Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SERIAL STORY: Mimi Turns Pretty

Chapter 1



"We hope you have a pleasant stay. Thank you for flying Skylight Airlines. Mabuhay at salamat."


"We're here," giliw na giliw na sabi ni Kuya Marky habang tinatanggal ang seatbelt niya.

Napabuntong-hininga lang ako. "God, I hope I can get some decent sleep tonight."

Natawa si Kuya. "Right, like you get any sleep when we were in New York."

I roll my eyes.

If I'm being honest, I think I’m going to have a harder time sleeping now because I’m really nervous coming back to Manila. It’s been years since we came home, but when family calls, we come running.

Kuya and I have been living in New York for the past six years. Pagka-graduate ko ng high hchool nagdesisyon ang magulng namin na doon na kami magtapos ng pag-aaral at mula noon wala kaming naging rason para umuwi. Pero ngayon, dahil 70th birthday ng Lola namin, uuwi kaming lahat para sa sa kanya.

"I'll get our bags," aniya.

Typical Kuya Marky, always the doting big brother. Kuya has been my number one everything since I was little. He's dependable, supportive and protective even though, he’s just two years older. He’s always been that way. Pero siyempre dahil kapatid na lalaki at dalawa lang kami, lagi niya akong inaasar noong bata kami, mas lumala pa noong high school na kami.

Ang dami niyang nicknames sa akin dati na minsan gusto ko pa rin siyang umbagin dahil sa sobrang sama ng mga tawag niya sa akin: Mimi-gsa, Mimi-yatot, Mimi-hukot, Mimi-ling at Mimi-bantot. I hated that last one.

Well, that was before. He can't do that to me now.

You'd never think with me looking the way I do now that I was bullied before. Now I look, well, like Marky's Galvez' sister. He’s around 6’0”, and I’m tall for a girl because I’m 5’7”. Pareho kaming may Spanish features, matangos ang ilong, maputi at mahaba ang mga pilik-mata.

Back then I was considered the ugly duckling. What other people say about me were partly true that I couldn’t even call them insults. Sa sobrang dami ng taghiyawat ko wala na mapaglagyan sa mukha ko kaya pati batok ko nagkaroon. Ubod ng oily ang mukha ko kaya lagi akong may bitbit na dalawang panyo. I also had dry, brittle hair.

Puberty came early for me too, so I had a growth spurt and towered over most of my classmates. I used to feel ashamed by being taller than everyone else so I hunched a little so they wouldn’t notice, but that just made it worse because they noticed me more. While other girls looked regal or statuette for being tall, I was the opposite - I was lanky and awkward.

While all of that was fine and I accepted it all, the only thing I absolutely hated was when people said that I didn't look like Marky's sister. They used to ask if I was adopted or maybe borne out of my mother’s frustrations and resentment.

Si Kuya naman ang golden boy at napakaswerteng nilalang mula nang ipanganak siya. Ni minsan hindi pa siya nakaranas na matawag na pangit. Feeling ko siguro ako ang sumalo ng lahat ng kapangitan noon sa aming dalawa. Dati kapag pinagtabi kami sa pictures ni Kuya mukhang ako iyong alalay, tapos siya iyong amo. Pero hindi ko ikinasama ng loob iyon, hindi naman niya iyon kasalanan.

He used to defend me when he hears something bad being said about me, that’s the rule – he’s the only one who can tease me, not other people. Pero nakiusap na lang ako na 'wag na niyang pansinin iyong mga nang-bu-bully sa akin kasi mas lumalala ang problema ko dahil iyong mga nang-bu-bully sa akin, crush na crush siya.

There was that one girl, I will never forget that girl, Steph. She was the bane of my existence until graduation. She was so mean, and I didn’t even understand why. She just picked on me for some reason.

I wonder how she's doing right now.

"Mi, look, nag-post na si Mom, nasa airport na rin sila." Kuya shows me his cellphone, it's Mom sitting at the Airport lounge with her feet propped up her luggage.

Sumilip ako sa cellphone ni Kuya. "Ano na naman iyang pose na iyan?”

Ngumiti lang siya. "Ayaw mo kasi mag-create ng account. Usong pose iyan sa IG. Cool talaga kasi si Mom."

Siguro dahil sa mga pinagdaanan ko noong bata ako ang naka-apekto sa kung paano ako mag-isip ngayon. I don't have any social media accounts because I don't feel safe with it. I feel like I'm giving people reasons to look at me, be curious about me and how I look. I've never been a fan of pictures either.

He puts his phone up for a selfie and I cover my face with my hand.

Hinampas niya ang kamay ko. "Ano ba, Mi? Para kina lola 'to para alam nilang nandito na tayo."

Umirap ako. "Malalaman talaga nilang nandito tayo kasi pupuntahan natin siya, tigilan mo nga iyan."

He sends the picture anyway.



***

I look around the airport while waiting for our ride. I missed being home even if I’m a bit nervous, but the only thing that I can surely say I haven’t missed is the heat.

“Grabe! Ang init!” I wipe the sweat off my forehead. I’m wearing a sleeveless black shirt, cropped jeans and white sneakers. Sana nag-shorts na lang ako.

Pagtingin ko kay Kuya hinuhubad na rin niya ang jacket niya, napalingon ako sa likod niya at napansin ko ang mga babaeng grabe kung makatingin kay Kuya. Napailing na lang ako.

Kuya’s wearing his typical plain white t-shirt, faded jeans and sunglasses. Pero dahil maputi, matangkad – I guess pansinin talaga.

Naupo si Kuya sa maleta niyang malaki nang may biglang dumaan na babae sa gilid niya at binangga siya ng bahagya. Dahil naka-sunglasses rin ako hindi nakita ng babae nang umikot ang mata ko sa pag-irap. Hindi naman masikip ang daanan, ang laki-laki ng pagitan nila binangga pa talaga si Kuya para magpapansin.

She smirks and apologizes to Kuya but Kuya barely glances at her and automatically says, “it’s okay.”

I couldn’t help it, so I say, “some people are unbelievable.”

Kumunot ang noo ni Kuya. “What do you mean?”

I scoff. “That girl who deliberately bumped you just to catch your attention. I don’t get it.”

Lumingon si Kuya sa direksyon kung saan nagpunta iyong babae. He just shrugs. “Why? What’s the big deal?”

Syempre maliit na bagay lang iyon sa kanya, normal niya na ‘yan eh. Madalas may makahulog ng kung anu-ano sa harapan niya, mababangga siya habang naglalakad, makipag-patintero sa kanya tapos hahagikgik na parang bata – ano ba sila naghahanap ng “meet-cute” starring ang kapatid ko?

I huff. “I mean if you find someone attractive then you should say something, right? Do you do that? Do you bump into girls on purpose if you like them? It’s just looks desperate!”

He removes his sunglasses and looks right at me, eyes wide. “Wow! Where the hell did that come from, Mi?”

I immediately feel my cheeks burn. “Wa- wala. I just get annoyed with it. That’s all.”

He wraps his arm around me, and he sighs. “Naiinis ka kasi hindi ka kagaya nila. Hindi ka papansin. You don’t like putting yourself out there and take a chance, so you’ll meet the person you will spend the rest of your forever with.”

“Pfft. Forever? Wala noon. Hindi totoo iyon.” I cross my arms over my chest.

Binitiwan niya ako pero ginulo niya ang buhok ko bago siya maupo ulit sa maleta niya, “You’ll see. One day magiging natural na sa ‘yo magpapansin sa lalaking gusto mo. You’ll be the annoying one.”

I roll my eyes. “Don’t hold your breath.”

My brother reads me like a book, he knows all of my issues so it’s hard for me to pretend around him. What really bothers me about this is that I envy girls like that because Kuya’s right, I don’t put myself out there. I can’t make the first move. Hindi ko kayang magpapansin sa lalaking gusto ko. I never had the courage – that’s the downside to having baggage.

Sinilip ko ang oras para ibahin ang usapan. “Nasaan na ba ang sundo natin? Ang tagal naman.”

Kuya checks his phone. “He’s almost here. Na-traffic lang daw.”

Binulsa niya ang phone niya. “Alam mo naman si Ollie, laging late.”

Wait.

What?


I try to swallow while feeling a lump in my throat. “Ollie? As in Oliver?”

Tumango siya at may kakaibang ngiti, “Yup. I asked him to pick us up.”

Oliver De Luna = Kuya’s best friend and the one person I hoped I won’t see on this trip.

Nakita siguro ni Kuya that I’m breathing hard, so he puts his hands up, “Oh, Mimi. Don’t be mad, no one was available to pick us up, so I called in a favor.”

I remove my sunglasses so he can see the fire in my eyes. I poked him on the chest. “How can you do this to me? How can you not tell me? Sana nag-taxi na lang tayo.”

I grab my suitcase and start walking away. “Mag-tataxi ako.”

Hinatak ni Kuya ang maleta ko at hinatak ko papunta sa akin ang handle. “Let go, you jerk!”

“Stop it, Mimi. Kung anong nangyari sa inyo before we left was a long time ago na.” He yanks my suitcase back and because he’s stronger than me he pulls it back to where our other bags were placed.

He sighs and faces me while pursing his lips. Kilala ko ang mukhang ito, ito ang mukha na ginagamit niya kapag nagpapaka-Kuya siya sa akin. “What the hell happened before, Mi? Did Oliver do something? Kailangan ko ba na bugbugin ang best friend ko?”

This is not the first time he’s asked me this question. I’m guessint it won’t be the last either. But like before I brush it off like it’s nothing. I roll my eyes and put my sunglasses back on, “Don’t be so dramatic, Kuya.”

“Ako? Ako ang dramatic ikaw ang may pag-walk out diyan!” he’s teasing but he’s still assessing my reaction.

I just don’t want to see him.

Before I can answer a white Jeep Wrangler stopped in front of us.
 
Yan ang hinihintay ko dito ehehehe. Chapter 2 na agad
 
Eto na po. hahaha

Chapter 2

It’s fascinating how your memory keeps certain things about the people that mean a lot to you. Years may pass but you always remember. And it’s not the big things, but the little things like how they walk, how they wear their hair, the way they laugh or how they call your name.

The jeep stopped in front of us, and the windows rolled down. I hold my breath.

“Mimi?”

Buti na lang naka-sunglasses ako para pwede ko siyang titigan nang hindi nahihiya. I can’t believe after six years I get to see him again.

“Ollie,” I say, monotone.

He walks over to us and I took my time to check him out.

Ollie from back in the day looked neat, he always looked put together, he was fair-skinned. His dark brown hair was a little wavy, but always cut right above his ear and it falls down his face when he laughs. Itong Ollie sa harap ko ibang-iba. His hair is long and half of it was up in a bun on top of his head. Medyo naging moreno siya at mukhang maganda ang pangangatawan. He’s wearing a blue buttoned up short-sleeved shirt that’s not buttoned all the way up, his collarbone is showing and he’s wearing faded blue jeans and slip ons. His style is different, but his face is the same – inviting, kind.

His eyes are still his best feature, brown with long lashes that always appears as if he’s squinting but looks best when he smiles. He’s got a pointed nose and full lips.

Lumapit si Ollie kay Kuya at niyapos niya ito pero sa akin siya nakatingin.

“Pare, kumusta?” Kuya pats him on the back.

I stand there just watching them. Siguro mukha akong supladitang ewan pero hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. I don’t know how I should act around him. Not anymore.

Kuya pushes Ollie away at itinuro ako. “Si Mimi, you remember?”

Umismid ako kay Kuya. He’s trying to get a reaction out of me.

Ollie smiles and gives me a once over. “You look great, Mimi.”

Dahil nakatago ako sa sunglasses ko tiningnan ko muna si Kuya bago sumagot. He’s still assessing how I would interact with Ollie.

I grab my bag. “Yeah. Whatever. Can we go?”

“Mia,” Kuya admonishes and I almost flinch.

Kuya is really a Kuya when it counts. He maybe playful most of the time, but he knows when he needs to act like my older brother especially when he thinks I’m out of line, like now.

Hinampas lang ng magaan ni Ollie ang braso ni Kuya. “Don’t worry about it. She’s probably jetlagged.”

Lumapit sa akin si Ollie at ang natural na reaksyon ko ay huwag huminga. Sana ‘di kami masyado madalas magkasama nito baka ikamatay ko pa.

Kinuha niya ang bagahe ko at ngumiti sa akin bago pumunta sa likod ng kotse niya, sumunod naman si Kuya na may pagtaas pa ng kilay nang daanan ako. Gusto ko siyang belat-an pagkatalikod.

Binuksan ko ang likod na pinto ng kotse at naupo. Matapos nilang ipasok lahat ng bagahe sumakay na si Kuya at Ollie. Lumingon lang ako sa labas para hindi nila ako isama sa usapan.



***

“Grabe na ang traffic dito, pare. Nakakabuwang,” sabi ni Ollie.

Tumawa si Kuya. “Kaya ka pala nagtago.”

Ngumiti si Ollie. “Kung hindi dahil sa ‘yo hindi talaga ako lalabas ng lungga ko.”

I might have imagined it pero I think he looked at me from the rearview mirror when he said that. Ako na yata ang nabubuwang.

Tumahimik sila for a while at nag-ready na ako for the inevitable “so…”

Tumikhim si Ollie. “So…”

And there it is.

This time alam I know I didn’t imagine it because he’s looking at the rearview mirror, “Mimi, kumusta ka na?”

I’m not a hateful person. I can say that I’m nice most of the time, but Ollie just brings out the worse in me. “It’s Mia.” I correct him.

Kumunot ang noo niya. “Ano? Mia? Kailan ka pa naging Mia?”

Medyo na-trigger ako kasi alam ko namang alam niyang iyon talaga ang pangalan ko at palayaw ko lang ang Mimi.

“Mia ang pangalan ko, hindi ba? Hindi naman Mimi. Only family calls me that.” I turn back to looking outside.

“Mi, what the heck is wrong with you?” Kuya asks.

Gusto ko magmaktol dahil ayaw ko naman maging salbahe pero binigla niya kasi ako. Hindi ako handang makita si Ollie. Alam ko namang may posibilidad pero hindi ko alam na ngayon na. Hindi ko alam na sa unang araw namin pagbalik ng Manila makikita ko agad siya. So, I’m just acting on instinct.

Ollie apparently doesn’t care about my abrasive reaction. “So hindi na Mimi? Mia na?”

Nagbuntong-hininga ako. “Oo.”

“Hindi na Mimi? Mia na?” he asks again.

“Oo nga.” Pag-ulit ko na medyo may diin.

“Mimi? Mia?” ulit niya.

“Oo nga. Ano ka ba parrot?!”

Nagulat ako nang bigla na lang siyang tumawa, as in halakhak. May pahataw-hataw pa sa steering wheel.

Natawa rin si Kuya kahit hindi niya naman kung bakit, “What’s funny?”

Nang mahimasmasan si Ollie sinabi niya lang, “may naalala lang ako.”

Ganoon kalakas na tawa tapos may naalala lang? Ano iyon komediyante?

Tumikhim si Ollie at nagpipigil pa rin ng tawa. “Mia.”

“Bakit?” ani ko.

He chuckles. “Mahilig ka manood ng vlog sa Youtube?”

Wala ako’ng social media account pero meron akong Youtube account para lang sa panonood ng mga videos online.

I humor him. “Oo. Bakit?”

