Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ISANG TANONG, ISANG SAGOT [Ed Lapiz] - Compilation

ghemlieesguerra

Amateur
Advanced Member
Messages
141
Reaction score
0
Points
26
u1.png


** All credits belong to Ptr. Ed Lapiz.

Hello mga ka-symb! I just want to share this book to you that really made an impact in my beliefs as a Christian. I bought this one in PCBS and it's really worth your money. So if you want to read the whole book, PLEASE BUY! It's only Php 170.00...​

kenkoy+1.jpg

The reason I started a thread about this book is to share some of the questions and answers that have practical implications in our Christian life.

COMMONLY ASKED QUESTIONS ABOUT...

THE BIBLE


1. How will I read and study the Bible?
2. How can I understand the Bible?
3. I have a hard time reading the Bible, what should I do?
4. The Bible seems to be full of mysteries and contradictions?
5. Paano ba mag interpret ayon sa original text ng Bible?
6. What can you say about the new version of the Bible that will come out soon, where may words will be changed to make it politically correct?


INTERPRETING DIFFICULT PASSAGES

1. What does the Bible mean when it says "Be born again?"
2. How shall we love our enemies?
3. Sabi ng Roma 1:26-27, walang bahagi sa kaharan ng Dios yung mayroong mga abnormal sexual relations, ganun ba yun?
4. When we are finally ushered into heaven, will each of us be given new and everlasting names, as in Revelation 2:17 and Isaiah 56:5?
5. God said, I will never blot out his name from the book of life - Revelation 3:5 and Psalms 69:28. Does this mean that all our names are already written and only those of the wicked are blotted out?
6.What is Proverbs 31 trying to tell us?
7. I want to know what it means not to give pearls to swine and dogs. Who are the swine and the dogs?
8. What does 'gathering up treasures in heaven' mean? Magkakaroon ba ng special treatment doon?
9. Totoo ba na ang utos ng Dios sa tao na ibinigay kay Noah ay, Go forth and multiply'?

EVANGELISM AND SALVATION

1. Dapat bang maging banal upang maligtas?
2. Kailangan bang maging member ng isang church upang ang isang tao ay maligtas?
3. I was a former member of a cult. I was told I'm no longer save because I am no longer a member. Is there hope of salvation for me?
4. Paano ang salvation ng mga tribu noong unang panahon?
5. Is it possible for a retardate, or a mentally abnormal person to be saved? If so, how do we evangelize them?
6. Kasalanan ba ang pagsi-share sa miyembro ng ibang religious sect?
7. What can you say about the Catholic born-again? They say that they accepted the Lord Jesus Christ as their personal Lord and Saviour, yet they still pray the Hail Mary and other repetitive prayers and go to church with statues not aware they are worshipping an idol?
8. Ano ang masasabi niyo sa mga nangangaral ng Salita ng Dios sa mga kanto, bus at jeep, at pagkatapos ay nangongolekta ng offering?
9. Nawawala ba ang salvation?
10. Nawawala ba ang salvation kung ikaw mismo ang mag-denounce?
11. Can you further explain, Once saved, always saved. Kahit nag-backslide na ang believer saved pa rin ba?
12. Ako ay anak ng Dios, may relasyon na ako sa kanya ngayon. Paano kung ako ay magkamaling muli, ako ba ay anak pa rin niya?
13. Kung pwede akong humingi ng kapatawaran, pwede na ba akong magkasala palagi?
14. Ayon sa Roma 8:29-30, kung ang Dios ay namili na ng maliligtas at tiyak nga silang maliligtas, hindi kaya ito magbubunga ng immoralidad sa mga taong ganap na ang kaligtasan? Sapagkat may mga posibilidad, may mga pananaw na papasok sa kanilang kaisipan na, Dahil ako ay ligtas na, ako'y malaya nang makagagawa ng anuman.
15.Maliligtas ba ang isang matagal ng Kristiano pagdating ng rapture if at that time, siya yung nanlalamig?
16. Si Hudas ba ay ligtas, matapos niyang ipagkanulo si Hesus?
17. Can God remove or erase the consequences of my sins?
18. Sa dami ng relhiyon na itinatag, paano ba malalaman kung alin ang totoo?
 
Last edited:
Hi ghemlieesguerra,

meron bang tanong dyan yung age of accountability? For example, kapag namatay ang baby (since he/she doesn't have capacity to understand the faith to Jesus Christ) mapupunta pa rin sa langit?

thanks.
 
Hi ghemlieesguerra,

meron bang tanong dyan yung age of accountability? For example, kapag namatay ang baby (since he/she doesn't have capacity to understand the faith to Jesus Christ) mapupunta pa rin sa langit?

thanks.

