Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Hindi Madaling Sumulat ng Tula Para Sa'yo

may mga tulang kailngan gamitan ng imagery, meron naman kailngan ng matinding talinhaga at mayroon din naman kailngan maging witty. Pero minsan kailngan din nilang maging simple.







Hindi Madaling Sumulat ng Tula Para Sa'yo


Hindi madaling sumulat ng tula para sa'yo sinta.
Nahilo na sa kaka-ikot ang mga salita.
Kailangan bawat letra ay akma
Tila isang love story na tadhana ang may akda.

Bawat angulo, maayos man o magulo,
Maingat kong tinitignan
Baka sakaling may linyang matyambahan
At ngiti sa labi mo'y makamtan.

Hindi ko alam kung ano ang tema,
Hindi madaling humanap ng tugma.
Basta't ang alam ko, nais kitang tulaan.
Tulang magpapakilig sa'yo mula paa hanggang bumbunan.

Walang sandaling hindi ka tumambay sa aking isip.
Walang sulyap mo ang hindi nakapagpabilis ng aking pintig.
Walang pagkikitang hindi ako nahirapang itago ang kilig.
Walang gabing hindi ko ninais na ikaw ang maging panaginip.

Sa aking tingin akin nang naipabatid,
Ang mensaheng naipon sa aking dibdib.
Gamit ang tulang walang magarbong damit
Simple pero rock, gaya ng aking pag-ibig.


:thanks:
for reading!

:hat:
 
parang yung mga tula mo dati :lol: refreshing :yes:
 
Aling tula?

:thanks: sa pagbasa.
 
aNG GALING NMAN.... CLAP CLAP
 
solid to ah! :salute: tama si jef refreshing yung ganito :naughty:
 
sa gitna ng masalimuot na mundo. Nang mga nagpapatalbugan sa make up at moda ng damit na chix, masarap makakita nung simpleng ganda. yung pulbo lang at lipgloss panalo na. haha.. :thanks: sa pagbasa kapanalig.
 
Last edited:
Back
Top Bottom