Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

How I Protect My PC: A Noob’s Guide for Fellow Noobs

PadrePio

 
 
The Patriot
Veteran Member
Messages
635
Reaction score
15
Points
178
How I Maintain My PC: A Noob’s Guide for Fellow Noobs

By PadrePio
(written exlusively for Symbianize)




I am a software junkie. I like trying out new applications even if I don’t really need them. The problem is, I’m still a noob when it comes to computers. Halimbawa, noong Sabado ko lang nalaman na ang ibig sabihin pala ng mobo ay motherboard. :rolleyes: Now being a software junkie and a noob at the same time is dangerous for your PC’s health. And I learned it the hard way. My PC got infected with worms, trojans, malwares and viruses. (Bacteria lang ata ang hindi nakapasok.) Naging asthmatic din ito. Ultimo pagbukas lang ng Notepad ay hingal na hingal na at ang bagal. Hanggang sa tuluyang magka heart attack na nga ito---nag crash ang Operating System (OS) ko.

Dahil sa eksperyensiya kong iyon, ay nagsimula akong magbasa-basa dito sa Symbianize. At sa aking pagsasaliksik ay marami akong natutunan. Sa awa ng juice ay naka-recover at naging healthy ulit ang PC ko. Naging masigla na ito at nawala rin ang asthma kaya’t nakakatakbo na ito ng mabilis ng hindi hinihingal. At higit sa lahat ay maayos na ang lagay ng puso nito; malayo nang ma-stroke ulit.

Ito po ngayon ang gusto kong ibahagi sa mga katulad kong noobs--- kung paano ibalik sa dating sigla ang namumutla at nananamlay nating mga computer. Gusto ko i-share sa inyo ang tamang pagmentena ng ating mga PC upang maiwasan ang mga impeksiyon na nagdudulot ng pagbagal at pagbagsak ng performance nito. Bilang konting paalala, lahat po ng mga nandito ay base lamang sa aking sariling experience at pagsasaliksik. Pero makaasa kayo, fellow noobs, na proven safe po ang lahat ng guide na nandito. I highly recommend that you follow all of them. :hat:

Computer wiz ka ba? Pro? Genius? Kung oo, huwag na pong tumuloy sa pagbabasa at mababagot ka lang. Alam mo na lahat ito.

Noob ka ba tulad ko? :hyper:

Hindi kumpleto ang kaalaman? :hyper:

O konti lang ang alam? :hyper:

O talagang walang alam? :slow:

Huwag mag-alala, huwag mahiya, may karamay ka. :buddy:


Kaibigan, tara! Basa tayo. :nerd:
 
Last edited:
Re: How I Maintain My PC: A Noob’s Guide for Fellow Noobs

So What’s the First Step? Kaliwa? O kanan?




PC DEFENSE


Mapa-offline or online man ang ating PC ay hindi pa rin maikakaila ang katotohanang ito: Naglipana ang mga masasamang elemento sa paligid---mga virus, trojans, worms, spywares, malwares at hackers. Our PCs are prone to attacks. At kapag may umaatake dapat may depensa po tayo. Kung si Pangulong Arroyo ay parating may nakabantay na PSG kahit magbabawas lang ng sama ng loob sa banyo, bakit hindi pwede ang PC?

Amigos, meet my PC’s elite Presidential Security Group. :D



I. Windows Updates

Nangunguna ito sa listahan ko dahil taliwas sa paniniwala ng karamihan, napakalaki ng papel na ginagampanan ng Windows Updates sa security and overall performance ng ating PC. Make sure that your computer has all the CRITICAL UPDATES recommended for your Operating System (OS) and browser. Ang properly patched OS ang pinakauna nating depensa laban sa mga masasamang elemento.

Properly patched OS? Aguy, dinugo man ang ilong ko. Ano bang ibig mong isabaw sa bihon?

