Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Investment ba ang anak?

dabah

Professional
Advanced Member
Messages
154
Reaction score
4
Points
28
Ugali eto ng Pinoy na tumulong sa magulang kapag nakatapos na sa pagaaral. kaya ang nangyayari sa panahon natin ngayon eh nagiging investment na ang mga anak para may kakayod pag dating ng panahon na magreretiro na. Sana nakuha nyo ang punto ko.
 
Obligasyon po nang magulang papag aralin ang anak, nasa anak na po yan if tatanaw nang utang na loob pagdating nang araw, kasi kahit dika babawi sa parents mo pagmagkaka anak ka, dun ka makakabawi sa parents mo since dadaanan mo din napag daanan nila, cycle lang po yan.
 
Alam ko meron sa youtube yan bakit hindi umuunlad ang pinoy.

Basic right ng tao ang edukasyon. Kelangan ibigay yan ng magulang sa anak.

Wala kase sa kultura ng pinoy ang pagiging independent.
 
Yan ang problema ng marami sa mga katrabaho ko. Sarado na utak na nila na mapatapos lang anak nila ok na sila. Pero di nila naisip yung anak nila magiging magulang din, di sila pwedeng sa anak na dumipende. Ako binata pa pero pinaghahandaan ko na pagtanda ko at hanggang mamatay ako meron mga life insurance at savings. Yung ibang pilipino nung kabataan nila ang sahod nila sa trabaho naubos lang sa bisyo at luho.
 
Nararamdaman ko to kasi ang lolo at lola ko sa papa ko naka asa, kaya kami hindi man lang mkapag patayo ng bahay dahil sapat lang pangkain at bayarin ang natitira samin, samantalang ang kapatid ng papa ko eh may kanya kanya ng mga bahay. . Oo at maganda nga na tumanaw tayo ng utang na loob pero ang sakit isipin na kung ikaw yung binuhay ng nanay at tatay mo para magtrabaho para sa kanila pag ayaw na nila magtrabaho.
 
Hindi naman siguro kasi kahit papano iniisip pa din ng magulang ang future natin ang alam nila ang tanging mapapamana ko lang sayo ay ang pag aaral yan sabi sakin ng papa ko wala naman kasi kami ari arian na malaki sakto lang. Yung sinasabi mong investment ang anak ay dun nalang yun sa pananaw mo kung ano ba sinasabi ng puso mo nararamdaman mo kung baga. Pero sa tingin ko tungkulin na ng mabuting magulang ang pag papaaral sa mga anak... nasasayo nalang naman yun kung tatanaw ka sapaghihirap nila para mapaaral kalang sapag papagod nila sa trabaho para mapa aral kalang di mo alam baga nag nanakaw pa magulang mo para mapa aral kalang di mo alam kung gaano sila kapagod kumita lang ng pera mapa aral at pam pakain sayo. Anyways sayo nalang naman yun kung iniisip mo ang mga bagay na nagawa nila sayo or iniisip mo sarili.. kahit anong sabihin mo pang dahilan kung magkapamilya ka pa or wala nasasayo yun kung tatanaw ka ng utang na loob sa magulang mo yung sinasabi na naghihirap ang magulang dahil sa lolo at lola nila tumutulong sila eh nasa magulang mo na yan kung papano mag manage ng pera ang problema sa pilipino blame dito blame doon wala naman ginagawa para umasenso.
 
