Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I'm pregnant but how will I confess it if the father is my ex boyfriend?

Oo naman kasi kung hindi kakainin ka ng konsensya mo...
d bale na lang na mapagalitan ka pero lalambot namn sila pag anjan na
 
You've enjoyed yourselves, tapos ikaw lang nag iisip ng solution? Be ready, the most hardest work in the world is to be a single parent...
 
Last edited:
Sobrang Curious ako sa topic na to.
Any updates from TS?
Maganda naman ang mga payo ng mga members at tama silang lahat kaya magse-share na lang din ako ng experience.

My current Girlfriend (now Ex) has the same situation at nagawa nyang itago ang baby nya for 2 years bago nya inamin samin lahat. She's a single mother.
Yes itinago nya sa mundong ginagalawan nya ang baby nya which is unfair sa bata. Lumaki yung bata na ang mga taong nakapaligid sa kanya ay ibang tao at hindi nya kapamilya. Lumakas ang loob nya dahil kaya nya iprovide ang pangangaylangan ng baby. Nagampanan nya naman ng mabuti ang pagiging isang working single mother at lumaking healthy ang baby nya. Then nawalan sya ng trabaho at di na nya kaya pa na i-provide ang needs nila. Sobrang naipit na sya sa sitwasyon at ang choice nya na lang is umuwi sa family nya at aminin ang lahat.

P.s. Hindi ako ang father ng baby nya. Inilihim nya rin saken ang identity nya kaya affected rin ang relationship namin.

So yun kokontrahin ko ang payo ng ibang members.
Bibigyan kita ng choice TS. Alam ko na wala kami sa kalagayan mo tulad ng sabi saken ni gf. Never namin maiintindihan ang sitwasyon at kung gaano kahirap aminin yung ganyan ng magisa. Kung hindi ka pa ready na ipaalam sa family mo dapat malaman muna ng bf mo yan. Kung handa sya na panagutan ka at hindi ka nya iiwan sa ere then makakaya nyo yan sabihin sa family nyo.
Gusto ko na maging matatag ka. Magkaroon ka ng plano sa buhay. Be matured enough para tanggapin ang reality na mother ka na. Take all the responsibility at pinaka importante mahalin mo at alagaan mo ng mabuti ang baby mo.
 
Last edited:
walang ibang tutulong sayo kundi pamilya mo. wag ka mahiya magsabi. kung may masasabi nmn silang masakit sayo tangapin mo. pero di ka nila pababayaan at tutulangan ka pa nila. Pag nailbas mo na ung baby mo. magging mas masaya ka kasi may baby kana at dun iikot mundo mo. i hope it really help this my opinion. thanks!
 
tanggapin mo ang kapalaran mo na maging single mother ka yon lang yon... walang balak ang ex mo na pakasalan ka, wag ka ng umasa iha..

gawin mo balutin mo ng magangdang gift wrap ang pregnancy test tapos ibigay mo sa parents mo sa new years eve. pagbukas nila sabay sigaw CONGRATZ YOU UNLOCK NG GRANDPARENTS DLC...

PS.. gawin mo mag-aral ka na lang at maghanap ng magandang trabaho. kong may itsura at magandang trabaho ka marami pa ring lalaki ang manliligaw sayo sa future.
 
Last edited:
pagtapat mo sa parents mo, accept sa kung ano ang masasabi nila bandang huli nandyan sila at susuporta sayo, paramdam mo sa kanila na sa dulo kailangan mo sila magpa kumbaba ka bigay mo ang lahat para sa bata makakahanap ka din ng deserving para sayo, dun sa guy GANTIHAN mo hahaha :D i chat mo yung gf nya sabihin mo buntis ka, then hands up!. :D sabihin mo siraulo yung bf nya.
 
Im a guy TS, i had a very big problem that can be consider similar with that.. ang best advice na mabibigay ko TS is yun natutunan ko na pagkakamali ko wayback 2014.. Family is Family sila ang tutulong sayo. i should have done that noon, dahil sa hindi ko sinabi agad sa mga magulang ko ang sitwasyon thinking i can resolve it on my own. i cant be happy now kahit successful ako. Someone is missing in my life. Kaya TS wag ka na magpatumpiktumpik.. natural lang magagalit mga parents mo pero kapag nkita na apo sigurado mkakalimutan n din lahat. Dont regret things TS kpag dmaan n ang pgkakataon kaya do it NOW.. as for the father of your baby nman He should know it to rights nya iyon. But make things clear set the borderline.
 
Fuxk boy pala ex mo. Una sabihin mo sa ex mo dahil may responsibilidad siya then sa parents mo. Tapangan mo na lang.
 
TS ipaalam mo sa parents mo. pero maging lesson na sau yan. ok lang magkamali pero pag naulit ang pagkakamali me problema ka na talaga.
 