Ang ibig ko pong sabihin ay kailangan dzinyuwayn at hindi pinirata ang kopya ng OS mo.
Teka, pano mo nalaman na pirated nga ang OS ko at sa bangketa sa Quiapo ko lang nabili? Stalker ka ‘no?

Hindi po. Hindi kasi nag-uupdate ang OS mo kaya’t nalaman kong pinirata yan. Kung hindi nag-uupdate ang PC mo ay magiging vulnerable to attacks yan. Delikado. Makakapasok ang mga monsters galing kalawakan. :panic:
Ano na’ng gagawin ko ngayon? Hindi na safe sa masasamang elemento ang PC ko. T_T

Don’t worry, be happy. Lahat ng problema'y kayang lampasan, sabi ni Buloy, basta't merong tindang alak diyan sa may tindahan. :toast: May orasyon akong ituturo sa iyo para maging dzinyuwayn ang OS mo. Hawoom, hawoom! Makasigi sigi oowah! Hawoom, hawoom! Pakibigkas po iyan ng paulit ulit habang tinitingnan mo ito:

courtesy of amigo niwrehscs
Code:
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=1598713&postcount=1
courtesy of kristianastignacute
Code:
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=365628&postcount=1

Sundin lamang po ang instruction ng maigi. Kung nagawa mo nang maayos ang proseso at tama ang bigkas mo sa orasyon ay magiging dzinyuwayn na ang OS mo. At pag dzinyuwayn na ay maguupdate na ito. At pag mag-update na ito ay nailatag mo na ang unang depensa laban sa mga masasamang elemento.
SP1? SP2? SP3? Nakakalito naman ire!

Ala ey, hindi naman ika masyadow. Sa mga Windows XP abusers, este, users tulad ko, IT IS A MUST, IT IS IMPERATIVE that your XP be upgraded to at least SP2. SP2 and higher affords more security for your PC. Kung SP2 na ang XP mo, aba’y mahusay. Kung SP3 na, aba’y mahusay na mahusay!
Poor lang kami,walang internet. Pano na maa-update ang dzinyuwayn OS ko niyan?

Simple lang. Huwag munang kumain ng tanghalian sa loob ng isang buwan at i-save ang pera pampakabit ng internet. Mas maigi nang magutom kesa naman sa mapasok ang PC ng masasamang elemento. Matitiis mo ang gutom pero ang PC mo hindi matitiis ang virus. Ngunit datapuwa't subalit kung hindi mo naman kayang magsacrifice para sa pinakamamahal mong PC, may alternatib medisin tayo diyan---ang manual update. Punta ka sa computer shop sa kanto at magdowload ka ng updates sa Microsoft website.
Code:
[URL="http://v4.windowsupdate.microsoft.com/en/default.asp"][B]Windows Update[/B][/URL]

I-save muna ang downloaded updates sa usb at saka i-install pagdating sa bahay. Try to visit the said site at least once a month to make sure that your PC is fully updated. Lalo’t higit ang mga CRITICAL UPDATES.

Kung nagkakaproblema ka sa pag-update, nalilito, nagugulumihanan at hindi alam kung saan patungo ang buhay mo, punta ka sa Microsoft Support. Huwag ng maghagilap ng pamasahe papuntang Amerika. Click mo na lang ito.
Code:
[URL="http://support.microsoft.com/?scid=ph;en-us;6527"][B]Help With Windows Update[/B][/URL]


II. Antivirus

Ito ang sunod na layer of protection ng PC natin. Kung ihahalintulad ang PC sa isang Lord Knight sa Ragnarok Online game, ang Windows Update ang hawak nitong kalasag at ang Antivirus naman ang balute na bumabalot sa buong katawan nito. Kung wala siyang suot na balute ay kahit sanga ng bayabas lang ang ihambalos sa kanya ay pwede na niyang ikamatay. Ganoon kaimportante ang balute sa Lord Knight. Ganoon kaimportante ang Antivirus sa PC.

