Hanggang sa huli
Isang normal na araw sa bahay. Lahat ay nasa sala para manood ng telebisyon bitbit ang kani-kanilang mga kape at gatas habang ako eto naghihintay sa banyo.
Sampung minuto ang lumipas at nakapasok na rin at makakaupo na sa trono. Binuksan ang cellphone at hinanap ang larong pamapalipas oras habang ang karga'y binabawas.
"Ting!"
Isang matulis na tunog na naghuhudyat na may mensaheng dumating. Galing pala kay Yna, oo nga pala sabi niya sa akin kagabi magkikita kami sa lugar kung saan namin unang sanabi ang mga katagang naging sanhi ng kaligayaha't pagkasawi.
Nagbibihis na, isinuot ang t-shirt na pula. Umaasang sa pula ay may swerteng dala. Nagpabango at ang buhok ay iniayos ayon sa kanyang gusto.
Nalulungkot pero kailangan kong gawin to, para sa akin at para sa bukas ko.
Nakaupo na akong nag-aabang sa coffeeshop, di mapakali sa bawat segundong lumilipas. Tatlong oras akong nauna sa usapang dapat ala una pa.
Hindi ko malaman ang gagawin sa loob ng ilang buwan na siya ang aking kapiling ngayon ako itong mag-isang nakikipaglaban sa lungkot at pasakit na idinulot ng mga panaginip na hindi dapat ako nagpaakit. Mahirap maiwan ng walang sapat na dahilan, masakit na di mo alam ang desisyon sinampal mula sa kawalan.
Eto na siya, papasok sa pinto bakas sa mukha ang pekeng ngiti at totoong lungkot sa likod nito. Wala pa ring nagbago simula noong huli naming pagkikita maliban sa hindi na kami magkatabi dito. Sa pagtitig ko sa kanya'y parang wala lang nangyari pero ramdam namin pareho ang sakit sa pagkikitang bunga ng pagkasawi.
Marami akong tanong pero sagot niya ay ngiti. Gusto ko siyang yakapin pero eto ako sa titig na lang ang pananabik pinapawi. Wala na akong karapatan hagkan ang kanyang mga pisngi, hawakan ang kanyang mga kamay, lagyan ng asukal ang kanyang kape at hawiin ang kanyang buhok na hinangin sa mukha niyang noo'y nakangiti.
Nakayuko siya at di ako matitigan. Sa loob ng isang oras ako lang may boses at pinapanindigan.
"Bakit di ka lumaban?"
Ibinuhos ko ang lahat sa desisyon kong ito at binigay ko ang bawat tamis na tutulo mula sa pagsisikap ko mapangiti ko lang ang isang tulad mo.
"Gusto lang kitang makita."
Ang tanging mga salitang di ko pinagsasawaang marinig mula sa kanya kahit noon ito'y paulit-ulit na. Natigilan na ako sa aking mga sinasabi, tumigil din sa pagtibok ang puso kong ilang buwan nang naliligo ng kape, at ang mga luha ko'y nanggigilid sa tuwa't lungkot na sumagi.
Hinalikan na niya ako at niyakap ng mahigpit, ang init ng bawat dampi ng balat namin na matitikman ko sa huling saglit. Sa huling pagkakataon meron akong baon na kailanma'y di ko mauulit kahit bilhin ko pa'y walang wagas na yakap na aking makakamit.
Sa paghihiwalay ng aming mga labi ay siya namang kanyang paglayo, palabas ng pinto, di ko namalayan sa gulat, sa kamay ko'y nakaipit, isang sulat na kung saan inilahad niya ang kanyang gustong sabihing sa aki'y sasapat.
"Mahal kita pero kailangan kong panagutan kung sino ang nauna kahit di ko pa siya mahal, mas mahal ko lang talaga ang anak ko kaya pipiliin ko na lang na ako ang masaktan kaysa babaguhin ko pa ang kanyang nakasanayan. Kung napaaga lang ang iyong pagdating malamang ikaw na sana ang kasabay ko bukas sa altar. Paalam."
Sa bawat masasakit na salita at nangyari sa kanila alam kong maghihilom din ang lahat kapag pagpapatawad ang mauuna. Masakit para sa akin pero naiintindihan ko, kahit makipaglaban pa ako alam kong sa laban na to ako ang talo, lalaki lang naman akong nagmamahal sa babaeng iniwan ng at akala'y mapuputol na ang kaniang ugnayan.
Eto na ako ngayon sa eroplano makalipas ang wala pang isang araw, mahirap din palang tumupad ng pangarap niyong dalawa ng mag-isa. Eto na ako sa eroplano papalayo sa lahat at tatakas dapat sa humuhusga sa aming dalawa. Ang pangdalawahang pagkakaton ay tinupad kong nag-iisa at walang pag-asa, ito ay sa araw ng kasal niya mismo para matandaan naming pareho na masakit ang maiwan at mang-iwan ng totoong taong minamahal.