Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Hu u?

"Daaamnnn!!!!" Sigaw ng babae sa isang mall. Halos natawag ang atensyon ng lahat ng nasa paligid. Kung ano ang dahilan, walang nakakaalam.

Natawa ako sa di ko maipaliwanag na rason. Pumasok siya sa bookstore at may kung anong espiritu ang nagdikta sa akin para sundan siya. Nakapagtataka, mahinahon na ang babae sa loob para bang wala siyang pakialam sa ginawa niyang eksena. Nag-ikot-ikot ako kahit wala naman akong bibilihin sa loob. Pero nakapako pa din ang isang mata ko sa babae. Naging instant stalker yata ang dating ko.

Napakunot noo ako. Kahit ang pinakasikat ng skin clinic di kayang alisin ang linyang nabuo dito. May dumaan lang na dambuhalang ale, nawala na sa paningin ko ang weird na babae. Dinaig pa ang teleportation ni Son Goku.

Inikot ko ang mga shelves pero di ko siya natagpuan. "Napakaweird niya." wika ko sa sarili. "Sumigaw na lang basta tapos ngayon naging invisible."

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ng weird na babaeng nakaupo sa sahig ng bookstore habang nagbabasa.

Naloko na. Nabuking pa yata ako. "Hindi ah." Tanggi ko naman agad. Parang akong politikong expert sa pagdedeny kapag may kasong kinasangkutan.

"Ok," sagot niya at muling nagbabalik sa pagbabasa.

Humagilap ako ng libro para makakuha ng tyempo at kausapin siya. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagsigaw niya. Pinalipas ko muna ang ilang saglit bago muli akong lumapit. "Try mo 'tong tutubi-tutubi ni Jun Cruz Reyes."

"Maganda ba 'yan?" Hindi siya tumingin sa hawak kong libro pero at least hindi nya ako dinedma.

"Magandang-maganda. Favorite author ko ang sumulat nito kaya hindi ka lugi kapag binili mo 'to."

"Bookworm ka ba o salesman?" Sa wakas tumingin siya sa akin.

"Hindi naman. Naadik lang siguro ako sa mga sinulat niya."

"Ok." Naging mailap muli ang babae matapos ang maikling mausapan. Namayani muli ang katahimikan sa aming dalawa.

Sayang naman ang effort ko kung palalamsin ko lang ang pagkakataon. "Nga pala, bakit ka sumigaw kanina? May nangyari ba?" Tahimik lang siya. Wala akong narinig na sagot. "Sorry kung nangengelam na ako ng sobra." Lumakad na ako palayo hindi nga naman tama kung manghimasok pa ako sa mga bagay na hindi ko dapat pinakikialaman.

"Masarap sigurong basahin ang librong ito habang nagkakape," pahabol niya. Huminto ako sa paglalakad. Inirewind ko sa aking tenga ang mga sinabi niya. Sa naging sagot niya alam kong may patutunguhan ang aming usapan. Malamang may problema siya kaya siya sumigaw at iyon ang way niya para magrelease ng tension.

"Mas masarap uminom ng kape kapag nagkukwentuhan," suwestiyon ko. "Lalo kapag may gusto kang ilabas na hindi mo masabi sa iba."

"Hindi ka lang pala bookworm or salesman... may pagkamanghuhula ka pala."

"Chamba lang siguro." Pagkabayad niya sa counter ay automatic na naglakad ang aming mga paa papunta sa coffee shop.

Habang naglalakad, nagsimula na siyang magkwento. Hindi niya matanggap na nagawa agad siyang palitan ng kanyang ex-boyfriend after ng isang buwan ng break-up.

"Mas ok na siguro sa iyo ako mag-open tutal hindi mo kilala ang mga taong involve. Yes, I'm bitter kaya noong nakita ko ang ex ko dito sa mall with his new girl ay napasigaw na lang ako.."

Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak ang luha sa kanyang mata at maaring magdulot ng baha sa edsa dahil sa tindi ng namumuong sama ng panahon sa kanyang mga mata. Pinaupo ko muna siya sa may labas ng coffee shop. Hinintay kong kumalma ang kanyang loob. Hanep ang pakiramdam para akong nasa pelikula. Ngayon lang ako naexperience maging crying shoulder.