He laughs a little. “May kilala kasi ako doon, sikat siya ngayon. Naalala kita.”

Kumunot ang noo ko. “Ako? Bakit?”

Tumikhim siya. “Ganito kasi siya mag-greet sa followers niya...”

He sits up straight and says, “it’s your girl, Mimiyuuuhhh.”

Humalakhak sila Kuya at Ollie. I turn beet red.

I used my jacket and I hit Kuya from behind. “Ow. ‘Wag ka ganyan Mimiyuuuuhhh.”

Kumakanta pa rin si Ollie kapag nagkakahangin siya matapos tumawa, hinampas ko rin siya ng jacket ko, “Ah gano’n! Kahit kailan! Pasimuno ka talaga, Oliver!”

He laughs and his eyes look straight at me on his rearview mirror. “Nice to see you again, Mimi. Welcome home.”

Itinakip ko sa mukha ko ang jacket ko at nagpanggap na natutulog.



***

Fifteen Years Ago

“Kumapit ka nang maigi, Mimi. Baka mahulog ka.”

Itinutulak ni Kuya ang swing habang nakasakay ako. Gusto ko mas malakas pa ang tulak kaya sinabi ko, “Kuya, lakasan mo pa.”

“Huwag ka nga lumingon, Mi. Baka mahulog ka. Ititigil na natin ito kapag makulit ka.”

Lumabi ako at nanahimik, ayaw ko na nagagalit si Kuya kasi mawawalan ako ng kalaro.

May sasakyan na tumigil sa tabi ng bahay namin, sabi ni Mom magkakaroon daw kami ng bagong kapitbahay, sana may mga bata naman para may makalaro akong iba.

“Mom, nandito na ang mga bagong kapitbahay!” Sigaw ni Kuya.

Hinatak ni Kuya ang swing para tumigil. “Baba ka muna, Mi. Tatawagin ko si Mom.”

Nakasimangot akong bumaba ng swing at pinanood siyang pumasok sa loob ng bahay. Maliit pa ako kaya hindi ko pa kayang umupo sa swing kapag hindi tinutulungan. Hindi ko pa abot ang sahig.

Kumapit ako sa bakal ng swing at sumubok umupo, dumudulas talaga ako. Subukan ko kaya tumalon?

Sinubukan ko ulit pero hindi ko kaya. Lumabi na ako dahil ang tagal bumalik ni Kuya, magdidilim na naman tapos papapasukin na ako sa bahay. Gusto ko pa mag-swing.

May kumapit sa bakal ng swing at napatingin ako. Batang lalaki, parang kasing tangkad ni Kuya Marky.

“Hi,” sabi ko.

“Hello,” sabi niya.

Tiningnan niya ang swing. “Gusto mo sumakay?”

Tumango lang ako at ngumiti, ngumiti rin siya at kinapitan ang dalawang bakal na tali ng swing. “Hahawakan ko, sige sakay ka na.”

Sinubukan ko’ng sumakay pero dumudulas pa rin ako, kahit na mag-tingkayad ako hindi ko pa rin abot.

Lumabi ako at parang gusto ko na umiyak. Nasaan ba kasi si Kuya Marky?

Nagulat ako nang biglang buhatin ako ng bata at isinampa sa swing. “Kapit ka.”

Nakaupo na ako sa swing at ngumiti.

Pumunta siya sa likod ko at itinulak ang swing. Nilingon ko siya, pero hindi siya nagalit, ngumiti pa.

“Anong pangalan mo?” Tanong ko.

“Oliver, ikaw?”

“Mia. Pero pwede mo ako’ng tawaging Mimi,” nakangiting sagot ko sa kanya.

Tumango siya. “Sige, pwede mo rin ako tawaging Ollie.”

“Ollie.” Pag-ulit ko.

Ngumiti ako at tahimik na nag-swing habang itinutulak ni Ollie.
 
Chapter 3

“Mimi.”

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nabulag sa liwanag. Nakapangalumbaba si Ollie sa bintana ng kotse at nakatingin sa akin.

Napaupo ako ng diretso at lumingon sa paligid. “Nandito na tayo?”

Tumayo ng tuwid si Ollie at tumango. “Ang sarap ng tulog mo kaya hindi ka muna namin ginising.”

I fix my hair and look for my sunglasses. “Where’s my sunglasses?”

Ngumiti si Ollie at iniabot ito sa akin.

I glare at him. “Bakit na sa ‘yo?”

“Guguhit sa mukha mo, kaya tinanggal ko muna.” Nakangiting sabi ni Ollie, walang bakas ng pagka-inis sa pagiging masungit ko sa kanya. Typical.

I check my face sa rearview mirror. Wala namang guhit.

Weird.

He opens the door for me. “Tara. Kanina ka pa hinihintay ng Lola mo.”

Paglingon ko sa likod ng Jeep wala na ang bagahe ko, ibinaba na nila siguro. Nakapamulsa si Ollie sa tabi ko habang naglalakad. Hindi ko maiwasang mapansin na nag-iba na talaga ang dating niya. He looks relaxed, carefree, surfer vibes.

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. He smirks then walks backward, facing me.

I raise an eyebrow at him. “Bakit?”

He shrugs. “Wala. I just want to look at you.”

Inirapan ko lang siya. “Weirdo.”

Natawa siya at bumalik siya sa paglalakad nang maayos nang makarating kami sa pinto ng bahay. He opens it and I go inside.

“Mia!” Hiyaw ni Auntie Baby.

Tumili ako at tumakbo sa kanya sabay yapos. “Auntie! I’ve missed you po.”

Biglang may yumapos sa akin sa kanan, si Auntie Len. “Auntie!”

I was welcomed with hugs and kisses from my aunts and uncles. It’s great to be back home.

“Hoy, pwede bang ako muna ang mayapos ng apo ko?” Napalingon ako at nakita si Lola na nakangiti sa akin.

Tumakbo ako sa kanya at yumapos. “Lola, na-miss kita!”

She’s too small at medyo pumayat kaya kailangan ko maging maingat baka mapipi ko siya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang yapos si Lola.

Pagbitiw ko sa kanya tumawa si Lola habang pinupunasan ang luha ko. “Itong batang ito, bakit ka umiiyak? Hindi pa ako mamamatay!”

Nagtawanan ang mga tao sa bahay at pinunasan ko lang ang mga luha ko. “Na-miss ko lang po kayo Lola, kayo naman.”

Malaki ang pamilya namin, si Lola Conchita ay may limang anak na puro lalaki kaya malapit siya sa mga napangasawa ng mga uncle ko at kay Mom. Nang magsipagasawa na sila hindi sila makabuo ng babae hangga’t dumating ako. Ako ang bunsong apo at babae pa. Kaya paborito talaga ako ni Lola.

Ngumiti sa akin si Lola at hinawakan ako sa magkabilang pisngi, kailangan ko yumuko ng kaunti para hindi siya mahirapan. “Halika nga, patingin nga ng apo kong maganda.”

“Heto po, maganda pa rin. Mana lang sa inyo.” Biro ko.

Para niyang binubusisi ang mukha ko kasi tinatagilid niya, sinisilip ang pisngi ko, mata, noo, sabay palatak. “Parang pumayat ka lalo, Mimi.”

Tumuwid ako ng tayo at hinawakan ang mga pisngi ko. “Hindi naman po, Lola. Ganito na talaga ako kapayat.”

Mula pagkabata tingting talaga ako, noong nasa College lang ako nagkalaman dahil nagsimula na akong mag-workout noon.

Hinawakan ni Lola ang mga kamay ko, “Mimi…”

Ngumiti ako sa kanya. “Po?”

“Kailan ka ba magpapakilala sa amin ng nobyo?” nakasimangot na sabi ni Lola.

Dahil Lola ko siya hindi ako umirap. “Lola naman, bata pa po ako marami pang time para diyan.”

Pumalatak siya. “Ikaw bata pa, e paano naman ang Lola mo? Gusto ko pa makita ang mga magiging apo ko sa tuhod.”

“Naku ‘La, matagal tagal pa po kayo maghihintay, napaka-choosy niyang apo niyo.” Napalingon ako sa boses ni Kuya Marky, mukhang nakakain na dahil hinahaplos pa ang tiyan sa kabusugan.

“Shut up.” Pinandilatan ko siya.

Napalingon si Lola sa likod ko at lumapad ang ngiti. “Naku, nandito pala ang guwapong batang ito. Halika nga rito, Oliver.”

Pumihit ako ng kaunti para may daanan si Ollie pero hindi ako makalayo dahil kapit pa rin ni Lola ang kamay. Gamit ang isang kamay niya pinag-bless niya si Ollie.

“Kumusta po Lola? Blooming kayo ah.” Biro ni Ollie.

Hinampas ng marahan ni Lola ang pisngi ni Ollie. “Ikaw talagang bata ka, bolero.”

Parang kinilig pa si Lola. Iba din.

Ibinaling ni Lola ang tingin niya sa akin. “Napaka-guwapo talaga nito ni Oliver ano, Mimi?”

Si Lola talaga sinusubukan ako.

Nagngiting aso ako at tumingin kay Ollie, nakangiti siya sa akin nang sabihin kong, “opo. Guwapo.”

Ngumiti sa amin si Lola. “Ang saya ko talaga at makukumpleto tayo ngayong birthday ko.”

Yumapos si Kuya Marky sa kanya kaya napilitan siyang bitiwan kami ni Ollie. “Lola, tama na iyan. Ako naman po pansinin niyo, mas guwapo po ako kay Ollie ‘di ba?”

Tumawa si Lola. “Iba ang pagka-guwapo niyo ni Oliver, pareho kayong guwapo.”

Kumaway si Ollie kay Kuya. “Marky, una na ako ha.”

Kumunot ang noo ni Lola. “Saan ka pupunta?”

Namulsa si Ollie. “Pupunta po muna ako sa mga Tita ko, doon na lang po ako muna mag-stay. Pahinga po muna ako bago bumalik bukas sa bahay.”

Malayo na ba tinitirhan niya?

Pumalatak si Lola. “Hindi ka ba pupunta sa birthday ko?”

Kumamot sa batok niya si Ollie. “Pupunta po Lola, pero uuwi lang po ako saglit.”

“Ay hindi maaari. Dito ka na matulog sa bahay, marami namang kwarto dito.”

Nanlaki ang mata ko. Nagkatinginan kami ni Kuya at hindi siya nagsalita.

“Naku, hindi na po Lola. Okay lang po, pupunta po ako sa birthday niyo. Promise po iyan.”

“Naku, magtatampo ako, Oliver kapag hindi mo ako pinagbigyan, dito ka na matulog, malaki ang kuwarto ni Marky, hindi ba apo?” tanong ni Lola.

Tumango si Kuya. “Oo naman. Pare, dito ka na mag-stay. Pwede ka namang hindi muna umuwi hindi ba? Two weeks lang naman before ang birthday ni Lola.”

Tumingin ako kay Ollie and he looks back at me. Huminga siya nang malalim at ngumiti kina Lola. “Kung hindi po ako abala, sige po dito na lang po ako mag-stay.”

Ang lapad ng ngiti ni Lola, spoiled talaga. Tsk.

“O, ano pa hinihintay ninyo, tara nang mag-tanghalian.” Niyapos ko ulit si Lola ng medyo may gigil habang naglalakad papunta sa dining area.



***

Fourteen years ago

“Lumabas ka na nga, Mimi.” Pilit isinasara ni Kuya ang pinto ng kwarto niya.

“Saglit lang naman, mag-gu-goodnight lang ako kay Ollie.” Pilit ko habang tinutulak ang pinto ng kuwarto niya.

Bumukas ang pinto at nasa likod nito si Ollie. Sumilip siya. “Bakit, Mi?”

Iniabot ko sa kanya ang paborito kong kumot. “Ito Ollie, ito nang gamitin mo, malambot iyang kumot na iyan.”

“Ipinahiram mo pa iyan Mi e baka nalawayan mo na iyan,” ani Kuya.

“Hindi ah! Bagong laba iyan! Pinalabhan ko talaga iyan para magamit ni Ollie.” Nakasimangot ko’ng sabi.

Ngumiti lang si Ollie at pinapasok ako sa kwarto ni Kuya.

“Naku, mamaya pa aalis yan, Ollie,” sabi ni Kuya.

Sumimangot ako. “Hindi naman ako manggugulo. Manonood lang ako.”

Bumalik sila Kuya at Ollie sa pagkakaupo sa harap ng TV. Naglalaro sila sa Playstation ni Kuya.

Dito matutulog ngayon si Ollie kasi nasa probinsya ang mga magulang niya. Excited pa naman ako akala ko kasi makakalaro ko rin si Ollie, pero mula nang dumating siya kanina dito lang sila nagkulong sa kwarto ni Kuya. Si Kuya talaga madamot.

“Anong nilalaro niyo?” tanong ko.

“Tekken,” si Kuya ang sumagot.

Tumahimik lang ako at nanood, ayaw ko na magtanong baka palabasin ulit ako ni Kuya. Humikab ako at napahiga sa kama ni Kuya habang nanonood. Napapapikit na ako pero hindi pa dapat ako makatulog, sasabihan na naman akong bata kasi lagi akong nakakatulog ng maaga.

Para akong lumilipad pero hindi pala, napagising ako at buhat pala ako ni Ollie. Tumingin siya sa akin. “Mimi, tulog ka na.”

“Nasaan si Kuya?” tanong ko.

“Nandoon sa kwarto, ayaw tigilan iyong laro niya kaya ako na ang maghahatid sa ‘yo. Sige na, tulog na,” sabi niya.

Pumikit ako at humilig sa dibdib niya. Lalo akong inantok sa pagduyan ng lakad niya.

Nilapag niya ako sa kama ko at kinumutan.

“Good night, Mimi.”

Napangiti ako bago nakatulog ulit. “Good night, Ollie.”
 
Chapter 4

After lunch at matapos akong kulitin ng mga Auntie ko tungkol sa non-existent kong lovelife umakyat na ako papunta sa kuwarto ko. Malaki ang bahay ni Lola Conchita, ancestral house na ito dito sa Manila. Sampu ang kuwarto sa main house at may extra pang tatlong kuwarto sa two-storey guest house within the grounds. The main house sits on a one-hectare land area. Dahil mahilig ang Lolo at Lola sa mga halaman, napapalibutan kami ng mga puno at ang malaking parte ng lupa ay puro bulaklak at may iba-ibang halaman.

The house is already decades old but was recently renovated with the help of the whole family. Dad’s an architect, Mom’s an interior decorator and Uncle Manny’s an Engineer. Lola raised very successful children eventhough she mostly raised them on her own by being a cook. Maaga kasi namatay ang Lolo Pancho namin kaya si Lola ang nagtaguyod sa lima nilang anak. Maraming kuwento ang Lola sa mga hirap na dinanas niya noong araw.

Binuksan ko ang bintana at huminga nang malalim. I can feel the wind on my face and the fresh air fill my lungs. I open my eyes to see all the green around me. This is what I mostly miss about being here, in New York our apartment is small and the only view we see is buildings and bricks. I open my eyes and take in the trees and flowers surrounding the house. I remember having our family gatherings at the garden directly below my window. I smile as I recall Lola getting upset because I chose not to celebrate my 18th birthday here because were were already living in New York.

May kumatok sa pinto at pumunta ako doon para buksan ito. Sumilip muna ako at napangiwi. Si Ollie na naman.

