Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Hu u?

"Daaamnnn!!!!" Sigaw ng babae sa isang mall. Halos natawag ang atensyon ng lahat ng nasa paligid. Kung ano ang dahilan, walang nakakaalam.

Natawa ako sa di ko maipaliwanag na rason. Pumasok siya sa bookstore at may kung anong espiritu ang nagdikta sa akin para sundan siya. Nakapagtataka, mahinahon na ang babae sa loob para bang wala siyang pakialam sa ginawa niyang eksena. Nag-ikot-ikot ako kahit wala naman akong bibilihin sa loob. Pero nakapako pa din ang isang mata ko sa babae. Naging instant stalker yata ang dating ko.

Napakunot noo ako. Kahit ang pinakasikat ng skin clinic di kayang alisin ang linyang nabuo dito. May dumaan lang na dambuhalang ale, nawala na sa paningin ko ang weird na babae. Dinaig pa ang teleportation ni Son Goku.

Inikot ko ang mga shelves pero di ko siya natagpuan. "Napakaweird niya." wika ko sa sarili. "Sumigaw na lang basta tapos ngayon naging invisible."

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ng weird na babaeng nakaupo sa sahig ng bookstore habang nagbabasa.

Naloko na. Nabuking pa yata ako. "Hindi ah." Tanggi ko naman agad. Parang akong politikong expert sa pagdedeny kapag may kasong kinasangkutan.

"Ok," sagot niya at muling nagbabalik sa pagbabasa.

Humagilap ako ng libro para makakuha ng tyempo at kausapin siya. Gusto kong malaman ang dahilan ng pagsigaw niya. Pinalipas ko muna ang ilang saglit bago muli akong lumapit. "Try mo 'tong tutubi-tutubi ni Jun Cruz Reyes."

"Maganda ba 'yan?" Hindi siya tumingin sa hawak kong libro pero at least hindi nya ako dinedma.

"Magandang-maganda. Favorite author ko ang sumulat nito kaya hindi ka lugi kapag binili mo 'to."

"Bookworm ka ba o salesman?" Sa wakas tumingin siya sa akin.

"Hindi naman. Naadik lang siguro ako sa mga sinulat niya."

"Ok." Naging mailap muli ang babae matapos ang maikling mausapan. Namayani muli ang katahimikan sa aming dalawa.

Sayang naman ang effort ko kung palalamsin ko lang ang pagkakataon. "Nga pala, bakit ka sumigaw kanina? May nangyari ba?" Tahimik lang siya. Wala akong narinig na sagot. "Sorry kung nangengelam na ako ng sobra." Lumakad na ako palayo hindi nga naman tama kung manghimasok pa ako sa mga bagay na hindi ko dapat pinakikialaman.

"Masarap sigurong basahin ang librong ito habang nagkakape," pahabol niya. Huminto ako sa paglalakad. Inirewind ko sa aking tenga ang mga sinabi niya. Sa naging sagot niya alam kong may patutunguhan ang aming usapan. Malamang may problema siya kaya siya sumigaw at iyon ang way niya para magrelease ng tension.

"Mas masarap uminom ng kape kapag nagkukwentuhan," suwestiyon ko. "Lalo kapag may gusto kang ilabas na hindi mo masabi sa iba."

"Hindi ka lang pala bookworm or salesman... may pagkamanghuhula ka pala."

"Chamba lang siguro." Pagkabayad niya sa counter ay automatic na naglakad ang aming mga paa papunta sa coffee shop.

Habang naglalakad, nagsimula na siyang magkwento. Hindi niya matanggap na nagawa agad siyang palitan ng kanyang ex-boyfriend after ng isang buwan ng break-up.

"Mas ok na siguro sa iyo ako mag-open tutal hindi mo kilala ang mga taong involve. Yes, I'm bitter kaya noong nakita ko ang ex ko dito sa mall with his new girl ay napasigaw na lang ako.."

Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak ang luha sa kanyang mata at maaring magdulot ng baha sa edsa dahil sa tindi ng namumuong sama ng panahon sa kanyang mga mata. Pinaupo ko muna siya sa may labas ng coffee shop. Hinintay kong kumalma ang kanyang loob. Hanep ang pakiramdam para akong nasa pelikula. Ngayon lang ako naexperience maging crying shoulder.

"May panyo ka? Tutulo na kasi ang sipon mo. Madudumihan ang T-shirt ko, lagot ako kay ermat." Pinatawa ko siya kahit corny ang joke pero effective naman.

"Nag-eemote na nga ako bigla mo naman akong papatawanin." Umakto siya na parang bata at itinaas ang isang paa sa katapat na upuan.

