Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[H] * The Food and Beverage Thread * (Look for Change logs)

Nakatulong ba tong thread sayo?.

  • Oo..

    Votes: 27 87.1%
  • Hinde..

    Votes: 5 16.1%

  • Total voters
    31
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

ginutom ako sa thread mo sir :D

BTW, bakit ang sarap sarap ng lechong cebu? anong meron?
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

salamat po malaking tulong po ito.. like ko po talaga ang pagluluto..
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

astig nito :salute:

isa akong hamak na kusinero lamang sa isang di kilalang hotel dito sa cebu

anong hotel sa cebu :unsure:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

bookmark ko to..need ko new recipes para sa new year..:excited:

salamat sa share ts, wew..kahit papano nabawasan iniisip ko sa ihahanda ko sa bagong taon..

 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

It was a year before I've decided to bring this thread of mine up. Gonna share something again. Hope that I won't get any infra for this.

ginutom ako sa thread mo sir :D

BTW, bakit ang sarap sarap ng lechong cebu? anong meron?

the marination itself. and the crispiness of the skin. :)

salamat po malaking tulong po ito.. like ko po talaga ang pagluluto..

np. :3

astig nito :salute:


anong hotel sa cebu :unsure:

harolds tska shang mami. :3
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

Recipe: Seafood Steamed Rice

Brief explanation: Hmm, eto yung paborito kong lutuin kapag umuulan. Pampainit ng kalamnan kumbaga. Madali lang to. And swak sa budget.

Ingredients:

• shrimp
• creamdory (or kahit anung white meat fish)
• squid
• white onions
• garlic
• rufina patis (or any fish sauce you like)
• cooked or steamed rice
• tap water
• slurry (pinaghalong cornstarch at tubig)
• ginger (use this if you want that tingling taste)
• spring onions
• salt & pepper to taste

Procedure:

• i-gisa sa pan ang garlic, onions and ginger. isunod ang squid, shrimp at fish. lagyan ng tubig at pakuluan ng 3 mins.
• timplahan sa naayong lasa gamit ang rufina patis at salt & pepper.
• kapag malambot na ang squid, lagyan ng slurry hanggang sa maging sticky ang sauce. (wag mashadong ramihan dahil magiging maja blanca kalalabasan nyan)
• after mong makuha ang gusto mong taste and texture, i-set aside.

• magluto ng kanin gamit ang steamer or rice cooker (mas maganda ang kalalabasan kung steamed talaga ang rice)
• ilagay sa isang chinese or normal bowl ang rice pagkaluto neto. (make sure na fit na fit ung rice para hinde mabuhaghag tingnan)
• ibuhos na yung seafood mixture na ginawa mo kanina on the top of the rice. and sprinkle the spring onions. yun na. simple lang diba?. :lol:

Note:

• napakadaling maluto ng squid, shrimp at fish. don't over cook it since may tendency syang maging stretchy. kapag naging pink na yung color ng squid at shrimp, it means cooked na sya.
• kung gusto mo namang medyo dark ng onti ang sauce, you can put oyster sauce or soy sauce.

cheeers ~
 
Last edited:
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

Recipe: Grilled Squid

Brief explanation: Eto yung variation ko, and sa tingin ko masarap naman. Usually, pang pulutan ko eto. :)

Ingredients:

• squid (kahit anung size)
• worcestershire sauce (kahit anung brand, lea perrins gamit ko but you can use the silver swan's old english)
• tomato
• white onion
• ginger
• spring onions
• brown sugar
• salt & pepper
• toothpick (pang secure ng stuffing)

Procedure:

~Squid

eto yung different parts ng Squid <- Click Here

• linisin ito, tanggalin ang nasa loob ng katawan nya. mag-ingat na di mabasag ang inc sac nya para di ka mashadong matagal sa paglilinis.
• tanggalin din ung "beak" nya. (mas malaki ang squid, mas malaki ang beak nya)
• maker sure na wag ibabad sa tubig ang squid. (magtutubig kasi eto, and mas matagal lutuin)
• i-set aside.