“Hey.” Nakangiting sabi ni Ollie. Itinuro niya ang bagahe ko na hawak hawak niya, so pinagbuksan ko siya ng pinto.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto ko na hatak ang bagahe ko at inilagay ito malapit sa kabinet. I cross my arms over my chest. “Thanks for bringing those, you didn’t have to.”

Kumunot ng kaunti ang noo ni Ollie. “I wouldn’t let you carry those, Mi. You know that.”

The old Ollie wouldn’t let me lift a finger when we were young. Iyong kilala kong Ollie noon ay matulungin at sweet. But my perception of him changed when we grew up, surely he knows that. I keep my thoughts to myself and just nod. “Of course.”

Hindi siya umaalis sa pagkakatayo niya roon at sumandal pa sa kabinet. “So, Mi. Kumusta ka na? You didn’t answer my question from before.”

I bite the inside of my cheek and rub at my arms while speaking, “okay naman. Ikaw?”

He notices my discomfort and I immediately stop and put my hands behind my back. Tumingin ulit siya sa mukha ko. “I’m good. Well, okay lang rin siguro.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya. Ang sabi niya “good” tapos “okay lang” tapos sinundan pa ng “siguro”. He’s confusing.

Tumango lang ako ulit para hindi na humaba ang usapan. Sobrang ilang ako sa kanya pero hindi ko iyon maramdaman sa pakikitungo niya sa akin. He looks interested, like he’s genuinely curious about me. I don’t understand him at all.

I clear my throat. “Well, thanks again sa pagdala ng luggage ko ha. I better wash up, I’m pretty tired.”

He pushes away from the cabinet, I thought he’d walk away but instead he stands in front of me and stares at me, I blink a few times.

“Mi, we’re- ” he sighs. “We’re okay, right?”

I grit my teeth before speaking. Ayaw kong magmukhang naiilang ako sa kanya. I should show him that I’m capable of talking to him like a normal person. I shouldn’t let him see how he affects me.

I give him my best smile. Iyong pinakamakatotohanang ngiti na nakayanan ko. Iyong ngiti na dati kong binibigay sa kanya. “Of course, Ollie. I’m just really tired.”

Pinagbuksan ko na siya ng pinto habang hindi pa siya nakakasagot. “We’ll talk more when we have time. Matagal pa naman kami dito before we have to go back.”

He purses his lips and walks out the door. “Fine. We’ll talk more so save some time for me, okay?”

Tumango lang ako. “Okay.”

I close the door and lean my back against it and listen as his footsteps fade.

***



I look at the clock beside my bed and sigh for the nth time tonight. Damn jetlag.

Pagkatapos ko maligo kaninang hapon, bumaba ako at nakipagkwentuhan muna sa mga kamag-anak namin. Nandoon rin si Ollie at nagkunwari na lang ako na hindi ko napapansin ang pakikinig niya sa mga kwento ko. We had a pretty crazy dinner after. Doon kami sa garden naglatag dahil ang dami namin. I missed Mom and Dad pero alam ko naman bukas nandito na rin sila.

I got in bed ready to call it a night, but to no avail. I’ve tossed and turned, read and put music on but it’s almost two AM and I haven’t slept a wink. While I blame it primarily on jetlag, I think there’s a part of me that can’t sleep peacefully knowing that Ollie is under the same roof.

Nakakabwisit kasi parang bumalik ako sa pagkabata. I remember when he used to sleepover at our house, I’m the same way I am now. Paikot ikot sa kama dahil hindi ako mapakali hangga’t hindi ako nakakapag-goodnight sa kanya. Suffice to say I had a huge crush on Ollie when we were younger, pero hindi ko naman ‘yon napansin that time.

Na-realize ko na gusto ko siya dahil lagi akong nag-aayos kapag pupunta siya, kahit na wala nang kapag-a-pagasa ang itsura ko noong high school nag-effort pa rin ako. Effort na hindi naman napapansin ng kagaya ni Ollie. Sa kanya nakababatang kapatid lang ako ng kaibigan niya at dahil nag-iisang anak siya, siguro itinuring niya lang rin akong kapatid.

Nagbuntong-hininga ako at bumangon. Iisa lang ang kailangan kong gawin para makatulog. I know what I need to do.

I put on a shirt because now that I’m here in Manila, I know it would be indecent of me to walk around in my sportsbra and shorts. Sa New York ito ang lagi kong suot kapag natutulog. Sportsbras when it fits you right are very comfortable so I wear it even when sleeping. I put my hair up in a high ponytail and quietly leave my room. The floorboards of the house squeak and I don’t know why, but because of the stillness in the house it makes the floorboards squeak even louder.

Dumiretso ako sa kitchen at nagkalkal sa pantry ng kung anu-ano. I found the jackpot, Lola’s baking stuff so I decide to make cupcakes. I gather all the ingredients I need and get to work.

This is probably one of the other reason why I’m Lola’s favorite. I decided to follow in her footsteps and get a Bachelor’s Degree in Culinary Arts from New York. I’m planning to take Masters Degree for it too, but I want to get a job before I do.

Si Lola kasi magaling magluto, iyon ang talento niya at iyon rin ang naging daan para maitaguyod niya ang mga anak niya at mapagtapos sila ng pag-aaral. Si Lola ang may-ari ng Conchita’s Restaurants na may limang branches nationwide, ayaw niya raw na masyadong maraming branch hindi niya naman na raw mapapatakbo ng ayos kapag marami.

I measure the ingredients and proceed to prepping what I need before I actually bake.

Baking is therapeutic for me. Kapag hindi ako nakakatulog sa New York, I bake. It requires focus. It’s pretty routine actually, but you shouldn’t lose focus, one wrong measurement then it falls apart. Kaya kailangan tutok talaga sa ginagawa mo kapag nagbe-bake. Lahat ng ingredients may sukat, hindi mo na kailangan mag-isip, basta sundin lang ang recipe masarap at maganda ang kalalabasan. So, I feel like I’m relieved of all my anxieties when I bake, I momentarily calm myself and all my problems go away.

I look at my watch and just like that I’ve already killed ten minutes. I pop the cupcake batter in the pre-heated oven and set the timer to 25 minutes. I prep the frosting while waiting for my cupcakes to bake.

I look at my watch after I’ve prepped the frosting and I still have 15 minutes before the cupcakes are ready. I put the frosting in the ref and I yawn while doing so. I cleared the table and cleaned the stuff that I used.

Natapos na akong maglinis pero may five minutes pa ako para hintayin matapos ang cupcakes para maluto.

Naupo ako sa sahig kaharap ng oven, tinakpan ko ng kamay ko ang hikab na nakatakas. I rub at my eyes and lean my head against the counter behind me and I try to keep my eyes open while staring at the oven light.

After a minute I lose the battle and my eyes droop closed.

***

I remember the feel of the cold tile floor on my legs, but now it feels cozy. My head is no longer leaning on the hard cement, but my cheeks are flush against a warm chest with the beat under it lulling me deeper into sleep. I knew who it was before I even open my eyes. I used to sleep everywhere in the house and he’s always carrying me back to bed when I was younger.

I look up and see his face in the dark, I’m too sleepy to even protest so I say, “iyong cupcakes ko.”

“Don’t worry, ako nang bahala doon,” he says.

I sigh and press my cheek on his chest.

“Tulog na, Mi. I’ve got you.”
 
Chapter 5

Naririnig ko na ang ingay sa loob ng bahay pero ayaw ko pa bumangon. Para ngang may pumasok na dito sa kwarto para gisingin ako pero hindi ko pinansin. Si Auntie Baby yata.

“Mimi, gising na! Tanghali na.” Napamulat ako dahil bumungad ang liwanag nang binuksan ni Auntie Baby ang mga kurtina. Itinakip ko ang unan sa mukha ko, “Mamaya na po Auntie. Matutulog pa ako.”

Pumalatak si Auntie at lumubog ang higaan ko sa pagkakaupo niya. Pinalo niya nang marahan ang hita ko. “Gising na, Mimi. Ala-una na hindi ka pa nanananghalian. Kanina pa nakarating ang Mom at Dad mo, nagpapahinga na sila sa kwarto pero sinilip ka nila kanina.”

Ala-una na pala, grabe talaga ang jetlag ko.

“Auntie, hayaan niyo na muna matulog iyan. Magsusungit iyan maghapon kapag hindi nakumpleto ang tulog niya.” Boses ni Kuya.

Iniangat ko ang unan at pinanlisikan siya ng mata.

Ngumiti lang si Kuya na nakasandal sa hamba ng pinto habang may hawak na tasa.

And there’s my wake-up call, kape.

Itinaas ni Kuya ang mug niya. “Walang sinabi ang mga kape sa New York, Mi.”

Humigop siya at nag-“ah” na parang pang-commercial. “Sarap.”

Umirap lang ako pero bumangon na rin. Hinaplos ni Auntie Baby ang buhok ko. “Iyan lang pala ang makakapagpagising sa ‘yo, Mimi.”

Ngumiti ako habang kinukusot ang mata ko. Kuya knows me well.

“Bangon na, Mi. May mga gagawin pa tayo today.” Ani Kuya.

Itinaas ko ang kamay ko para mag-inat. “Anong gagawin?”

Paalis na siya nang sinabi niyang, “basta, bumangon ka na tsaka magbihis ka na rin, aalis tayo.”

Ngumuso ako pero ngumiti nang makitang naghihintay si Auntie Baby sa pinto, “Sige po Auntie, maliligo lang po ako, bababa na rin po ako.”

Ngumiti si Auntie habang hinahatak pasara ang pinto. “Sige. Ipaghahain na kita at ikaw na lang ang hindi pa nakakakain dito.”

Nang makaalis na si Auntie at Kuya naligo ako at nagbihis. I’m wearing a cropped, sleeveless denim top tsaka black shorts. Nag-sneakers lang ako para rin kumportable kung saan man kami mapunta ni Kuya. Ipinuyod ko na rin ang buhok ko at isinukbit ang sling bag ko.

Bumaba ako at binati ng ingay ng tawanan at kuwentuhan sa salas. Ang mga pinsan ko raw bago mag-birthday si Lola tsaka darating. May mga pinsan kasi ako na nasa ibang bansa na rin, pero magsisiuwi sila para sa birthday ni Lola.

“Uy, gising na si bunso. Hi Mimi. Good afternoon!” Biro ni Uncle Jaime.

Ngumiti lang ako. “Good afternoon po.”

“Mamaya ninyo na asarin si Mimi, pakainin niyo muna,” sabi ni Auntie Baby.

Pagpunta ko sa dining area nandoon si Kuya at nagce-cellphone pero wala si Ollie.

“Bilisan mo kumain, aalis na tayo,” sabi niya pero patuloy pa rin ang pag-ce-cellphone.

“Saan ba tayo pupunta?”

Tumingin siya sa akin at ibinulsa ang phone niya, “Sa restaurants ni Lola, ikutan daw natin sabi niya.”

Kumunot ang noo ko habang sumasandok ng kanin. “Anong gagawin natin doon?”

Ipinatong ni Kuya ang mga siko niya sa lamesa. “Naitawag na raw niya sa Managers doon na pupunta ang mga apo niya para mag-check sa restaurant kaya bilisan mo na. Isa lang ang mapupuntahan natin ngayon kasi tanghali ka na gumising.”

Ngumuso ako at nagsimula nang kumain.

***

“Mimi, baunin ninyo itong cupcakes na ginawa mo!” Habol kami ni Auntie Baby nang pasakay na kami sa kotse ni Kuya. Nakalagay sa kahon ang cupcakes at nakita ko na may frosting na ito sa ibabaw.

Kumunot ang noo ko at ngumiti si Auntie. “Huwag ka mag-alala nailigtas ko si Ollie kaninang umaga nang in-attempt niyang lagyan ng frosting ang mga cupcakes mo.”

So talagang iniayos ni Ollie ang cupcakes ko noong makatulog ako kagabi. At binuhat na naman niya ako papuntang kwarto nang makatulog ako. I need to apologize to him tsaka magpasalamat na rin.

“Saan po siya nagpunta, Auntie? Wala po siya sa bahay?”

“Ah oo. Maaga umalis, may pupuntahan daw siya baka raw gabihin na siya o kaya bukas na makabalik,” ani Auntie.

Sana hindi siya hanapin ni Lola mamaya, mahilig pa naman magtampo ‘yon.

Tumango lang ako. “Okay po, Auntie. Thank you.”

Sumakay ako ng kotse at napatingin si Kuya sa box na hawak ko. “Nag-bake ka kagabi?”

Nag-seat belt ako habang sumasagot. “Oo. Hindi ako makatulog eh.”

Lumabas na kami ng garahe at nakalayo ng kaunti bago nagsalita si Kuya. “Si Ollie rin yata bumangon ng madaling araw.”

Tumingin ako sa mga sasakyan sa labas. “Ah talaga?”

“Oo. Hindi ba kayo nagkita sa baba?” tanong niya.

Lumingon ako kay Kuya at in-assess ang itsura niya. “Bakit ka ba parang imbestigador ngayon ha Kuya?”

Naka-sunglasses siya so hindi ko makita ang mga mata niya habang sumasagot, “bakit? Ano bang masama sa tanong ko?”

Humarap ako sa kanya. “You know what I mean. Kahapon ka pa parang imbestigador makapagtanong. Tell me what’s going on in that head of yours.”

Kuya has always been protective lalo na noong nasa New York kami, pero hindi siya ganito kakulit. Tsaka we’re talking about Ollie; they’ve known each other for years.

He shrugs. “I’m just curious is all. You’ve never told me what happened to you and Ollie before we left for the U.S. You two have always been close and that just quickly changed when we were leaving. You didn’t even want to talk to him even when we were away. You walk out the room when he calls me. You wouldn’t even say ‘hi’. Tapos kahapon the way you reacted when you found out na siya ang susundo sa atin – it was weird. Over the top even.”

Tumingin siya sa akin. “So, excuse me if I want to find out more. I just want to know if I need to protect my sister. He’s my bestfriend pero kapatid kita, I’ll do what I have to if something’s up.”

I bit my lip. I really don’t want to talk about what happened between me and Ollie before. Huwag na lang dapat niya pansinin, pero dahil nga siguro sa mga nakikita niyang reaksyon ko he’s switched to scary Kuya mode.

Nagbuntong-hininga ako. “Kuya, what happened between me and Ollie, happened between me and Ollie. You don’t have to worry. Hindi naman kailangan palakihin. I’m the one who’s not over it yet,” I say honestly.

“It shouldn’t even matter now it’s just stupid kid stuff.” I look at him. “He didn’t do anything that will require you to beat him up or anything – hindi naman ganoon si Ollie. I’ll try to be better, try to be civil so huwag mo na isipin iyon, okay?”

He purses his lips and finally says, “fine. If you say so.” Pero humirit pa ulit siya, “Pero nagising nga siya kaninang madaling araw. Pagbalik masakit yata ang likod. Mabigat siguro iyong binuhat.”

Hinampas ko ang braso niya. “Tingnan mo na, alam mo naman palang binuhat na naman ako kagabi pinag-explain mo pa ako.”

Tumawa lang siya. “Bakit ba? Gusto ko lang magtanong.”

I cross my arms over my chest and murmur, “gusto mo manghuli.”

“May mahuhuli ba?” He smirks.