Yes meron po.. :) I'll post it soon.. :)
 
Q: How will i read and study the bible ?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Huwag mong basahin ang bibliya na parang nobela na mag-uumpisa kayo mula sa unang pahina hanggang sa dulo. Dahil you will get into a lot of historical accounts at mawawalan kayo ng gana. The bible is composed of 66 books written by 44 different authors in a span of 2, 600 years. Any of those books may be read apart from the other books. I suggest na umpisahan niyo sa gospel of john. Dahil doon, malinis na malinis itinuturo yung salvation. And then after john, you may read matthew, mark, and luke which contain the life and teachings of christ. Pagkatapos nun, you can read anything na. I suggest you read the entire new testament. Dito kasi clear ang tungkol sa salvation. Pag saved na tayo ang the spirit of the lord is in us, nabubuksan na yung mga mysteries sa ibang books of the bible na dati ay hindi natin kayang basahin. the bible is a spiritual book, and unless you are spiritually tuned-in, you will not understand it. Kailangang pumasok tayo sa spiritual level para maintindihan natin. Hindi lang intellectual exercise ang pagbabasa nito.

Pag nagbasa kayo ng bible, approach it from the perspective of faith. You don't read it only to be entertained or to be informed. You read it to know the will of god and with the willingness to obey. Pagka ganun ang ating approach, parang bumubukas ng automatic lahat ng mga dapat bumukas. Kaya bago kayo magbasa, mag-pray kayo na bigyan kayo ng espiritu ng kakayahan a maunawaan ito. it is not an ordinary literature, it is the word of god. it is a very powerful book that can give you peace. But it can also bother you. It is good to be bothered kapag mali ang mga ginagawa natin. Dapat lang na naliligalig tayo paminsan-minsan. "

 
Last edited:
Q: How can I understand the Bible?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Para maintidihan ang mga salita sa Bible, dapat nating makita kung anong definition ang binigay ng author. Hindi kung ano ang tingin natin dyan ngayon. Alam niyo naman na yung mga salita nag iiba-iba. Halimbawa, noong araw, yung grass kinakain ng kabayo, Ngayon, ito yung hinihithit ng mga nag-aadik-adik. Noong araw, ang bread nabibili niyo sa panaderya. Ngayon, yan ay pera sa mga young people. And you're talking only about 30 years or 20 years. Samantalang ang Bibliya, 2000 years nang naisara! Kaya dapat nating arukin o hanapin kung ano ang kahulugan nung salita according to the writer, not according to us. Sasabihin ng iba dyan, Uy, alam mo naman yang Bible kanya-kanyang interpretation yan.. Aba, hindi pwede! There is only one correct interpretation! Kung kanya-kanyang interpretaion, then the word of God will not be powerful. It will not change our lives for good. Kung may sampung iba't ibang interpretations, bakit pa nagka-Bible? Thank God more than 85% of the Scriptures do not need interpretation. It is very clear and literal. Hindi natin pwedeng sabihing, Eh kasi, hindi ako scholar, hindi ako nag Bible School, paano ko iiinterpret? The Bible was written by ordinary people to be read by ordinary people; hindi natin kailangan ng mga theologian diyan. Ang kailangan natin, guidance ng Holy Spirit and a scholarly discipline."



- - - Updated - - -

Q: I have a hard time reading the Bible, what should I do?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Tignan niyo muna ang binabasa niyong version, baka hindi hiyang sa inyo. Baka hindi kayo sanay sa 16th century English. Ako man nahihirapan diyan. Mayroon namang modern versions. Baka naman maliit ang print. May malalaking print naman para hindi kayo mahirapan. Ngayon, kung spiritual ang reason at hindi physical, ipag-pray niyo. Humingi kayo ng tulong sa ibang Christians, para ipag-pray na magkaroon kayo ng gana sa Biblia. Para pag binasa niyo ay magkaroon ng katuturan sa inyo. And read it with people whose company you enjoy.



- - - Updated - - -

Q: The Bible seems full of mysteries and contradictions, Could you please comment on this statement ?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"First, I'd like to disagree with this staement. Wala namang contracdiction ang Bible. When you cannot understand the Bible, doubt your capacity to understand, and not the Bible. We are not always capable of understanding very high concepts. Lalung lao na kung iisipin natin na ang Biblia ay isinulat sa isang matalinhagang paraan. At hindi naman lahat tayo may scholarly background to be able to dissect nuances of meaning. Yung kasing objective of expression noon as iba sa ngayon. For instance, hindi sila obsessed lagi sa precision noong araw.


