Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I am your dog whIspherer(try ME)

sir ask ko lang po medyo naguguluhan kasi ako at hindi ako maka tulog sa tuwing naiisip ko ito sa mga aso.. may katanungan po ako sa inyo..
dun po sa mga asong nakatali lang sa bahay kung mapapansin nyo syempre expert kayo diba..? ilan beses sila mag paikot ikot bago sila humiga?

- - - Updated - - -

bakit po askal lang ang ginagawang azucena at hindi yung mga large breed?
 
Last edited:
wow nice, is that you caesar millan? galing
 
sir my question po ako, yung ambull namin parang hirap na hirap kaming kontrolin siya ..
laging pag pinapakawalan o tatalian ko siya parang nasa isip niya mag lalaro kami napakahirap talian, madalas ako makakuha ng kalmot sa kanya ang sakit kasi ang laki na niya ... di ko lang magawang mapikon kasi aso lang naman siya ...
 
ano ang gamot sa nalalagas ang buhok at may galis na aso? 6 years old na sya.
 
ano ang gamot sa nalalagas ang buhok at may galis na aso? 6 years old na sya.

para sa galis used oil ng sasakyan ipahid mo yan ginamit ko sa aso ko effective siya nawala yung galis wag mo lang masyadong damihan at baka masunog yung balat nya...

o kaya yung kakwate leaves pakuluan mo at ipaligo mo sa aso okay din eto kaso ang tagal nga lang ng gamutan... ^,..,^
 
Last edited:
na excite ako nun pagkabasa ko dog whisperer
akala ko si Cesar Millan, that man is awesome when it comes to dog.. :praise:
live pa naman siya in Manila on April 29.. :sigh: ang mahal ng ticket ..

pero Ts if you have the talent then push mo yan ;)
 
sir ask ko lang po medyo naguguluhan kasi ako at hindi ako maka tulog sa tuwing naiisip ko ito sa mga aso.. may katanungan po ako sa inyo..
dun po sa mga asong nakatali lang sa bahay kung mapapansin nyo syempre expert kayo diba..? ilan beses sila mag paikot ikot bago sila humiga?

- - - Updated - - -

bakit po askal lang ang ginagawang azucena at hindi yung mga large breed?

Naiinis ako kung may nakikita akong aso na nakatali or naka kulong sa Cage -_-

sir my question po ako, yung ambull namin parang hirap na hirap kaming kontrolin siya ..
laging pag pinapakawalan o tatalian ko siya parang nasa isip niya mag lalaro kami napakahirap talian, madalas ako makakuha ng kalmot sa kanya ang sakit kasi ang laki na niya ... di ko lang magawang mapikon kasi aso lang naman siya ...

may ambull din kami, ganyan talaga yan, normal lang sa kanila yan :) napaka outgoing kasi ng ambull... nilalakad mo ba cya araw-araw boss? kung hindi, dapat ilakad mo cya either sa morning or sa hapon.Pwede ring both, sa morning at hapon. . sa pagtatali naman eh, sa tingin ko wag mo cyang agad tatalian, tawagin mo lang, himas-himasin yung chest niya or leeg then tsaka mo pa tatalian.Pag ayawa lumapit huwag mo po cyang lapitan yung tipong parang nako-corner sila :3 lalong hindi yan magpapatali :) And mahirap ilakad yan, ikaw ang ilalakad ng ambull eh, tips ko dyan is, iksi'an ang pagkahawak ng tali between you and your dog :)

Pero against ako sa pagtatali ng aso kung nasa bahay-_- kung nasa bahay lang din naman hanggat maari wag itali, may effect ata kasi yan sa aso, nabo-bored sila, then yun pagnapakawalan na parang nabubuang lol
 
in fact sir di naman siya nakatali ...
yun lang lagi siyang naka kulong kasi nga sa attitude nya ..