"May panyo ka? Tutulo na kasi ang sipon mo. Madudumihan ang T-shirt ko, lagot ako kay ermat." Pinatawa ko siya kahit corny ang joke pero effective naman.

"Nag-eemote na nga ako bigla mo naman akong papatawanin." Umakto siya na parang bata at itinaas ang isang paa sa katapat na upuan.

"Ayoko ko kasi makakita ng babae umiiyak. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kahit wala naman akong ginawang kasalanan."

"Pangit ba ako?"

"Hindi ah. Mas maganda ka pa nga sa mga bumasted sa akin. Alam mo hindi ka dapat umiyak at least naranasan mo mahalin. Nakakahiya man aminin hindi pa ako nagkakagirlfriend."

"Seryoso ka?Age mo?"

"23. Daig pa nga ako ng mga helper namin sa tindahan, minimum nila ang dalawang girlfriend."

"Pinapatawa mo naman ako."

"It's not a joke. Its my way para palakasin ang loob mo. Siguro hindi talaga siya para sayo, magpasalamat ka na lang na naging part siya ng buhay mo."

"Dami mo alam tapos hindi ka pa nagkakagirlfriend niyan ha."

"Well, base lang naman iyon sa view ko."

"So. Gusto mo magkagf?"

"Oo naman. Pero sino ba naman ang papayag ng instant gf? Kung magkakagirlfriend ako mapapahiya ang lahat ng kumakantyaw sa akin!" wika ko sa kanya habang inilalarawan ang itsura ng mga taong tumatawa sa aking sa tuwing ilalampaso ako ng mga babaeng niligawan ko.

"Ako papayag ako na maging instant girlfriend mo. Pero magpapanggap lang."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pathetic na kong pathetic ang move na 'to. Pero gusto kong ipamukha kay Dexter na kaya ko din siya palitan agad. Kung papayag kang magpanggap na bf ko magagawa ko iyon at on your part mapapahiya na ang mga kumakantiyaw sa'yo."

"Hindi ka natatakot?"

"Military man ang Papa ko at black belt ako ng taekwondo."

Napaatras ako. "Ako pala ang dapat matakot."

"Dapat lang," pagmamalaki niya. "At alam ko namang good boy ka. Itsura mo pa lang." Tinanggal niya ang suot kong salamin. "Cute ka pala kapag walang glasses."

"Sige pumapayag na ako dahil sinabi mong cute ako." Hindi naman ako uto-uto, naisip ko lang na wala namang mawawala sa akin. Una, lalaki ako at pangalawa gusto ko din makaexperience ng excitement.

itutuloy...
-----
palimos ng comments... :lmao:

palike naman sa fb : http://www.facebook.com/tuyongtinta



2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
 
Last edited by a moderator:
Re: Hu u? (2)

Haha buti nalang at may sablay parin sa pangalan ko. Kaw lang talaga ang dahilan panjolina kung bakit ako nakakapagbasa ng love story...Haha :nice: one!... Susundan ko to.
 
Re: Hu u? (2)

nauna kong nabasa yung second part sa blog mo.. :slap:
asan na yung kasunod non?.. :excited:
:lol: excited?.. :giggle:
ang galing!!! :clap: :praise:

haha waaa bitin paren, ambilis!!!

ok pangalan ng girl haha "JANE" mukang inspirado haha ayus din yun Zoilo haha sana maipasok din yun name ko lol

panjo sana ginawa mo nalang

joel ang name.. jane and joel..


parang kayo lang ni sis jane :lmao:


jusko inlab ka na ba.. :rofl:


galing galing mo talaga gumawa ng kwento...

:salute::thumbsup::salute::thumbsup::salute:

:rolleyes:

:what: ngayon ko lang nabasa to ah..
kayong dalawa talaga.. :punish: :rofl:
 
Last edited:
Re: Hu u? (4)

Habang nasa byahe pinag-usapan namin ang set-up. Sa exclusive school for girls nag-aral si Jane kaya hindi pwedeng sabihing magkaklase kami. Ayaw naman niya ng ideyang textmate kami. Hindi din pwedeng common friend dahil kilala ng nanay ko ang lahat ng kaibigan ko. Mabibilang lang kasi sa daliri.

Ang napagkasunduan? Wala. Bahala na.