Q: Paano ba mag-interpret ayon sa original context ng Bible?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Ito ang nagiging problema sa pag-aaply ng scriptures. Some people have a tendency to take a message out of context and apply it to their present situation. Kung ang context nung nakatanggap originally ay katulad ng context nyo, then it applies. Otherwise, it is a dangerous application. You must never take a verse out of its context bescause its meaning is dependent on the original situation, on the one who received the mesage and on the one who wrote it. Halimbawa, nakita mo yung isang Christian group na gumagawa ng barko at tatanungin mo, Bakit kayo gumagawa ng barko? Sasagutin ka, Nabasa kasi namin, 'Make an Ark'. Ganun ang ginagawa ng iba sa Scriptures!Hindi naman para sa kanila, pero ina-apply nila sa sarili nila. That's why it is crucial in scholarly interpretaton to understand the situation historically, theologically and culturally. "


Q: What can you say about the new version of Bible that will come soon, where many words will be changed to make it politically correct?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Let me tell you my initial level of reaction, I don't like it. It will unsettle too many people, for very little effect. Ang God ba ay may sex? Is God male or female? Neither! Because God is a spirit! You don't need sexuality if you're God, because you only need sexuality to physically reproduce. Is God interested with physical reproduction? No! Because God is complete. In other words, God really should not be dominated by the issue of gender. Kapag nagpunta na tayo sa paradise at kasama na natin ang Diyos forever, will you be male or female? There'll be no use for it, because we won't have sexuality and we won't need to reproduce. In other words, the highest form of spirituality should not be confined to, or by, sexuality.

Meanwhile, God chose to express himself in human culture as male, dahil alangan namang 'it'. Either he or she. And because of the prevalent culture in Israel during that time, and the prevalent culture in all ancient soxieties for that matter na napaka-male dominated, naging 'he'. Don't you ever think na God is male or female because God has no gender. God is beyond and above the issue of sex.

Hindi naman siguro morally wrong kung palitan nila yun, except that -- what do they accomplish? we are now a male-dominated culture. Gusto naman ng mga feminista ngayon, to dominate the male, so it's just the pendulum moving to the other side! Pareho lang ang kalalabasan. Later on, the men will begin to complain na napaka-feminista naman ng Bible. And then they will also rally to push the male God, so magsu-swing na naman ang pendulum to the other side. So what's the point of changing it now? Sayang lang ang gastos sa printing. "
 
Last edited:
Q: What does the Bible mean when it says, "Be born again?"?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"In understanding the Bible's words, it is important to know what the author meant when he wrote it, not what it means to us now. Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa born again experience? Jesus said, Unless a man is born again, he cannot see the kingdom of God (John 3:3). In other words, this is the most important phrase this side of eternity. When you internalize it, you can move on to the other side of eternity that is the kingdom of God. Sasabihin ngayon ng mga tao, Huuu! Ano ba yang born again, born again? Bagong uso lang yan, lilipas din yan! Hindi ito bago. Nagmumukhang bago lang dahil hindi itinuro ng simbahan sa nakaraang 2000 years. Tinabunan ng kung anu-anong mga religious issues, tinabunan ng kung anu-anong do's and don'ts, tapos yung pinakamahalaga na magdadala sa langit, hindi itinuturo - You must be born again. At yung mga nagtuturo nito, pinarartangan pa ng simbahan na kalaban ng Dios., kalaban ng simbahan, kalaban ng katotohanan. Samantalang yung born-again, si Kristo mismo ang may sabi. At kung Siya ang may sabi, lahat tayo, kailangang sumunod. Yan naman ay kung talagang si Kristo ang kinikilala natin.

Paano nagiging born again ang isang tao? Many people oversimplify the formula, as in (A) Accept that you're a sinner, (B) Believe in Christ, and (C) Confess Christ as Savior, and -- bulaga! Saved ka na! Hindi naman ganun kasimple. Pero may katotohanan yung stucture at proseso.

Halimbawa, Tignan natin yung istorya ng Panginoon noong siya'y nakapako sa krus at may dalawang lalaki na nakapako din sa kanyang magkabilang tabi. yung isa kontrabida, yung isa naman bida. Sabi nung una, Kung ikaw ang Kristo, bakit hindi ka maghimala? Bumaba ka diyan, isama mo kami. Sabi naman nung pangalawa, hindi ka ba natatakot sa Dios? Hindi mo ba nakikita na nandito tayo dahil dapat lang. Pero siya, wala siyang nagawang kasalanan. Tapos sabi niya, Hesus, alalahanin mo ako pag nasa iyong kaharian ka na. anong sabi ni Kristo? Today, you will be with me in paradise.

