sali ako sa kwentuhan dito. ang dami doubters dito grabe utak ng pinoy puro hila pababa lang hilig gawin. 3 years na ako sa globe dsl umulan umaraw bumagyo stable ang connection (unless may kinakalikot sa poste, minsan isang taon may 2-5 hours downtime). dati ako 1mb 999 wired dsl no phone, sarap na sana kaso nagkaron ng fair use policy 3gb per day at nagrereset kinabukasan. pero itong promo sinamantala ko, bayad lang ako 550 1 time sa upgrade to 3mb 999 (7gb per day daw cap pero di ko pa nararamdaman, never pa bumagal, di ko maubos yung 7gb kahit puro HD pinapanood ko tapos may kasabay na downloads). 2.55mb down at 850kb up lagi test, nakalagay kasi ako sa 3mb port sa poste tapos may overhead, mga tropa ko 3.3mb down sila kasi sa 5mb port sila nakalagay. binigyan nga pala ako extra wifi modem, gamit ko pa rin yung luma, may pamalit ako kung magluko yung dati.
yung 2 tauhan ko nilagyan ng 999 LTE sa mga bahay nila, nung una 14mb down 9mb up pero after few weeks naging normal na 3mb (saktong plan nila). wala pa lte dito samin kaya nag stay ako sa dsl. tapos dsl din dun sa isa ko tauhan plan 2mb 1299 with landline, daily cap is 5gb, nadadale lang nila kapag nag download sila ng mga anime sa torrent, babagal tapos kinabuksan 2mb na ulit.
ako at mga tauhan ko naka pldt dsl dati, puro plan 1299 768kb. sakin normal ang speed. dun sa isa pinasarap ng 6 months 3.5mb speed, download speed nila 400kb mahigit. lahat kami sabay sabay piniste ng PLDT, lahat kami .02mb speed test sa loob ng 2-3 buwan, halos di maka login sa facebook, tinawagan ko na lahat ng kumpare ko sa pldt walang nagawa pati customer service nganga. tindi pa sa penalty ng singil kapag late ng bayad. dun sa 2 ko pa tauhan 1 week mabilis tapos piniste na din agad...
pagkaalis namin sa pldt, sinubukan ko rin bigyan ng 999 wimax plan yung 2 tauhan ko, eh minsan mabilis 2mb, pero gabi gabi napuputol ng 6-7pm tapos bumagal na ng bumagal na halos di na rin maka login sa facebook. LTE na sila ngayon at 2 months na wala pa ako problema. sabay sabay nagyoutube mga anak nila di na uso buffer hehehe
kung PING naman problema mo sa online games, inilipat ko sa globe dsl 2mb 1299 plus landline itong dota gamer na kapitbahay ko mula sa 1299pldt nila. 3 months na siyang MASAYA sa paglalaro, noong pldt dsl siya di makalaro ngawa lang ngawa sa facebook na lagi sya kick/drop/lag etc.
dont get me wrong mahusay ang PLDT (di lang consistent serbisyo sa lower plans and some) and i believe kung may pera ka, you get the best sa PLDT FIBR. pero kung pldt regular dsl, ang dami ko kakilala na pc shops bumabayad ng 5500-6000 monthly pero di sulit, nagddc or times na mabagal etc, partida business plan pa sila. Pero meron din naman ako kakilala na shops sulit naman sa PLDT dsl plan 1699-2300 di business line pero naglalaro speeds nila sa 1.5-2.3mb sapat na sa kanila kaya di sila lumilipat. may telpad pa sila.
in the end, mukhang sakop pa rin ito ng fair use policy 7gb per day which is sobra sobra kahit sa tulad kong heavy downloader, GTAV 17gb sa ps3 nadale ko na din ito, slow lang gabi (nung 1mb pa ako, mga 1 week), lalo na siguro sa new 3mb plan ko. ngayon mabilis na, di na uso ang buffer sa youtube kung 480p lang... at pinakamaganda nito bago ako nalipat sa 3mb nabigyan ako ng globe rebate 130 per month, so bale 870 ako monthly for 1 year.... kung may doubts ka ok fine stay with your plan ano naman samin hehehe. kung super kuripot ka naman, malamang kuntento ka na sa pagnanakaw ng internet gamit ang tabo mo, bato bato sa langit ang tamaan di naman siguro apektado...
http://www.speedtest.net/my-result/3048987894
peace to everyone, shinare ko lang experience ko saya saya