“Ang kulit mo Kuya. Tama na nga.” Pairap kong sabi.

He says, “seriously though, Mi take it easy on the guy.”

I feel my cheeks burn, but I nod. “I will.”

Nakarating kami sa isang branch ng restaurant ni Lola na pinakamalapit sa bahay niya. It’s in a mall and so we had to park far away from the restaurant. Pumasok kami ng mall ni Kuya at syempre maraming nagtitinginan sa kanya. Oo na sige na, mukha talaga siyang artista.

Tumingin sa akin si Kuya. “Ano na naman ang comment mo?”

“Wala. May sinabi ba ako? May narinig ka?” tanong ko.

Ginulo niya ang buhok ko. “It’s written all over your face.”

Bago pa ako maka-react inakbayan ako ni Kuya. “They’re not just looking at me, Mi. Observe mo lang.”

“Pfft. Kanino nakatingin, sa akin?” tanong ko.

Binitiwan niya ako at kinurot sa pisngi. “Ang cute mo talaga, Mi. Para tayong walang salamin sa bahay.”

I know I look better than before, but I don’t believe when people say I’m pretty. Maybe when you’ve been told you’re ugly most of your life, you kind of believe it.

Nagpaikot-ikot kami ni Kuya sa mall dahil medyo naligaw kami. Pareho kasi kaming tanga sa direksyon. We see the restaurant, but then someone calls Kuya’s name.

“Marky? Oh my god, Marky Galvez is that you?” the girl says.

Of course, it’s a girl. High pitch pa ang boses, nakakairita.

Iniwas ko ang tingin ko dahil alam kong magmumukha na naman akong masungit.

“Hey. Uhm sorry do I know you?” tanong ni Kuya.

I finally look at the girl para makita kung kailangan ni Kuya ng tulong. He’s got a bad memory especially for people he doesn’t necessarily care for.

Nanlaki ang mata ko and I say, “Steph?”

The very pretty girl Steph – the bane of my existence looks at me. She looks like she did back in high school, and I can’t quite pinpoint it yet, but something about her face is different.

She raises her eyebrows and asks the same question Kuya asked her, “sorry, do I know you?”

Iyong pagtatanong niya nga lang may bahid ng pagiging matapobre at bago pa ako makapagsalita, Kuya says, “ah Steph! High school, right? Ka-batch mo si Mimi?” He points at me.

Steph takes another look at me and her face turned from disinterest to curiosity to shock. She literally points at me, “Mimi? Your sister? As in Mia?”

She gives me a once over. “You’re Mia?”

I give her a small wave. “Hey.”

She scoffs while checking me out. “Wow. You look…” she looks at me from head to toe and I want to smack her for it. “You look great.”

Iyong ngiti niya mapangasar parang may nakikita siyang nakakatawa. I stop myself from snapping at her.

Kuya butts in, “well, it’s nice to see you Steph, but we need to go.”

Hindi na naghintay ng sagot si Kuya at nagsimula na siyang maglakad palayo at sumunod lang ako sa kanya.

He murmurs, “I never liked that girl.”

I whisper, “Me too.”
 
i remember you hehe, basa mode later
 
Chapter 6

Ten Years Ago

“Ano ba naman ito, bakit nadadagdagan pa? Wala na nga akong ginagawa e.” Nakabusangot ako habang tinitingnan ang bago kong pimple sa mukha.

Itong summer vacation ang pinakamalala kong outbreak ng taghiyawat. Parang hindi na ako makabawi sa kahihiyan. Noong isang taon para akong kabuteng tumubo na lang, nagkaroon na rin kasi ako ng menstruation ko. Sabi ni Mom normal lang daw iyon at lahi raw talaga namin ang matatangkad. Ayos lang naman maging matangkad pero bakit parang sa classmates kong babae ako lang ang kita ang ulo kapag flag ceremony? Asar naman kasi.

Tinititigan ko ang taghiyawat ko sa mukha at sinitsitan ako ni Kuya. “Huwag mong galawin iyan dahil magsusugat.”

Napalingon ako sa mukha niyang walang bahid ng maski butlig. Dinuro ko ang mukha ni Kuya. “Bakit ikaw ganyan tapos ako ganito? Hindi ka manlang nagka-taghiyawat dati.”

Nilagay niya ang mga kamay niya sa batok niya at humiga sa sofa. “Ewan ko. Wala naman ako ginagawa, ganito lang siguro talaga.”

Pumalatak ako at tinitigan ang itsura ko sa salamin. “Paano ako papasok sa school bukas? Nakakahiya itsura ko.”

“Ano ba, Mimi? I’m sure marami ka rin classmates na nagkaganyan, normal naman sa teenagers iyan,” sabi ni Kuya.

Mali si Kuya.

Pagpasok ko kinabukasan iyong mga students tinitingnan ako, sakto pa pinalagyan ako ng braces ni Mom. E ‘di lalo akong nagmukhang nerd.

Bwisit talaga.

“Mia!”

Napapikit ako nang marinig ang boses na galing sa likod ko na kilalang kilala ko na. Minsan kahit natutulog ako naririnig ko pa ang boses niyang parang pinagkakaskas na yero. Matining, masakit sa tainga. Lalo na iyong mga lumalabas sa bibig niya, iyong mga salita.

Hindi ako lumingon at binilisan ang lakad ko, pero mabilis siya kahit maigsi ang legs. Hinatak niya ako sa braso at ipinihit ako paharap sa kanya.

Steph puts a hand on her mouth. “Oh my God, Mia! Anong nangyari sa ‘yo?”

She flipped my hair away from my face. Sinadya ko’ng maglugay ng buhok para hindi mahalata, pero talagang hinawi pa niya. Nagdatingan na ang mga tropa niya at pinalibutan na ako. Para lang silang mga taghiyawat ko sa mukha, ang sarap pagtitirisin.

Nagkunwari siyang naaawa sa akin pero nakangiti naman. “Aww. Kawawa ka naman, Mia. Ako nga nagkaroon rin ng pimple last week…”

May tinuturo siyang mukhang butlig lang sa noo niya. “Ito oh. Grabe, nag-panic talaga ako noong makita ko.”

Sumasabit kasi ‘yong braces ko kaya binasa ko ng dila ko ‘yong labi ko at napansin niya ang braces.

Humagalpak ng tawa si Steph at lahat ng mga plastik niyang kabarkada nagsitawanan rin. Ano ito laro ng Monkey Monkey?

“Talagang ngayon ka pa nagpa-braces ha, kapre?” she sneers.

Iyan. Ganiyan ang normal niyang interaction sa akin, para siyang nababaliw na hindi maintindihan. Sweet-sweet-an tapos sobrang masakit magsalita sa isang iglap. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko dito sa babaeng ito kung bakit ganito siya sa akin. At ito rin ang rason kaya wala akong friends kasi wala namang magtangkang kaibiganin ako dahil pag-iinitan rin nito ni Steph.

Nagtatawanan pa sila ng mga friends niya nang biglang may dumikit sa akin sa bandang kanan ng balikat ko, “Mi. Ano ito?”

Napapikit na naman ako. Si Ollie. Kakabalik niya lang galing sa bakasyon, hindi pa niya nakikita ang itsura ko. Mas maigi pa sigurong lamunin na lang ako ng lupa at pag-piyestahan ng mga uod.

Parang may switch si Steph dahil bigla siyang ngumiti kay Ollie. “Hi Oliver. We’re just catching up with Mia here.”

Nagtanguan ang mga friends niya na parang mga aso sa dashboard ng mga jeep.

“You can catch up later. Ma-le-late na si Mi sa class niya,” sabi ni Ollie.

“Of course! See you later Mia,” Sabi ni Steph at mabilis silang naglakad palayo.

Nagbuntong-hininga ako, “See you later!” nakangiwi ako habang ginagaya ko ang boses ni Steph.

Bumulong ako, “Ulul!”

Tumawa si Ollie. “Wala ka naman masabi kanina noong pinalibutan ka. I didn’t take you for a pushover, Mi.”

Napangiwi ako nang maalala kong katabi kop ala si Ollie. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya at nagsimula nang maglakad palayo. “Male-late na ako, Ollie.”

Akala ko ligtas na ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko at yumuko ako.

Bwisit naman ‘tong si Ollie eh.

Umikot si Ollie hanggang nasa harapan ko na siya. “Why are you hiding, Mimi?”

Itinakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko. “Ang pangit ko kasi. Ang dami kong pimples. Tapos pinalagyan pa ako ni Mom ng braces.”

Pumadyak ako ng kaunti sa inis. Hindi ako iyakin pero parang medyo naiiyak na ako ngayon. Sa lahat ng ayaw kong makita ngayong araw, si Ollie talaga ang number one.

Hinawakan ni Ollie ang mga kamay ko at pilit inaalis sa mukha ko. “Patingin, Mi. Ako lang ito. You don’t need to worry.”

Ikaw lang? Ikaw nga eh kaya ayaw ko.

“Ayaw ko,” ani ko.

Pumalatak siya. “Magtatampo ako sa ‘yo niyan, Mimi. Sige na. Na-miss kita, dalawang buwan kitang hindi nakita.”

‘Yan tayo eh, mga ganyang hirit mo talaga.

Huminga ako nang malalim at tinanggal ang kamay ko sa mukha ko pero pumikit ako para hindi ko makita ang reaksyon niya.

“O, bakit ka nakapikit? Ayaw mo ako makita?” sabi niya.

“Ayaw ko makita reaction mo sa mukha ko.” I pout.

Habang nakapipikit pa rin itinuro ko iyong pinakamalaki kong pimple. “Ito sobrang laki oh, nakakainis.”

He chuckles. “Oo nga. Parang puputok na.”

Napamulat ako at sinimangutan siya. “Tingnan mo, inaasar mo rin ako.”

Nag-side step ako para makatakas sa kanya pero mabilis niya akong nahabol, kinuha niya ang bag ko. “Joke lang, Mi. Tara. Ihahatid na kita sa room mo. Baka harangin ka na naman ng mga babaeng iyon.”

Sumimangot ako. “Paano ako magkaka-boyfriend nito, ang pangit ko na. Lalo nang walang magkakagusto sa akin.”

Pumalatak siya. “If a guy will base if they like you or not on the way you look, then he’s not worth it.”

Napatingin lang ako sa kanya. “Nasasabi mo ‘yan kasi guwapo ka.”

Tumingin siya sa akin. “Kapag kunwari naaksidente ako tapos nawasak iyong mukha ko. Will you not like me anymore?”

My heart aches at the thought that he’s going to get hurt. Kumunot ang noo ko, “Syempre hindi.”

“Why?” tanong niya.

“Syempre I’ve known you for a long time at alam ko namang mabait ka, kaya kahit anong itsura mo walang kaso sa akin.”

Ngumiti siya. “See? Your looks shouldn’t matter to the right people.”

Napaisip ako, tama nga naman. As long as I’ve got the right people around then it doesn’t matter.



***

Present Day

Tapos na kami mag-visit sa restaurant ni Kuya. Everything’s going smoothly, and I think Lola’s got good people running it. Wala akong nakitang problema sa kitchen at lahat ng empleyado ay mabait at maasikaso. We told them we’re going to be back, but it will be surprise inspection next time.

I gave them the box of cupcakes as a thank you. Ang sabi sa akin ng chef nila masarap daw pwede ibenta sa restaurant. I think I might have blushed.

Pumuwesto kami sa isa sa mga table sa labas ng restaurant at um-order ng kape.

“Kilala mo iyong girl kanina hindi ba? Si Steph? May crush sa iyo iyon noong high school,” ani ko.

Medyo kumunot ang noo ni Kuya tapos naalala niya siguro si Steph. “Ah oo. Iyong Steph, hindi ba binu-bully ka noon?”

He totally dismissed the fact that I said she had a crush on him.

Nangalumbaba ako. “Oo. Ang sama ng ugali noon, tapos mukhang hindi pa rin siya nagbabago ngayon.”

Tumango lang si Kuya. “I don’t like the way she looked at you.”

Sumimangot ako at naalala ang reasons kung bakit ako bwisit na bwisit sa babaeng iyon.

Kuya pulls out his phone and he smirked. “Well. Look who slipped into my DM’s?”

Ipinakita niya sa akin ang phone niya at may message from Steph_Inside.

Steph_Inside: Hi Marky! It was great seeing you earlier. We’re having a party with some high school friends this weekend. If you’re free I’ll send you the address. You can bring Mia too. I don’t think she has IG. Hope to see you.

Napairap lang ako at sumadal sa upuan. “Bleh. Steph inside. Kapal magyaya! Hay naku Kuya, huwag kang pupunta diyan ha!”

He shrugs and puts his phone at the table. “Bahala na. I’ve got nothing to do naman this weekend.”

Tumuwid ako ng upo. “Ha? Pupunta ka? Lalandiin ka lang noon!”

Ngumiti lang siya. Ew.

Dumating na ang kape namin at padabog kong kinuha ang packet ng asukal, “Huwag ka nga pupunta Kuya. Baka mapikot ka noon.”

Tumawa lang siya. “Mi, kailan ba ako nagkaproblema sa babae, ha?”

I think for a second and pout. “Parang wala pa naman. Lahat ng ex mo nagiging friend mo eh.”

He smiles. “That’s because I tell them exactly what I want out of the relationship, hindi ako nagpapaasa, hindi rin ako nanloloko. At kapag hindi ko gusto sinasabi ko.”

Kuya’s really good at relationships in the sense that his relationships last for years, but he doesn’t get super serious that he thinks about getting married or even living together. He doesn’t usually involve family too. Baka hindi pa nga niya nakikilala iyong right girl for him.

“Tsaka huwag mo ako problemahin. Ang problemahin mo iyong sarili mo. Ilang taon ka na wala ka pang boyfriend,” he says.

Umirap ako habang tinitimpla ang kape ko. “Pwede ba, ha? Pwede na akong mag-boyfriend?”

Ngumisi siya. “Basta pasado sa akin, pwede na. Madali lang naman iyon, hanap ka kasi ng matino.”

“Wow. Parang ang dali talaga ah.” Uminom ako ng kape.

He smiles. “Pili ka ng kagaya ko.”

“Diyos ko Kuya. Kung iyan ang standard mo magpapaka-old maid na lang ako,” I say.

Kinuha niya ulit ang phone niya. “There are guys out there, Mi. Teka…”

Nagpipindot siya sa phone niya at nang matapos siya ibinulsa niya na ulit. “See? Easy.”

Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”

“We’re going to meet some people. We’re going to the party, Mi. Both of us.”
 
Chapter 7

I kick my blanket off and huff a breath. I hold my hair up to let the wind touch my neck. I can feel the sweat dripping off my back and I’m just wearing a sportsbra.

I look at my watch, “2:00 AM. Great.”

Huminga ako nang malalim at bumangon para kumuha ng cropped shirt. I tip toed again down the stairs and go straight to the kitchen. Naghalughog ulit ako sa pantry at kumuha ng supplies. I think I’ll make salted caramel brownies.

Sakto lang siguro iyon. It takes about two hours to make.

I pre-heat the oven and get to work on my batter.

I have a love-hate relationship with food. Bilang payatot ako dati, may time na wagas ako kumain para lang tumaba pero kakaiba talaga ang katawan ng tao, dahil kahit gaano ko siya karami kainin walang nagbabago sa katawan ko. Payatot pa rin.