Naglakad kami sa eskinitang papasok sa amin. Bakas kay Jane ang takot. Dumikit siya sa akin at napahawak sa aking braso. Malambot ang balat niya at halos tumayo ang lahat ng pwedeng tumayo sa akin dahil sa kiliting dala ng kanyang balahibo. Pero inalis ko muna ang lahat ng kalokohan sa isip ko kailangang makumbinsi ko na makakalabas pa siya ng buhay.

"Natatakot ka? Huwag kang mag-alala hindi squatters area ang lugar namin. Masikip lang talaga ang mga daan," paliwanag ko kay Jane.

"Sure ka? Baka may bigla na lang mag-amok dito."

"Wala. Tapos na kagabi." Napasimangot siya at mas lalong dumikit sa akin. "Akala ko black belter ka?"

Tinulak niya ako palayo. Sayang nag-eenjoy pa naman ako. "Loko ka. Mas okay siyempre na walang gulo. Tahimik naman siguro dito."

"Oo naman! Sobrang peaceful ang lugar na 'to!" Pagmamalaki ko.

"Lumayas ka Berto!!!" sigaw ng babae sa bahay na nadaanan namin.

"Tahimik ha?!" sarkastikong wika ni Jane. "Anong tawag mo dyan?"

"Bagong lipat lang ang mga yan kaya exempted sila." kakamot-kamot sa ulong palusot ko.

"Puno ka ng palusot. Uhmm, I like you."

"Hoy, bawal main-love!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi ako naiinlove, nagugustuhan ko lang ang ugali mo."

"Baka kasi kung saan mapunta ang like-like na yan. Lugi naman ako." Unti-unting nawawala ang kaba ko. Nakakatingin na ako sa kanyang mukha at nakakapagbiro na ako.

"Basta hindi ako naiinlove! Tapos!"

"Sumisigaw ka?"

"Hindi. Binibigyan ko lang ng emphasis," katwiran niya.

Sure ka ha?! Rule number 3, honesty."

"I'm very sure, Loi." Napangiti naman ako, hindi dahil sa ganda ng boses niya kundi sa ganda ng bago kong pangalan. "Hindi ako ang babali ng sarili kong batas," dagdag pa niya.

Pinapanood kami ng mga tao habang naglalakad. Parang kaming celebrity. May ilang nagbubulungan at ang mga lalaki naman ay halos mabali ang leeg sa paghabol ng tingin. At kahit ang umiihi sa may poste ay napatigil. Sa wakas, umeepekto na ang plano ko. Hindi na ako ang talunan sa pagkakataong ito. Win-win situation ang pinasok ko. Ako na ang gwapo!

Pagdating namin ng bahay, napuno agad ang bintana ng mga media na walang mikropono. Kung ano ang madinig nila siguradong broacast na sa buong eskinita. Kamakailan nga lang, nabalita si Mang Isko at ang kanyang asawa na aswang dahil madalas na may naririnig na pag-ungol sa kanilang bakuran. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng ungol ang nadidinig.

"Diyos ko po Anak!" gulat na gulat si Mommy nang makitang kasama ko si Jane. Hawak na agad ang kanyang dibdib. Anumang sandali, tatalunin na ni Mommy ang star for all season sa galing niyang umarte. "Anak, bakit kailangan mong gumawa ng masama?"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mommy. "Mommy, huminahon ka! Wala akong ginagawang masama!"

"Anak, bakit mo kinidnap ang babaeng yan?" naiiyak na sabi ni Mommy habang itinuturo ang kasama ko.

"Kinidnap?!" What the duck?! Kakaiba talaga ang Mommy ko, walang tiwala sa sariling anak.

"Hindi niya po ako kinidnap," pagtatanggol naman agad ni Jane.

"Naku, malamang pinakulam ka ng anak ko." Tumakbo si Mommy sa kusina. "Tres, tumawag ka ng albularyo!" baling ni Mommy kay Daddy.


Sumunod ako sa kusina. Pinakalma ko si Mommy at pilit pinaniwala na hindi ako masamang tao gaya ng iniisip niya. "Wala po akong ginawa sa kanya kusa siyang sumama sa akin."

"Sino ba anak ang kasama mo?" usisa ni Daddy.

"Si Jane po. Girlfriend ko."

"Girlfriend? Ows??" sabay na wika ni Mommy at Daddy. Napakabuti nilang mga magulang, walang kabilib-bilib sa akin. Alam kasi nila ang mga sentimyento ko kapag nababusted ako ng mga nililigawan. Halip na payuhan nila ako madalas ginagawa pa nilang katatawanan.

