Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kathang isip

PLEASE CHECK OUT PO YUNG LATEST POEM KO ON THE LINK BELOW, SALAMAT FOR TAKING TIME TO READ :salute:

Bago: ika-6 ng Agosto 2017: Basahin dito.

:beat: 20-Sep-2016 post: SENADO: Ang Kuwento

3-Aug-2016 post: SA SANGANGDAAN

30-Mar-2016 post: CHOICES


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Bagong Pag-asa

Sa pagdilat ng aking mga mata
ang liwanag aking nakikita
mga bagay na dati'y di napupuna
Ngayo'y unti-unti ng sumisigla

Ikaw ang siyang tanging dahilan
sa loob ng aking puso at isipan
naging daan upang muli kong maranasan
Ang pag-ibig sa puso kong nabalintunaan

At kahit pa tayo'y magkalayo ngayon
handa akong hintayin ang panahon
dahil kahit ano man ang kalagayan natin
anumang hirap handa ko ng harapin

ito na marahil ang simula
at ako ay handa na sa pakikibaka
Sa kahit ano ako ay handa na
baon ko ang bagong Pag-asa

<®>

-----------------------------------------------------------------------------------------

sana magustuhan ng mga makakabasa sa inyo mga ka sb,...
Matagal na panahon na akong di nagsusulat pero ng makarating ako dito sa qatar ang pagsulat ang siyang daan ko sa paglaban sa kalungkutan.


KATUPARAN

Sa aking pag-iisa,
ako'y nangarap na kahit saglit sana
sa aking mga hinuha ay makita ka
Umaasa na sana ay iyong maipakita
Dito s mundo ay may higit na kaligayahan pa

Sa aking pag-iisa,
Hiling na mayakap ka at manatili na sana
Maipabatid at maipadama nabuhay ko'y sasaya
kung ika'y kapiling na at di na lilisan pa
At sabihin kong ang pag-iisa sa iyo'y nagwakas na

Sa aking pag-iisa,
Nasumpungan ang ligaya
Biyaya ng buhay dagliang natamasa
O kaysarap sa tuwing imumulat aking mga mata
Makitang nariyan ka at kapiling na
At sa pag-iisa ako'y di na malulumbay pa.



:)
 
Last edited:
Hindi ba masaya kung nag-iisa ka?
Iyong walang kahit sino na guguluhin ka.
Sa katahimikan ika'y mapapayapa na,
Sa kaguluhan ng mundo ika'y di mababahala pa.

Hindi ba masaya kung nag-iisa ka?
Sa iyong mga pangarap wala ng sisira pa
Pagpapahinga ay hindi pinag-aalala
At sa pagtulog ay kumportable ka
Sa kahariang ikaw lang ang nakakakita.

Hindi ba masaya kung ika'y nag-iisa?
Sa puso mo'y walang mananakit pa
Dulot na kalungkutan at sanluksang kahibangan
ay tila mawawaglit na
Hindi ba masaya kung ikaw ay nag-iisa?
 
Sa isang sulok ng aking buhay
tangan ko ang munting pangarap
katuparan ba ay magaganap
o sadyang magiging mailap

sa isang sulok ng aking buhay
taglay ko ang kalungkutan
Sa dambana sana'y ihaharap
ngunit naglaho sa isang iglap

sa isang sulok ng aking buhay
pagbangon ay hinarap
bagama't batid kong ito'y mahirap
tulad ng pag-ibig na di mahagilap

Anong bahagi pa kaya ng buhay
dito sa mundo'y aking mararating
ang pag-asang sa puso ko'y umigting
Sa mga kamay ko ay may isang supling.

ras/003002002013/2:57am
 
halata bang may pinagdadaanan sir? salamat sa pagbasa,..
 
nice ones.
pagpatuloy lang po.

saka sa kabila ng kapighatian sa buhay
ay isang mangadang bukas na naghihitay :D
 
Hello po sa inyo, salamat sa pagbabasa....

here's a new one I would like to share,...