Ang tanong , na-save ba yung pangalawa o hindi? Na-save! Kung na-save yun, dapat naging born again yon. Dahil si Kristo ang may sabi, Unless you are born again you cannot see the kingdom of God. Therefore, naging born again yung tao, nag-ABC siya. A -tinanggap niyang makasalanan siya. Sabi niya dun sa isa, hindi mo ba alam na dapat lang tayo narito? Ibig sabihin, hindi siya nagagalit na nakapako siya dahil alam niyang makasalanan siya. B -naniwala siya na si Hesus ay hindi lang tao kundi Siya ay Anak ng Diyos. Sabi niya doon sa isang lalaki, Hindi ka ba natatakot sa Dios sasinasabi mo sa kanya? Kinikilala niya si Kristo bilang Dios. At pangatlo, C- he confessed Jesus as his Savior. He committed his salvation to Christ, nagpa-pasave siya. Therefore, he was born again.

Mahalagang maging born again. Ibig sabihin, dapat mamatay na yung dati mo, a umusbong na ang bago mong sarili. It is Christ who lives in you, therefore you are new. 2 Corinthians 5:17 says, Anyone who is in Christ is a new creation, the old is gone, behold the new has come. Naging bago tayo dahil hinugasan tayo ng dugo ni Kristo. Ibinayad niya ang kanyang kabanalan sa kasalanan natin. Bayad na, therefore, maliligtas ka. Yun ang ibig sabihin ng born again."
 
Last edited:
Tanong ko lang ano po ba ang tamang relihiyon na nasa biblia at ano po ba ang kina aaniban ni Ed Lapiz
 
Tanong ko lang ano po ba ang tamang relihiyon na nasa biblia at ano po ba ang kina aaniban ni Ed Lapiz

Si Ptr. Ed Lapiz po, Born Again Christian.. At para po sa tanong mo.. related po siya sa isang tanong dito sa book..

Q: Sa dami ng relihiyon na itinatag, paano ba malalaman kung alin ang totoo?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Kung relihiyon ang pinag-uusapan, lalo na kung Christianity, it should be based on the Bible. Ang maging pamantayan kung sino ang tama, eh, kung sino yung pinaka-close at pinaka-honest sa pagsunod sa Bible. Hindi yan dinadaan sa patandaan ng church, sa pagwapuhan ng leader o pagalingan ng mga spokesman. Ang titignan niyo, ano ang teaching ng church as compared to the Bible? Kasi, maraming magagaling magsalita at napapaikot tayo. Ang itinuturo hindi na pala galing sa Bible kundi kaugalian o opinion pala ng mga tao. So, walang moral basis. Kailangang nakabase sa Scriptures. Kaya dapat may Bible kayo, para laging nako-compare niyo ang itinuturo ng relihiyon na ito at nang hindi tayo madaya."




- - - Updated - - -

Hi ghemlieesguerra,

meron bang tanong dyan yung age of accountability? For example, kapag namatay ang baby (since he/she doesn't have capacity to understand the faith to Jesus Christ) mapupunta pa rin sa langit?

thanks.

Hello po. Eto po yung pinaka malapit na nakita kong sagot sa tanong niyo. For babies and for those who doesn't have the capacity to understand.

Q: Is it possible for a retardate, or a mentally abnormal person to be saved? If so, how do we evangelize them?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"I think merong degrees of retardation, so those who can understand salvation can also become responsible for their sins. That's why, kung puede silang ma-save, pwede din silang ma-condemn. Whoever is capable of understanding salvation is capable of committing sin, wilfully! Pero kung retarded siya to the point na hindi niya kayang maintindihan ang evangelism, ibig sabihin hindi rin niya naiintindihan ang mga ginagawa niya, then he must have bee preserved in a state of innocence. Ipagtiwala natin ang ganitong mga tao sa kabaitan ng Dios."


- - - Updated - - -

Q: How shall we love our enemies?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"It's one of the most misunderstood verses in Scripture over the years of my Christian life and service. Matthew 5:44, Love your enemy. Sa Tagalog, Ibigin mo ang iyong kaaway., Parang walang sense diba? Aminin nyo na. Paano mo iibigin ang kaaway mo? But the Greek language, in which the New Testament was written has at least four different words for love. Merong godly love. Ang pag-ibig ng Dios sa tao na walang preconditions. Meron namang filial love, ang pag-ibig sa mga magkakamag-anak. Meron ding pag-ibig na ang ibig sabihin, I'm committed to your well-being, hindi ako magiging sagabal sa iyong pag-asenso, pero hindi naman kita nami-miss kung hindi kita nakikita. In other words, I'm not emotionally involved with you, pero committed ako para sa ikakabuti mo. That is also love. Dun pumapasok ang Love your enemy. May involvement out of familiarity or out of spending time and space together. In other words, hindi yun yung pag-ibig na emosyonal, kasi
imposible naman na minamahal nyo yung kaaway niyo, na Iniibig kita, nami-miss kita, mahal na mahal kita.. To love your enemy is to be committed to the well being of your enemy. Don't wish him ill. Huwag ka lang gagawa ng bagay na ikakasama niya - love na yon. Hindi mo siya kailangang padalhan ng lollipops and roses at burong talangka para masabing love mo siya. Ibang klaseng love yun."
 
