Sa mukha mo ay nagbabadya ang pamamaalam.
Banaag sa mga mata mo’ng malamlam ang luhang kanina pa pinipigilan.
Ramdam ko sa nanlalamig mo’ng palad ang init ng pag-ibig nang ako ay hawakan,pag-ibig na hanggang sa huling sandali’y nabigo akong tugunan.
Nais kitang yakapin at sabihing ang pagtangi ko sa iyo’y kasing-dakila ng pagtingin mo sa’kin.
Naging duwag lang ako at mahina.
Naging mangmang at pabaya.
Naging mapang-abuso…
Na inaakala ko’y hinding hindi ka mawawala.
Nais kitang pigilang umalis.
Ngunit ayoko ng patuloy na maging makasarili at saktan ka pa.
Ayokong mahalin kita ngunit nahihirapan ka.
Ilabas ko man ang kimkim na pagmamahal sa bingit ng paglisan nais ko’ng madama mo ay kaligayahan.
Ayaw ko’ng sa kahuli-hulihang pagkakatao’y biguin ka.
Bibitaw ka hindi dahil sa binitawan din kita.
Pumapayag akong iwan mo ako hindi dahil nais ko’ng iwan mo ako.
Hindi dahil sa ito ang ating gusto.
Hindi dahil hindi kita mahal.
Mahal na mahal kita kung kaya’t ako naman ang aako sa lahat ng lungkot.
Sa lahat ng sakit na dinanas mo sa’ken nuon.
Upang sa wakas ay mapayapa ka.
Upang ako naman ang maghintay ng pag-ibig sa puso mo’ng kailanma’y hinding hindi na sasagot.
Tatanawin na lamang ng paulit-ulit kahit magpabalik-balik ngunit hindi na muling makakamtam ang ligayang sa ala-ala na lamang mabubuhay.
Kung masusulyapan man lang sana kahit isang beses pa,isang halik at isang yakap.
Isang pamamaalam na hinding hindi na pagsisisihan.
Pag-ibig na mananatiling sa puso ko ay nanahan,sana ay iyong madama.
Nasa’n ka man..