I remember Mom always told me to be thankful for my fast metabolism. Kapag tumanda raw ako mababawasan na iyon kaya kaunting kain lang mabilis naman akong tataba. And that’s what happened to me in New York – the food there was unbelievable. Ang daming pwedeng kainin at nakakataba talaga kapag malakas ka kumain. Junk food everywhere, so you get tempted to eat that daily.

When I went into culinary school though, I learned to respect my body by putting in healthy food. I didn’t cut up on my diet, but I ate smarter. Laging may mas mabuting pagkain na pwedeng iluto, hindi lahat dapat mabilisan, hindi lahat dapat kung ano-ano lang ang laman.

I also learned to take care of myself better. I made time for myself, and I felt better after it.

Siguro dahil nalayo rin ako sa mga taong nagpapa-down sa akin. Nakatakas ako sa lugar kung saan puno ng masasamang alaala. I started to gain back a little bit of my confidence as the years passed. Siguro lang dahil bumalik ako rito, heto ako ngayon feeling high school ulit, lalo na noong nakita ko si Steph kanina.

Steph was the prettiest girl in school back then. All the guys had crushes on her because of her looks. Kapag kailangan ng muse – si Steph, kapag kailangan ng panlaban sa ibang school – si Steph, who’s the “it girl” sa school? – si Steph. I used to think she was lonely or bitter because she might look good, but she’s got a bad attitude. Kahit ang ganda ganda niya parang hindi siya masaya kapag masaya ang mga nasa paligid niya. I wonder what made her that way.

I thought over time siguro she would realize that she doesn’t have to be like that and change her ways. Pero sa itsura niya kanina mukhang mula pagkabata hanggang sa pagtanda talagang masama ang ugali.

I sigh and pop the batter inside the oven and turn on the timer.

Pinagpag ko ang kamay ko at tumalikod. Paglingon ko napaatras ako at napa-“Holy shit!”

Sa sobrang gulat napahawak ako sa glass ng oven. I didn’t even feel my hand started to burn as I look at Ollie from across the room. I lift my hand to inspect it and it’s red.

“Sh*t! Mi, what happened?” Inilapag ni Ollie ang bag niya sa sahig at pinuntahan ako. Hinawakan ni Ollie ang kamay ko at inispeksyon.

Pinanlisikan ko siya ng mata. “What happened? Aba, sumulpot ka diyan sa likod ko, sa dilim and without talking! Syempre magugulat ako!”

Parang walang narinig si Ollie, busy siya sa pagtingin sa kamay ko. “Sh*t. Sorry Mimi. Here.”

Hinatak niya ako ng marahan papunta sa lababo at pinadaluyan ng malamig na tubig ang kamay ko. Medyo naginhawaan ang kamay kong medyo napaso.

“Wait here. Itapat mo lang diyan sa water iyan,” aniya bago umalis.

Namumula pa rin ang kamay ko pero hindi naman lumolobo. Mukha namang hindi magpapaltos ang kamay ko.

Pagbalik ni Ollie may dala siyang medicine kit, pinatay niya ang gripo. Tumingin siya sa paligid, naghahanap ng pamunas, nang wala siyang makita ginamit niya ang shirt niya pamunas sa kamay ko.

“Hey. Huwag mong gawing basahan iyang shirt mo,” ani ko.

Ngumiti lang siya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinatak ko pabalik. “Okay na ako, wala namang paltos.”

Pumalatak siya. “We should put burn ointment just in case.”

I try to pull my hand away, but he tugs at it as I say, “okay nga lang, ano ba? O.A. mo naman.”

He squeezes my wrist gently. “Please Mi? I feel so bad nagulat kita kanina, kung hindi ako sumulpot, hindi ka sana nasaktan. Lagyan na natin para sigurado.”

Typical Ollie. Masyadong malambing.

I roll my eyes, but I put my palm up to give him access.

He gives me a small smile and I feel the cool cream on my skin. He’s being so careful not to touch it too much. I check my palm again, but there’s no burn. It’s just a bit pink.

While Ollie is busy taking care of my hand, I study his face. He looks like he’s been under the sun often. His skin is a bit darker so he might go to the beach a lot. Dati nagku-kwento si Kuya tungkol kay Ollie noong nasa New York kami, pero madalas akong nagkukunwaring ayaw ko marinig. I was curious pero I thought ayaw ko rin malaman dahil wala naman ako magagawa. Para saan pa? Pero ngayon parang gusto ko na malaman. Ano bang nangyari sa kanya while I was away?

Did he ask for me? If he did, Kuya didn’t mention it. Kuya gave up on trying to let me talk to Ollie after I refused a couple of times.

Does he have a girlfriend now? Hindi rin iyon naikuwento ni Kuya so wala siguro. Pero ang hirap isiping wala pang nagugustuhan si Ollie. Come to think of it, he never was a playboy even when we were growing up. He always rejects girls politely, he always said he had no time for girls. Hindi siya kagaya ni Kuya parang may quota sa girlfriends dahil sunod-sunod.

“Done,” he says as he returns the cream inside the medicine kit.

I turn away but then I see the mess I made and start to clean up the countertop. I feel Ollie’s hand on my arm before he spoke, “hey, what do you think you’re doing?”

“Cleaning up,” I say.

He pulls me to the side. “I’ll do it.”

I sigh. “Ako na. Mabilis lang naman ito…”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong kinapitan ni Ollie sa baywang, binuhat at iniupo sa stool chair katabi ng sink.

Napanganga lang ako at sabi niya sa akin, “Stay.”

Kung buhatin ako parang hindi ako 60 kgs.

I scoff. “Stay? Ano ako, aso?”

Ngumiti lang siya habang nililigpit ang kalat ko. “Hindi. Pero bibigyan kita ng treat kapag nag-behave ka.”

I cross my arms over my chest. “Ah, gano’n?”

Lumapad ang ngiti niya. “Joke lang, Mi. Upo ka lang diyan. You did all the work, so ako na lang magliligpit.”

Tinignan ko ang napaso kong kamay. “Sa school kailangang marunong ka rin magligpit. No one’s there to clean up after your mess.”

He nods. “Sa New York iyon, pero here you have me.”

Right. And in a few weeks, I won’t.

Nagbuntong-hininga lang ako while I watch him clean.

“So…” he starts, “pwede na tayo mag-usap? Are you not tired? Pwede na kita kamustahin?”

I look at the oven at sinilip ang relo ko, I still have 35 minutes to kill bago maluto ang brownies, so I say, “yes. I’m available for questioning.”

Tumawa si Ollie. “Grabe. Para mo naman akong ikinumpara sa interrogation. I’m thinking more of kuwentuhan lang Mimi, like we used to do.”

Tumango ako. “Okay fine.”

I school my features and smile at him. “Hi Ollie. Kamusta ka na?”

Lumapit siya sa akin at inilagay ang mga ginamit ko sa lababo. “Okay naman ako, Mimi. Ikaw?”

I smile. “I’m fine. Medyo muntik lang akong mapaso kanina kasi may nanggulat sa akin.”

He grins. “Ah talaga? Baka hindi ka naman sinadyang gulatin.”

Nagsimula na siyang maghugas ng mga ginamit ko. I pout. “Ito nga oh. Ang sakit. Napaso ako.”

Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita sa kanya, inilapit niya ang mukha niya sa paso at nagulat ako nang bigla niyang halikan ang palad ko.

“Ayan. I kissed your booboo, okay na?” nakangiti niyang sabi.

I feel the blood rush to my cheeks and my ears. Tumikhim ako at bumaba sa stool chair. “Want some wine?” I ask.

“Wow. Wine. Parang dati pa-softdrinks lang ang alok mo, Mimi.” Tumawa si Ollie.

Tawa-tawa ka riyan, napapainom ako ng alak sa pinaggagagawa mo.

Nahanap ko ang wine chiller ni Lola at kumuha ng white wine. Naghanap ako ng wine glass pero nasa itaas banda ng cabinet. Inilapag ko ang wine bottle sa counter at kinuha ang stool chair, dahil takot akong tumayo lumuhod lang ako sa stool at inabot ang wine glass.

Tumikhim si Ollie at tumingin ako sa kanya habang naghuhugas pa siya ng mixer. Nakatingin siya sa akin pero parang kukurap-kurap siya nang sabihing, “okay ka lang? Abot mo?”

Kita naman niyang mataas na ako, abot ko na talaga kaya tumango lang ako. “Oo.”

Bumalik siya sa paghuhugas ng mixer at doon ko lang napansin na ang cropped top ko pala umangat na nang tuluyan and part of my sports bra was probably exposed. I pull it down. “Sh*t.”

Dali-dali akong bumaba at inilagay ang upuan sa kitchen island at ini-pop ang cork ng wine. Natapos na si Ollie maghugas at hinatak niya ang isa pang upuan patabi sa akin.

I tilt the bottle to him. “Okay lang white wine? Hindi ako masyado mahilig sa red.”

He shrugs. “Kahit ano. I don’t mind.”

I put some wine on his glass and some on mine.

Inilapit niya sa akin ang wine glass niya. I roll my eyes before clinking my glass to his. He says, “cheers, Mimi. Welcome back home.”
 
Chapter 8

"Oh my God. I can't believe you remember that!" I say.

Medyo nakakarami na kami ng wine ni Ollie. At dahil hindi naman ako malakas uminom madali akong nag-loosen up at nag-enjoy na rin akong alalahanin ang mga pinagdaanan namin ni Ollie. Iyong masasayang memories.

Tumatawa pa rin si Ollie. "Akala ko talaga kung ano na ang nangyari sa 'yo, Mi. Para kang estatwa sa harap ng kuwarto mo."

Pumalatak ako. "Ang sama kaya ni Kuya noon, akala ko kung sino na ang nanggulat sa akin, tsaka ihing-ihi na kaya ako noon."

Isa sa mga pinaka-nakakahiya kong memory iyon, noong naihi ako sa shorts ko noong 10 years old ako at nandoon si Ollie sa bahay.

Tinakpan ko ang mukha ko with my hands. Hinatak iyon ni Ollie palayo sa mukha ko, "Ano ka ba, Mi. Matagal na iyon. Sabi ko kasi sa iyo huwag ka na manuod ng nakakatakot na movie kasama namin e nagpumilit ka pa."

Sumimangot ako. "Lagi niyo kasi akong ayaw isama."

He smiles. "Bata ka pa kasi noon tsaka baka bangungutin ka at umiyak pagtulog mo kaya ayaw ka namin isama."

I sip my wine. "Now I'm grown up though."

He nods. "Yup. You are."

Why did I say that? That sounded weird, like may iba akong ibig sabihin.

May tama na yata ako.


I bit the inside of my cheek and I was saved by 'ding' of the timer. Dali-dali akong bumaba sa stool chair. Got the potholders and carefully pulled out the brownies. I closed the oven door and turned it off.

Inilapag ko iyon sa counter kung nasaan kami ni Ollie. Paglingon ko kay Ollie he's swirling the wine in his glass. Matindi ang pagkakatitig niya sa baso.

Natawa ako at hinampas siya sa braso. "Hoy, anong ginawa sa ‘yo ng baso mo? Ang sama ng pagkakatitig mo diyan ah."

Lumingon siya sa akin ng kaunti at napansin kong namumula na ang mukha niya. I put my face close to his. "Hala. Lasing ka na?"

I put my hand up and feel his warm cheek under my hand.

Ayan, lumalakas na ang loob. Nanghahawak ka na.

Tumikhim ako at inalis ang kamay ko, pero nahuli niya ito bago ko pa tuluyang mabawi.

His hand is warm and rough. Napakunot ang noo ko, what has he been doing? Parang may mga kalyo siya sa kamay.

I hold his hand in both of mine at inispeksyon ko ito. "Bakit nagkaganito ang kamay mo?"

He shrugs. "Work."

He said he's been working since he graduated from his business course back in college. He didn't elaborate what kind of work, so I didn't pry.

He flips it so he’s now holding both my hands. He squeezes it gently, "Mi..."

I look at him and he looks serious, so I tilt my head a bit to the side. "Why?"

Pumihit siya sa pagkakaupo para makaharap ako. "I have a question."

Hinatak ko ang kamay ko pero ayaw niya bitiwan. "Pwede naman magtanong nang hindi nakahawak, 'di ba?"

I meant it as a joke, but he doesn’t even smile. He bites his bottom lip and lets me go.

I step back a bit and put my arms over my chest.

He looks back up at me with sad eyes, but then he schools his features. "Madaling araw na, Mi. Next time ko na lang tatanungin sa 'yo."

I was going to protest pero naunahan ako ng hikab. Sumilip ako sa relo ko at nakitang mag-aalas-kuwatro na. Humanap ako ng cover para sa brownies ko na kailangan ko munang palamigin, sakto na mga 6AM gigising si Auntie Baby, I’m sure itatabi na niya ito mamaya.

Iniligpit ni Ollie ang mga baso at ang natira naming bote ng wine. "Ako nang bahala dito, Mi. Tulog ka na."

Itinuon ko ang mga siko ko sa counter. "Nope. Hihintayin na kita. Sabay na tayong umakyat."

Tumango lang siya at hinugasan ang wine glass. Tumalikod ako at sumandal sa counter.

Nang matapos siya, lumapit siya sa akin at kinuha ang bag niya na nasa sahig.

"Saan ka nga pala galing? Bakit late ka na nakauwi?" Tanong ko habang naglalakad.

"Umuwi lang ako sa bahay saglit," sagot niya.

Gusto ko sana itanong kung saan siya nakakatira pero naisip ko na kung gusto niyang i-share iyon e ‘di sana matagal na niya ginawa. Ganoon lang siya kung sumagot kapag personal ang mga tanong ko sa kanya kaya hindi ko na lang inaalam. He asks me personal questions too, but I keep my answers short, like him. Siguro hindi pa kami pareho handa pag-usapan ang mga buhay namin ngayon. We’re both more comfortable talking about memories that we shared before we went to live separate lives.

Hindi ko pa rin siya natatanong kung may girlfriend siya.

Bakit ko ba itatanong iyon? Ewan ko nahihilo na yata ako.

Umakyat kami ng dahan-dahan sa hagdanan at bigla kong naalala na may itatanong ako dapat sa kanya na hindi ko lang naalala kanina. I’m not sure if I should ask, but I really want to see his reaction so I say, “oo nga pala, nakita namin sa mall si Steph kanina – naalala mo siya? Iyong batchmate ko noong high school?”

Kumunot ang noo niya and he looks at me, “Iyong bully?”

There’s recognition sa face niya but it’s not what I was expecting.

Tumango ako. “Yes. In-invite niya si Kuya sa isang party daw with some high school friends this weekend.”

“So, pupunta si Marky?”

“Oo raw. Isinasama nga ako pero parang ayaw ko.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”

I scoff. “Ikaw na mismo nagsabi na na-bully ako nong high school tapos gusto mo magpakita pa ako doon?”

“Hindi ka na nila ma-bu-bully ngayon, Mimi. You’re better than the rest of them, you’ve always been.”

Nakarating na kami sa kuwarto ko at sumandal ako sa hamba ng pinto. “Nasasabi mo lang iyan kasi magkababata tayo.”

Sumandal siya sa dingding katabi ng pinto ko. “No. Nasasabi ko iyon because I know you. Hindi sila nag-abalang kilalanin ka dati kaya hindi nila alam kung anong klaseng tao ka. They don’t know how great you are then and how amazing you are now.”