My recommended Antivirus:
  • Kaspersky Internet Security 7
courtesy of mr. vagalance
Code:
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=500200&postcount=1
Ito po ang gamit ko ngayon. Fully satisfied ako sa serbisyong ibinibigay ni Kumpareng Kaspersky. I highly recommend this. Although kung medyo may pagka pagong, turtle o pawikan ang PC mo, I suggest you use another antivirus dahil medyo nagdedemand ito ng mas mataas na memory. Sobrang talino kasi niya.
  • ESET Smart Security
courtesy of niwreschs
Code:
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=1543889&postcount=1
Based on reviews by fellow Symbianizers, very light daw ito (di ko lang alam ang eksaktong timbang), hindi resource hog at higit sa lahat, mabisa. Kung hindi ko lang naging kumpare si Pareng Kaspersky, ito ang gagamitin kong Antivirus. Highly recommended ko din po ito.
  • ESET Nod32
courtesy of brawler07
Code:
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=1563748&postcount=1
Based on reviews by fellow Symbianizers, maganda rin daw sabi nila. Pinsang buo ito ni ESET kaya’t tiyak kong mabisa din ito. Mabagsik sa lamok, este, sa virus ang kanilang bloodline. Kaya’t lamok, este, virus ay seyguradong teypok.

IMPORTANT NOTE:

Siguraduhin lamang na updated parati ang Antivirus na gamit ninyo dahil kung hindi, ang usefulness nito ay next to nothing.

Eh wala nga kaming internet eh! Poor lang! Pano mag-update?

Tulad ng sa Windows Update, pwede rin ang offline updating sa mga Antivirus. Pakitignan ang links na ito para sa tutorial kung paano.
  • Kaspersky
courtesy of Black22Knight
Code:
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=1256690&postcount=1
  • ESET NOD32
courtesy of agaxent
Code:
http://www.symbianize.com/showpost.php?p=1176140&postcount=1

*Hindi ko pa natse-check kung paano ang offline updating sa ibang mga antivirus. Although I am quite sure that the process is more or less similar to Kaspersky’s and Nod32’s offline updating process.

ANOTHER IMPORTANT NOTE:

DO NOT, UNDER ANY CIRCUMSTANCES, INSTALL TWO ANTIVIRUS IN THE SAME PC. DO NOT. HUWAG PO. PLEASE. MAAWA NA KAYO. KOWYA ‘WAG PO, ‘WAG PO. KOWYA! DARATING NA SI ATI! ‘WAG PO!




Tapos na ba?

Hindi pa po. Wala pa tayo sa kalahati. Ipapahinga ko lang saglit ang aking murang katawan. Sunod nating tatalakayin ang tungkol sa
a. Firewall , ang dalawang klase nito (hardware and software firewall), at ang aking recommended Firewall program for your PC.
b. Anti-spyware/anti-malware tools para sa PC mo, ang tatlong klase nito (real-time blocking, after-the-fact scanner, at non-realtime protection no scanner), ang magandang kombinasyon na dapat gamitin, ang step-by-step na installation, at ang aking recommended anti-spyware/anti-malware programs for your PC.
c. Recommended cleaning, maintaining and optimization tools for your PC
d. Et-sobrang-dami-pa-cetera.
Pahabol lang. Ano ba yung noob?

Hindi ko rin alam eh. Noob lang ako. :noidea:


That’s it for today, fellow noobs. Ako po ulit ang inyong abang lingkod, PadrePio, :hat: ang manunulat na walang maisulat, ang padreng walang parokya ngunit maraming parokyano, na nagsasabi’t nagpapa-alala:

Ang PC nyo’y wag gawing parausan,
May nabubugbog din itong katawan,
Marupok na damdami’y nasasaktan,
Kaya’t sana’y mahalin, alagaan.
 
Last edited:
Re: How I Maintain My PC: A Noob’s Guide for Fellow Noobs

Very correct and written with good humor!

