Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

How to control our baby's tantrums?

Moreign

Proficient
Advanced Member
Messages
204
Reaction score
6
Points
28
Goodafternoon po symbians! I just like to ask for a piece of advice from you my fellow parents. I have a toddler po which is turning 3 years old this coming July. And, we just noticed lang po na may attitude na sya, spoiled. I don't know but my toddler is really spoiled especially to her grandparents (wife's side). May attitude yung toddler ko na what my baby wants, my baby gets. Like for example nasa mall kami, and no plans of going to any amusement section but my baby would suddenly bring out her attitude inside the mall like literally crying for an amusement park. I understand, bata pa and what they only want to do is to play and play. But my point here is I don't my child to think that she can get whatever she wants, I know you are getting my point. It is just kinda hard for me kasi sometimes there's this feeling na nakaka guilty kapag hindi mo napagbigyan yung bata. And also, my toddler can already say the word G**O. I remember when we were in a supermarket and there was this amusement section and my baby shouted G**O when we're telling here na uuwi na kami. Of course, the people are all shocked and I don't know some are actually laughing, but for me, it was embarrassing, really. Me and wife are guilty that whenever we have conversation we usually say the word G**O as an expression. Help me please to control my toddler's attitude, I know many of you here are experiencing this or maybe have overcome this kind of situations. I am here to listen. Thank you.
 
Last edited by a moderator:
Discipline starts at home. Kung ano nakikita at naririnig ng bata, eventually, pumapasok din sa utak nya subconsciously at ginagaya nya. Kung lagi nyang naririnig ang G**O sa bahay pa lang, it follows, gagawin at gagawin nya yan sa labas ng bahay yan. Kung pano sya lumaki sa bahay, ganun din ugali nya sa labas. Kayo din mapapahiya dahil hindi tama ang pagpapalaki nyo sa bata. People will surely say, sinong magulang nyan? Learn to control/manage her at home. Hindi lahat ng gusto nya binibigay, may mga limit din yan. Kung nasanay syang maging spoiled, learn to change your treatment to her (don't spoil her). Of course may mga consequences yan sa pagbago nyo nang trato sa bata, iiyak or lalong magtatampo or whatever man yan, masasanay din yan and in the long run, magiging mabuting anak din yan. Good Luck!
 
Last edited by a moderator:
Mukhang spoiler kayo eh. Lalaki ng suwail yan. Magiging sakit sa ulo nyo yan at pag nagkataon maagang mabubuntis yan. MARK MY WORDS.
 
Grabe ka po, may mark my word pa.
 
Yung pagwawala sa mall, i think thats normal para sa mga bata ..wag nyo nalang munang isama sa mall siguro ..and about sa attitude naman siguro kuya dapat ngaun tanggalin na yang pag kunsinti sa bata, ipaalam mo sa kanya na hindi lahat ng gusto nya makukuha nya ..turning 3 palang yan hintayin mo mag 4 yan hahaha ..lalu na ..IGNORE yan gawin mo, alam kasi ng bata na once na umiyak sila makukuha na nila gusto nila, tiisin mo hayaan mo umiyak,nakakarindi pero titigil din yan PROMIS ...den usap pag relax na sya ..
 
Thank you, ewan ko sa baby ko alam nya kung pano magpaawa hahaha. Anyway i'll take all your advice guys.
 
Hi moreign

one reason kaya nagiging spoiled ang anak mo is maybe because of her grandparents. let's admit, nagiging comfort zone nila ang grandparents because hindi naman halos nagdidisiplina ang mga lolo at lola ng apo eh. if you are living together with your in-laws then its a hard job na disiplinahin ang bata kasi once na mapagalitan mo yan, takbo agad yan sa lolo at lola. one of the best way to cut that off is to live separately. kapag nakita ng anak mo na wala na syang kakampi, slowly marerealize nyang sumunod sa mga gusto nyo. as for the cursing, damn dont let your child hear it. i am guilty of heavy cursing pero kapag nasa bahay hindi talaga ang nagmumura. or kung magmura man, halos pabulong lang or i see to it na hindi maririnig ng anak ko. by the way, i have a 2 year old daughter. my wife resigned from work and focused more on raising our daughter. it's worth it.
maybe this book can help you. "Kontento Ka Na Ba Sa Pagpapalaki Ng Anak Mo? Book (Yellow) Formerly: Unleash the Highest Potential of your Child by Vic and Avelynn Garcia". makakabili ka nyan sa National Bookstore or sa Lazada. Mura lang yan. may mga insights yan na i think makakatulong sayo. at least coming from a professional.