"Ayoko ko kasi makakita ng babae umiiyak. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kahit wala naman akong ginawang kasalanan."

"Pangit ba ako?"

"Hindi ah. Mas maganda ka pa nga sa mga bumasted sa akin. Alam mo hindi ka dapat umiyak at least naranasan mo mahalin. Nakakahiya man aminin hindi pa ako nagkakagirlfriend."

"Seryoso ka?Age mo?"

"23. Daig pa nga ako ng mga helper namin sa tindahan, minimum nila ang dalawang girlfriend."

"Pinapatawa mo naman ako."

"It's not a joke. Its my way para palakasin ang loob mo. Siguro hindi talaga siya para sayo, magpasalamat ka na lang na naging part siya ng buhay mo."

"Dami mo alam tapos hindi ka pa nagkakagirlfriend niyan ha."

"Well, base lang naman iyon sa view ko."

"So. Gusto mo magkagf?"

"Oo naman. Pero sino ba naman ang papayag ng instant gf? Kung magkakagirlfriend ako mapapahiya ang lahat ng kumakantyaw sa akin!" wika ko sa kanya habang inilalarawan ang itsura ng mga taong tumatawa sa aking sa tuwing ilalampaso ako ng mga babaeng niligawan ko.

"Ako papayag ako na maging instant girlfriend mo. Pero magpapanggap lang."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pathetic na kong pathetic ang move na 'to. Pero gusto kong ipamukha kay Dexter na kaya ko din siya palitan agad. Kung papayag kang magpanggap na bf ko magagawa ko iyon at on your part mapapahiya na ang mga kumakantiyaw sa'yo."

"Hindi ka natatakot?"

"Military man ang Papa ko at black belt ako ng taekwondo."

Napaatras ako. "Ako pala ang dapat matakot."

"Dapat lang," pagmamalaki niya. "At alam ko namang good boy ka. Itsura mo pa lang." Tinanggal niya ang suot kong salamin. "Cute ka pala kapag walang glasses."

"Sige pumapayag na ako dahil sinabi mong cute ako." Hindi naman ako uto-uto, naisip ko lang na wala namang mawawala sa akin. Una, lalaki ako at pangalawa gusto ko din makaexperience ng excitement.

itutuloy...
-----
palimos ng comments... :lmao:

palike naman sa fb : http://www.facebook.com/tuyongtinta



2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
 
Last edited by a moderator:
Re: Hu u? (11)

ky jane na lang si loi bagay sila.. hahaha :D
 
Re: Hu u? (11)

ako rin boto ako kay jane para kay loi. maganda kasi pag kagawa ni otor sa character ni jane. may pagkakulit na sweet. hehehe
 
Re: Hu u? (11)

eto na lumabas na ang istorya ^_^....lupit ng pagka-pihit ng istorya, sino mag-aakalang buntis si zoilo kaya da-...ha?!!ah..si sophia pala..sorry..kaya dapat nang buuin ni zoilo ang dreams niya na si jane ang kasama, pede naman siyang ninong nung bata e,saka maganda si jane di kalakihan ang hinaharap,wahaha..thanks uli boss panjo.
 
Re: Hu u? (11)

walanjo ka panjo sikat na pala pangalan ko sa fanpage nito sa fb... Haha go team jane!
 
Re: Hu u? (11)

:hyper: super sa twist yung nangyari sa chapter-11.. :hyper:

naanawa ako kay sofia :weep:


buti na lang tinanggap siya ni loi and sana may ganyan talagang lalake na
kayang tanggapin ang lahat pati ang magiging anak niya sa ibang lalake :salute:
 
Re: Hu u? (11)


Nahuli ako sa bagong Chapter ha...tsk tsk..:upset:

Pero mas naging makulay ang istorya...:clap:

Go jane..Pabuntis ka na din kay Loi...nyahahaha...:lol:
 
Re: Hu u? (11)

ky jane na lang si loi bagay sila.. hahaha :D
haha kasi sila ang bida :D
ako rin boto ako kay jane para kay loi. maganda kasi pag kagawa ni otor sa character ni jane. may pagkakulit na sweet. hehehe
haha maiba naman. medyo mahirap nga e.