i see ...
thank you sir ...
susubukan ko po yung payo ninyo ...
update po ako for further improvement ^_^

salamat po :D
 
ahhhh.... bored yan boss.... ilabas-labas mo cya either morning or hapon mga 15 minutes everyday (kung kaya) okay na yan. Pero at first mahirap yan, ikaw ang ilalakad niya lol, pero masasanay din yan :) ganyan kasi ginagawa ko every morning so parang nag e-exercise na rin ako :)

NP :)
 
brad siberian husky ko 2mos. old pa lang nasanay na sa loob ng bahay mag pupo pag tinali naman sa labas kahit gaano katagal pag pasok ng bahay saka naman uupo at mag pupo ihi ganon ginagawa kaya ko napapalo,magdamag may srili yan electricfan sa cr gusto matulog kasi malamig paano ba turuan umebak sa kahit sa loob ng cr o sa labas..

O.O huwag mo paluin lols,.

May maraming paraan diyan..ganyan kasi yung isang aso ko noon..

Pagkatapos mong pakainin, kung may cage mga 10-15 minutes mo cya ipasok dun, tapos after 10 or 15 minutes, ilabas at ilakad mo cya. Depende kasi yan, kung sa gabi cya nag pupo ilabas mo cya ng gabi after niya kumain or before ka matulog. Sanayin mo lang.

and di kasi ako familiar sa laki ng 2 mos old na siberian husky, pero Pwede rin kung kaya, ipasok mo ang cage sa loob ng bahay mo then dun mo cya patulugin.. ang idea kasi dyan eh, ayaw kasi ng mga aso na marumi or may pupo yung hihigaan niya so pipigilan niyang mag pupo dun, then kina umagahan ilabas at ilakad mo cya sa labas :)mag popo yan sa labas, sanayin mo lang at first di talaga mag wo-work . . .

abot dun sa natutulog sya sa CR, ngayon lang ako nakarinig ng ganyan boss...maganda dyan eh, e lock niyo lang yung pinto ng CR. Ano nga pala hini-higaan niyan? Foam?

ganyan din yung corgi mixed namin -_- asar ako noon lagi akong naglilinis ng popo niya, pero ginawa ko yang huli . . nag work naman:) ngayun tuwing napopo cya or na i-ihi tinutulok lang niya yung screen door or yung door mismo, then palalabasin na namin cya,pagkatapos niyang mag popo itutulak nanaman niya yung pinto sa labas para papasukin :)
 
yung alaga naming shitzu, ilang araw ng walang ganang kumain , lagi ng matamlay, tapos sa sopa nmin hindi na po nya kayang tumalon. ano po ba problema nya..may sakit po b cya?
 
Hello sir and mam! May aspin ako (na mukang greyhound) 1y&1m old since tuta sya nakatali na sya dto sa loob ng bahay, ngaun ko nalang sya tinanggalan ng tali (kasi nasira nya na).. Since nsa loob lang sya lagi ng bahay masyado syang sensitive sa ingay sa labas (sasakyan or mga batang naglalaro) tatahulan nya agad or worst pag naiwan nkabukas ang pinto manghahabol sya, nilalabas ko lang sya pag dudumi or iihi sya never kasi syang dto sa loob ng bahay umiihi or dumudumi (kahit midnight manggigising sya para ipaalam na iihi sya).. Also ilang beses na din nya nakagat ang anak ko, lalo pag nagugulat or nakukulitan sya (thank god walang rabbies).. Pagnillambing kasi sya ng anak ko may halong kulit (napipikon siguro) gusto ko na sana ipamigay kasi baka masmalala pa mangyari.. Anu kaya pwede kong gawin para mawala pagiging agresibo ska pangangagat nya? Salamat
 
sir tungkol sa dog ko na mag 1month old na.
1.di pa ba sya pwede sa dog food? or kung gatas naman bear brand lang pinapa inom ko ok lang ba?
2.medyo makulit sya parang nag hahanap ng kalaro, natatakot ako kasi parang mangangagat
3.anung buwan pwede paliguan kasi nagngati minsan sya
4.nanay nya japanese spts mix pitbull tatay nya chi mix pitbul din, sa tingin nyo anung uri sya ngayon dyan picture nya.
salamat

View attachment 166002
 
Attachments

  • DSCI0588.JPG
    DSCI0588.JPG
    1.7 MB · Views: 1
For clarification lang po, hindi po ako yung thread starter. Tutulong ako sa mga nagtatanong,okay lang ba yun? O.O baka kasi may magalit...

yung alaga naming shitzu, ilang araw ng walang ganang kumain , lagi ng matamlay, tapos sa sopa nmin hindi na po nya kayang tumalon. ano po ba problema nya..may sakit po b cya?