Bumalik si Mommy sa sala para kausapin si Jane. Hindi pa din lubos na makapaniwala na may isang mestisang papatol sa akin. "Inom ka muna ng Juice, ineng."

"Jane po."

"Girlfriend ka daw ng anak ko?" Duda pa din si Mommy.

"Opo. " maikling sagot niya. May pagka-NBI si Mommy kaya mas magandang maikli lang ang sagot.

"Sigurado ka? Wala ka bang sakit Jane o may ipinainom lang sayo?"

"Wala po."


"Hmm. Huwag naman sana kayong padalos-dalos. Mga bata pa kayo para magtanan." OMG! Tanan?!

"Naku! Hindi po kami nagtanan. Gusto nya lang po akong ipakilala sa inyo. Hindi po ba kayo makapaniwala na magkakagirlfriend ang anak nyo?"


Umugong ang bulungan sa may bintana. Walang makapaniwala na magkakagirlfriend ako. Tao naman ako kaya posible naman siguro na may pumatol sa akin. Ang pagiging mama's boy ko lang naman ang madalas na dahilan kaya ako iniiwasan ng mga babae. Kung sa nanay ko nga daw hindi ako makasalungat paano ko pa nga naman daw sila ipagtatanggol. Hindi ko maintindihan, hindi naman masamang loob ang nanay ko. Kung mabaho man ang utot ko dahil masarap ang ipinakakain n'ya sa akin.

"Si Zoilo may gf na," dinig ko mula sa kwentuhan ng mga media sa may bintana. Ilang saglit lang ay may nagtext sa akin. "Pre nakabuntis ka daw?" Grabe ang balita, ilang segundo lang buntis agad. Welcome to Kalye Escalon! Ang buhay mo ay buhay din nila. Kahit schedule ng pagputok ng pigsa alam nila.

"Hindi talaga!" sabat ni daddy."Sa dating mo palang imposible kang mapasagot ng anak ko. Kahit nga sa anak ng manikurista ni Mameng hindi siya lumusot e."

Napakagat labi na lang si Jane para hindi mapatawa habang inilalaglag ako ng aking mga magulang. "Na-love at first sight lang po talaga ako siguro."

"Saan mo ba nakilala si Zoilo?" Nagsimula na ang interogasyon ni Mommy. Nagmistulang lie detector ang kinauupuan ni Jane.

"Mommy, I'm Loi not Zoilo."

"Loi-Loi ka dyan. Nagkabisita ka lang ng mestisa nabaluktot na agad ang dila mo. Doon muna kayo ng tatay mo sa tindahan!"

"Ah eh, minsan po akong napadaan sa tindahan ninyo. Nagtanong po ako ng direction. Nag-offer po si Loi na samahan ako kasi medyo maliit po at paligoy-ligoy ang mga daan dito."

"Mabait naman talaga ang anak ko. Pero sure ka hindi ka kinulam o ginayuma ng anak ko? Baka tinakot ka lang?"

"Hindi po. Katunayan nga po, hanggang sa lumabas po sinamahan niya ako kaya naging magaan po ang loob ko. Natagalan po ang pagdaan ng sasakyan kaya po nagkakwentuhan. Tapos simula na po iyon ng aming madalas na pag-uusap."


"Matagal na ba kayong magkasintahan ni Zoilo?"

"Kanina lang po. Kaya nga po nagdesisyon syang ipakilala ako sa inyo dahil sobrang saya niya."

Habang nasa tindahan, pinipigilan kong matawa sa mga naririnig ko. Buti na lang at mukhang kapani-paniwala ang mga kwento ni Jane. Kung ako ang tinanong ni Mommy malamang nagbuhol-buhol na ang dila ko sa kaba.

"Anak, ganda ng nabingwit mo! Magpalahi ka na agad," bulong ni Daddy.

"Dad! Sundalo ang tatay niya baka ratratin tayo."

"Anak, may bukas pang seminaryo, magpari ka na lang!"

itutuloy...
 
