I don't know why while my marriage was on the rocks, opportunities came knocking on my door . Just over a moth ago, I applied for a job position abroad, (eto ung kainitan ung tampuhan namin ng wife ko), it was posted on our internal site,(our Co holds many branches abroad), I click on it, thinking I have a very slim chance since marami pa namang mas senior sa akin holding same position I have, besides, maybe I just click on it kc inis ako kay wife noon. I never told her about that since di nga kami gaano nag-uusap & hindi naman sure kung macoconsider ako so no need yet to make any announcement. Isip ko pa, wala na talaga yun, but then last Thu I received an invitation-email for a job interview this coming Fri. The job offer nga pala was irresistible, almost 3x the amt of my mo. salary, free board & lodging pa yun.
Btw, I haven't replied any txt msge from my wife, I don't know, maybe I can't get away w/ the incident, masakit pa rin sa loob ko. She texted me Sun evening saying she decided to continue working, na papasok na sya the day after, telling me her sched & kung saang mall. Every night after then she just simply txted "i love you". Naalala ko tuloy ung advice nung isa dito,"how do you believe "i love you" after you have been betrayed?". I don't know, maybe I am not the forgiving type, in fact, part of me says I'm losing faith with my wife or may be up to now galit pa rin ung nararamdaman ko.
I lost my father when I was 16, my mother went to Italy late Oct last year working as a caregiver, so where do I run to? I think I was so messed up last Sunday, I am drunk again and I have 2 of my closest friends w/ me who likewise think kamote needs some beating to knock his senses. So there, w/ them on my back hinarap ko c kamote nung Monday din, I really think the guy should learn a lesson or two.
Last Wed, after leaving the office, pinuntahan ko ung bagong mall kung saan nagwowork si wife, andun lang ako nakatanaw sa kanya, I know I miss her lokohin ko man ang sarili ko. Luminga-linga pa sya nung lumabas nung employees exit,
di ko alam kung may hinihintay ba o ano, who knows baka naman iniisip nyang sunduin ko rin sya, or maybe she's expection someone else, I don't know, ayaw ko ng mag-isip na naman ng kung ano-ano pa though talagang di ko maiwasan. May kasabay syang girl din nung pumila sa sasakyan pauwi, and I saw her texting. Ako pala ung tinext, again "I love u" lang ulit. Nung Fri she texted me if we could talk and again I didn't reply. By Sat lunch time may kumatok sa pinto akala ko si wife, byenan ko pala kasama ung nag-iisang younger sister ng wife ko, si kulit kung tawagin ko. Kung pwede daw kaming
mag-usap sabi ng byenan ko. E si kulit nakiupo sa harap namin, kahit tinititigan na nung ermat nya na parang pinalalayo saglit. So inabutan ko ng pera, wala kasi kong mai-o-offer sa kanila, walang laman ung ref, pinatay ko na, di na rin ako
nagluluto kc. Sabi ko bili n lang sya ng food at sofdrink sa tapat, pasensya na. Dun k na rin muna sa labas sabi ng ermat nya. Si byenan nagtanong na, ano raw problema naming mag-asawa, lagi raw malungkot anak nya, minsan daw nakikita nyang umiiyak ayaw raw namang magsabi ng problema. Nung una raw inusisa nya kung may babae ako, pero umiling daw ito, so, sa akin nya gustong liwanagin lahat, may 3rd party daw ba. Nung dumating si kulit tumayo ako para kumuha ng baso para
sa softrink na binili nito, pagbalik ko sa sala, nakaupo na naman sa harap namin, kaya pinaalis ulit ni byenan. Ako raw ba ang may problema sa wife ko, tanong ulit nito, nung tingnan
ko dun pala nakatitig sa dating pwesto nung kwadro ng picture namin ng wife ko ko nung ikasal kami, tinanggal ko kasi yun, pati na ung ibang pictures na nakasabit sa dingding sa sama ng loob ko nung Sunday. Sa isip ko, ang talas naman ng mata nitong mother-in-law ko. Sabi ko pasensya na po pero mabuti sigurong si wife n lang ang tanungin nya. Kung ang problema
daw e sa anak nya, pagpasensyahan ko na, sa tingin daw nya gusto na nitong umuwi pero di nya malaman kung ano ang pumipigil dito. Bata pa raw kami, marami pang pagsubok na daraanan. Kung may problema daw pwede ko syang lapitan, alam daw nyang wala ang nanay ko dito, at andito lang sya para sa amin. Nung time na yun, na-touch ako sa byenan ko, nanay ko na nga rin pala sya kung iisipin. Nung umalis sila, si kulit nag-joke pa, sabi "kuya ha, mag-ayos ayos kayo, di na kayo mga bata". Napangiti ako, itong si kulit isa sa
ma-mi-miss ko kung sakali, medyo close kasi sa akin 'to.
Mahal ko pa rin wife ko, aaminin ko. Pero tama ung sinabi nung iba, ung ala-ala nung wife ko at si kamote sa shower room, di ko makalimutan, hanggang ngayon, tuwing maiisip ko, parang gusto kong balik-balikan si kamote at saktan ng paulit-ulit.
Kay wife, i don't know, may mga oras gusto ko syang puntahan, kausapin, pabalikin na sa bahay. May times naman, i feel like i want to give up on her, sa saglit na panahon nalimutan nya lahat, paano pa kung mag-abroad ako, o dapat ba akong mag-abroad kung sakali.
Paano pa ba akon magtitiwala ulit? Tumitigas na yata ang kalooban ko. Gusto ko sanang sundin ung mga payo nyo e, forgive & forget. Pero paano ba, ang hirap po...