Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

How to make your own home solar. With Pictures + solar book

Mga master tanong ko lng kung pwede bang ilagay na tubig sa battery ung distilled na wilkins bumili ako distilled water sa battery shop ay ang dumi malatak baka lalong masira ang batttery ko ..salamat po
... halos lahat yata dito sa thread ni ma'am TS ay ito ang ginagamit... dapat ay walang lumot at latak...

old-wilkins-label-design.jpg


absolute-290x218.jpg
 
Salamat sa rply buti na lng di ko na lagay solar master po gamit ko 100ah and 100w solar 20amp pwm controler .
 
PWM charge controllers from cdr king...

... as of Oct. 20, 2015, ito ang mga PWM scc na naka published sa website nila: http://www.cdrking.com/index.php?pr...controller&x=14&y=15&mod=products&type=search
34j3ihj.jpg

paano ko malalaman ang OK sa mga ito?... ang pinakamaganda ang user's feedback sa mga forums ay ang...

CHR-S028-LYE (LS1024R) at CHR-S030-LYE (CM50)

how about yung iba?... TIP: Kung pwedeng tingnan ang specs sa manual, ang OK na PWM scc ay dapat included ang mga sumusunod:

* Boost charging voltage
* Equalize charging voltage
* Float charging voltage
* Low voltage reconnect voltage
* Low voltage disconnect voltage

... kapag included ito sa specs, ang ibig sabihin ay three-stage charger sya at may feature na low voltage disconnect/reconnect... ang mga features na ito ang pinaka-importante sa PWM scc.

- - - Updated - - -

Digital Voltmeter DC:0-100V Three wires ... nasunog!

... share ko lang ito... from solar power FB group, posted 10/20/2015...

"Byebye na 100v DC voltmeter
Installed 10pm, burned 7:25am
Buti nalang naamoy ang usok.
Ingat-ingat mga ka-solar."


1o547k.jpg


... sa nasabing post, hindi binanggit ang specs ng digital voltmeter na nasunog, kaya nag-google na lang ako...

Digital Voltmeter DC:0-100V Three wires

Specs:
Minimum input: 4V
Maximum input: 30V
Measurement range: DC 0-100V

Wiring Instruction:
Red line : Power Supply + (4-30V )
Yellow line: Measure Voltage +
Black line: Power Supply -, Measure Voltage-

Solar Power Specs:... according to the screen shot of the poster...
array power (W) 223.38
array voltage (V) 55.6
array current (A) 4

... sabi ng poster, kinonek daw ang voltmeter sa wire ng panel... sa tingin ko sa picture, parang pinagsabay yung "input wire" at "measure wire" ng voltmeter... then kinonek sa wire ng panel... eh ang input voltage ng voltmeter ay 4V - 30V lang.(according to specs) samantalang ang voltage ng panel ay 55.6V na... therefore, overvoltage ang nangyari... sa palagay ko ay nalito ang poster sa specs na "Measurement range: DC 0-100V"... akala siguro yun ang input voltage ng voltmeter... tingin ninyo?

actually, problema talaga ito sa mga instruction manual ng mga made in china... nakakalito talaga ang nakasulat na instructions... kaya doble ingat lang sa pag-konek konek, mga solar adiks...
 
Last edited:
Sino po dito ang naka try na ng modem na naka connect sa setup? Hindi po ba bibigay ang modem kapag umabot na ng 14v ang rating kapag nagchacharge? "
 
may tanong po ako ok lang po ba na ginagamit ko yung dc fan ko habang chinacharge ng solar panel yung battery naka clip po sa battery yung dc fan
 
Sino po dito ang naka try na ng modem na naka connect sa setup? Hindi po ba bibigay ang modem kapag umabot na ng 14v ang rating kapag nagchacharge? "
... as far as i can remember, si sir bongalzate ay 24/7 ang modem sa setup... sa opinyon ko, mas safe ang modem kung i-connect sa load terminal ng scc, at least medyo regulated na ang DC output doon... (warning! reverse polarity will destroy devices with no protection)... yung sa akin naman ay nakasaksak sa psw inverter ang adapter ng modem.

may tanong po ako ok lang po ba na ginagamit ko yung dc fan ko habang chinacharge ng solar panel yung battery naka clip po sa battery yung dc fan
yes, pwede gamitin ang dc fan habang chinacharge ng solar panel yung battery... however, kung biglang kumulimlim, hindi macha-charge ang battery... kasi priority ng panel ang load... meaning, ang Amps ng panel ay dadaloy muna sa load... kung meron pa matirang Amps, tsaka lang pupunta sa battery... in fact, kapag kulang pa rin ang Amps, sa battery na kukuha, kaya pwedeng ma-discharge ang battery.
 
yes, pwede gamitin ang dc fan habang chinacharge ng solar panel yung battery... however, kung biglang kumulimlim, hindi macha-charge ang battery... kasi priority ng panel ang load... meaning, ang Amps ng panel ay dadaloy muna sa load... kung meron pa matirang Amps, tsaka lang pupunta sa battery... in fact, kapag kulang pa rin ang Amps, sa battery na kukuha, kaya pwedeng ma-discharge ang battery.[/QUOTE]

ah ok po thanks po uli
 
sir poseidon...