Last edited:

Tama ka Idol dapat naman talaga tayong tumanaw ng utang na loob, pero yung iba kasi as in umaasa na sa anak nila, hindi na nagtatrabaho kahit kaya pa naman, yung tipong hingi dito hingi doon, oo naghirap sila pag aralin ang anak pero tungkulin nila un. . sa sitwasyon kasi namin may lupa ang lolo ko na pwedeng pagkakitaan kung ipapa ani ang kaso ipapa ani nya tapos ni bigas wala maibili kasi saamin humihingi, . . kahit kasi anong sipag ng tao kung inaabuso babaon at babaon sa hirap ng buhay yan, kapag sumablay ka naman sa pagtulong wala ka namang utang na loob? kapag tumulong ka ng konti sasabihin kulang? sana hindi na lang nagbigay kung konti lang, . isipin mo na lang na nagiipon kami ng papa ko para magkaroon ng bahay pero nababawasan ang ipon namin dahil sa kahihingi nila, masarap magbigay kung tama ang ginagastusan pero kung sa alak ilalagay ang binigay mong pera na para sana sa ipon mo? matutuwa ka ba? hindi ka ba magrereklamo? magbibigay ka pa ba? aasenso ka ba?
 
Yang statement na investment ba ang mga anak, yan ang bukambibig ng mga financial advisors para kumuha ka sa kanila ng life insurance para sa magulang mo..

uulitin ko hindi investment ang anak, kahit anu man ang magyari sa magulang mo, magulang mo parin yan, may kaya man sila sa buhay o wala kailangan nila ang taong malalapitan sa dapit hapon ng buhay nila...

kaya yung mga nag babalak na iwanan ang mga magulang nila para sa pera.... wag sana malasin ang pamumuhay niyo
 
Iba iba naman kasi ang sitwasyon ng mga tao. May mga magulang na maayos napalaki ang mga anak kaya may mga anak na more than willing maging investment plan. Meron namang lumaki sa abuse kaya valid na ayaw maging investment plan. Kaya debatable 'tong topic na'to kasi iba iba pagpapalaki sa'tin, iba iba tayo ng mindset. It's not black and white.
 
hindi pero kung kaya mo tumulong sa parents mo by all means, pero sana maisip ng mga mag bf/ gf na once magkaanak kayo it's not about you anymore, once you bring them out memory ka na lang sa mga anak mo, so make a good one, as it was noong bata ka sa mga magulang mo
 
Pag ginawa mong investment ang anak mo sa panahon ngayon, you have failed as a parent.
Kaya nga pinagaaral mo ang anak mo pra capable sya makuha ang mga opportunity na makuha nya at gusto nya, tapos magiging pabigat ka nmn pla. Baka nga mpilitan sya magtrabaho ng trabahong hindi nya gusto pra lang masuportahan ka.

Bilang anak, kung gusto mo tulungan magulang mo, go ahead. Pero aminin natin marami satin nagbibigay sa magulang dahil lang sa peer pressure. Dahil ung pinsan mo ganito, ung kapatid mo ganyan. Nagiging kumpetensya ba.
Bandang huli, ginagawa mo lng yan pra makadeserve ka ng mana.

Napakatoxic na dynamic diba?

Hindi obligasyon ng anak magbigay sa magulang, hnd obligasyon ng magulang magpamana sa anak. Mas maganda magiging relasyon natin sa pamilya natin kung eto ang pananaw natin.
Post automatically merged:

Iba iba naman kasi ang sitwasyon ng mga tao. May mga magulang na maayos napalaki ang mga anak kaya may mga anak na more than willing maging investment plan. Meron namang lumaki sa abuse kaya valid na ayaw maging investment plan. Kaya debatable 'tong topic na'to kasi iba iba pagpapalaki sa'tin, iba iba tayo ng mindset. It's not black and white.
Yan nga mali sa view na yan. Hindi sukatan ng pagiging maayos na anak ang willingness maging investment plan. At hnd kailangan ng abuse pra sa kabaliktaran. Siguro sa generation natin Acceptable yan, pero wag na natin ipagpatuloy yan toxic na paniniwala.

Bilang magulang, obligasyon mo din ihanda ang retirement mo at kung ano ang iiwan mo pag nawala ka na. Wag na natin gawing trophy ang mga anak natin.
 
Last edited:
As an only child, natotorn ako kasi nagiisang anak na nga lang ako, hindi pa nakapagplan ng retirement parents ko. Nakakainis minsan ang verbal abuse ng nanay ko (panunumbat, etc) pero kapag wala lang siyang pera kaya "tinotoyo". Tatay ko naman madaling pakisamahan. Kaya minsan willing akong magbigay sa kanila ng pera.