Napairap ako. “Tama si Lola, bolero ka nga.”

Tumawa siya nang tahimik. “I’m just honest, Mi.”

Isinandal ko ang ulo ko sa hamba ng pinto. “Parang ayoko pa rin pumunta.”

Ginaya niya ang pwesto ko. “Gusto mo samahan kita?”

Ako ba ang gusto mo’ng samahan o may gusto kang makitang iba?

Nagbungong-hininga ako at binuksan ang pinto ng kuwarto ko. “Pag-iisipan ko muna.”

Pumasok ako sa kwarto at bago ko maisara ang pinto ihinarang ni Ollie ang braso niya sa pinto, “Wait.”

Binuksan ko ang pinto. “What?”

“Uhm…” aniya.

Biglang tumunog ang knob ng pinto ni Kuya na katapat ng kuwarto ko at dahil nag-panic ako hinatak ko papasok ng kuwarto ko si Ollie at isinara ang pinto.

Tumatawa nang mahina si Ollie nang may kumatok sa pinto ko. Hinatak ko si Ollie na tumatawa pa rin sa gilid ng kama.

Pinaupo ko siya sa sahig. “Dito ka lang,” bulong ko.

Pumunta ako sa pinto pero sinilip ko muna kung kita si Ollie. Nang sigurado akong hindi siya kita, binuksan ko ang pinto. Si Kuya, magulo ang buhok at nakasimangot.

“Ano ba iyong maingay ha, Mimi?”

Kinagat ko ang labi ko at ngumisi. “Ay, sorry Kuya. Hindi ulit ako makatulog kaya galing ako sa baba, nag-bake ako ng brownies.”

Nanlaki ang mata niya nang sabihin ko’ng may brownies. “Salted caramel?”

Ngumiti ako. “Hindi ko pa nalalagyan ng caramel, baka si Auntie Baby na ang maglagay mamayang breakfast.”

Tumango siya at sumilip sa loob ng kwarto ko. “Parang may kausap ka eh.”

Tumingin ako sa likod ko at hindi naman kita si Ollie. “Ako? Sino naman kakausapin ko?”

Pinanlisikan niya ako ng mata. “Si Ollie ba hindi pa umuwi?”

I shrug. “Malay ko.”

Hindi pa rin nakumbinsi si Kuya kaya pumasok siya sa loob ng kuwarto ko. Napakagat na lang ako sa labi ko nang pumunta siya sa tabi ng kama ko. Pero imbis na magalit, pumihit lang siya at humarap sa akin. “Hm.”

Nasaan si Ollie?

Namaywang ako. “Ano? Satisfied?”

Nag-grunt lang si Kuya. “Just keep it down, Mi.”

Isinara ni Kuya ang pinto at ini-lock ko iyon para sigurado. Napasandal ako sa pinto at huminga nang malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kama pero wala pa rin si Ollie.

“Ollie?” Bulong ko.

May tumatawa nang mahina galing sa ilalim ng kama ko, lumuhod ako, yumuko at hinawi ang bedsheet.

Nakahiga si Ollie doon nakakapit sa tiyan niya, natatawa pa rin.

Hinampas ko ang braso niya at pabulong kong sinabi, “loko ka. Muntik na tayong mahuli.”

Umurong siya palabas ng ilalim ng kama ko, naupo siya sa sahig at naupo rin ako sa harapan niya nagbubulungan lang kami, “kinabahan ako.”

Kumunot ang noo ni Ollie. “Bakit mo kasi ako hinatak dito? Wala naman masama kung makita tayo ni Marky magkausap sa hallway.”

Ngumiwi ako. “Oo nga eh. Nag-panic kasi ako.”

Ngumiti siya. “Bakit ka naman nag-panic?”

Nagbuntong-hininga ako. “Si Kuya kasi ano… ang daming tanong nitong nakaraan kaya nag-panic ako. Baka kung anong isipin kapag nakita tayong magkausap.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit naman? Anong mga tanong niya? Tungkol sa akin?”

I wave my hand in front of me. “Just don’t mind him. Kasalanan ko naman kaya nagiging matanong iyon. Nagpapaka-Kuya na naman.”

“Was he like that with other guys noong nasa New York kayo? Kaya ba wala kang naging boyfriend?” he asks.

Napatuwid ako ng upo at taas noo siyang tinanong, “paano mo nasabing wala akong naging boyfriend?”

Ngumiti siya. “Wala naman talaga, ‘di ba?”

“Nagku-kwento sa ‘yo si Kuya? Akala niya lang alam niya lahat kasi.” Umirap ako.

Nagseryoso ang mukha niya. “So, nagka-boyfriend ka nga?”

I cross my arms over my chest. “Secret.”

Pumalatak siya at napangiti ako.

Tumayo siya at nagulat ako nang mahiga siya sa kama ko. I whisper-yell, “hoy, anong ginagawa mo riyan?”

Inilagay niya ang mga kamay niya sa batok niya at pumikit. “Iidlip muna ako, Mi. Napagod ako sa pagda-drive. Gigising ako bago bumangon si Marky maya-maya.”

Noong bata kami normal lang ito, walang malisya kapag nakakatulog kami nang magkatabi ni Ollie. Now? I don’t know. He seems comfortable though and the bags under his eyes are more prominent. So I remind myself that this is purely platonic. This is just me and Ollie, like old times.

Malaki naman ang kama kaya hindi naman kami magdidikit. Humiga ako sa kabilang side ng kama at humarap sa kanya, pinagmamasdan ko siya habang nakapikit.

“Paano ako makakatulog kung ganyang nakatitig ka sa akin?” bulong ni Ollie. Idinilat niya ang isa niyang mata at tumingin sa akin.

Napangiti ako. “Sorry. Sige na matulog ka na. Matutulog na rin ako.”

“Okay,” sabi niya.

“Sleep well, Ollie.”

“Sleep well, Mimi.”
 
Chapter 9

The week pretty much went by like a routine. Gigising ako ng tanghali, mag-aalmusal sa oras ng merienda, mag-lu-lunch sa oras ng hapunan at matutulog kapag pagising na ang lahat ng tao sa bahay.

Hindi na kami ulit nagka-moment ni Ollie nang madaling araw, madalas rin wala siya sa bahay paggising ko dahil may inaasikaso raw.

It’s a Friday now and I start my day as usual with someone trying to wake me up. “Mimi, anak. Gising na.”

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Mom. “Mom?”

Nakangiti siya. “Jetlagged ka pa rin? Hindi ka pa rin nakakatulog ng ayos?”

Bumangon ako at kinusot ang mata ako. “Anong oras na po?”

Hinaplos niya ang buhok ko. “Mag-t-two na.”

Ngumiwi ako, sana mag-normal na ang body clock ko, ayaw ko na nang ganito para akong laging pagod.

Nakapag-gala pa ng kaunti sila Mom at Dad nang pabalik dito sa Pilipinas, hindi kagaya namin na kumuha ng direct flight.

“She’s alive!” sigaw ni Kuya habang papasok sa kwarto ko.

Pumalatak si Mom. “Bakit hindi mo kasi isama si Mimi sa workout mo sa gabi, para makatulog rin siya nang maayos?”

Nanlaki ang mata ako. “Hala. Hindi ko po kaya ang energy niyang si Kuya, Mom. Baka himatayin ako.”

Bumaling ako at yumapos kay Mom. “Ano pong pagkain, Mom?”

Tumawa siya at niyapos ako. “Talaga naman ang lambing ng bunso ko.”

“Pfft. Ang laking tao mo na Mimi, hindi na bagay sa ‘yo magpaka-baby.” Si Kuya.

Lagi akong naglalambing kay Mom kapag magkasama kami. Sa New York kasi hinayaan na nila kami ni Dad na kumuha ng apartment na hiwalay. Si Kuya kasi gusto na mag-solo, pero dahil tingin nila sa akin bata pa rin, hindi niya ako pinag-apartment mag-isa. Kahit noong college, magkalapit kami ng University para raw mababantayan niya pa rin ako.

Kaya tama si Ollie nang sabihin niyang wala akong naging boyfriend noong college. Aside from the fact that I was really busy with my studies, I didn’t really have a social life with my brother always following me around. Napapagkamalan pa nang boyfriend ko siya minsan sa sobrang pagka-protective. Ew.

“Sige Mi, sama ka sa akin mag-workout para mapagod ka nang husto bago matulog,” ani Kuya. Nakangisi siya kaya alam kong papahirapan niya ako sa workout namin.

When I was in New York I used to workout regularly. Minsan sabay kami ni Kuya pero madalas ako lang mag-isa. I run daily there. Pagkagising ko sa umaga tumatakbo ako, kapag may oras pa sa hapon, takbo ulit. Pero iba talaga ang workouts ni Kuya, pamatay. Nagmi-mix siya ng workouts at kapag crossfit na halimaw siya sa ganoon. Hindi ko na masabayan talaga. Lagi ako sumusuko.

I sigh. “Oo na. Sige, makiki-workout na ako.”

“Tara na anak, kumain ka na muna. Request ng Lola Conchita mo puntahan ninyo raw ulit ang restaurant niya,” ani Mom.

Naka-tatlong branch na kami ni Kuya, iyong iba kasi medyo malayo na kaya hindi namin napupuntahan, out of town na kaya kumunot ang noo ko. “Bagong branch po ulit? E sa bandang North na yata ang pinakamalapit dito.”

“Oo, sa Pampanga,” sabat ni Kuya.

“Pupunta tayong Pampanga?”

“Oo. Tapos may party tayong pupuntahan, hindi ba?” aniya.

Lalong nagsalubong ang kilay ko. “What do you mean? Iyong party ni Steph?”

Tumango si Kuya at naupo sa tabi ni Mom sa kama. “Pupunta muna tayo sa restaurant ni Lola – kung aabot tayo bago magsara, tapos dederecho tayo sa Subic. Doon daw ang party.”

Tumaas ang kilay ko. Kahit kailan over the top itong si Steph. Siguro noong nag-confirm si Kuya na pupunta siya tsaka siya nagkumahog para mag-set ng party.

Tinuktok ni Kuya gamit ang daliri niya ang noo ko. “Oh, ano na naman iyang mukha mo? Parang may kakaiba kang iniisip.”

Natawa si Mom at pinisil ang pisngi ko. “Ang cute mo talaga Mimi kapag nagsusungit ka. Bangon na anak, baka sobrang late na kayo makaalis ni Marky.”

“Sige po Mom, maliligo lang muna ako. Sunod na rin po ako sa inyo sa baba.”

Lumabas na si Mom at Kuya at bumangon na rin ako. Inayos ko muna ang kama ko at pagkatapos ay sumilip sa bintana. Paglingon ko sa baba nandoon si Ollie, kalaro si Charlie, ang Golden Retriever ni Auntie Baby.

Nangalumbaba ako sa may bintana at pinanood siya habang inihahagis ang frisbee para habulin ni Charlie. Ang lapad ng ngiti ni Ollie habang nakikipaghabulan kay Charlie sa garden. Napatigil siya sa paglalaro at napalingon sa bintana ko. Itinakip niya ang kamay niya mula sa sikat ng araw at kumaway sa akin habang nakangiti. Napatuwid ako ng tayo at kumaway ng maliit.

“Psst!” Paglingon ko sa pinto nandoon na naman si Kuya.

“Maligo ka na,” mabilis niyang sinabi at sinimangutan ako bago isara ang pinto.



***

Mag-a-alas-quatro na nang lumabas ako ng bahay para makapagsimula na kaming bumiyahe papunta sa Pampanga. Humalik ako at yumapos kina Lola, Mom and Dad.

“Ingat kayo at mag-enjoy kayo doon!” Nakangiting sabi ni Mom.

“Pasalubungan mo ako ha?” bilin ni Lola.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. “Opo.”

Biglang lumabas ng bahay si Ollie at may bitbit ring backpack, nakita niya ang backpack ko at kinuha iyon sa akin. “Akin na iyan, Mi. Ako na ang magdadala.”

Kumunot ang noo ko. “Sasama ka?”

Ngumiti siya. “Syempre, schoolmate niyo rin ako, ‘di ba? Sa lagay kayo lang ang invited?”

Parang gusto ko nang mag-backout.

Naramdaman siguro ni Lola ang pag-iiba ng mood ko kaya itinulak niya ang likod ko. “Bilisan mo na, Mimi. Baka ma-traffic kayo.”

I drag my feet while walking away from the house and follow Ollie to the garage. Nandoon na si Kuya na nag-aayos ng gamit. Inilagay na rin ni Ollie ang gamit namin sa likod ng kotse niya. I guess we’re using his Jeep.

Inilagay ko na ang sunglasses ko at naupo sa passenger seat sa likod. Naka blue maxi-dress ako pero sleeveless para presko pa rin.

Parang nag-usap silang dalawa sa isusuot dahil pareho silang naka-button down shirt na short sleeves at naka walking shorts. Si Ollie nakapuyod ang buhok, mukha talagang mag-be-beach, si Kuya naman mukhang mag-go-golf. Iniisip ko na ang magiging reaction ng mga batchmates ko sa dalawang ito. Parang mga model na may pupuntahang beach photoshoot.

It’s a party so siguro mag-iinom sila mamaya? And that would leave me what? Hanging out all by myself? Maglalaro ng Candy Crush sa cellphone ko? I take a deep sigh, already exhausted.

Nakaalis na kami ng bahay at bumabyahe na nang nagtanong ako, “bakit pareho kayong may dahon dahon sa shirt? Sasayaw kayo?”

Tumingin sa akin si Ollie sa rearview mirror. “Hindi ba nasabi sa ‘yo ni Marky? May theme daw iyong party mamaya.”

“Theme?” Umusog ako at lumapit in between their seats, kinalabit ko si Kuya Marky. “Anong theme?”

Ngumiwi si Kuya. “Sorry, I forgot to tell you. Havana raw iyong theme.”

Ngumuso ako at sumandal sa seat ko. “Ang arte naman, may pa-theme-theme pa.” Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa labas ng bintana.

“May dala kang ganoong damit?” ani Ollie.

I cross my arms over my chest. “Wala.”

Napaisip lang ako sa mga bitbit kong damit. Kahit siguro nalaman ko na may theme ang party, wala pa rin akong pwedeng gamiting pang-Havana. Hindi ako masyado mahilig sa printed clothes. I stick to basic colors and only keep a handful of printed clothes.

“May extra akong dala diyan, if you want.” Alok ni Ollie.

“Hindi na. Hindi naman siguro lahat doon naka-pang-ganoon. Arte kasi e.” Napaismid ako habang nakatingin sa labas.

Tumawa si Kuya. “Kahit kailan ka talaga, Mi. Kaya hindi kita sinasama sa mga party e, napaka-K.J. mo.”

Sa totoo lang kaya lang rin naman ako nagmamatigas sa mga pagyayaya ni Kuya sa mga party ay dahil pakiramdam ko hindi naman ako bagay doon. Hindi rin kasi ako madalas mayaya sa mga party. Noong college wala naman ako masyado mga naging friends, kung meron man nagiging friendly nandiyan lagi si Kuya nagbabantay lalo na kung lalaki.

Lalo naman noong high school, hindi talaga ako naiimbita sa kahit anong pagtitipon. Iyong prom nga kung hindi iyon compulsory hindi rin ako pupunta.

