Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kuwentong Barbero (TAGALOG VERSION) PART 2 By: Pamela Saavedra

kpb03ph

Novice
Advanced Member
Messages
25
Reaction score
2
Points
28
KWENTONG BARBERO - PART 2 (TAGALOG VERSION)
by: Pamela Saavedra

Isang araw sa Davao City, nagpapahinga si Angkol Barber sa kanyang barbershop.

Angkol: Haay, ang hirap nitong tumatanda tayo. Masakit na ang likod. Ang masaklap, wala pang customer.

Maya-maya, dumating si Tikboy kasama ang kaibigan niyang si Mikmik.

Tikboy: Kol!
Angkol: O, ikaw yung nagpagupit kahapon ah.

Tikboy: Oo, kol.
Angkol: O bakit ka bumalik? Anong sa atin?

Tikboy: Magpapagupit kami,kol. Itong kasama ko.
Angkol: Ah ganun ba. Halika, dito tayo.

Umupo si Mikmik.

Angkol: Anong gupit nito?
Tikboy: Mohawk yang sa kanya, kol. Pero gunting lang gamitin mo, wag electric shaver.

Angkol: Naku, aabutin tayo ng bukas nyan.
Tikboy: Okay lang kol, para mahaba-haba yung kwentuhan.

Angkol: Ay, ano ba ito? Magpapagupit ba kayo o makikipagkwentuhan?
Tikboy: Nag-usap kasi kami na magpapagupit din siya sayo pero hati kami. Tig-singkwenta kami para P100.

Angkol: Ah sige. Okay lang sakin. Mabuti naman kasi mahina ang kita ko ngayon.

Inumpisahan ni Angkol ang paggugupit kay Mikmik.

Tikboy: Kinwento ko sa kanya yung kinwento niyo po sa akin kahapon, kol. Ayaw niya kasing maniwala.
Angkol: Sabi ko nga sayo, kwentong barbero lang yun. Depende lang yan sayo kung maniniwala ka o hindi.

Tikboy: Yun nga sabi ko sa kanya, kol. Pero may mga tanong kasi siya na hirap akong sagutin. Kaya dinala ko siya rito.
Angkol: Ano yung tanong mo dong?

Mikmik: Ikaw nalang, Boy. (Mahinang boses)

Tikboy: Pasensya ka na kol. Mahiyain kasi itong batang to. Bakit daw nasabi mo na namumulubi na ang America?
Angkol: Aaah, ganun ba. Sige, sige. Pakiabot nga ng cellphone ko.
Tikboy: (Inabot ang cellphone kay Angkol)

Angkol: Search mo dyan, usdebtclock(dot)org
Tikboy: May wifi pala dito kol?

Angkol: Oo. Sa City Hall yan galing.
Tikboy: (Nagsearch si Tikboy) Andaming numbers nito kol. Hindi ko maintindihan to.

Angkol: Tingnan mo yung sa gitna. Yang US Gross Domestic Product. Ilan yan?
Tikboy: Eighteen... Eighteen... Ilan ito? Million? Billion?

Angkol: Trillion. $18.5 trillion.
Tikboy: Talaga?

Angkol: Yang sa taas, tingnan mo yan. US National Debt.
Tikboy: $19.5 trillion. Hala!

Angkol: Yan ang sinasabi ko. So paano ka makakabawi kung mas malaki pa utang mo kesa sa income?
Tikboy: Ang saklap. Tapos anong ginagawa nilang solusyun para diyan, kol?

Angkol: Kaya nga nagkakandarapa na sila ngayon. Muntik nang gumuho ang ekonomiya nila dahil sa recession nung 2008.
Tikboy: Bakit nag survive pa sila?

Angkol: Kasi panay print nila ng dollar. Habang may dolyar, maraming bansa ang nagpapapalit nito kasi yan ang world reserve currency. Pero yung utang nila, grabe din ang paglobo. Para yang time bomb na mahirap pigilan. Natatakot na ang gobyerno nila dahil lagi nalang nilang itinataas ang "debt ceiling" o yung limit ng utang. Hanggang sa nagpanic na talaga. Alam mo bang nagshutdown ang US Federal Government taong 2013 dahil ang diyan sa utang? Saan ka nakakita ng gobyernong nag shutdown dahil sa utang? Ganyan kalaki ang problemang yan.

Mikmik: (Pinagpawisan)

Tikboy: Tapos bumibili tayo ng dolyar, wala naman pala yang halaga?
Angkol: Kaya nga sinabi ko sayo kahapon na "fiat money". Kilala mo ba si Gaddafi?

Tikboy: Hindi, kol.
Angkol: Yung lider ng Libya. Yan kasi ang plano niya na itigil ang palitan ng dolyar. Ang gusto niya ay magtrade sa oil gamit ang gold. O, asan na siya ngayon? Patay na. Search mo diyan sa youtube "we came, we saw, he died."