wow ayos po ang thread nyo TS :thumbsup: Alam mo ba na si Ptr Ed Lapiz was used by God as an instrument to save me.. TS, keep sharing the Word of Life! to light the world :salute: God bless You :)
 
wow ayos po ang thread nyo TS :thumbsup: Alam mo ba na si Ptr Ed Lapiz was used by God as an instrument to save me.. TS, keep sharing the Word of Life! to light the world :salute: God bless You :)

Wow that's really good to hear.. :) God bless!!
 
Q: What does the Bible mean when it says, "Be born again?"?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"In understanding the Bible's words, it is important to know what the author meant when he wrote it, not what it means to us now. Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa born again experience? Jesus said, Unless a man is born again, he cannot see the kingdom of God (John 3:3). In other words, this is the most important phrase this side of eternity. When you internalize it, you can move on to the other side of eternity that is the kingdom of God. Sasabihin ngayon ng mga tao, Huuu! Ano ba yang born again, born again? Bagong uso lang yan, lilipas din yan! Hindi ito bago. Nagmumukhang bago lang dahil hindi itinuro ng simbahan sa nakaraang 2000 years. Tinabunan ng kung anu-anong mga religious issues, tinabunan ng kung anu-anong do's and don'ts, tapos yung pinakamahalaga na magdadala sa langit, hindi itinuturo - You must be born again. At yung mga nagtuturo nito, pinarartangan pa ng simbahan na kalaban ng Dios., kalaban ng simbahan, kalaban ng katotohanan. Samantalang yung born-again, si Kristo mismo ang may sabi. At kung Siya ang may sabi, lahat tayo, kailangang sumunod. Yan naman ay kung talagang si Kristo ang kinikilala natin.

Paano nagiging born again ang isang tao? Many people oversimplify the formula, as in (A) Accept that you're a sinner, (B) Believe in Christ, and (C) Confess Christ as Savior, and -- bulaga! Saved ka na! Hindi naman ganun kasimple. Pero may katotohanan yung stucture at proseso.

Halimbawa, Tignan natin yung istorya ng Panginoon noong siya'y nakapako sa krus at may dalawang lalaki na nakapako din sa kanyang magkabilang tabi. yung isa kontrabida, yung isa naman bida. Sabi nung una, Kung ikaw ang Kristo, bakit hindi ka maghimala? Bumaba ka diyan, isama mo kami. Sabi naman nung pangalawa, hindi ka ba natatakot sa Dios? Hindi mo ba nakikita na nandito tayo dahil dapat lang. Pero siya, wala siyang nagawang kasalanan. Tapos sabi niya, Hesus, alalahanin mo ako pag nasa iyong kaharian ka na. anong sabi ni Kristo? Today, you will be with me in paradise.

Ang tanong , na-save ba yung pangalawa o hindi? Na-save! Kung na-save yun, dapat naging born again yon. Dahil si Kristo ang may sabi, Unless you are born again you cannot see the kingdom of God. Therefore, naging born again yung tao, nag-ABC siya. A -tinanggap niyang makasalanan siya. Sabi niya dun sa isa, hindi mo ba alam na dapat lang tayo narito? Ibig sabihin, hindi siya nagagalit na nakapako siya dahil alam niyang makasalanan siya. B -naniwala siya na si Hesus ay hindi lang tao kundi Siya ay Anak ng Diyos. Sabi niya doon sa isang lalaki, Hindi ka ba natatakot sa Dios sasinasabi mo sa kanya? Kinikilala niya si Kristo bilang Dios. At pangatlo, C- he confessed Jesus as his Savior. He committed his salvation to Christ, nagpa-pasave siya. Therefore, he was born again.

Mahalagang maging born again. Ibig sabihin, dapat mamatay na yung dati mo, a umusbong na ang bago mong sarili. It is Christ who lives in you, therefore you are new. 2 Corinthians 5:17 says, Anyone who is in Christ is a new creation, the old is gone, behold the new has come. Naging bago tayo dahil hinugasan tayo ng dugo ni Kristo. Ibinayad niya ang kanyang kabanalan sa kasalanan natin. Bayad na, therefore, maliligtas ka. Yun ang ibig sabihin ng born again."