~Stuffing

• hiwain ang tomato, onion, spring onions and ginger into small cubes. (kayo na bahala sa cutting nyo, pwede nyo namang i-minced or shredded)
• pagkatapos mahiwa, paghaluin sila sa isang bowl at lagyan ng worcestershire sauce, brown sugar at salt & pepper. timplahan sa naayong panlasa.
• i-set aside for about 10 mins.

~Assembling

• ilagay ang ginawang stuffing sa loob ng squid.
• yung sauce nung stuffing ay pwede mong ipahid sa squid mismo.
• i-secure gamit ang toothpick.
• hiwaan or lets just say, sugatan ang squid ng horizontal para mas madali maluto ang nasa loob neto.

~Cooking

• lutuin gamit ang uling. lutuin hanggang 10 to 15 mins.
• isunod ang ulo neto.
• yun na. :v

Note:

• kung malaki ang squid, biyakin ang ulo neto para madaling lutuin.
• wag nyong i-oover cooked ang squid dahil magiging stiff eto.
• masarap na sawsawan para dito is, soy sauce - onions - sili labuyo - calamansi - and konting native suka.
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

mark, gusto ko ng talaba, kahit anong luto. :rofl:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

at ibulgar ang pangalan ko?. hahaha. oh eto.

Recipe: Baked Oyster

Brief explanation: kelangan mo ng salamander oven or pwede na ring simpleng oven lang kung magluluto ka neto.

Ingredients:

• fresh oyster (piliin mabuti, kasi ung iba jan me amoy na)
• butter (anchor gamit ko dito since mabango sya kapag naluto)
• fresh milk (konti lang ang kelangan)
• white wine (optional)
• cheese (it's either parmessan or quickmelt. the difference is the parmessan has this strong aroma and taste and the quickmelt is purely cheese. mild taste, mild aroma. and mas mahal ang parmessan :3)
• spinach (tama spinach nga. masarap to pramis. pero optional lang kasi medyo may kamahalan)
• parsley (eto gamitin nyo kung ayaw nyo ng spinach, this will add the green color to your dressing)
• roux (naipaliwanag ko na to dun sa prev post ko)
• salt & pepper

Procedure:

~Cleaning

• magingat sa paglilinis neto.
• me nabasa akong article patungkol dito at ito yun <- Click me.
• sundin lang ang mga steps.
• pagkatapos linisin, i-lagay muna sa ref para maretain ang freshness.

~Dressing

• i-melt ang butter gamit ang skillet or pan sa mahinang apoy (pag malakas ang apoy, magaamoy at maglalasang sunog ang butter. try nyo. :))
• habang nagmemelt, i-chop yung spinach or parsley ng pinong-pino.
• ilagay ang fresh milk pagkatapos ma-melt ang butter. patayin ang apoy. haluin ito at isama ang spinach or parsley.
• lagyan ng roux. (for thickening)
• isunod ang white wine.
• timplahan naayon sa panlasa.
• i-set aside.

~Assembling

• ilagay ang dressing sa ibabaw or ang meat side ng talaba.
• i-toppings ang napiling cheese, make sure that it is grated.
• i-salang sa oven ng 8 to 10 mins, or until sa magka kulay brown ang cheese.
• yun na. :)

Note:

• wag magmadali, it takes time ang pagprocess ng food.
• madaming variations neto, this is the simplest way to do it.
• kainin habang mainit pa. :)
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

master duhast sample recipe naman ng masarap na gagamitan ng flamebeing. tsaka sa procedure na di dapat direkta ang pag lagay ng wine sa pan baka sumabog. so transfer ko ba like sa plastic glass yong wine?

tsaka anong masarap na wine gamitin for flamebeing white or red?
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

master duhast sample recipe naman ng masarap na gagamitan ng flamebeing. tsaka sa procedure na di dapat direkta ang pag lagay ng wine sa pan baka sumabog. so transfer ko ba like sa plastic glass yong wine?

tsaka anong masarap na wine gamitin for flamebeing white or red?