7 inch lcd monitor connected to the load terminal of charge controller

xaa8z.jpg


... ganito naman ang actual experience ko... the lcd monitor requires 12VDC 1A... connected to the load terminal of the scc...ginagamit ko sya for more than one year already, running 12 hours every night.. wala naman problema up to now... (warning! reverse polarity will destroy devices with no protection)
 
how does solar hybrid inverter works they said that you will connect it to your outlet and you don't need to apply or change your electric meter paano po ang connection nito
 
how does solar hybrid inverter works they said that you will connect it to your outlet and you don't need to apply or change your electric meter paano po ang connection nito
afaik, yung hybrid off-grid lang ang hindi na kailangan mag apply ng net metering... kasi hindi naman sya mag-e-export ng kuryente papuntang electric company.

ang hybrid off-grid ay parang isang malaking UPS na may built-in charge controller... mag-a-atomatic transfer to solar power kapag full charge na ang battery or from solar power to grid power kung low batt na... hindi na kailangan kumuha ng permit sa electric company dahil off-grid pa rin sya... yung hybrid grid-tie setup ang kailangan mag apply ng net metering.

ito yung mga solar hybrid system ni da king:
http://www.cdrking.com/index.php?pr...+sine+wave&x=14&y=13&mod=products&type=search

12VDC led bulb ... ayaw nang umilaw?

28v6pab.jpg


share ko lang...

two times ko na na-experience... nata-tanggal lang ang pagka-solder ng negative wire sa parteng socket screw... re-solder lang ay OK na...
 
View attachment 1074281View attachment 1074282
eto po yung hybrid solar inverter ano po sa tingin ninyo worth to purchase or not
... mas mura yan kaysa kay da king, kasi modified sine wave ang inverter (mas mahal talaga ang pure sine wave inverter)... emphasize ko lang na pareho silang 24V... kaya need mo pa ng 24V to 12V converter para gumana ang mga 12V DC appliances (note: some hybrid inverters have built-in 12VDC terminals already).

add ko lang... dahil sa 24V ang input ng hybrid inverter, ang battery mo ay dapat dalawang 12V in series at ang solar panel ay dapat ay 36V ang maximum voltage (or dalawang 18V in series).
 
Last edited:
Ano po kaya problema nitong solar panel namin, walang ilaw ung controller namin ano kaya sanhi nito?
 
sir sasuke1012... re-read ko ulit... napansin ko ang sabi mo na "walang ilaw ung controller"... meaning, walang power ang controller or hindi nakakabit sa battery or patay na ang battery... therefore hindi solar panel ang problema... please update us kung ano talaga ang problema.
 
Outdoor E27 bulb socket and wire corrosion

29zu7av.jpg


... kapag naglagay ng 12VDC led bulb sa labas ng bahay, ganito usually ang mabibili na outdoor E27 lamp base... kapag ang wiring splice ay binalot lang ng electrical tape, sa katagalan ay pinapasok ito ng tubig ulan at ganito ang mangyayari (picture sa taas)... para maiwasan ito, dapat ay heat-shrink tubing ang gamitin na pambalot... pero kung electrical tape lang ang available, check na lang palagi kung dumidikit pa ang tape at hindi pa corroded ang dugtong.

... pinapasok din mismo ng moisture ang outdoor E27 lamp base... kinakalawang ito na minsan nagiging sanhi ng short... sa experience ko, effective na pambalot ang vulca seal.

... share ko lang...
 
Re: You want to make your own home solar? Pasok!

tama... ang PWM controller pala ay hindi pwede gamitin sa mga high voltage panels na pang grid tied... kasi hindi nya kaya na ibaba ang voltage ng panel na katulad ng voltage ng battery... dapat ay MPPT controller ang ginamit.

ahhh.. so kelangan din talaga match ang controller sa output voltage ng solar panel?.. like yung CHR-S028-LYE (LS1024R) solar charger ng cdrking eh ang max input voltage from solar is 50v lang.

alin ba dito ang output voltage ng solar?

KhAiZrH.png
 
Re: You want to make your own home solar? Pasok!

ahhh.. so kelangan din talaga match ang controller sa output voltage ng solar panel?.. like yung CHR-S028-LYE (LS1024R) solar charger ng cdrking eh ang max input voltage from solar is 50v lang.

alin ba dito ang output voltage ng solar?

http://i.imgur.com/KhAiZrH.png
... ang output voltage ng solar panel sa example mo ay ang "Voltage at Pmax (Vpm: 18V)"... so pag nag series ng 2 panels = 18+18 = 36V, ay kaya pa rin ng CHR-S028-LYE (LS1024R) solar charger (for 24V system).

Palaging tandaan na ang panel na pang-off grid ay may Vpm na 18V to 36V... at ang panel na pang grid-tied ay more than 36V na... therefore MPPT controller na ang kailangan.
 
Back
Top Bottom