Good luck.
 
Finally, I've been waiting for this kind of thought. Hindi sa dahil yan din iniisip ko pero it makes sense. Siguro tama ka, siguro tama rin yung ibang naunang mag comment. I'm interested in that book, i'd look forward to buy that po hehe. Thanks sir!
 
Mukhang spoiler kayo eh. Lalaki ng suwail yan. Magiging sakit sa ulo nyo yan at pag nagkataon maagang mabubuntis yan. MARK MY WORDS.

@The Realest - kaya nga humihingi ng payo e. maayos na payo, hindi payong pang kantong ignorante. may nalalaman ka pang mark my words mark my words. wag mo dalhin dito ugaling kanto mo.

@Moreign - some ng advice dito, tama ignore mo lang BUT make sure na safe ang environment niya.. para kahit mag wala siya, hindi siya masasaktan or mapapahamak. dapat may authority ka din. There are lot of approaches how to handle baby's tantrums. Mapapayo ko lang is wag mo sundin lahat :) just follow kung ano yung suitable sayo and suitable sa environment ni baby. Since may "stubborn" attitude na si baby, don't say bad words to him/her. If tingin mo same pa din, I strongly suggest to bring your kid sa pediatrician to diagnose properly. Meron kasi medication to calm down kids, and suggest ko din after ng tantrums niya, paliguan mo siya ng warm water. It help the kid para ma relax and mag subside yung tantrums niya. Nurse ako, so may konting idea how to handle tantrums :)
 
LOL natawa nga ako dun sa comment na "mark my words" haha. i think wala pang anak yan or might as well ganun ang nangyari sa anak nya. i hope not.

by the way baka kailangan mo ding bigyan ng ibang pagkakaabalahan ang baby mo like watching nursery rhymes. at 1.5 years old, my daughter can already identify the alphabet, shapes, animals, colors. since 2 lang sila naiiwan sa bahay, way nya din yun para kahit papano maiwan nya saglit si baby sa crib. nakasilip lang yun sa tv hehe. so up to now kapag nagtatantrums sya, mapapatahimik lang yun somehow kapag binuksan ko na ang youtube. yun nga lang may balik din, masyadong nagiging dependent ang bata sa palabas, na kapag nag ooffline ang internet namin, ayun iiyak na. so i need to save videos sa flash drive just in case mag offline. but we make sure na hindi totally dependent ang bata sa technology. ayun nilalabas din namin at pinapaglaro sa arcade or kasama ng mga ibang bata sa kapitbahay.
 
gusto ko yung last part mo "hindi totally dependent sa technology" :) ganyan dapat balance. lalo na sa panahon ngayon, grabe mga bata pag dating sa tablet and technology
 
Mukhang spoiler kayo eh. Lalaki ng suwail yan. Magiging sakit sa ulo nyo yan at pag nagkataon maagang mabubuntis yan. MARK MY WORDS.
- Sino ba magulang ng batang ito? Bakit parang masama ang tingin sa kapwa nya?

^Ganito yung iniiwasan nateng masabi sa mga anak naten.

Anyway TS, yung anak namen, lola/lolo din nagbabantay habang nasa work kame ni misis. Pero kinakausap ko sila. Kung may mga ayaw kame na nagagawa nila. Lalo na sa pag"Spoil" sa bata. Laging may pasalubong / pagkain / regalo. Ang ginagawa namen, hindi na namen ipinapakita sa bata na binili sya o may binigay sa kanya. Kung laruan, nilalagay na lang namen sa mga laruan nya. Kung pagkain, sinasabay na lang sa pagkain nya. Baka kasi laging magexpect ang bata sa mga bigay.

