang kailan ba talaga ko magskate?



Hanggang kailan ako mag-eenjoy, at hanggang kailan ako makakabuo ng bagong trick, ang tanong hindi ko parin alam, araw at panahon lang makakapagsabi bago ko tuluyang huminto sa bagay na gusto ko.



- - - Updated - - -

post ko na lang agad yung kasunod kapag natapos ko na yung next part :yes:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Ako gusto ko talaga mag rollerblades kahit 32 na ako kaya lang wala na ako makitang nag ro rollerblades di na kasi uso eh ,pero gusto ko pa rin talaga para exercise na rin
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Ako gusto ko talaga mag rollerblades kahit 32 na ako kaya lang wala na ako makitang nag ro rollerblades di na kasi uso eh ,pero gusto ko pa rin talaga para exercise na rin

uso pa rin sir kaso bihira ka lang makakita, rollerblades pa rin sports ko kahit 33 na ko :alright: ika nga age is just a number, sorry kung late ang update nito :thanks: sa pagbasa
 
Back
Top Bottom