“Anyway, nakapang-beach pa rin naman ako so pwede na siguro iyon kahit walang dahon-dahon. O kaya pwede rin naman sa kuwarto na lang ako mag-stay, kayo na lang ang magpunta doon sa party. I-kamusta ninyo na lang ako sa kanila. Sabihin ninyo masama pakiramdam ko.”

Pumalatak si Kuya. “Tigilan mo na iyan, Mi. Nandito tayo para makapag-enjoy naman, bawal kang umatras ngayon. Tsaka huwag kang mag-alala sa mga nang-bully sa ‘yo dati, kasama mo kami ni Ollie. Walang magtatangkang mang-abala sa ‘yo roon.”

Umirap ako. “Talaga ba, ha? Hindi mo ako iiwanan doon? Kahit may makita kang babae?”

Tumawa si Kuya. “Kapag naging busy ako nandoon naman si Ollie. Ito sigurado hindi ka iiwan nito.”

Tinapik niya lang sa balikat si Ollie at tumgingin lang si Ollie sa rearview mirror.

Naku, baka nga magkulong na lang ako sa kwarto kapag nagkataon.



***

Nakarating kami sa restaurant ni Lola around 5:30PM na. Kumain na rin kami para hindi na kami masyado kakain sa party mamaya. Lalo na ako, wala akong balak talaga na magtagal doon. Ayoko rin namang maging pabigat kina Kuya at Ollie. Kahit na labag sa loob kong maki-party-party sila kina Steph, ngayon lang rin nila ulit makikita ang mga high school friends nila. Kaya maaga pa lang magpapaalam na akong magpahinga sa kuwarto. Sabihin ko na lang pagod ako sa biyahe.

Matapos kaming dumalaw sa restaurant ni Lola, inabutan ako ni Ollie ng shirt niya para makapagpalit ako. “Ito, Mi. Hindi naman siguro sobrang laki sa ‘yo.”

Black na may kaunting malalaking white flowers ang shirt niya. I hold it up para makita ko kung gaano kalaki. Oversized shirt at shorts siguro pwede na. May maong shorts naman akong dala.

“Magpalit ka na para hindi ka na maabala doon mamaya. Tsaka mas mapapansin ka kapag iba ang suot mo.”

Alam ni Ollie na ayaw ko ng atensyon, kahit siguro may pagbabago sa itsura ko ramdam niya na ilang pa rin ako sa mga taong hindi ko naman masyado close. Kaya imbis na mag-protesta, tumango na lang ako at nagpalit sa CR.

The shirt’s a bit long, so I tucked it in my shorts. Paglabas ko ng CR nakaabang doon si Ollie. He looked at me while I walked, and he grinned. “Bagay sa ‘yo.”

Nang lumapit na ako sa kanya, nawala ang ngiti niya at tumikhim siya bago iniwas ang tingin sa akin. “Wala ka bang pardible?”

Napayuko ako at tumingin sa dibdib ko. May nakasilip na cleavage dahil hindi ko isinara nang tuluyan ang mga butones ng shirt niya. Namaywang ako at napangiti sa kanya para kasing namumula ang mga pisngi niya. “Sa beach tayo pupunta, Ollie. Tingin ko conservative pa ako sa lagay na ‘to.”

Tumikhim ulit siya pero sa malayo pa rin nakatingin. “Siya tara na. Baka magalit si Marky matagal tayo dito.”

Hindi na siya lumingon pero hinawakan niya ang kamay ko at iginiya palabas ng restaurant.
 
Glad to see you still writing. 😊
Yes Sir. :)
Two of my stories have actually been published since Symbianize/Mobilarian was down and I owe a lot to the people here who helped me improve over the years. :)
 
Yes Sir. :)
Two of my stories have actually been published since Symbianize/Mobilarian was down and I owe a lot to the people here who helped me improve over the years. :)
Just asking po may book na kayo?
 
Chapter 10

Nakarating kami sa Subic almost 9PM na, nag-check-in muna kami and we decided to share a room na lang para sa aming tatlo. Si Kuya talaga parang guardiya sibil. Nang makita nga ang suot ko parang siya na ang may gustong mag-backout. Natawa na lang ako.

Tapos gusto niya magka-boyfriend ako? Paano naman mangyayari ‘yon? Daig pa nito ni Kuya si Dad eh.

Dumerecho na kami sa party after naming ilapag ang mga gamit namin sa kwarto, naglagay lang ako ng kaunting lipstick at blush. Hindi naman kasi ako marunong mag-full makeup.

If I didn’t know any better, I’d think na isang buwan ang preparation para sa party na ‘to. The beach is set up with beautiful lights at walang mga matataas na tables, lahat nakababa lang sa sand. The music is booming at marami na ring tao sa paligid. Malayo pa lang kita ko na si Steph, she’s wearing a very short floral dress and her cleavage on full display. Nasa harapan ko si Kuya at Ollie naglalakad, parang bodyguards. I roll my eyes.

Napalingon sa amin si Steph at tumakbo siya palapit – as in tumakbo, lumulundag-lundag at kumakalog ang mga dapat kumalog. Nagpigil talaga akong takpan ang mata nila Kuya. Nakatingin ako sa likuran ni Ollie, sayang hindi ko makita ang reaction niya.

“Hey guys! You made it! Akala ko hindi na kayo darating!”

Syempre sila lang ang binati ni Steph, invisible na naman ako.

Humarap sa akin si Ollie, “Tara Mi. Gusto mo na maupo?”

Tumango lang ako at noon lang ako napansin ni Steph, “Hey Mia. You’re here.”

I give her a small smile, “Hey.”

Tumabi sa akin si Ollie at magaan akong hinawakan sa likod, “Tara.”

Lumingon ako kay Kuya at may kinawayan siya sa medyo malayo, “You’ve invited rin pala upper classmen no?” he asks Steph.

Ang lapad ng ngiti ni Steph kay Kuya, “Yup. I thought it would be a good idea.”

Inalalayan na ako ni Ollie palayo habang nag-uusap si Steph at si Kuya, “Bakit tayo lumayo? Gusto ko pa marinig pag-uusapan nila.”

Tumawa lang si Ollie, “Ang kulit niyong magkapatid.”

May mga nakatingin sa amin ni Olie and I’m immediately uncomfortable. Naramdaman niya ang pagbagal ng lakad ko at kinuha niya ang kamay ko at ibinalot sa braso niya, “I’m here.”

May nakita kaming table malapit sa beach pero bago pa kami makapunta doon may humarang sa harap namin, “Hi.”

Dalawang lalaki ang nasa harap namin ni Ollie, I look at both their faces and I recognize them instantly.

Chase Cruz and Tyler Palacio – parang si Ollie and Kuya Marky ng batch namin. Mababait naman sila pero sa sobrang popular hindi naman malapitan ng mga kagaya ko. Chase was the captain of the varsity, si Tyler naman ang best friend niya. They’re not bad noong High School, bumabati rin paminsan minsan pero talagang friends sila nila Steph so I try to stay away from them rin.

Chase is more like Ollie, carefree at mukhang approachable pero their similarities end there. Parang malaki ang katawan ni Chase, parang nag-woworkout, nagpapalaki ng muscles, si Ollie naman parang toned hindi bato bato pero firm.

Tyler is more like Kuya, preppy parang businessman ang dating. Nakaayos ang buhok, tisoy at parang hindi nadudungisan.

Ngumiti lang ako and they smile back at me.

“Oliver, right?” ngumiti si Chase kay Ollie.

Tumango lang si Ollie sa kanila, “Yup. I’m about two batches ahead yata sa inyo.” Then he nods sa direction ko, “Itong si Mia batchmate niyo.”

Kumunot ang noo ni Tyler at tumingin sa akin, “Mia? Galvez?”

Wala namang ibang batchmate kami na Mia ang pangalan so I guess that’s how they knew it was me. I let go of Ollie’s arm and gave them a small wave, “Hi!”

Medyo bumuka-buka ang bibig ni Tyler pero si Chase nakangiti lang sa akin.

Nagpapalit ang tingin ko sa kanilang dalawa and I just wanted to say, “Awkward” pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Wow. You look great Mia.” Si Chase.

I still can’t take compliments, so I just bite my bottom lip, “Thanks?”

Tumikhim si Ollie, “Well, we’ll sit muna medyo malayo pa pinanggalingan namin eh.”

“Sure. We’ll catch up later, Mia?” tanong ni Chase.

Tumango lang ako at ngumiti.

Pagkaupo namin ni Ollie parang nakakunot na ang noo niya.

Pinlantsa ko ng hinlalaki ko ang noo niya, “Huy. Bakit ka nakasimangot?”

Tumingin siya sa akin, “You should be careful Mia ha, don’t just trust these people because you sort of know them.”

Ngumuso ako, “Sabi ko naman sa inyo hindi talaga ako sociable so you don’t need to worry about that.”

May girls na pumunta sa table namin and I recognize them na mga magbabarkada noong High School, this girl Leigh I knew had a big crush on Ollie kasi tinanong niya sa akin dati kung kaano-ano ko raw si Ollie dahil madalas akong inihahatid sa classroom.

I smile at them, “Hi!”

Naupo si Leigh sa tabi ko, “OMG, Ikaw nga Mia! How are you?”

She gives me a hug.

Tumabi sa kanya si Jill at si Denise – if I’m right. I smile at them, “Hello. Kumusta?”

They say ‘hi’ lang rin but go back to taking selfies and looking at their phones.

Napatingin si Leigh kay Ollie at habang namumula she says, “Hi crush!”

Nanlaki ang mata ko at napatingin ako kay Ollie pero siya nakangiti lang at nakapangalumbaba habang nakatingin sa amin.

“Pogi mo talaga Kuya crush.” Nakangiting sabi ni Leigh at nagtawanan lang kami.

“Excuse me ladies ha, I’ll just get some drinks.” Tumayo si Ollie at pumunta sa bar sa harap.

Hinawakan ako sa braso ni Leigh at tinitigan, “Grabe, model ka na ba ngayon, Mia?”

Nanlaki ang mata ko, “Nyek. Hindi no. Baka ikaw!”

She’s pretty and payat, pwede talaga siyang maging model.

Pumalatak siya, “Ako? Naku, kapag Mom na hindi na pwede mag-model model, pag-aawayan namin ng asawa ko ‘yan.”

Nanlaki ang mata ko, “You’re married?”

She nods, “Oo. Maaga lumandi.”

I smile, “Congratulations.”

She smiles back, “Siguro kung naging friends tayo noong High School, kinuha kitang Ninang ng anak ko.”

Sumimangot bigla si Leigh, “Alam mo when I heard this was Steph’s party muntik na akong hindi pumunta, pero nagyaya itong sila Denise kaya nag-join na rin ako.”

Lumapit si Denise sa amin at bumulong, “I heard she did it for your brother eh.”

Pinigilan kong umirap, “I guessed as much, pero ang ganda ng set-up ha. I like it.”

Napatingin sila sa paligid, “You know what, I’ve always admired your spirit kahit noong High School. They were really mean to you, but you never complained, never fought back. Ako? If they did that to me back then, I don’t think makakapasok pa ako sa school.”

I shrug, “Hindi naman ako totally unaffected noon, I tried hard not to let it get to me.”

Sumingit si Jill, “And look at you now! Lintik lang talaga ang walang ganti.”

Natawa lang ako, “Wala namang dapat gantihan, I’m just here kasi niyaya ako nila Kuya.”

Lumapit si Leigh sa akin at bumulong, “So kayo ni Oliver? I mean, you guys are together?”

Kumunot ang noo ko pero nanlaki ang mata when I realize what she’s implying, “Kami ni Ollie? Hindi ah!”

“Ah talaga? Akala ko lang when you arrived kasi…” she shakes it off, “Anyway, so wala kang boyfriend? I mean galing kang New York ‘di ba? Wala kang naiwang afam do’n?”

Ang kulit ni Leigh pero natatawa lang ako sa kanya, I feel comfortable talking to her. Wala kasi akong masyadong kaibigang babae.

“Hey, what are you girls talking about?” napalingon ako nang tumabi sa akin si Chase.

Nangalumbaba si Leigh at intrigerang-intrigera ang dating, “Itong si Mia raw walang boyfriend, ayaw ko maniwala.”

Tinaasan ko ng kilay si Leigh, “Bakit? Ano ba dapat itsura ng may boyfriend? Ha? Ikaw nga may asawa at anak na pero I couldn’t tell that from the way you look.”

She puffs her chest out, “’Di ba? Hindi pa ako mukhang nag-breastfeed ng dalawang bata.”

We laugh at inilabas ni Denise ang phone niya, “Groufie!”

Hinatak ako papalapit ni Leigh at dumikit sa akin si Chase. Napalingon ako sa mukha niya and he just gives me a soft smile, I look at the light from the camera and smile too.
 
Chapter 11

Kung bodyguards ko talaga sila Kuya at Ollie then they’re fired.

Matapos umalis ni Ollie para kumuha ng inumin, hindi na siya bumalik. I saw them ni Kuya nakikipagkwentuhan sa batchmates nila sa far side of the beach. Si Steph paikot ikot at nangungumusta sa mga bisita. Hindi ako umalis sa pwesto ko at nakipagkwentuhan lang rin kina Leigh.

Chase sat beside me the entire time; he also got my drinks na dapat si Ollie ang kumuha.

Chase is nice, wala siyang masyadong ere kahit na he’s running his own business sa Manila. CEO na raw siya ng Marketing Company nila pero I would have never guessed that by the way he’s acting. He’s like a little kid kung magkwento, sobrang animated and he makes me laugh, makulit kasi.

Nagkukwentuhan pa rin kami ni Chase nang magpaalam na sila Leigh, “Guys, tulog na muna kami, may bukas pa.”

Nag-goodnight lang ako and they left.

I looked at my watch, it’s almost 12MN. Tumingin ako sa paligid and I see na nandoon pa rin sa batchmates nila sila Kuya and Ollie, pero si Ollie nakatingin sa amin.

Lumingon si Chase sa kinauupuan ni Ollie at ibinaling niya ulit ang tingin niya sa akin, “So, wala ka talagang boyfriend, Mia?”

Lumabi ako, “Wala.”

He rests his elbow sa table, blocking my view of Ollie, “Manliligaw?”

I shake my head, “Wala rin.”

He gives me a small smile, “I find that hard to believe.”

Kumunot ang noo ko, “Bakit naman? I’m not really sociable even when I was in New York. Back in College I went from class to class and barely had the time to talk to anyone. Whatever spare time I have I spend it with my annoying, overbearing brother. So, I think in that sense it’s easy to understand why I haven’t had a boyfriend yet.”

Medyo tumaas ang kilay niya, “No boyfriend yet? Meaning no boyfriend ever?”

Umakyat ang dugo sa mga pisngi ko and I feel like the biggest dork for letting that slip. I purse my lips, “Nope. NBSB.”

He raises his eyebrows, “Wow.”

Then he relaxes back again at nangalumbaba sa table, “Well, they’re missing out. You’re great, Mia.”

I smile, “Thanks.”

“Mia let’s go. Gabi na.” Pagtingin ko nakatayo sa likod ni Chase si Ollie.

Imbes na magulat napangiti lang si Chase at hindi inalis ang tingin sa akin, “Want to go island hopping tomorrow?”

Napatingin ako kay Ollie and I notice the tick in his jaw, I look at Chase’s face – walang bahid ng pagaalala ang features niya, nakakahawa. I smile, “Sure. Anong oras?”

