Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Luksaan

Sa mukha mo ay nagbabadya ang pamamaalam.
Banaag sa mga mata mo’ng malamlam ang luhang kanina pa pinipigilan.
Ramdam ko sa nanlalamig mo’ng palad ang init ng pag-ibig nang ako ay hawakan,pag-ibig na hanggang sa huling sandali’y nabigo akong tugunan.
Nais kitang yakapin at sabihing ang pagtangi ko sa iyo’y kasing-dakila ng pagtingin mo sa’kin.
Naging duwag lang ako at mahina.
Naging mangmang at pabaya.
Naging mapang-abuso…
Na inaakala ko’y hinding hindi ka mawawala.
Nais kitang pigilang umalis.
Ngunit ayoko ng patuloy na maging makasarili at saktan ka pa.
Ayokong mahalin kita ngunit nahihirapan ka.
Ilabas ko man ang kimkim na pagmamahal sa bingit ng paglisan nais ko’ng madama mo ay kaligayahan.
Ayaw ko’ng sa kahuli-hulihang pagkakatao’y biguin ka.
Bibitaw ka hindi dahil sa binitawan din kita.
Pumapayag akong iwan mo ako hindi dahil nais ko’ng iwan mo ako.
Hindi dahil sa ito ang ating gusto.
Hindi dahil hindi kita mahal.
Mahal na mahal kita kung kaya’t ako naman ang aako sa lahat ng lungkot.
Sa lahat ng sakit na dinanas mo sa’ken nuon.
Upang sa wakas ay mapayapa ka.
Upang ako naman ang maghintay ng pag-ibig sa puso mo’ng kailanma’y hinding hindi na sasagot.
Tatanawin na lamang ng paulit-ulit kahit magpabalik-balik ngunit hindi na muling makakamtam ang ligayang sa ala-ala na lamang mabubuhay.
Kung masusulyapan man lang sana kahit isang beses pa,isang halik at isang yakap.
Isang pamamaalam na hinding hindi na pagsisisihan.
Pag-ibig na mananatiling sa puso ko ay nanahan,sana ay iyong madama.
Nasa’n ka man..
 
"Upang ako naman ang maghintay ng pag-ibig sa puso mo’ng kailanma’y hinding hindi na sasagot.. "

napaka-bittersweet neto.. :weep: :thanks: for sharing :)
 
Isa na siguro sa pinakamasakit na salita ang salitang "sayang." Isang immortal na what if virus na permanente ng maninirahan sa ating alala. Maaring paminsan macocontrol ng iyong immune system pero parang sipon pag hamugan muling lulukob sa iyong katawan. Ang positive lang sa persona ng tula ay mukha naman sayng handang harapin lahat ng ito.

:thanks: sa pag babahagi kaibigan.
 
nanghihinayang,nanghihinayang ang puso ko,sa piling ko'y lumuha ka lang,nasaktan lamang kita(sabi nung kanta)tagos hanggang balahibo,naman!
salamat sa pagshare...:thumbsup:
 
"Upang ako naman ang maghintay ng pag-ibig sa puso mo’ng kailanma’y hinding hindi na sasagot.. "

napaka-bittersweet neto.. :weep: :thanks: for sharing :)

"Bittersweet talaga at para yan sa namayapa kong inay,aktwali death anniersary nya ngayon."

Isa na siguro sa pinakamasakit na salita ang salitang "sayang." Isang immortal na what if virus na permanente ng maninirahan sa ating alala. Maaring paminsan macocontrol ng iyong immune system pero parang sipon pag hamugan muling lulukob sa iyong katawan. Ang positive lang sa persona ng tula ay mukha naman sayng handang harapin lahat ng ito.

:thanks: sa pag babahagi kaibigan.

Sayang kasi kahit may ginawa ako,alam kong nagkulang pa din ako. At oo nakahanda akong harapin ang lahat hanggang sa muli kaming magkita ulit ni inay sa paraisong itinakda ng Panginoon.

nanghihinayang,nanghihinayang ang puso ko,sa piling ko'y lumuha ka lang,nasaktan lamang kita(sabi nung kanta)tagos hanggang balahibo,naman!
salamat sa pagshare...:thumbsup:



Maraming salamat sa pagbasa mga kapanalig..
 
Last edited:
Back
Top Bottom