Maaari pa bang maligtas ang born again na nag-suicide?
 
Maaari pa bang maligtas ang born again na nag-suicide?

Bakit mo tatawaging naborn again ang isang tao kung hindi siya ligtas? Para kang nagtanong kung.. Maari pa bang ma-basa ang naliligo?
Kung hindi siya naborn again.. hindi siya ligtas malamang.
 
ang gaganda ng topic hope ng hindi mabura ang thread na 2 at sana mayroon din yun mp3 na sunday worship gaya nung nsa youtube.more power and God BLess...thank po...nkaka enlighten po e2 sa mga christian..
 
Q: Sabi ng Roma 1:26-27, walang bahagi sa kaharan ng Dios yung mayroong mga abnormal sexual relations, ganun ba yun?


PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Walang kasalanan na hindi kayang hugasan ng dugo ni Cristo. Walang pagkakamali na hindi kayang iligtas ng Panginoong Hesus. Kung yung nagkamali ay hihingi ng tawad, magbabagong loob at tatanggapin ang Panginoong Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, walag dahilan para hindi siya matanggap sa kaharian ng Dios
"


Q: When we are finally ushered into heaven, will each of us be given new and everlasting names, as in Revelation 2:17 and Isaiah 56:5?



PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"The name is always representative of the personality. Kaya si Saul ginawang Paul. At sabi nga nitong si Naomi,Call me Mara, dahil nagkaroon ako ng napakamiserableng buhay. (Ruth 1:20). Nagpalit sila ng pangalan dahil napalitan ang kanilang pagkatao. Kaya naman, dahil napapalitana ng pagkatao sa pagpunta natin sa piling ng Dios, para tuloy dapat ding palitan ang ating pangalan. Kung yung pagpapalit ay literal o hindi, ang ibig sabihin lang, magkakaroon ng pagbabago sa ating buong pagkatao at sa ating kalooban. Sa kultura ng Israel, kailangan ding palitan ang iyong pangalan. Whether that is literal or not is not the point. The point is -- we will be changed.
"


Q: God said, I will never blot out his name from the book of life - Revelation 3:5 and Psalms 69:28. Does this mean that all our names are already written and only those of the wicked are blotted out?




PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Hindi ganun ang ibig sabihin nito. Nang sabihin ng Dios na, Hindi ko aalisisn ang pangalan mo sa aklat ng buhay,tinutukoy niya ang mga tao na tumanggap kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Yung mga hindi pa tumatanggap sa Panginoong Hesukristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, hindi pa nakasama ang pangalan sa Book of Life kaya wala pang iba-blot-out. Pero kung ang isang tao ay tumanggap na kay Kristo, ligtas na siya at wala nang bawian iyon. Sabi uli sa John 10:28, I give them eternal life, ang they shall never perish; no one can snatch them out of my hand, So kapag ang pangalan mo ay naisulat na sa Book of Life, permanente na iyon at wala ng burahan
"

- - - Updated - - -

Q: What is Proverbs 31 trying to tell us?



PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Proverbs 31 is a treatise on the ideal woman. Ito ay payo sa mga lalaking naghahanap ng tamang babaeng mapapangasawa. Dapat masipag, mahusay, magaling magnegosyo, super woman nga. But don't oppress yourself trying to be the woman of Proverb 31 kasi ideal lang siya. Ewan ko kung meron talagang babaeng naglalakad sa balat ng lupa na katulad ng Proverbs 31. Kung wala, at least merong goal kung ano dapat. May pamantayan para malaman mo kung gaano ka na kalapit dito."


Q: I want to know what it means not to give pearls to swine and dogs. Who are the swine and the dogs?



PTR ED LAPIZ' ANSWER:
"This means giving deep insightful teachings to people who are not yet ready for them. Ang sabi ni Lord, Do not give dogs what is sacred; do not throw your pearls to pigs. If you do, they may trample them under their feet, and then turn and tear you to pieces (Matthew 7:6). Spiritual teachers are usually several notches higher in understanding than most of the average members of a church. There are things that you know and appreciate in your level, which you cannot possibly translate into the minds of people who lack maturity. And most of the time, yung mga spiritually immature pag nakarinig sila ng mga teachings na hindi nila maintindihan, they will label you heretic and demonic. Kaya yun yung sinasabing they turn back and attack you!"