“Mga 6am? Okay lang?” he asks.

Tumayo na ako and I nod, “Okay.”

Tumayo na rin siya and he gives me a soft smile, “Goodnight Mia.”

“Goodnight.”

He walks away at noon ko lang rin napansin na kaunti na lang ang tao sa beach, may mga activities pa raw sa umaga sabi ni Leigh kanina kaya maaga rin silang nagsitulog.

Paano kaya ako makakatulog? Hindi pa rin ako inaantok.

“Did you have fun?” si Ollie.

I look at him at medyo kalmado naman na ang itsura niya, hindi kagaya kanina parang galit.

I cross my arms over my chest, “Bakit ang sungit mo kanina? Nakiki-mingle na ako like you and Kuya wanted. I think I made some friends rin.”

He sighs, “Good. That’s good.”

I look around, “Nasaan si Kuya?”

Umirap siya, “Nandoon sa pool area, kasama ‘yong ex niya.”

“Ew.” Yun na lang ang nasabi ko at natawa lang si Ollie.

“Let’s go, matulog ka na. May lakad ka pa bukas.” Parang may halong inis ang pagkakasabi niya pero hindi ko na lang pinansin.

Humakbang ako ng kaunti pero I wobbled kaya napakapit ako sa kanya, “Woah.”

Sinalo ako ni Ollie at halos mapayapos ako sa kanya, umikot ang paningin ko. “Sh*t.”

Pumalatak si Ollie, “Uminom ka ba?”

Yumuko siya at lumapit sa mukha ko then sniffs, tinakpan ko ang bibig ko, “Ano ba! Amuyin ba ako?”

He looks at the table, maraming baso sa kung saan kami nakapwesto. I bite the inside of my cheek.

“Marami kang nainom?” tanong niya.

“Kaunti lang, siguro mga four mojitos.” I grin.

Napairap siya at ibinalot ang braso niya sa baywang ko, parang lalo akong nahilo.

Nakabalot rin ang isa kong braso sa likod niya at dahil wala akong ibang mapaglagyan ng isang kamay ko, ipinatong ko iyon sa dibdib niya.

I look up at him, probably duling at the time and just smile. “Sorry.”

Nagbuntonghininga lang siya and guides me back to our room.

Ihinilig ko ang ulo ko kay Ollie habang naglalakad. I sigh, “I think I missed out, Ollie.”

“What do you mean?”

I sigh again, “Kanina noong nakikipagkwentuhan ako sa kanila, they kept reminiscing about High School. Hindi ako maka-relate. I kept thinking ‘where was I?’. Was I at home? Hanging out with you guys kahit hindi niyo ako gusto kasama? Was I by myself sa kwarto ko, reading or watching movies? Was I sleeping? Daydreaming?”

I closed my eyes dahil inaakay naman ako ni Ollie, “And then they started talking about College, what they did, where they went. And naisip ko na naman, ‘anong ginagawa ko noon?’. I was in the city that never sleeps but I came back the same person with nothing to show for it. Wala nang Steph sa New York but I was still the same Mia, walang reinvention na naganap. Walang effort.”

I feel a tear escape my eyes, “I think I’m okay with how my life turned out so far, pero I know I could’ve done a lot more things. I’m not regretting the things I did back then, wala naman na magagawa dahil nakaraan na ‘yon pero now I’m thinking if I stopped thinking about what they thought about me and just did what I wanted for myself would I be a different person now?”

I look up at him pero nakaderecho lang siya ng tingin, “Siguro if I was stronger, despite what was happening to me I would’ve had a life. Or something close to it.”

Inilayo ako ni Ollie sa kanya at hinawakan ako sa mga balikat ko, “Hey. Look at me.”

Pinunasan ko muna ang mga luha ko and I look at him, he scans my face, “Don’t bring yourself down, Mimi. You’ve accomplished a lot given what you had to go through. Hindi lahat ng tao nagiging successful na kagaya mo. You might have missed out on things back in High School but it doesn’t mean you can’t do that now. Kung anong gusto mong gawin, you can do it. You have all the time in the world.”

He sighs, “I’m sorry you felt like you missed out on being a normal teen before, pero hindi mo ‘yon kasalanan. You were manipulated and brainwashed into thinking you weren’t good enough because those bullies were so insecure about themselves. Kinakailangan nilang magbaba ng ibang tao para umangat sila. I’m sorry you had to suffer through that but you’re out of that situation now. Don’t let the words of some insignificant person, affect the way you live your life.”

He strokes my hair, “If you can see yourself that way I see you, you’d never doubt yourself.”

Lumabi ako, “Bakit? How do you see me?”

Bigla siyang napatigil sa paghaplos ng ulo ko, gusto kong bawiin ang kamay niya at ipahaplos ulit doon.

He chuckles, “I’d like to have this conversation when you’re sober. Nakapikit ka na eh.”

Kaya pala dumilim.

I open my eyes, “Gising pa ako.”

Binuksan niya ang pinto ng kwarto namin and guides me inside.

Pagpasok sa kwarto, nakapikit na ako at tinanggal ko ang pagkaka-tuck-in ng shirt ko sa shorts.

“Mi! What are you doing?”

Napaupo ako sa kama pero nakapikit pa rin, “Gusto ko magpalit ng shirt.”

Tumikhim siya, “Wait. Ikukuha kita.”

“Here.” He says.

Iminulat ko ang mata ko at inaabutan niya akong isang malaking shirt, kanya yata.

I unbutton his shirt na suot ko and he disappears, nag-CR yata.

I change into his shirt and remove my shorts, ang init kasi maong.

I lie down on the bed and tuck myself under the covers.

After a while I hear a door close medyo patulog na ako, half awake na lang. I feel the bed dip and I turn to face him.

“Oh, I thought tulog ka na. Sige na, tulog na, Mi.” he softly says.

Tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya, “Dito ka lang.”

He sits back down, “I’ll wait until you’re asleep. Sige na, tulog na.”

Hinatak ko ulit siya, “Dito ka. Higa ka.”

Nagbuntonghininga si Ollie pero humiga siya sa tabi ko, magkaharap kami. I take his hand and put it in both of mine, “Hintayin mo ako makatulog ha.”

He touches my cheek, “I will. Sleep well, Mimi.”
 
Chapter 12

I woke up nang medyo may hangover pero manageable naman. I look around the room at wala si Ollie, si Kuya lang tulog pa sa kabilang kama.

I check my watch and it’s almost 6AM. Naalala kong may plans pala kami ni Chase today so I take a quick shower and change into a two-piece swimsuit, but I put jean shorts and a sleeveless shirt on top of it. I can remove it naman kung sakaling kailangan ko mag-swim.

Kahit na may pagka-insecure ako sa itsura ko, I can wear swimsuit kapag kailangan. I usually wear nga sportsbra and bicycle shorts when I jog in the morning, it’s normal sa US so nasanay na rin ako nang ganoon ang suot. Mas weird kasi doon kapag ‘di ka nag-swimsuit sa beach.

I leave my stuff sa room and lock it behind me.

Malamig ang hangin and I wish I could run na lang sa beach muna and enjoy the sunrise pero nakita ko si Chase sa beach waving at me. I give him a small wave rin and he runs towards me. He’s wearing boardshorts and a sleeveless white shirt.

“Good morning!” ang ganda ng ngiti niya so I smile back.

“Hi. Good morning!”

He gestures sa beach, “Let’s go?”

I look behind him and see a speedboat, “Ah okay.”

Umikot ang paningin ko sa beach, marami na ring gising sa batch namin and I see them running sa beach or swimming. I remember what Ollie told me last night. I’m only 22, there’s a lot I can still do with my life, but I have to start living now. I walk beside Chase and decide that I’ll just go with the flow and enjoy.

We get to the speedboat – it looks expensive, mukhang high-end ang speedboat na ito. I wonder if it’s Chase’s. We get on it and then umalis si Manong na nakasakay doon, akala ko siya ang magda-drive. Kumuha ng isang life vest si Chase at inabot sa akin, “Here. Safety first.”

I put it on at naglagay rin siya, kinawayan niya si Manong, “Thanks Kuya Dex! Balik ko mamaya.”

Kumaway lang sa kanya si Kuya, “Yes Sir Chase, abangan ko na lang po mamaya. Ingat po kayo!”

Tumayo ako at lumapit kay Chase na nasa harapan, “Hey, tayo lang ba?”

He looks at me, “Uh, yes. Is that okay?”

Live my life daw, so I have to start now. Kung sakaling may balak itong si Chase sa akin, which I doubt – Ollie knows I’m with him now. Nasaan ba ‘yong si Ollie?

I shrug, “It’s fine. Akala ko lang may kasama tayong iba.”

He smiles, “Sorry if I wasn’t clear yesterday.”

I sit on the opposite side of him, and he sits on the driver’s side.

“Saan ba tayo pupunta?” I ask.

“Around.” He grins.

And we’re off.

***

Chase and I went boating sa mga kalapit na coves doon. He kept telling me about the sights, saang lugar na kami, kaninong pag-aari ang mga lupa doon.

We finally stopped at a cove na halos walang tao, green na green ang tubig so I’m sure it’s quite deep na. He removed his vest and his shirt, “You want to go for a swim?”

I’m here naman na and the water looks amazing, so I take off the vest, my shirt and shorts and I put my hair up. I look back at Chase and he’s just there looking at me with a weird look on his face.

“What?” I ask.

Tumikhim siya, “You know you could at least warn a guy.”

I look back sa damit ko, I’m not wearing anything indecent. I’m wearing a two-piece lang naman and it’s not even showing too much so I ask, “What do you mean?”

Hindi na siya sumagot at tumalon from the boat and dove in the water. Hinabol ko siya ng tingin and he’s swimming towards the rocks. Ang bilis lumangoy. Athlete talaga itong si Chase.

***

9 Years Ago

Kung hindi lang ako mafe-fail sa isang subject namin hinding hindi ko mahuhuling buhay na manood ng basketball game. First of all, wala akong friends so kanino ako tatabi? Pangalawa, hindi ako marunong mag-basketball so hindi rin ako makakasabay sa mga hinaing ng mga nanonood lalo na kung “gumradweyt” na ang star player nila – ang alam ko lang na graduation ay ‘yong pinakaaabangan kong akin para makaalis na ako dito.

Ang lalim ng buntonghininga ko nang maupo ako sa bench sa pinakataas, wala masyado kasing nakaupo doon. Sa pinakababa nandoon ang ‘Steph Squad’ syempre malapit sa mga players. Kanina pa ako nakakarinig ng bulungan na may bagong player daw sa school namin, I wouldn’t know him kahit siguro makabunggo ko siya sa hallway.

I think I see him though, jersey no. 1, “Cruz”. Matangkad siya kaysa sa ibang players, nagkakandapatid sila Steph at ang friends niya sa paghabol sa kanya sa court. Parang mga tanga.

Nanood ako for a few minutes at mukhang nananalo ang school namin.

Nang mag-halftime na, nakita ko ang Class President namin at nagpakita ako sa kanya para mai-lista ako sa attendees. After that tumakas na ako.

I was about to get to the exit nang makita ko sila Steph na nandoon, pumihit ako sa nearest door at doon dumaan. Parang mali ata ang pinuntahan ko kasi may mga naririnig akong boses ng lalaki. Sh*t. Sa locker room yata ang daanan na ‘to. Sinilip ko sa pinto sila Steph pero nandoon pa rin sila.

Bwisit.

I stay there in the dark habang nag-aabang sa pag-alis nila Steph. I go to the door at nang sisilipin ko na kung nandoon pa sila Steph I was pushed back at napaupo sa sahig.

“Aray!” hinawakan ko ang puwit ko. Medyo masama pagkakabagsak ko ah.

“Sh*t. Sorry Miss. Are you okay?”

Tumalungko ang lalaki sa harapan ko and offers his hand, “Can you stand?”

Pinakiramdaman ko muna ang pwet-an ko at nang medyo okay na, tinanggap ko ang kamay niya. Ibinaling ko ang tingin ko sa mukha niya – si number 1, si Cruz.

Ngumiti siya sa akin medyo humihingal pa, “Okay ka na? Kaya mo lumakad?”

Pinagpag ko ang skirt ko, “Oo. Okay na. Sorry.”

He offers his hand at kumunot ang noo ko, “I’m Chase. I’m new here.”

I put my hand in his, “Mia.”

Nag-sidestep siya para makadaan papunta sa locker room, “It’s nice meeting you, Mia.”

***



Present

The water is warm on my skin, hindi pa gaanong mataas ang araw kaya hindi pa masakit sa balat. I swim around the speedboat and dive deeper into the water. The silence under the water is peaceful, the fish are freely swimming around, and I smile. I swim around some more and come up for air.

I relax and let my body float.

“Hey.”

I looked to my right at nandoon si Chase, he’s smiling.

“Penny for your thoughts?” he asks.

I look at the sky and squint a little bit, “Do you remember me back in High School?”

Ginaya niya ako and he floats beside me, “Yup. I remember you being quiet, always by yourself. You don’t know basketball nga yata hindi ka manlang nagchi-cheer.”

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya, “What?”

He closes his eyes, “Nakikita kita kapag naglalaro ako ng basketball, I usually look up. Nandoon ka sa usual pwesto mo kahit maraming pwedeng upuan sa baba. You normally have a book with you, you’re not even watching the game.”

He saw me before. Ganoon talaga ginagawa ko kapag game nila dahil hindi ko naman gusto manood, pero kailangan.

I stop floating and look at him, “How about the way I looked? Do you remember?”

He sees me and he stops floating too, “Yeah, why?”

I shrug, “Wala lang, that’s the first thing people remember about me - the way I looked.”

He whispers, “Can I tell you a secret?”

Tumango ako, “Sure.”

He sighs, “I was chubby noong nasa grade school ako. I used to be bullied.”

Sumimangot ako, “Really?”

He nods, “Oo nga. Mamaya papakita ko sa ‘yo ang picture. That’s why I try not to judge people on how they look, because I know the feeling.”

I bite the inside of my cheek. That’s why he’s a bit different. He’s a bit like me, mas maaga nga lang siya nag-improve.

He looks at me with softness on his face, “Was that why you were always alone? Were they being mean to you?”

Magaling kasi si Steph, palihim kung tumirada kaya hindi nasisira ang pangalan niya sa ibang mga tao doon. Lalo na sa mga kagaya nila Chase.

I nibble at my lip at nagulat ako nang hinawakan niya iyon using his thumb, “Don’t do that.”

He comes closer and he holds me by the waist, “Has anyone ever told you you’re beautiful?”

I think about it for a minute, kahit na hindi ako masyado makapagisip dahil sa init ng mga kamay niya sa baywang ko. I really think about it and come up with nothing. Ollie’s told me over and over again to not let the negative words get to me but he never told me I was pretty. I look great, I look better, I’m amazing – but never beautiful.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Chase, he scans my face and I fight the urge to cover it, I still feel ugly sometimes. I still feel like he’s looking at the old Mia, the one who’s not worth looking at. The one who’s leftover after everyone’s been chosen. But he doesn’t look at me like that, he looks at me like he’s in awe, kind of how I’m looking at his face right now.

He dips his head and gives me a soft peck on the cheek. He looks at my eyes as he says, “You’re beautiful, Mia.”
 
Back
Top Bottom