Kapag inaatake lang tong nanay ko ng masasakit na salita, nakakawalang ganang tumanaw ng utang na loob nang kusa at bukal sa loob.
 
Sorry to hear that. Mahirap tlga magpalaki ng magulang minsan. Kung afford mo nmn, walang problema. Pero hnd mo obligasyon yan. Unfair na isumbat sayo ang pag gawa ng obligasyon nila sayo. In the first place sila ang nagdesisyon gumawa ng anak.

Gayunpaman,kailangan mo padin makipag communicate. Tulad din ng jowa, applicable ang tamang communication. Sabihin mo ang nararamdaman mo. Hnd mo kailangan makipag diskusyon. O mambastos. At hanapin mo din ang validity sa mga salitang binibitawan nya. Wag mo damdamin ang salita, masakit man ito. Maaring yan lng tlga ang alam nya praan makipagusap when distressed. Linawin mo kung ano ba tlga ang gusto nyang result beneath sa mga salita na yan. Hnd ko alam baka medyo sensitive ka lng din pla.
 
Agree ako kay Cess, iba iba kasi ung kinalakhan. If ung relationship between parents and children eh maganda then walang prob sa pagiging investment and will embrace it will open heart. If iba naman ang kinalakhan na environment then dun magkakaissue.

Iba iba kasi eh, this is really debatable.
 
Ang tanong nmn kasi ni TS tama ba ang nakaugalian na practice na ito.
Hnd nmn tinanong kung willing ba ang mga anak. We all know na pag maganda ang experience ng anak willing sila. Pero i think ang context tlga ng question is, dapat ba mag expect ka as magulang na pag maayos mo sila pinalaki, ang anak mo ang magpprovide sayo.

Wala kasi debatable sa statement mo dahil essentially, sinasabi mo nga na investment nga ang anak. Na indicator ang ibibigay ng anak kung naging mabuting magulang ka nga ba.

But i'm sure this is a perfect answer Kung ang tanong in the first place "paano maging mabuting anak?"
 
pero di ibig sabihin di na ang anak na ang kakayod at ang magulang eh hayahay na lang.
maganda yung tutulongan ang mga kapatid para makapagtapos

pero may mga magulang din na kahit may pamilya na anak nya sila pa rin ang gumagastos
 
Ugali eto ng Pinoy na tumulong sa magulang kapag nakatapos na sa pagaaral. kaya ang nangyayari sa panahon natin ngayon eh nagiging investment na ang mga anak para may kakayod pag dating ng panahon na magreretiro na. Sana nakuha nyo ang punto ko.
ako po ay isa na rin magulang at minsan na rin naging isang anak sapagkat yumao na ang aking mga magulang, may kasabihan po tayo na " kung ano ang iyong itinanim ay iyun ang aaninhin" napakaganda nang naging halimbawa ng akin magulang nagsikap po sila upang maitaguyod kam na hindi humihingi ng kapallit i. kaya naman iyan ang aking ginagawa sa aking mga anak perohindi natin kayang suklian ang paghihirap at sakripisyo nila subalit may kasabihan tayong mga pilipino na kapg naging tunay na magulang ka na saka pa lamangtayo makakabayad sa ating mga magulang.

magiging maganda po ang ating buhay kapag tayo ay tumutulong at gumagalang sa ating mga magulang hindi lamang sa salita maging ito ay sa gawa isa rin ito sa ipinaguutos ng Diyos sa 10 commandments na may kalapit na pangako .

'Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal at sagana sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh (deut. 5:16), mali ang kaisipan ng isang magulang na investment nila ang kanilang mga anak. resposibilidad natin mga magulang na turuan sila sa tamang asal, ilapit sa Diyos at tugunan ang pangngailan (basic needs). sapagkat darating ang araw sila naman ang gaganap nito. God bless
 
Back
Top Bottom