Tantrums, tama yung ibang reply. Hayaan mo lang. BUT, make sure na kausapin mo sya after nya umiyak. Pero as much as possible, ibahin mo na topic.
Ex. Naghahanap ng tablet or phone (may oras dapat) para manood, pag nagttantrums na sya, hayaan mo lang. Tabihan mo lang pero wag mo pansinin. Pagtapos nya umiyak, ayain mo lumabas ng bahay para maglaro. Pag masaya na sya ulit, kausapin mo. Di naten alam kung naiintindihan na nga ba nila pero malay naten diba? hehe.

Sana nakatulong.
 
Maraming salamat po sa lahat ng advice. Hirap lang talaga kami makisama sa parents ng wife ko kasi everytime na naririnig nilang umiiyak ang bata sinasabi nila na pinapabayaan namin. Kapag sumagot kami sakanila, sinasabi nila nagmamagaling kami. Kapag sinabi ko na, nabasa ko po kasi online ganito daw po dapat at marami nag aaggree. Sasabihin nila hindi lahat ng nakikita sa computer ay totoo, mas maniwala kayo sa kasabihan ng matatanda kasi napagdaan na namin. Alam nyo yung ang hirap! Ako mismo, kayang kaya ko gawin lahat ng mga na advice dito sa thread ko pero takot ako ay masabihan ako ng masakit at dumating sa punto na sumagot ako sa magulang ng asawa ko at magbunga ng mas matinding conflict. Sana nababasa nila to. Pero I'll let my wife tell this to her parents na lang siguro para at least alam din nila.
 
kasi iba na yung generation ng mga bata ngayon kesa dati. Naalala ko dati, umiiyak ako at nag mamaktol sa magulang ko kasi HINDI AKO MAKAPAG LARO SA LABAS, HINDI AKO MAKAPAG LARO NG AGAWAN BASE, TAGUAN, etc... ganyan tayo dati which is sobrang healthy and na develop talaga socialization natin.. ngayon kasi ang mga bata mostly, iiyak yan dahil HINDI MAKA GAMIT NG TABLET, HINDI MAKA NUOD NG T.V, HINDI MAKA PAG YOUTUBE TO WATCH THEIR FAVORITE PROGRAMS. see the difference bro? iba yung dati sa ngayon, and as much as possible ayaw natin maging "tech zombie" mga anak natin. siguro pwede mo explain sa kanila yan hehe
 
Maraming salamat po sa lahat ng advice. Hirap lang talaga kami makisama sa parents ng wife ko kasi everytime na naririnig nilang umiiyak ang bata sinasabi nila na pinapabayaan namin. Kapag sumagot kami sakanila, sinasabi nila nagmamagaling kami. Kapag sinabi ko na, nabasa ko po kasi online ganito daw po dapat at marami nag aaggree. Sasabihin nila hindi lahat ng nakikita sa computer ay totoo, mas maniwala kayo sa kasabihan ng matatanda kasi napagdaan na namin. Alam nyo yung ang hirap! Ako mismo, kayang kaya ko gawin lahat ng mga na advice dito sa thread ko pero takot ako ay masabihan ako ng masakit at dumating sa punto na sumagot ako sa magulang ng asawa ko at magbunga ng mas matinding conflict. Sana nababasa nila to. Pero I'll let my wife tell this to her parents na lang siguro para at least alam din nila.

don't tell you inlaws na nabasa mo sa internet blah blah. they will totally disagree. mag-aaway lang kayo nyan. don't argue with them. the reason why i got my own house ay para iisa lang ang reyna at hari ng bahay. it should be me and my wife only. meaning i am my own boss pagdating sa bahay. i understand your situation. mahirap yan. tapos inlaws pa. iba kasi talaga ang panahon ngayon compared before. tama si ilocin26 we belong to a generation where playing outside the house is our only option. batang 90's din ako eh.
 
