Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kathang isip

PLEASE CHECK OUT PO YUNG LATEST POEM KO ON THE LINK BELOW, SALAMAT FOR TAKING TIME TO READ :salute:

Bago: ika-6 ng Agosto 2017: Basahin dito.

:beat: 20-Sep-2016 post: SENADO: Ang Kuwento

3-Aug-2016 post: SA SANGANGDAAN

30-Mar-2016 post: CHOICES


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Bagong Pag-asa

Sa pagdilat ng aking mga mata
ang liwanag aking nakikita
mga bagay na dati'y di napupuna
Ngayo'y unti-unti ng sumisigla

Ikaw ang siyang tanging dahilan
sa loob ng aking puso at isipan
naging daan upang muli kong maranasan
Ang pag-ibig sa puso kong nabalintunaan

At kahit pa tayo'y magkalayo ngayon
handa akong hintayin ang panahon
dahil kahit ano man ang kalagayan natin
anumang hirap handa ko ng harapin

ito na marahil ang simula
at ako ay handa na sa pakikibaka
Sa kahit ano ako ay handa na
baon ko ang bagong Pag-asa

<®>

-----------------------------------------------------------------------------------------

sana magustuhan ng mga makakabasa sa inyo mga ka sb,...
Matagal na panahon na akong di nagsusulat pero ng makarating ako dito sa qatar ang pagsulat ang siyang daan ko sa paglaban sa kalungkutan.


KATUPARAN

Sa aking pag-iisa,
ako'y nangarap na kahit saglit sana
sa aking mga hinuha ay makita ka
Umaasa na sana ay iyong maipakita
Dito s mundo ay may higit na kaligayahan pa

Sa aking pag-iisa,
Hiling na mayakap ka at manatili na sana
Maipabatid at maipadama nabuhay ko'y sasaya
kung ika'y kapiling na at di na lilisan pa
At sabihin kong ang pag-iisa sa iyo'y nagwakas na

Sa aking pag-iisa,
Nasumpungan ang ligaya
Biyaya ng buhay dagliang natamasa
O kaysarap sa tuwing imumulat aking mga mata
Makitang nariyan ka at kapiling na
At sa pag-iisa ako'y di na malulumbay pa.



:)
 
Last edited:
Hahaha ayos yung mga tula mo.pare... Ang galing:salute:
 
CHOICES

Choices are what we're dealing everyday
chances that can make our life good or bad in a way
options are at stake and which one do we take away
which one do we get to live with it everyday.

whatever our preference it all depends in your own assertion
picking up a good decision and putting ourselves in a mission
a good course of action lead a way to better conclusion
this way we achieve our life's ultimate vision.

choices will sometimes be presented easy
though choosing what's best may be a tough thing to see
just believe that up there someone never cease to be
the foundation of faith we live to see
where death becomes the ultimate point of His reality.

there are chances we missed out along the way
but what really matters are the choices we make everyday
for our life's defining moment we only realize
in every choices that we take a stand happiness is what we find...
 
Sangangdaan

Sa sangangdaan ng paglalakbay sa buhay
Doon tayo'y nagtagpo at nagkasabay
Sa liwanag ng araw kapwa nating natanaw
Ang parang na sa ating mga mata ay pumukaw
Sa sangangdaan ng paglalakbay sa buhay
Nagpatuloy na ikaw at ako ay magkasabay
Sa kadiliman ng gabi tangan natin ang isat-isa
Di alintana kahit anumang pangamba
Sa sangangdaan ng paglalakbay sa buhay
Unti-unting nakilala ang isat-isa
Kaugalian at gawi ay natuklasan na
Pagkataong taglay kapwa matatanggap ba?
Sa pagpapatuloy ng paglalakbay sa buhay
Tayo ba ay mananatiling magkaagapay
Kung sa mga mata ng kapwa nating maglalakbay tayo ay mali at hindi nababagay
Sa kanilang pagbatay
Ating mga sarili sa kanila ba'y dapat ialay
Pagpapasyang karapatan natin nasa kanila bang mga kamay?
Sa ganito ba nagtatapos ang paglalakbay nating sinimulan?
Sa panghuhusga ng kapwa lahat ay atin ng wawakasan
Bagama't masakit iwanan ang nahanap na daan
Batid nating mahirap ang isat isa ay pakawalan
Aasa bang muli sa susunod ay matatagpuan
Katuwang na kasamang magsasayaw sa ulan
Kahit unos ay handang lagpasan
Sa pagtahak sa sangangdaan ng paglalakbay sa buhay...
 
DULAAN SA SENADO

Ang Senado ay isang malaking entablado
Kung saan eksena ay tila palabas sa isang teatro.
Ang mga tauhan ay pawang mga ilustrado
At ang ilan ay mahuhusay na mahistrado.

May isang tila ba mandirigmang nakikipaglaban
Patayan pilit niyang tinututulan
Umaastang pinaglalaban ang mamamayan
Na kung ituring ng ilan ay lubhang makasalanan.

Dapat bang tawagin siyang si Gregoria
Isang babaeng matapang sa pakikidigma.
Ngunit sa mapanuring mata siya ang tunay na may sala
Sa mga pilibustero siya ang Reyna na pumuprotekta.

May isa pa na kung pumapel ay daig pa si Aginaldo
At kay Gregoria ay buong buo ang suporta nito.
Ngunit sa huli ay nagsisi siya mismo
Dahil marami rin ang umalma sa mga kapwa Magdalo.

Napagtanto marahil ng taong ito
Gawang mali na pinuna ng itinuturing noong mga indio
Sapagkat nagkakaisa ang mga ito
Patnugot ang bayaning si Rodrigo.

Saan nga ba hahantong ang digmaang ito
Mga ilustradong iba't iba ang prinsipyo.
May ilang wangis ng mga prayle
Kung susuriin ay sila ang mga erehe.

Sa pagpapatuloy ng mga tagpong ito
May mararating ba ang lahat ng kaguluhan dito?
Sino ang magwawagi at ituturing na bayani?
Makakamit ba ang kaayusan at kapayapaang minimithi?


:weep:
 
Last edited:
Sa bawat oras na lumilipas
Buhay ay nalalapit sa wakas
Pag-ibig sa kapwa ay ilabas
Sa kasalanan ika'y kumalas...
 
Back
Top Bottom