Babae ba yan? kung babae baka in heat cya, or sa mga tao may regla. Mapapansin mo yan kung in heat cya or may regla dahil may mga aso sa labas na either i-ihi sa gate or mag ste-stay sa labas ng inyung bahay. Pero sa sabi mo nga di cya makatalon sa sopa, mabuting dalhin mo na cya sa VET ba ka kasi may prob nyan sa internal, mura lang naman VET :)

Hello sir and mam! May aspin ako (na mukang greyhound) 1y&1m old since tuta sya nakatali na sya dto sa loob ng bahay, ngaun ko nalang sya tinanggalan ng tali (kasi nasira nya na).. Since nsa loob lang sya lagi ng bahay masyado syang sensitive sa ingay sa labas (sasakyan or mga batang naglalaro) tatahulan nya agad or worst pag naiwan nkabukas ang pinto manghahabol sya, nilalabas ko lang sya pag dudumi or iihi sya never kasi syang dto sa loob ng bahay umiihi or dumudumi (kahit midnight manggigising sya para ipaalam na iihi sya).. Also ilang beses na din nya nakagat ang anak ko, lalo pag nagugulat or nakukulitan sya (thank god walang rabbies).. Pagnillambing kasi sya ng anak ko may halong kulit (napipikon siguro) gusto ko na sana ipamigay kasi baka masmalala pa mangyari.. Anu kaya pwede kong gawin para mawala pagiging agresibo ska pangangagat nya? Salamat

Boss, nilalabas mo ba cya?i mean hindi yung gabi, dapat kasi sa mga case na ganyan eh ilabas mo cya sa umaga or sa hapon yung marami cya nakikita sa labas, mga tao,sasakyan,aso etc.. mga 15-20 minutes okay na yan, kadalasan lang kasi is yung boredom ng aso ang dahilan kung bakit nagiging agresibo and territorial sila. About dun sa anak mo, ilang taon na ba cya? kung medyo bata pa 1-7 years old mas mabuting wag mo munang ipalaro sa aso mo boss, sa case kasi ng aso mo boss,delikado para sa bata.. Ganun lang yun, sanayin mo lang ilabas-labas mo cya.

Yan yung bad effects ng tinatali or nasa cage na aso, no offense guys, pero yan ang isa sa dahilan kung bakit aggresive,sensitive at matamlay sila. Lalong-lalo na kung since puppy pa tinali'an mo na, ang ano kasi dyan is hindi cya nag enjoy nung puppy pa cya, yun bang nasa isang lugar lang cya nakatali/nakakulong kaya pag pinakawalan mo nagiging TERRITORIAL at wala na silang trust sa mga ibang tao gaya ng bisita niyo sa bahay, relatives etc. Itong dalawang aso ko kasi ngayon is hindi talaga tinatalian and tuwing nilalabas ko cla eh nakatali pag medyo matagal-tagal na kami sa labas eh, tinatanggal ko ang tali, di naman cla lumalayo pag tinatawag ko naman eh bumalik rin naman haha, And Feeling close to sa mga bisita namin, nagpapa belly rub at neck rub hahahah . Kaya yun mas maganda talagang free ang mga alaga natin.