Goodafternoon po symbians! I just like to ask for a piece of advice from you my fellow parents. I have a toddler po which is turning 3 years old this coming July. And, we just noticed lang po na may attitude na sya, spoiled. I don't know but my toddler is really spoiled especially to her grandparents (wife's side). May attitude yung toddler ko na what my baby wants, my baby gets. Like for example nasa mall kami, and no plans of going to any amusement section but my baby would suddenly bring out her attitude inside the mall like literally crying for an amusement park. I understand, bata pa and what they only want to do is to play and play. But my point here is I don't my child to think that she can get whatever she wants, I know you are getting my point. It is just kinda hard for me kasi sometimes there's this feeling na nakaka guilty kapag hindi mo napagbigyan yung bata. And also, my toddler can already say the word G**O. I remember when we were in a supermarket and there was this amusement section and my baby shouted G**O when we're telling here na uuwi na kami. Of course, the people are all shocked and I don't know some are actually laughing, but for me, it was embarrassing, really. Me and wife are guilty that whenever we have conversation we usually say the word G**O as an expression. Help me please to control my toddler's attitude, I know many of you here are experiencing this or maybe have overcome this kind of situations. I am here to listen. Thank you.

Ako po ay isang ama rin na tulad mo sir. As a parent po, kelangan talaga tayo ang mag control sa ating mga anak whenever or whatever your child like but in the end tayo pa rin ang huling mag decide what to do to our child. Kung magpapadala ka sa emotions ng anak mo, makukuha nya ang gusto niya either good or bad for your side. Gagamitin nya yun hanggang siya ay lumaki at hindi lang ang tantrum gagawin nya kundi mas mabigat pa para dyan. So what I recommend you to do is hayaan mo siya mag tantrum, kahit nakakahiya pa sa publiko but you start the control po sa bahay. Pagalitan mo siya, wag mo ibigay ang hinihiling nya palagi, sabihin mo na lang na isa yun na praktis para sa bata mo para lumaki na mabuti. Ganito sabihin mo "DI KAMI UUWI! NAAINTINDIHAN MO?!" or "MAG WILD KA DYAN, WALA KAMI PAKI! WAG KANG BASTOS BATA KA! MAKAKATIKIM KA SA AKIN" , alamin mo ang bata ninyo kasi kayo rin kasi magsasama sa buhay/bahay. Wag mo ilagay sa sarili ninyo na ang bata magkontrol sa inyo, bata yun, wala pa sila sa stage na matured so let them do the tantrum, hayaan ninyo at wag magpadala. Kung nakakahiya sa madla, hiya lang yun, mas nakakairita at pagdudusa na ganun na lang lagi ang bata. Sa bata ko kasi ganun siya dati, ngayon hindi na, ganun lang ginagawa namin ng misis ko. Wag ka maguilty, mas nakaka guilty yung lumaking "G**O" ang anak ninyo.

Furthermore, about inlaws, sabihin mo sa kanila na "kami ang parents ng bata, hindi kayo so kami ang mag decide what is good for them at hindi kayo". Wag kang maging puppy sa kanila, be a bulldog or else ikaw pa magiging sunod sunuran imbes na ikaw ang parents ng bata na siyang nagkokontrol. Mga inlaws ko? Naku ganun talaga sila, sulsulera at nagsasabi pa ng mga masasakit na salita like pabaya, walang kuwenta, palaasa sa iba. Soon, you will get used to it and they (your inlaws) do the same thing.
 
Last edited:
Well, hindi ko lang na express ng maayos yung payo ko. Pero may sense yun kung i aanalyze nyo :) Tska nyo lang matatandaan yang sinabi ko pag nangyari na yan :) Good luck :)

- - - Updated - - -

- Sino ba magulang ng batang ito? Bakit parang masama ang tingin sa kapwa nya?

^Ganito yung iniiwasan nateng masabi sa mga anak naten.

Sino ba magulang nito bakit parang masama agad tingin nya sa kapawa nya?

the irony XD

Ang gusto nyo kasi magagandang salita ang pakinggan nyo, as usual spoiled brat eh. gusto nyo pniplease kayo ano? lol

- - - Updated - - -

Wag ka maguilty, mas nakaka guilty yung lumaking "G**O" ang anak ninyo.

ang harsh mo naman po :thumbsup:
 
Last edited:
Back
Top Bottom