We Are

we were friends
we were happy
we laugh
we cry

you were there
i was here
distance never defer
we were happy

you are the one
i am the one
we make one
we are one

we were happy
and still we are
life's hardship dont matter
we matter with each other

we were happy
yes we are
we can make it
yes we did

*** Its a good thing we assess ourselves for what we can do for other people,..
 
update ko lang with a new poem i wrote habang sa work kanina,..

Di ko pa maisip angkop na titulo pero share ko na rin para sa mga gusto ring humingi ng sorry jan sa mga nasasaktan nila,...




Kung minsan tayo'y sinusubok
mga pangyayari sa atin ay inalok
kung mga kaganapan ay di malunok
katahimikan sanay ipinid sa isang sulok

bigkasin ang pagsusumamo
upang kapatawaran ay matamo
siguruhing magmumula sa puso
upang ikaw ay di mabigo

Anuman ang kahinatnan
di ka dapat panghinaan
pagkat iyo ng masasaksihan
kung ano ang bunga ng katapatan

Mahalagang ating ipabatid
anumang saloobin na di nababatid
lalo na kung sa puso isinilid
mga luha ay nangingilid

Bigyang halaga ang pagsasama
lalo pa't kayo ay naging masaya
Mga aral isapuso sana
ng ang isip ay matuto na

Kung tulad sa buhol buhol na lubid
mga gusot ay di maituwid
at wala ng paraang batid
kundi tuluyang putulin ang lubid

wag magdamdam kung masakit
ang damdaming iyong sinapit
pagkat buhay ay di dapat ipilit
nang sa sakit di na mamilipt

Salamat. Salamat kung iyong naunawaan
Ako man ay mayroong natutunan.
Salamat kung sa puso ako'y mananahan
Nais ko ito ay gawing tahanan.
 
up ko lang po,..

i'll be uploading another 1 poem soon just reviewing na lang sana abangan ninyo,.. hehe. salamat mga ka sb!
 
sana po magustuhan ninyo ito,...

Init sa Gitnang Silangan

Madalas akong nagrereklamo
sa init sa gitna ng disyerto.
Ngunit kailangan magtiis ako
upang pamilya ay maabutan ko

Kaunting halaga ng salapi sanay maghatid ng ngiti
Pagkat pawis ito na aking ibinabahagi.
Dito sa Gitnang Silangan ako'y naglalagi
kinabukasan niyo ay aking minimithi.

wag sana nyong hayaan lamang
salapi maglaho na parang bula lang.
Nagbabanat ako ng buto at madalas masakit ang ulo
Sa tindi ng init dito daig ko pa ang piniprito.

Suriin ninyo ang ating mga sitwasyon,
masasabi nyo bang ako ay makakaahon.
kung hindi ninyo ako matutulungan
inyo naman sana akong damayan.

Lungkot at kapighatian,
pilit kong pinaglalabanan.
Nang sa inyo'y makatulong at maging daan
at inyong mga pangarap abot kamay na makamtan.

 
Salamat sa mga nagbasa,... Up ko lang po ulit.
 
i saw
i felt
it hurts
i bleed

i heard
i tremble
i run
i fall

i smell
it lingers
i recall
i cried.
 
Hello ulit mga ka-SB, up ko lang itong thread kong nakalimutan na haha,.. basaaa...


Minsan sinasadya
Madalas pabigla-bigla
sa kama ay karaniwan
Kung minsan ay sa upuan
At maging sa loob ng sasakyan
O kung anu man ang masasandalan
Minsan ako'y nakatihaya
Mas madalas nakadapa
Minsan ay nakabalot ng kumot
nariyang minsan ay wala ring saplot
Sa gabi ay malimit mangyari
Hanggang umaga minsan nagaatubili
May pagkakatang hapon din kung minsan
O kung anung oras masumpungan
At sumang-ayon ang katawan sa nais ng isipan...
Isip mo'y huwag sanang mabalintunaan
Sa mga tinuran isiping mabuti ang kahulugan
Maaaring mali ang iyong inaakala
Pagtulog ang tukoy ng makata...
 
Back
Top Bottom