may mga tulang kailngan gamitan ng imagery, meron naman kailngan ng matinding talinhaga at mayroon din naman kailngan maging witty. Pero minsan kailngan din nilang maging simple.
Hindi Madaling Sumulat ng Tula Para Sa'yo
Hindi madaling sumulat ng tula para sa'yo sinta.
Nahilo na sa kaka-ikot ang mga salita.
Kailangan bawat letra ay akma
Tila isang love story na tadhana ang may akda.
Bawat angulo, maayos man o magulo,
Maingat kong tinitignan
Baka sakaling may linyang matyambahan
At ngiti sa labi mo'y makamtan.
Hindi ko alam kung ano ang tema,
Hindi madaling humanap ng tugma.
Basta't ang alam ko, nais kitang tulaan.
Tulang magpapakilig sa'yo mula paa hanggang bumbunan.
Walang sandaling hindi ka tumambay sa aking isip.
Walang sulyap mo ang hindi nakapagpabilis ng aking pintig.
Walang pagkikitang hindi ako nahirapang itago ang kilig.
Walang gabing hindi ko ninais na ikaw ang maging panaginip.
Sa aking tingin akin nang naipabatid,
Ang mensaheng naipon sa aking dibdib.
Gamit ang tulang walang magarbong damit
Simple pero rock, gaya ng aking pag-ibig.

for reading!