Tikboy: Loko, si Clinton to ah. Bakit tuwang-tuwa siya na namatay si Gaddafi?
Angkol: Aba'y syempre. Dahil wala nang hahadlang sa mga plano nila.
Mikmik: (Napabilib si Mikmik)

Tikboy: Yung oil na malapit na daw maubos. Bakit niyo daw po nasabi yun?
Angkol: Yun, posible talaga yun. Hindi kasi renewable energy ang oil. Ibig sabihin, hindi napapalitan ng bago. Di magtatagal, mauubos din yan. Fossil fuel kasi yan. Pero yung sasabihin mong malapit nang maubos ang oil sa mundo, classified na info yan. Pinapatay ang may mga info about dyan. Yung sinabi nilang suicide daw ni Michael Ruppert, hindi ako naniniwalang suicide yon.

Tikboy: Sino yan siya kol?

Angkol: Basta.
Tikboy: (Naintriga)

Angkol: Tandaan mo, dong. Ang biggest trade deal in world history ay hindi pinublish ng Western Media.
Tikboy: Ano yun kol?

Angkol: "China-Russia Gas Deal of 2015".
Tikboy: (Tumahimik lang. Walang na gets)

Angkol: Diba sabi ko sayo papaubos na ang oil? Kaya ambilis kumilos ng China ang nagpakonekta kaagad ng pipeline sa Russia. Ang Russia kasi ang pinakamalaking supplier ng natural gas sa buong mundo. Ang natural gas ay renewable, ang oil hindi. Kaya nga ang Russia ay isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kaya yang propaganda nilang papanig daw si Duterte sa Russia at China dahil communist daw? Wala talaga silang alam. Sa di kalayuan, ang Russia at China ang magdadala sa kontinente ng Asya. At alam ng Presidente natin yan. Kung hindi sasabay ang Pilipinas, kawawa tayo. Tayo ang magsisisi. Kung sakali man dong na pumanaw na ako sa mundong ito, baka maabutan mong tayo na ang tutulong sa Western countries. Alam mo ba kung bakit? Dahil may sarili tayong natural gas dito. Sa Liguasan Marsh, sa Agusan Marsh at sa ibang lugar sa Pilipinas. Yang si Digong, sinasabi lang nyang 75 lang daw siya pero hindi lang nila alam. Daig pa ang taga Wharton niyan sa talino.
Tikboy: Grabe kol, ano?

Angkol: Kaya ayaw talagang ipagpalit ni Duterte yan nang dahil lang sa "aid" ng America. Dahil ang kinabukasan ng Pilipinas ang nakasalalay diyan. Ang problema kasi ng ibang Pinoy, takot na palitan ang status quo. Proud yan sila na talagang Westernized ang Pilipinas. Masakit sa kanila ang baguhin yan. Kung makikipagtalo ka, English-englisan ka para sila ang tama. Hindi talaga nila matanggap na ang Presidente ay isang taga-Mindanao, isang Bisaya na gustong kumalas sa Western Powers.
Tikboy: (Sumang-ayon)

Angkol: They see us as beggars or "mendicants" as what the President calls it. Why give us aid when we can be trading partners? Why stay as a puppet when we can be independent and build a strong nation of our own? When was the last time you stood up and held your head high as a Filipino? Be proud of who you are and tell that to the world. I am a Filipino. I am a Bisaya and I am proud of my thick accent - strong and fearless like the great Lapu-lapu! I am a Muslim and I am proud to wear my hijab. We are the unconquered people who last defended the island of Mindanao! I am a Tagalog and the blood of our national heroes flow in me! I am an Aeta and my ancestors scaled the mountains of the great Sierra Madre long before civilization was born in these lands! I am a Badjao and we are the fearless masters of the sea! Again, when was the last time you were proud to be a Filipino? Hala, hala! Teka muna, teka muna...
Tikboy: Hala Mik!

Angkol: Punasan mo ng towel.
Tikboy: (Pinunasan ang ilong ni Mikmik gamit ang Good Morning towel)

Tikboy: Hahaha! Dumudugo ilong mo Mik! Hahaha!
Mikmik: Gago ka.

Tikboy: Hahaha!
Angkol: Anong nangyari sayo dong? O sya, tapusin na natin to.

At natapos ang pagpapagupit ni Mikmik.

Tikboy: Kol, salamat. (Sabay abot ng P100)
Angkol: Naku, salamat din dong.

Tikboy: Opo kol! Marami pa akong tanong pero sa susunod na naman. Balik lang kami.

Angkol: Sige, ingat kayo. Wag kayong parating laro ng laro ng computer. At higit sa lahat, wag talaga kayong papasok dyan sa droga. Mag-aral kayong mabuti. Malay natin baka isa sa inyo ang magiging susunod na Presidente ng Pilipinas.
Tikboy: Hindi kol. Gusto naming maging barbero!
 
nice post... pero totoo kaya yung na usdebtclock(dot)org..? :noidea:

Totoong ganyan kalaki na ang utang ng US at sila ang may pinakamalaking utang. Mataas din ang debt to gdp ratio nila kumpara satin.
 
Back
Top Bottom