Humaygad.. Nabuntis ko si sofia :slap: sorry loi :lol:
:rofl: ikaw pala ang ama :rofl: swerte mo

eto na lumabas na ang istorya ^_^....lupit ng pagka-pihit ng istorya, sino mag-aakalang buntis si zoilo kaya da-...ha?!!ah..si sophia pala..sorry..kaya dapat nang buuin ni zoilo ang dreams niya na si jane ang kasama, pede naman siyang ninong nung bata e,saka maganda si jane di kalakihan ang hinaharap,wahaha..thanks uli boss panjo.

medyo binago ko nga. kasi lalong hahaba. ang orig na idea ko e gagamitin lang talaga si loi ni sofia. e hahaba kaya pinabait ko na lang :rofl:

walanjo ka panjo sikat na pala pangalan ko sa fanpage nito sa fb... Haha go team jane!
dalaw ka ulit dun.. dami mo na chicks

:hyper: super sa twist yung nangyari sa chapter-11.. :hyper:

naanawa ako kay sofia :weep:


buti na lang tinanggap siya ni loi and sana may ganyan talagang lalake na
kayang tanggapin ang lahat pati ang magiging anak niya sa ibang lalake :salute:
may ganyan naman talaga. meron nga kahit madami ng anak e.. meron din mga byuda na nakakatagpo pa ulit ng lalaki :D


Nahuli ako sa bagong Chapter ha...tsk tsk..:upset:

Pero mas naging makulay ang istorya...:clap:

Go jane..Pabuntis ka na din kay Loi...nyahahaha...:lol:

berde lang ang kulay nito :D

jan and loi ftw!!! hehehe
haha fanatic talaga e..
 
Last edited:
Re: Hu u? (12)

Kinumbinsi ko si Sofia. Kaya kong tanggapin ang kalagayan niya pati na ang magiging anak niya. Hindi isang kamalian ang pagbubuntis paliwanag ko sa kanya. Pinataas ko ang kanyang moral. Dumadating lang minsan na nagiging padalos-dalos ang isang tao sa mga desisyon pero hindi nangangahulugan na magiging miserable ang buhay niya.

Nagpasalamat siya sa alok ko pero hindi niya tinanggap ang suwestiyon kong ako ang tumayong ama ng ipinagbubuntis niya. Kahit siguro sakalin ko siya ay hindi na magbabago ang isip niya. I deserve someone better daw. Ako pa yata ang magiging miserable kapag nagkataon kasi kahit buntis ipinagtatabuyan na ako.

"Sofia, sana hindi magiging sarado ang puso mo matapos ang lahat ng ito."

"Hindi ko alam. Sa ngayon, ang iisipin ko muna ay kung paano ako tatanggapin ng mga magulang ko."

"Ang isipin mo ay ang anak mo. Hindi ang ibang tao. Tanggapin ka man o hindi ikaw pa din ang magdidikta ng kapalaran nyo."

"Maraming salamat sa mga payo mo. I'm glad naging parte ka ng buhay ko. Napakalaking pagkakamali ang pakawalan kita pero hindi kaya ng loob ko na ikaw ang papanagutin sa dinadala ko."


Nagpaalam na ako kay Sofia matapos niyang kumalma. Ibinilin kong huwag mahiyang tumawag kung kakailanganin ang tulong. Pumayag naman siya at sa katunayan ako pa daw ang kukunin niyang ninong. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang nagpaalam. Tumunog ang aking cellphone ilang hakbang mula sa pintuan. Huwag na daw akong bumalik bukas dahil nagdesisyon na siyang umuwi sa probinsya niya. Kung alam ko lang na huling halik na iyon, tinagalan ko na sana.

May kaunting kirot ang nabuo sa aking dibdib. Marahil dala ng awa para kay Sofia. Naglalakad akong wala sa aking sarili. Komplikado ang lahat sa akin. Wala pa akong karanasan sa pagpasok sa anumang relasyon kaya hindi ko alam kung tama o mali ang iniisip ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung tama ang lugar na tinatahak ko, ang alam ko lang ay gumagalaw ang mga paa ko. Kahit siguro kasama ko si Dora ay maliligaw pa din ako.

Natagalan din bago ako nagpasyang pumunta kay Jane. Alam kong uusisain ng babaeng iyon ang pagkikita namin ni Sofia. Iniisip ko pa lang, gumugulong na naman siya sa katatawa. Sigurado titigan na naman ako nun, ngingiti na labas lahat ng ngipin at saka ako popompyangin. Pakiramdam ko tuloy pinagkakatuwaan lang niya ang buong pagkatao ko.

Nakapwesto si Jane sa may balustre ng terrace noong dumating ako. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil abala siya sa paggigitara. May talent din pala siya bukod sa pakikipaggigilan. Pwede ko pala siyang pagpagapin na bulag para magkapera naman paminsan. Pinanood ko muna ang paggalaw ng ulo niya at pinakinggan ang kanyang boses. Maganda. Malayo sa boses niyang madalas sumisigaw. Kaaya-aya sa pandinig at unti-unti, naging maaliwalas ang pakiramdam ko. I feel more comfortable.