Sulong Amigo! :thumbsup:
 
Re: How I Maintain My PC: A Noob’s Guide for Fellow Noobs

:D Amigo, thanks. :hat:

OT: kumusta pala? madalang na lang ako bumisita sa mobile section kaya di na tayo nakakapag-interact. Hehe..
 
Great thread! Very useful father! Ibibless ka niyan ni bro! Hitting thanks ASAP that i can use pc..
 
magaling!... magaling!... magaling!... :thumbsup:

maraming salamat sa iyong ibinahagi amigo :buddy:
 
Its a miracle! N0 father its windows dEfEndEr! Hahaha ang galing mO po! Well said and well d0ne!
 
Ayos to bro pio! Hehe masasabi ko lang delete mo lang ang linya na mababagot mga computer pro dito kasi nakakaaliw basahin hehe masyadong makata :thumbsup:
Just an additional note since marami sa mga tao dito ginagamit ito at di naman alam ibig sabihin.
Noob - a kind of PC lingual also known as newbie.
History:
(Padre Pio hehe naibigay mo lord knight as an example kanina diba? Well eto interesting fact!) "Noob" word originated from the game "Ragnarok Online EU/International" which refers to a newbie ingame.
Newbie = Novice
Novice = Noobise as some other people from other country pronounce which then led to the word noob in a period of time.
P.S
Hehe bakit ko alam? I was playing Ragnarok international on the year 2000 closed beta period up to year 2005 :lol:
 
Re: How I Protect My PC: A Noob’s Guide for Fellow Noobs

Ayos to bro pio! Hehe masasabi ko lang delete mo lang ang linya na mababagot mga computer pro dito kasi nakakaaliw basahin hehe masyadong makata :thumbsup:
Just an additional note since marami sa mga tao dito ginagamit ito at di naman alam ibig sabihin.
Noob - a kind of PC lingual also known as newbie.
History:
(Padre Pio hehe naibigay mo lord knight as an example kanina diba? Well eto interesting fact!) "Noob" word originated from the game "Ragnarok Online EU/International" which refers to a newbie ingame.
Newbie = Novice
Novice = Noobise as some other people from other country pronounce which then led to the word noob in a period of time.
P.S
Hehe bakit ko alam? I was playing Ragnarok international on the year 2000 closed beta period up to year 2005 :lol:

yup noob originate in the online game "RAGNAROK"
NAKUHA SA BAGUHAN NA NEWBIE WELL EXPLAIN ^_~

FIRST SERVER KO IS "CHAOS" THAT WAS YEAR 2005 THEN DATI DIABLO II ANG GAME KO THEN NAG SWITCH DITO..
HALOS TANGHALING TAPAT SOBRANG LAGG THAT TIME SA RAGNAROK KASI OVER 20k PLAYER ANG NAGLALARO.. HAYZ SARAP LARUIN ULI ^_~
 
Last edited:
:clap: kumpadre mi amigo ok to ah bilang noob at wala pa masyadong alam sa pc ok to guide na rin :thanks:
 
Gracias everyone for appreciating. :hat:

Next part will be posted soön.
 
Last edited:
father galing ba kay bro yan? heheehe si father sinermonan tayu ng nagjojoke hehehe :lol:
 
Padre maraming salamat po sa kaalaman sa sinulid na ito na iyong ibinahagi.:salute:
 
gracias por su amabilidad y ser parte de la symbianize
gracias
gracias amigo..
adios
 
Re: How I Protect My PC: A Noob’s Guide for Fellow Noobs

Padre maraming salamat po sa kaalaman sa sinulid na ito na iyong ibinahagi.:salute:
Walang anuman, amigo. Ang makapagbahagi ng kaalaman sa iba ay nagbibigay din sa akin ng kaligayahan. :)

gracias por su amabilidad y ser parte de la symbianize
gracias
gracias amigo..
adios
uh... Salamat din po? :unsure:
 
hmmm maka read nga ito gusto ko kasi ehehe
 
Back
Top Bottom