Hindi lahat ng bumabatikos sa rehimen ni Marcos ay pro-Aquino na. Hindi diniktahan ng mga Aquino at wala silang kapangyarihang diktahan ang mga historian at media ng dapat nilang isulat sa mga history book o ibalita. Ang mga historian na nagsulat tungkol sa mga katiwalian ni Marcos ang xa ring mga historian na nagsulat ng mga kapalpakan ng gobyerno ni Cory Aquino.
At yan mismong "pro-Marcos," "pro-Aquino," o pro-kahit sino ang problema sa political culture at mentality sa mga third world countries. "
Cult of personality" ang tawag jan. Madaling maloko ang mga tao ng mga propaganda ng mga pulitiko at kahit taliwas na sa realidad ang sinasabi nila. l
yal pa rin sa mga pulitikong un ang mga bulag nilang tagasunod. Hindi mo makikita ang katotohanan kung may kinikilingan ka.
- - - Updated - - -
Galing sa utang ang lahat ng proyekto ni Marcos noon. Utang na lumobo pa sana ng mas malaki at imposibleng mabayaran ng Pilipinas kung hindi pa xa napatalsik sa pwesto.
Mas mataas ang poverty rate nung panahon ni Marcos, mula sa 23% nung 1974 hanggang 40% nung 1986 ayon sa World Bank, at un ay nung panahon na ~60 million pa lang ang populasyon ng Pilipinas. 18% lang ang poverty rate ngaung 2016 kahit 100 million na ang populasyon ng bansa.