Hi I'm so depressed and confused right now till I come to this site and hope you could help me guys. Alam kong maraming maiinis sakin after reading this kahit nga ako inis na inis sa sarili ko ngayon. And I found out na di pala madaling mapunta sa ganitong sitwasyon. Wala lang talaga akong mapagsasabihan ngayon and sana matulongan niyo ko.
I'm pregnant at di ko alam kung pano ko sasabihin sa parents ko dahil alam kong maddissapoint talaga sila lalo nat wala naman akong boyfriend. Pano ko sasabihin sa kanila na ang ama ay ang ex ko. At di ko rin alam kung pano ko icconfess sa guy kasi parang ayoko.
Ganito kasi yun 1 year ago after our break up nagkita ulit kami ( ni ex ) single pa rin ako pero sila pa din nung girl na pinalit niya sakin. But then we've come into the point na bumalik lahat. Nagkaron kami ng secret affair, ex with benefits na nga. Ilang beses ko ring inattempt na itigil na kaso ayaw niya kasi nga di niya kaya kasi ako pa din daw mahal niya, di niya lang maiwan.iwan yung isa kasi ayaw niyang ako yung maging rason kasi aawayin daw talaga ako nung girl. But then after 3 months of waiting wala pa ring ngyayari kaya tinigilan ko na tlaga and atlast di niya na ko kinulit ulit but then buntis na pala ako. Kung kailan tinigilan ko na tsaka pa ko nabuntis. And now di ko na alam ano gagawin ko. Parang ayoko ring malaman nung guy kasi ayokong maawa siya dahil nga buntis ako :( Kasi kung mas mahal niya talaga ako di niya sana ako pinag.antay ng ganon katagal para iwan niya lang yung girl. Ang dami namang pwedeng irason. Pero andito nato. I need your advice guys. Hope you could help me.

isa lang ang makakatulong sayo ate ang pamilya mo yaan mo na ung guy na nakabuntis sayo ang magulang natural na magalit yan ksai me ginawa kang kalokohan kailangan mong tanggapin ang consequences on actions that you've made pero wawlang magulang ang kayang tiisin ang anak tandaan mo yan matatangap at matatangap din nila ang pag kakamaling na gawa mo just go on with you're life and accept the fact that you're going to b a mom soon tandaan mo magulang at pamilya mo lang ang makakatulong sayo i hope you'll come up to a decision that you'll never regret forever.
 
your boyfriend deserves to know the truth. pinasok mo ang sitwasyong yan knowing the consequences, so face it.
 
Wag ka matakot magsabi ng katotohanan sa magulang mo. Uu disappointing na naman para sa kanila pero di ka nila kaya talikuran. Ganito gawin mo, ipaalam mo sa ex mo na nag-anak kayo at kung ayaw niya magpakasal kayo e yung sustento ng bata na lang ibigay sayo for 18 years. Sabihin mo din na sa ganun na arrangement na lang kayo kesa hihiwalayan niya yung gf niya ngayon. Kasalanan niyo kasing dalawa yan kaya kayong dalawa din mag-uusap niyan. If ayaw mo naman sabihin sa ex mo, siguraduhin mo lang na sa pagkalipas ng panahon e hindi ka maghahabol ng sustento sa kanya dahil magugulat yan tapos pagsasalitaan ka pa ng masama kung bakit late mo ng sinabi. Yun lang. Masakit man ang katotohanan pero kailangan mong sabihin sa magulang at choice mo na rin na sabihin sa ex mo ang nangyari. Wag ka mag attempt ng abortion din dahil mali namunga yan sa mali tapos gagawan mo pa ulit ng malaking mali. Magpakatino ka na, magfocus sa paghanap ng magandang trabaho kung nais mong itaguyod mag-isa yang bata. Wag mo sisihin yang sinapupunan mo dahil ikaw may gawa niyan. Ayoko ng pagalitan ka kasi di naman kita kaano ano at ayoko dagdagan hinanakit mo sa buhay. Basta isipin mo lang kinabukasan ng batang dinadala mo, wag mo na isipin sarili mo dahil papasok ka na sa mundo ng pagiging magulang, magulang na kayang isakripisyo lahat para sa anak. Tiis ka lang, punuan mo ng pagmamahal anak mo at ibuhos mo lahat. Grasya yan sa buhay mo kahit mahirap grasya parin yan kasi kapag tumanda ka na, may mag-aalaga din sayo.

P.S. Niloloko ka lang ng ex mo na mahal ka pa niya, gusto ka lang nun makasex kaya sarap na sarap ang mokong kasi dalawa nakakasex niya aside sa gf niya. Lust yung nangyari sa inyo hindi love.
 
Back
Top Bottom