"I don’t want to fall for you. I’m scared that you just might fall for me too." Malamig sa tenga ang boses kahit mataas na ang notes. Pwede kong gawing pampatulog kung di ako dalawin ng antok.

"Galing!" puri ko sa kanya na may mapang-asar pang tawa. "Talented!"

"I don't.. wah! Kanina ka pa dyan?" Lumapit siya sa akin ng padabog. "Ba't di ka nagsasalita?!"

"Bagong dating lang. Three songs pa lang ni Juris. Baka kasi mag-amok ka kung aabalahin pa kita." Gusto niya akong hampasin ng gitara pero nakatakbo na agad ako bago pa siya nakakilos. "Kanta ka na ulit. I don’t want to fall for you...."

"Asar naman oh! 3 songs na! Lumapit ka dito!"

"Ayoko ko. Kumanta ka muna!"

"Kapag patay ka na! Die!"

"Sama mo naman! Gusto mo na ba talaga akong mamatay?" seryosong tanong ko.

"Oh drama! Tadyakan pa kita dyan e."

"Pasalamat ka di kita pinapatulan!"

"At baket? Hindi naman ako natatakot sa'yo."

"Nakita mo ba malaking medal sa bahay? Award ko iyon sa Tapondo."

"Ulol!"

"Nagulat ka no? Marunong din akong magmartial arts. Pasalamat ka hindi mainitin ang ulo ko."

"Tapondohin mo mukha mo! Award mo iyon sa chess sabi ng Mommy mo!" Patay buko. Hindi ko naman alam na pati nanahimik na medal sa dingding kanilang pagkukwentuhan. "Pasok ka na nga sa loob bago pa magsalubong ang kilay ko."

Hinila niya ang kamay ko at iniikot ang kanyang braso sa bisig ko. Noong una natakot pa akong mabalian ng buto pero wala naman siyang ginawang masama. Malambing pa din siya kahit may threat na sa buhay ko.

"May brownies diyan. Alam kong mahilig ka dyan lover boy!"

"Niluto mo? Sarap ha," unang kagat ko pa lang lasap ko na ang kakaibang sarap.

"Nang-aasar ka ba? Binili ko yan. Wala akong alam sa kusina!" Nanlisik ang mata ni Jane daig pa ang pusang muntik ng masagasaan.

"Sorry! Akala ko kasi luto mo." Hindi ko napapansin na naaliw na ako kahit puro pagtatalo lang ang ginagawan namin.

"Anon balita sa lakad mo kanina?" Umiling lang ako. "Aw. Bawi na lang sa sunod."

"Ano yun promo ng sabon?"

"Does it hurt?"

"Tinatanong pa ba yan?" Hindi ko na sinabi kay Jane ang kinakaharap ni Sofia ngayon. Mabuting hindi maungkat ang lahat para maiwasan na din ang marami pang tanong. Baka lumabas pa na masama babae si Sofia kung hindi maayos ang pagkukwento ko.

"Sorry. Don't be sad. Life has its own way of making us smile. Kahit pa sabihin pa sa sarili natin na hindi kaya o hindi na ngingiti muli."

"Lalim nun ah."

"Siyempre. Ako pa!" pagmamalaki niya.

"Paminsan-minsan pala tumatama ka din."

Namewang siya sa harap ko habang tumatawa ng malakas. "And know, tumingin ka lang sa akin mapapangiti ka na!" Ngayon ko lang narealize na may babae din pala malakas mambola.



itutuloy...

pafollow naman via fb ; http://facebook.com/tuyongtinta
 
Last edited:
Re: Hu u? (12)

wow... nice flow of story sir panjo...

wala akong hilig sa mga pocketbook like story tulad nito na curious lang ako sa title at mga comment sa istorya mo. at di naman ako nasisisi kasi truly interesting ang takbo ng kwento... keep it up!

:praise::praise::praise:
 
Re: Hu u? (12)

nice! Haha.. Sna cla nlng tlga ni panjo at jane.. Haha.. Bgay n bgay cla.. Haha..
 
Re: Hu u? (12)

haha tama ka JAnZ.. bagay si panjo at Jane hahaha
 
Re: Hu u? (12)



Totoo ka dyan Boss... May mga babae din talaga na malakas MAMBOLA...Yung tipong babatuhin ka ng Bola sa Ulo, kapag ayaw mong tumigli ng basketball...nyahahaha...:laugh:

Nice One Again and again...Kaabang abang talaga....:thumbsup::praise::salute:
 
Re: Hu u? (12)

ganda talaga ng kwento kaso bitin parin. next part na sir panjo hehehe! :clap:
 
Re: Hu u? (12)

yup bitin pa din po... update u na po agad :clap:
 
Back
Top Bottom