Last edited:
Re: Hu u? (3)

wohohoho nice!!!! buti pa si loi nakadagit ng mestiza lol
 
Re: Hu u? (3)

:wow: may part 3 na.. :yipee:
galing talaga ni panj0..:praise: Lal0ng nakakasabik basahin yung susun0d na mangyayari..
Nakakatuwa mga punchline m0..Simple pero astig.. :D
 
Re: Hu u? (3)

timatamad akong magquote :rofl:

@nador
sinadya ko talagang ibahin.. para di akalaing buhay mo..haha

@rjelstyx

hehehe buti di ka nagsasawa

@cirej1124
thanks for dropping by and reading!

@ dallas
nadadallas ka na sa mga gawa ko a..:rofl:

@ jane
wag kang mag-alala. sa next chapter e boring na. :rofl:
 
Re: Hu u? (3)

No. 1 fan mo yang si dallas..
Nung padating ka nga sabi nya magpapa-aut0graph daw sya say0..
Nahawa tul0y ak0..:lol:
next eb..Dalawa na kaming magpapa-aut0graph sa y0..:rofl:
 
Re: Hu u? (3)

No. 1 fan mo yang si dallas..
Nung padating ka nga sabi nya magpapa-aut0graph daw sya say0..
Nahawa tul0y ak0..:lol:
next eb..Dalawa na kaming magpapa-aut0graph sa y0..:rofl:

ganun ba. sige bago ang bolpen ko galing kay gordon :thumbsup:

bigyan ko kayo ng autograph sa mata :lmao::rofl:
 
Re: Hu u? (3)

galing talaga ni panjo :pacute:

nakakatawa yung line na ito "Anak, may bukas pang seminaryo, magpari ka na lang" :rofl: :lmao:
 
Re: Hu u? (3)

sir panjo bago lang po ko at bago ko lang nabasa ang iyong mga katha pero naaliw po me....
akala ko po nung una parang ginagaya niu c bob ong napansin ko po iyon sa mga salitang ginagamit nio pero sa pag-usisa ko po ng mga kabanata e me style naman po kayo na hindi maiihalitulad sa iba. Pero nakakaaliw po tlga ang inyong katha pd nio po bang padalhan me o bigyan ng link ng iba ninyong katha.?Actually d naman po ako ganun kagaling sa literature at d naman po me ganun ka bookworm pero naaliw po me sa mga sulat ninyo.

GALING ninyo naman nakakainspire :thumbsup:
 
Re: Hu u? (3)

:lol: adik ka talaga.. :madslap: :laugh: :rofl:

:noidea: kala ko gusto nyo ng autograph?
galing talaga ni panjo :pacute:

nakakatawa yung line na ito "Anak, may bukas pang seminaryo, magpari ka na lang" :rofl: :lmao:

haha dami nga natuwa dyan sa blog ko..haha

sir panjo bago lang po ko at bago ko lang nabasa ang iyong mga katha pero naaliw po me....
akala ko po nung una parang ginagaya niu c bob ong napansin ko po iyon sa mga salitang ginagamit nio pero sa pag-usisa ko po ng mga kabanata e me style naman po kayo na hindi maiihalitulad sa iba. Pero nakakaaliw po tlga ang inyong katha pd nio po bang padalhan me o bigyan ng link ng iba ninyong katha.?Actually d naman po ako ganun kagaling sa literature at d naman po me ganun ka bookworm pero naaliw po me sa mga sulat ninyo.

GALING ninyo naman nakakainspire :thumbsup:

http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/ nandyan lahat.. pati mga green na kwento
 
Re: Hu u? (3)

Sino ba naman may gusto ng aut0graph sa mata.. :hit:
may mga green na kwento ka pala.. :think:
im sure mas magaling ka d0n.. :rofl: :lmao:
 
Re: Hu u? (3)

thanks sir panjo babasahin ko po lahat tapos sasabihin ko po ung mga opinyon ko hehehe ok lang po b?:thumbsup:

haha gudlak. mabibitin ka sa ending

Sino ba naman may gusto ng aut0graph sa mata.. :hit:
may mga green na kwento ka pala.. :think:
im sure mas magaling ka d0n.. :rofl: :lmao:

haha dun nga ako expert e. pero di naman bastos..

yung DVD na nakapost dito ang isa,.
 
Re: Hu u? (3)

Nabasa ko na y0n..
Wala na ba talagang karugt0ng y0n?..:think: :rofl:
sin0lo mo na ata ung karugt0ng n0n eh.. :lmao:
 
Back
Top Bottom