- - - Updated - - -

Q: What does 'gathering up treasures in heaven' mean? Magkakaroon ba ng special treatment doon?



PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Sabi sa Matthew 6:20; Store up for yourselves treasures in heaven. How can we do that? Eh di yung mga nagsilbi dahil kawawa naman dahil ang bigat-bigat ng sunong-sunong nila in eternity! I'd like to believe that the treasures in heaven is not a thing. It is not visible and it is not measurable. It is the depth of your capacity to enjoy God's presence! In other words, those who love God more will enjoy Him more"


Q: Totoo ba na ang utos ng Dios sa tao na ibinigay kay Noah ay, Go forth and multiply'?



PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Noong araw kasi, wala pang tao sa planeta, kaya pinaparami pa ng Dios ang tao. Pero sa dami na ngayon ng tao ay hindi naman dapat tayong sobrang pagparami na. Ibiigay yan kay Noah dahil kababaha pa lang, at ang lahat ng tao ay nalipol except his family. Kaya sabi niya, Go and people the earth, and multiply. Dahil walang tao noon. May mga command ang Dios na specific. Meaning, it was given to a specific people for specific purposes in a specific time. It is not meant to have a general effect that everybody should also follow. Katulad ni Noah, inutusan siyang gumawa ng barko. Katulad din ng inutusan si Noah na magparami. Hindi naman tayo dapat lahat magparami. Merong command sa Bible na general at merong specific, and we should differentiate between the two."

- - - Updated - - -

Q: Dapat bang maging banal upang maligtas?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Naaalala niyo ba ang dalawang lalaking nakapako sa magkabila ni Kristo at kung paano nailigtas ang isa? Kung ating pag-aaralan ang istorya, nandito ang susi kung paano naliligtas ang isang tao. Marami kasing nagsasabi na para ma-save, kailangan ikaw ay banal. Sa tingin niyo ba banal ang lalaking ito? Pero sinabi ni Jesus sa kanya, Today, you will be with me in paradise. Pumunta ba siya sa paraiso? Siempre. Banal ba siya? Hindi. So hindi totoo na dapat maging banal para ma-save."

Q: Kailangan bang maging member ng isang church upang ang isang tao ay maligtas?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Hindi religion ang mahalaga kundi ang personal narelasyon mo kay Hesus. Nagiging mahalaga lang ang religion dahil doon tayo natututo, doon tayo nate-train. Hindi yung dahil nagpalista ka lang, saved ka na! Kailangan spiritual membership muna. And then it becomes a formal, actual membership so that you will have a place to grow, to serve and be served, to love and be loved . Ang tanong, may nagbayad na ba ng iyong kasalanan? Marami tayong kababayan na member ng ibang churches diyan for so many years. Otsenta anyos na nung namatay, puro relihiyon ang buong buhay. Sumali na sa lahat ng prusisyon, nadasal na lahat ng rosaryo, nagawa na lahat ng ayuno, nakapagpabinyag, nakapagpakumpil, lahat-lahat. Nwisikan na ng tubig habang nililibing, kung ano anong usok-usok, ipinagdadasal pa rin nung mga namatayan yung kaluluwa dahil hanggang ngayon, hindi pa nila alam kung saan pupunta! Kung kani-kanino inihihingi ng tawad. Tore ni David, patawarin mo siya, toreng gareng, kaban ng tipan, talang maliwanag, pinto sa langit, bahay na ginto... Bakit kung kani-kanino ihinihingi ng tawad ang namatay? Kasi nga, hindi malaman kung saan susulong, kasi hindi malinaw ang katuruan kung paano naililigtas!

Naniniwala ako na meron tayong mga kababayang nasa loob ng Roman Catholic Church na saved. Baka nga hindi pa nila alam na saved sila kasi hindi conscious ang pagtuturo, eh. Yan ang pinagkaiba ng Protestant churches sa mga Catholic Churches. Sa karamihan ng Protestant churches, itinuturo ng malinaw yung salvation. Hindi ko sinisiraan ang sinuman. Pero ang point, hindi ko nakikita sa Bible na formal, actual, and legal membership ang nagliligtas, kundi yung spiritual belongingness to the family of God. This happens when you accept Jesus into your heart as Savior and Lord, no matter what religion you belong to. Kaya lang, pag na-save tayo at kilala na ninyo si Cristo, meron naman talagang mga religious systems na mas lalago kayo. Kaya mahalaga rin yung church membership - kung ligtas ka na!"
 
Last edited:
Q: Dapat bang maging banal upang maligtas?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Salvation by membership? That is not what I know from the Bible. What I know from the Bible is, ang nasi-save ay yung taong kinilala niya na siya'y makasalanan, at walang puedeng magligtas sa kanya kundi si Hesus.