1. Pork Loin Chops w/ Apples (ipopost ko after neto)
2. you can transfer it into different containers such as microwavable plastics or stainless cup.
3. hinde effective ang white and red wines or cabernet sauvignon and chardonnay to be specific sa flambeing. gumamit ka ng wines like cognac, brandy at whiskey.

Note:

• use brandy for fruits, desserts or pastries. cognac and whiskey for meats.
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

salamat master!

antayin ko yang recipe mo
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

thanks..done leeching..:lol:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

leeching talaga georgie?. haha.

eto na pareng home..

Recipe: Pork Loin Chops w/ Apple

Brief explanation: dito mo mashoshowcase yung flambeing mo. usually niluluto to in-front of the guest. show cooking kumbaga.

Ingredients:

• pork loin chops (mas manipis ang cut, mas madali maluto.)
• ground black pepper
• all purpose flour
• butter
• onions
• american lemon or calamansi (lime juice lang naman ang kailangan)
• apple
• heavy cream or all purpose cream
• salt

Procedure:

• i-tenderize ang meat kung makapal ang pagkakahiwa, kung manipis naman ay wag nalang.
• pagkatapos, pahiran ng lime juice at lagyan ng salt & pepper. i-dredge sa flour.
• sa isang pan, i-melt ang butter sa mahinang apoy. at i-sear ang pork one side at a time only. hanggang mag brown lang ang each side ay pwede na ito.
• i-set aside kasama ng pinagprituhan na butter.

~Sauce

• magmelt uli ng butter sa pan.
• i-gisa dito ang onions hanggang sa mag-caramelized ito. golden brown kumbaga. (mas marami mas masarap. wag lang mashadong marami. :salute:)
• dahan dahang i-lagay ang brandy. mag-fflambe eto. (take note: hinde gagana ang flambeing kung hinde mainit ang pan na ginagamit. make sure na mainit ito before mag flambe.
• lutuin ito hanggang sa mawala ang apoy.
• i-add ang apples at heavy cream. patayin ang apoy. (kundi mo papatayin ang apoy, malamang magbibilog yang cream mo.)
• keep stirring it for about 3 minutes. take note ulit, wag na wag nyong iboboil.)

~Assembly

• ilagay sa pan ang loin chops at ibuhos d2 ang sauce. pwede mo nang i-boil d2 ng 1 min para ma re-heat ang meat.

Note:

• nasa itaas na yung mga notes.
• nasa sainyu kung susundin nyo.
 
Last edited:
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

makikikain na rin dito...wala bang free taste Master Duhast?
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

wow aus to aa sarap nmn tumambay dito nkakabusog :excited:
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

mkapag aral ngang magluto :3
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

#wehdinga
 
Re: [H] * The Food Lover's Thread *

TS I need set's of food eh. gusto kong maging vegie.
nasusuka nakasi ako sa lasa at texture ng baboy beef/pork.. but then hindi ko ma resist yung chicken meat. . . kaso ganun din ahaha minsan nauumay ako pag hindi whole cook yung meat.
yung tipong lumalabas na yung buto after fried lutong luto dapat.

Target ko sana Vegie tapos may chicken meat konti, nag ggym din ako kaya massive eating yung ginagawa ko araw araw. isang kaldero kanin kaya kong kainin ahaha.

kaso medyo wala akong alam sa mga affordable vegie's food ngaun eh, nakikita ko kasi puro social na food wala akong pakielam sa design/plating and etc. ahaha ayoko kasi mukhang maganda yung food nakinakain ko. . . yung tipong hindi sobrang ganda tama lang. . .

May ma sshare kaba dyan na food set's?
 
Back
Top Bottom