sir tungkol sa dog ko na mag 1month old na.
1.di pa ba sya pwede sa dog food? or kung gatas naman bear brand lang pinapa inom ko ok lang ba?
2.medyo makulit sya parang nag hahanap ng kalaro, natatakot ako kasi parang mangangagat
3.anung buwan pwede paliguan kasi nagngati minsan sya
4.nanay nya japanese spts mix pitbull tatay nya chi mix pitbul din, sa tingin nyo anung uri sya ngayon dyan picture nya.
salamat

- - - Updated - - -

sir tungkol sa dog ko na mag 1month old na.
1.di pa ba sya pwede sa dog food? or kung gatas naman bear brand lang pinapa inom ko ok lang ba?
2.medyo makulit sya parang nag hahanap ng kalaro, natatakot ako kasi parang mangangagat
3.anung buwan pwede paliguan kasi nagngati minsan sya
4.nanay nya japanese spts mix pitbull tatay nya chi mix pitbul din, sa tingin nyo anung uri sya ngayon dyan picture nya.
salamat
View attachment 913951

1. Wala ba ang mama niya dyan? dapat kasi after 3 months pa hinihiwalay yan sa mama niya. Pero kung andyan mama niya at hindi niya pinapa dede, pwede ang dog food pero dapat hindi solid. E mash mo cya gatas+dog food. And okay lang yang bear brand, sa dog food is much prefer kung yung pure meat tingnan mo kung anong ang mga ingredients kung my syrup ay wag yan..

2. Haha ganyan talaga yan, natutuwa nga ako sa puppy pag ganyan mapaglaro, bina baliktad ko at kinikiliti ang tiyan :3 wala kang dapat ipag alala kung ang nanay at tatay niyan eh asong bahay hindi yung gala :) Pero if ever man makagat ka, matic na yan need mo talaga mag pa inject ng anti rabies and tetanus shots.

3. Kung andyan ang nanay niya, okay lang wag mong paliguan. . . Ang nanay kasi mismo mag lilinis nyan, pero kung ayaw linisan ng mama niya eh, punas-punas lang muna :) mapapansin mo kung lilinisan yan ng mama niya, kakagatin niya sa may leeg ilalapag sa kung saan niya gusto at didilaan niya after 3-4 months pwede mo ng paliguan but remember patuyu'in mo cya ng maigi. Much better kung may blower kayu+sabay brush = Heaven yan para sa alaga natin..

4. Sensya di kasi ako marunong kumilatis ng complex or mix na breed -_-

and advise lang since 1 month old pa cya :) ipunta mo cya sa vet,paturukan mo ng para deworm para sa kuto etc. and i think para sa anti rabies is after 3 months ata yan..

Medyo magastos talaga pag puppy pa :) hahaha parang mas malaki pa gastos ng aso mo kaysa sa baon mo lol

sana nakatulong ako sa inyo :)
 
Last edited:
sir bale binalik ko na yung puppy ko sa nanay nya kasi medyo namayat, eto po may kapalit sya makulit din... kaya may katanungan din po ako..
1. pinagala ko sa labas kaya lang nasilat sa pusali yung puppy ko, at madumi at mabaho ang pusali kaya pina liguan ko na, mag karoon kaya ng problema sa paligo nya.
2. binilhan ko naman ng pampurga yung syrup 1ml daw pag 1 kilo pa lng ang puppy, pinakain ko muna ng dog food at bearbrand tapos pina inom ko na ng pamburga
kaya lang sinuka nya lahat pati kinain nya, ang tanong ko po, dapat ko ba ulitin ang pa inom na pampurga at dapat ba gutom sya para di sumuka?
salamat po ulit sa kasagutan eto nga po pala sya pitbull mix chichuachua
View attachment 166148
 
Attachments

  • DSCI0627.JPG
    DSCI0627.JPG
    1.7 MB · Views: 2
mga boss pano po ba mag turo sa aso ko ng tamang pag fetch?. belgian malinios po breed nya. at meron din ako dalwang pitbull.
 