Actually, rescue plan ang Bible - rescue plan ng Dios kung paano niya isi-save yung mga tao na nagkasala. Kung iko-condemn niya ang mga tao, talagang wala na silang pag-asa. Kung sasabihin naman niya na quits na lang, hindi naman siya God of Justice. Naaawa siya sa may kasalanan dahil God of Mercy siya, pero siya ay God of Justice din at ang kasalanan ay dapat bayaran. And so God devised a perfect plan. Babayaran ang kasalanan, pero hindi ang may kasalanan ang magbabayad. Sino ang magbabayad? Eh di ang Dios, si Hesus. Kung may utang ka, binayaran ng tatay mo, may utang ka pa ba? Wala na. Bayad na yung utang! Hindi sinabing kalimutan na lang. lista sa tubig, topo-topo. Hindi ganon! Ang nangyari, binayaran, pero hindi tayo ang nagbayad. Ang nagbayad, si Hesus.

Ngayon, paano ka maliligtas? Pag sinabi mong, Yung utang ko binayaran na ni Hesus at siya ngayon ang aking Savior and Lord, eh di, wala ka nang utang! Ligtas ka na! Yan ang alam kong sinasabi ng Biblia. When I accept Jesus as Savior and Lord, wheter or not magpalista ako o sumali ako sa isang kongregasyon, I become a member of the unseen universal body of the Lord which is the true church. Maraming mga local congregation, but there is only ONE church."


- - - Updated - - -


Q: Paano ang salvation ng mga tribu noong unang panahon?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Those who never heard about the Lord or the Gospel of the Lord and never had a chance to accept or reject it would be judged according to their conscience. Kung yung ginawa nila ay masama sa kanilang konsensya pero ginawa pa rin nila, e di guilty sila. Pero, I tell you, mahirap ma-save dun dahil gaano karami bang tao ang nakakasunod ng konsensya nila? Kaya nga, dapat marinig nila ang Gospel, dahil yun ang nakakapag-exempt sa atin sa punishment of sin"


- - - Updated - - -

Q: Kasalanan ba ang pagsi-share sa miyembro ng ibang religious sect?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Kasalanan ang hindi mag share kahit kanino. Ilang taon na ang nakalilipas, walong Filipino ang galing Saudi Arabia ang nakalaya at nakauwi. Nakulong sila dahil nag-share sila ng Bible sa mga Arabo. Nagdala sila ng mga Biblia sa salitang Arabo, isinasabit nila sa mga pinto ng bahay ng Arabo, at nahuli sila. Kahit na alam nilang pwede silang makulong (at nakulong nga!), nag-share sila sa mga Arabo at dinala sa kanila ang Salita ng Dios. Kung dun nga nag-share, dito pa kaya sa mga kababayan natin dito."


- - - Updated - - -

Q: What can you say about the Catholic born-again? They say that they accepted the Lord Jesus Christ as their personal Lord and Saviour, yet they still pray the Hail Mary and other repetitive prayers and go to church with statues not aware they are worshipping an idol?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"Kung talagang in-accept nila si Jesus as Savior and Lord, born-again sila. Hindi lang siguro sila natuturuan ng edification. After salvation, dapat may growth. Pero huwag mo namang asahan na tumanggap kay Kristo kahapon eh, sinunog na nila lahat nung kung anu-ano nilang alaga. Bigyan nyo sila ng panahon at saka correct teaching.


- - - Updated - - -

Q: Ano ang masasabi niyo sa mga nangangaral ng Salita ng Dios sa mga kanto, bus at jeep, at pagkatapos ay nangongolekta ng offering?

PTR ED LAPIZ' ANSWER:

"The preaching can be good but collection may leave a bad taste in the mouth. Nako-compromise ang dignity ng ministry. Christianity should be very dignified. It should never be made to look like it is begging, na parang walang dignity. Marami na-o-offend. If I were them, I'll do it another way. Kasi, kung nagsasalita naman sila ng word of God, tama na madinig sa kalye dahil hindi naman lahat ng tao pumupunta sa church. Kaya lang, huwag sanang manghihingi para hindi mapintasan."
 
Last edited:
wow page under construction na keep up the good work hope na lalong gumanda ang thread na to kc lage kung subaybay yun mga payo at mga study ni pastor ed, sana magkaroon ng mp3 ng sunday service nya para lalo kung maintindihan at sa nagawa ng thread na to more power at keep up the good work the Lord always acknowledge the little thing you do in his name.. im keep watching, reading and understanding what the Lord say. thanks a lot....
 
Back
Top Bottom