Good day!
I hope nasa right thread ako, newbie lang po.
i really need someone to talk to. It feels like mababaliw na ko pag di ko to na-burst out.
Seaman po si bf, he left last february 2012. nagtetext po sya everytime nagkakasignal ung roaming sim nya, and tumatawag din sya pag nakakabili sya ng load pagbaba ng barko.
April 6 2012, he texted me. sweet sya, saying i love and i miss you. April 9, 2012 he called me up, ok din naman, walang problema, kinukumusta nya ko. Then april 10, 2012 he texted me, he said hindi na sya masaya. i asked if he has another, sabi nya wala. Hindi na lang daw talaga sya masaya and he's not sure if mahal pa nya ko.
Un ang sinabi nya. Ang masakit, parang ganun na lang nag-end lahat. Pinaglaban at pinigilan ko sya, pero he said hayaan na lang daw namin na panahon ang magsabi kung kame talaga.
He ended our relationship na almost 1year kong iningatan. I'm not even sure kung babalikan pa nya ko, or magigising na lang sya isang araw na hindi na nya ko maalala.
Ung phone ko, pinagamit ko sa kanya coz he said wala daw sya source of entertainment dun. nasa cargo ship kasi sila, and walang net connection. September pa uwi nya and i don't know kung pano kukunin un phone ko. importante saken ung phone na un kasi gift un ni mama saken. I let him used it kasi never ko naman narealize na iiwan nalang nya ko.
Help. I really don't know what to do.