Pasensya now lang naka reply guys :) , hanep kasi rotating brownout dito samin -_- almost 10 hours >:

sir bale binalik ko na yung puppy ko sa nanay nya kasi medyo namayat, eto po may kapalit sya makulit din... kaya may katanungan din po ako..
1. pinagala ko sa labas kaya lang nasilat sa pusali yung puppy ko, at madumi at mabaho ang pusali kaya pina liguan ko na, mag karoon kaya ng problema sa paligo nya.
2. binilhan ko naman ng pampurga yung syrup 1ml daw pag 1 kilo pa lng ang puppy, pinakain ko muna ng dog food at bearbrand tapos pina inom ko na ng pamburga
kaya lang sinuka nya lahat pati kinain nya, ang tanong ko po, dapat ko ba ulitin ang pa inom na pampurga at dapat ba gutom sya para di sumuka?
salamat po ulit sa kasagutan eto nga po pala sya pitbull mix chichuachua
View attachment 914427

1. Pwede naman paliguan, dapat lang e yung maigi and dapat rin matuyo cya ng maayos, kung may blower kaayu mas maganda and mas prefer ko e dalian mo lang ang pag ligo sa kanya...

2. I think yeah..need mong pa inomin cya ulit, alam mo yung dropper? yung para sa mga bata pwede yun..

salamat sa info brad,ayaw rin matulog sa foam eh,naiinitan cguro gusto nya sa tiles lang na nakatutok electricfan gusto sa cr pwesto nya kasi mas malamig doon
brad nagttrain kba ng mga dog?at mga magkano kaya ang bayad sa trainer nya o kada sesion?

Welcome brad... ahh ayaw pa rin niya? cge lang...pabayaan at ilapag mo lang yang foam niya, hihiga'an niya rin yan, sa tingin ko di pa lang cya comfortable sa foam, nai-initan cguro :) sosy ng aso mo brad :) hahaha... pero madali talaga mainitan yang mga siberian husky.... pero mas worst yung mga chow-chow dyan, haha madaling mapikon :), nagttrain? di naman. . . mahilig at malapit kasi talaga ako sa aso tuwing may nababalitaan akong nanganak na aso sa mga kakilala ko eh, pumupunta ako hahaha, iiwan nila yung isa sakin after 2 months kukunin nila, pero condition ko eh, di nila ibebenta lols, as much as possible kasi ayaw ko nung ibinebentang aso -_- itong mga aso namin eh bigay lang, haha and pala tanong ako sa VET as in parang ini'interview ko na hahaha malapit lang kasi VET dito samin ka subdivision lang \m/..:) madali lang yan, basta marunong kang magbasa ng body language ng aso, Authorative ka dapat sa kanila, and higit sa lahat determination, and enjoy lang...:) di ako sure kung magkano ang pag train sa aso.. pero alam ko alam dito samin yung mga malls eh naghahanap ng mga aso prefer nila e yung mga labrador, german sheperd, basset hound etc. bale sila ang mag ttrain,bayad lahat pero sa kanila mo na yung aso for 1 year, gagawin nilang K9 nila, and i think may 5k a month ang may ari :3

mga boss pano po ba mag turo sa aso ko ng tamang pag fetch?. belgian malinios po breed nya. at meron din ako dalwang pitbull.

Belgian Malinois :3 madali lang turuan yan brad.... ganito ginawa ko sa pug ng tita ko, pinapagitna'an namin cya ng cousin ko, ako nasa isang side cya naman doon sa ibang side, yun.. itatapon ko yung stuff toy/bola/ or stick doon sa side ng pinsan ko. At first parang alangan pa, pero kinala'unan eh, pag tinatapon ko na yung laruan sa pinsan ko,,ina'agaw na niya then ibabalik sa akin :3.. mas madali yang sayo, belgian malinois eh, matalino yan at hindi stubborn :), sa pitbull hindi ako sure kung madali lang ba yang turuan ng fetch pero pwede naman... try mo lang,..ginagawa ko yan tuwing hapon pag walang pasok :)
...
 
Safe ba na toothbrushan ang labrador? Baka mangagat lalaki pa naman ng mga pangil.
 
Back
Top Bottom