Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Help naman po mga kasymbianize, kasi may gusto po ako na babae sa trabaho

zackster11

Apprentice
Advanced Member
Messages
68
Reaction score
0
Points
26
:pray: help naman po mga kasymbianize, kasi may gusto ako sa katrabaho ko na babae, bale nasa manila branch siya ako naman nasa luzon branch. Nagstart ako magkagusto sakanya nung time na nagkaroon ng team building yung company na pinapasukan namin. Every weekend ko po siya chinachat. Lagi ko syang napapatawa sa chat pero minsan kahit hindi nakakatawa yung usapan tawa parin siya ng tawa...wierd. Tapos meron yung time na pangalawang beses ko siya tinanong kung may plans ba siya uli sa saturday or sunday....ang sabi niya meron, kasi birthday daw uli ng isa pa niya na pinsan, tapos ang sabi pa niya sakin, busy daw siya hanggang june kasi may ginagawa daw siya.

....ang tanong ko po kung dapat ko pa ba siya tanongin uli kung may plano ba siya ulit ng weekends?
....kung sabihin niya sana na wala siyang plano during weekends, yayain ko sana siya lumabas.
 
Diretsuhin mo nalang TS, na kung may free time siya yayain mo sana lumabas, kain, mamasyal, etc., minsan may mga babaeng sinasabi na may lakad o busy, pero totoo wala, naghihintay na ayain sila. Goodluck TS. Mas ok nadin siguro na ikaw ang unang gumawa ng move at mabuti na yun tinry mo kaysa nganga sa huli. :salute:
 
tama yung nasa taas ko ts... na dapat diretsohin mo na... kung pwede mag dinner. . yayain mu ts na kumain sa labas... basta ikaw na gumawa ng DISKARTE...
 
lakas lang ng loob kaylangan TS. pero tatlo lang ang dahilan kung bakit ayaw makipag hangout sayo ng girl:
1. either may BF sya.
2. hindi sya interested sayo.
3. hindi nya priority ang lovelife.

Peace :D wag ka panghinaan ng loob ^_^ keep on trying dude.
 
Try mo ganito Ts. puntahan mo xia dun sa branch nila,.. kunyari may dinaanan ka lang dun sa lugar tapos pag-andun ka na sabihin mo kita kayo kahit saglit lang tapos yun instant date na tapos magtapat ka na hehehe
 
direct to the point ka sa kanya baka mamaya may kasabay ka pala sa panliligaw maunahan ka,,mas malala if my bf n
 
Wag ka tanong ng tanong baka makulitan lang. If she wants to go out with you gagawan niya ng paraan. So kung laging hindi pwede then that must mean something. Usually, kapag gusto ka ng babae, she will give you an alternative date or time frame. But since wala, mag set ka ng time frame mo whether 3 strikes you're out or give it a month or a month and a half before you throw in the towel.
 
Diretsuhin mo nalang TS, na kung may free time siya yayain mo sana lumabas, kain, mamasyal, etc., minsan may mga babaeng sinasabi na may lakad o busy, pero totoo wala, naghihintay na ayain sila. Goodluck TS. Mas ok nadin siguro na ikaw ang unang gumawa ng move at mabuti na yun tinry mo kaysa nganga sa huli. :salute:

pero sinabi niya po na busy siya hanggang june :upset: , kaya pano ko po siya aalukin lumabas? dapat ko na po ba itigil ito? dapat ko pa po ba siya imessage? ang kuwan lang po kasi parang july ko pa ata siya mayayang lumabas
 
Bilang isang lalaki, if you're up for the thrill and challenge, just tell her that you like her. Not love, but like. Gusto kita ika nga. Start from there. Kung sabihin man nyang hindi pwede dahil sa kung anong reason e tanggapin mo na lang. Pero kung ok lang sa kanya e pwede ka na umakto na nanliligaw. Kahit gaano pa kapangit ang isang lalaki, basta magaling magsalita at maaasahan, lalo na at mapera, gaano man kalalim ang kamote, mahuhukay at mahuhukay mo din.
 
:pray: help naman po mga kasymbianize, kasi may gusto ako sa katrabaho ko na babae, bale nasa manila branch siya ako naman nasa luzon branch. Nagstart ako magkagusto sakanya nung time na nagkaroon ng team building yung company na pinapasukan namin. Every weekend ko po siya chinachat. Lagi ko syang napapatawa sa chat pero minsan kahit hindi nakakatawa yung usapan tawa parin siya ng tawa...wierd. Tapos meron yung time na pangalawang beses ko siya tinanong kung may plans ba siya uli sa saturday or sunday....ang sabi niya meron, kasi birthday daw uli ng isa pa niya na pinsan, tapos ang sabi pa niya sakin, busy daw siya hanggang june kasi may ginagawa daw siya.

....ang tanong ko po kung dapat ko pa ba siya tanongin uli kung may plano ba siya ulit ng weekends?
....kung sabihin niya sana na wala siyang plano during weekends, yayain ko sana siya lumabas.

Rekta na yan TS ask her out. Ang labo kasi ng tanong mo. Lage yang may plano kung di ka niya type at kung type ka niya magkacancel yan ng plano to be with you.

Pero bago mo kasi muna yayain ng date nagresearch ka ba? May bf na ba yan? Kung meron. Good. Titigil ka na. Kung wala next step is yun nga yayain mo magdate. Pag lage ka sopla eh di wala na yan. Move on na.
 
Back
Top Bottom