Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Ika'y akin at ako'y sa'yo

Muntik ko na makalimutang umibig, magmahal, maging masaya at simula ng makita ang mundong ginagalawan ko na parang bulag na naglalakad sa makipot na daan, at walang hawak na dahilan upang bitawan ang pag-asang pinanghahawakan. Pero dahil "sa'yo" muling nagising sa bangungut na aking tinitirahan, nakakita ng liwanag sa gitna ng kawalang matatagpuan lang sa aking kalooban, sumaya na parang nanalo sa sampung libong patimpalak na tanging pag luha lang ang paraan para matangap, ang panaginip na minsan kong pinangarap. Salamat, sa oras na 'yong nilaan na kahit papano pwede ko ipagamalaki kahit man lang sa aking sarili na naging parte mo ako at ako saiyo. Na pwede ako mag antay at umasa sa pangakong maaaring mong sambitin, na sa kahit gaano kalayo o haba man ay aking hihintayin ang iyong pag dating, upang pawiin ang mga kasinungalingan aking ikinubli sa likod ng aking damdamin, at patuloy na aasa na sa aking pag dilat ay 'di na lang sa panaginip o imahinasyon kita masisilayan. Sisimulan kong maniwala na ang wala ay meron, na may liwanag sa dilim na pwedeng makita ang mga bagay na 'di mo pwedeng talikuran, at kahit sa pagsapit ng dilim ay 'di mo man ako ma iligtas sa gitna ng kawalan ay kasama kita hangang ang liwanag ay muling isilang. Hangang lahat ng uri ng takot ay unti-unti ko nang nabibilang at wala akong pakialam kung hindi man ako ang unang prinsipe na magpapakilig sa'yo dahil mas pipiliin kong maging sundalo na walang dahilan para ipagdamot ang buhay saiyo, ikaw ang dahilan kung bakit patuloy na lumalaban at lalaban ako sa agos ng buhay na wala mang kasiguraduhan ay wala akong pakialam, dahil 'di na mahalaga ang katotohanan kung ang ilusyon ng iyong pag-ibig ang aking pang hahawakan. Ako ang iyong kalasag, ikaw ay akin. Ikaw ang aking lampara sa lugar na ang ngiti mo na lang ang nag sisilbing liwanag. Ikaw ang aking lakas na pansamantala man ay sulit na dahil sa iyong mga matang nagsisilbing dahilan ng aking pag laban. Ang aking gabay sa mapusok na kagubatang, marami mang patibong, unos, at mababangis na hayop. Tayo ay lilipad sa panaginip na aking binuo. Marahil 'di man ako ang una mong minahal, marami mang maunat magdaan pinapangako ko aking mahal, Ako ang "huli" at sa liham na itoy tanikala na ang D'yos lang ang nakaka-alam. Na handa ako mag antay ng ilang araw, buwan, taon ka man mawalay. Kung kalakip nito'y ang pangarap kong inaasam, na "Ika'y akin at ako'y sa'yo". -Save
 
Last edited:
Back
Top Bottom