Pinag-isipan ko rin kung kailangan ko pang mag-post ulit dito. But I feel obliged, dito ako tumakbo nung panahong wala akong masabihan. Thank you po sa lahat, this is my last post.
Remember when I said my wife keep texting me after leaving our home, it only lasted for a week yata, then it slowly fades, parang siya rin…
I finally decided to see her last-last Fri dun sa work nya and talk sana, Since di naman nya alam yung pagpunta ko, I thought that will be a good surprise. Nalate ako ng dating sa uwian nila, alam ko out n sya ng 9pm, I arrive mga 9:30pm cguro. matraffic kc, umuulan. Di ko na sya nakita, mga 20 min pa akong naghintay & decided to go home since wala ng lumalabas sa employees exit. Naglakad ako papuntang sakayan pauwi, I saw a Mcdo Rest. & decided to eat muna, dala ko na ung food ko, was about to find a table, but to my surprise nakita ko sya with that AV again. They were having fun, dining, chatting & laughing at hawak nya ung isang kamay ng wife ko sa ibabaw ng table. Di ko na alam ang gagawin ko ung dugo ko tumakbo yata lahat sa ulo ko, gusto ko silang sugurin na ewan, should I approach them o head to the door na lang. Para akong gagong nakatayo lang dun hawak ko ung tray, then napansin ako ni wife, na nabigla rin. Si kamote nilingon din ako, medyo namutla. Ibinaba ko ung tray malapit sa nakita kong bakanteng table then head to the door. Pero lumapit si wife, saglit daw, nag-uusap lang daw sila, dun daw kami sa table nila. Nung sumama ako, kita ko ung pamumula at takot ni kamote, iiwan na daw nya kami, para makapag-usap, hinayaan ko lang umalis si gago. Si wife di makapagsalita agad, alam nyo ung parang nangangapa ng sasabihin. Di raw sadya ung pagkikita nila, nakita siya nito sa sakayan at since umuulan, mahirap sumakay, sumama na sya. Kaya lang dumaan nga daw sila muna dito kasi gutom raw si kamote e napasama na sya. Ako nakatitig lang sa kanya, nakikinig. Sabi ko akala ko wala na silang contact at umiiwas na sya dito then why go with him? Mukhang hapi kayo sabi ko. Di na rin sya makapagsalita agad, I know she’s lying that time. No need for denying sabi ko, alam ko ang nakita ko, hawak nya ung kamay mo. Sabi nya lang ulit sorry, wala na syang maidahilan, naiiyak na naman, di na rin nya itinanggi ung nakita ko. That time I realized, may namamagitan na sa kanila, Nang magsalita ako kalma lang pero alam ko basag na ung boses ko. Sabi ko ang bilis ng mga nangyari sa amin, di ko alam kung ano ung nakita nya ke kamote pero sana alam nya ung consequences ng lahat. Alam ko wala ng saysay sabihin ko man, pero sinabi ko na rin na napromote ako just a month ago as Supervisor rin tulad ni kamote, na nag-aaply ako pa-abroad and I will be leaving next month, so sabi ko, kita mo, nagsisikap naman ako, kaya ko ring abutin ung naabot nito, at ibigay sa kanya kung ano man meron si kamote ngayon, na sana nahintay nya ung pag-angat ko. Umiiyak lang sya, hindi raw nya alam kung bakit sumama pa sya ke kamote, Naiyak na rin ako, Di ko alam kung paano nakauwi sa bahay, di ako naglasing tulad ng dati, pero nung nakahiga na, naiyak ulit ako. Di ko na tinanong sa kanya ung mga naglaro sa isipan ko. Paano ba sila nagkita ulit kung totoong pinalitan na nya ung # nya, so everything from the start is a lie pala. Matagal na ba silang nagkikita ulit, ung mga kwento nya noon, meron bang totoo doon. Hindi ko alam, ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko. Kinabukasan, I decided to pack all things, naghanap ako ng lipat-bahay, lahat ng gamit namin pinadala ko sa kanila, dalawang bag lang naiwan na gamit ko. I feel like kailangan ko ng umalis, lumayo. Pagkatapos ng ilang oras, nung time n alam ko ng nadeliver na sa kanila ung mga gamit namin, I call her sister, di ko kc alam ung no. ng Nanay nya. Sabi ko gusto kong makausap ung Nanay nila . Dun ko inexplain lahat, sabi ko nakakita na si wife ng ibang mamahalin, di nya ito kailangang saktan, ok lang ako, na salamat na rin sa lahat. Yung Nanay nya naiyak na rin, ano na daw nangyari sa amin, tinawagan daw nya si wife sa work at pinauuwi, mag-usap-usap daw kami. Sabi ko di na po, na-confirm ko na lahat, lilipat na rin ako ng ibang bahay. Yung legal papers para sa aming paghihiwalay di ko na maasikaso, paalis na ako next month going abroad, nakakita ako ng job doon, sa pagbabalik ko na lang.
Di ko na rin naringgan ng ano pa man ung wife ko, it’s her sister who called me after 3 days yata. Kumusta daw, wala na raw ba kaming pag-asa ng sister nya. Nasampal daw ng Nanay nya ung kapatid nya, ayaw daw nitong magsalita, basta nag-iiyak lang, nadinig daw nya ung dahilan nung kinagagalitan ng Nanay nya ung ate nya, totoo raw ba ito. Ang nadinig lang daw nyang sabi ng ate nya, di na sya makababalik sa amin, marami na raw nangyari. Umiyak na rin sa akin ung sister nya, baka daw pwede ko pang ayusin lahat, kung me kasalanan daw ate nya, baka pwedeng patawarin ko pa, di raw ito kinikibo ng Nanay nya, pati sya bihira nya itong kausapin. Sabi ko wala na e, her sister already made the choice.
Paalis na po ako sa Aug. 17, good thing na rin na nagbukas ung opportunity na to, nagdadalawang-isip pa ako noon kasi nga may kailangan pang-ayusin, yun pala wala na akong magagawa. Yung Mama ko wala pa ring kaalam-alam sa nangyari sa amin ng wife ko, wala rin akong pinagsabihan na kaibigan. Heto ako trying to move-on. Salamat po sa lahat. I know God is there, and He had better plans for me.