Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

techn0mech

 
 
The Ultimate Symbianizer
Advanced Member
Messages
3,472
Reaction score
272
Points
203
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Space Stone
Divine Faith
Sa mga na oobserbahan ko lang ha, halos lahat ng magkakapatid parating nag-aaway. :argue:

Yung kapag nasa tabi eh ayun binabara agad at ayaw makasama. Mas gusto pa sumama sa mga friends.

Yung mga kaibigan ko, kukunot agad ang mga noo nila kapag nasa paligid yung mga kapatid nila.

Bakit Kaya?

Hindi ko kasi ma gets minsan eh.
Nag-iisa lang kasi ako walang kapatid.

I wish i have a sister.
Masaya ba kapag may kapatid? :confused:
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

parehas tayo TS.. :) mas masaya nga siguro kpag may kapatid..
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

masaya naman, pag kasama ako nang mga kapatid ko di naman sila ganun sakin, ako pa nga yung naiinis pag sila sumasama samin nang mga barkada ko :lol:

Pansin ko sa mga nag-iisang anak, kinakausap nila sarili nila magisa
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

Pansin ko sa mga nag-iisang anak, kinakausap nila sarili nila magisa

Haha, hindi naman po. Ako kumakanta kanta lang ako dahil boring sa haus. Totoo talaga yung sinasabi nila na kapag talkative ka sa school, surely tahimik ka sa bahay niyo.
At totoo yun! :dance:
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

tama si ate cess pag nagmatured na kayo e mas makikita nyo ang kahalagahan ng pagiging magkakapatid ninyo..yan din ang napansin ko sa mga tropa ko. wala din kasi kong kapatid kaya medyo natutuwa ako pagnakakakita ako ng magkakapatid na magkaclose..yung feeling na kahit magalit sa inyo buong barangay nyo e magkapatid parin kayong nagdadamayan at hindi ka pagpapalit kahit kanino.. kaya nga pag nagka family na ko balak ko gumawa kahit mga 3 kids para hindi ganon kaboring tulad kong nagiisang anak lang pero kahit ganon ramdam ko naman ang pagmamahal sakin ng mga mgulang ko kahit wala na sila at ako na lang magisang natitirang humaharap sa masukal na mundo
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

ts..4 kami puro barako pero never kami nag aaway magkakapatid,bata palang kami laging sinasabi ng magulang namin na magmahalan kayo,magtulungan,walang magaaway,kung sino ang nahihirapan sa inyo tulungan....yan ang pinamulat samin ng aming magulang.kya hanggang ngaun yan ang tumatak sa isipan namin magkakapatid..

magkaiba kasi yung tampuhan at away.pag tampuhan a few hours ok na ulit kayo.

nasa tamang paggabay talaga ng magulang yan ts..tnx sa papa at mama ko..yahooo
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

aku din...haha pag me pinupuntahan aku lalo na pag kasama ku friends ku or kahit sinu...parang naaasar aku kung andun sa paligid yung kapatid ku...pero pag sa bhay ok lang nman...
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

uu nga anu kayang pakiramdam ng may kapatid yung tipong may kahati ka sa lahat ng bagay.. haha.. pero masarap din ang magisa :D
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

masaya po magkaroon ng mga kapatid, oo may mga times na nag-aawayan(lalo na nung mga bata pa kami) pero at the end of the day, alam naman namin na mahal namin ang isa't-isa and parang kulitan na lang namin yun nagkakatampuhan kami. Masarap din yung feeling na lagi kang may instant na kakampi at kabonding sa lahat ng bagay. :)
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

natural lang naman ang hindi pagkakaintindihan kahit pa sa hindi kapatid o kadugo. nasa pagha-handle yan ng differences and arguments but i will never trade my brother and sister for anything. at masasabi kong maganda ang relationship namin magkakapatid kaya ginagawa kong example sa mga anak ko dahil totoong ang mga kapatid pa rin ang magiging karamay sa buhay lalo pa pag kagaya naming separated ang parents... ^_^
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

masaya kasi may kaaway ka at kakampi ka. hahaha
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

pag kasundo mo masaya pero pag hindi world war!
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

masaya naman ako sa mga kapatid ko :D
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

yan din ang gusto kong itanong sa may mga kapatid dahil solong anak lang ako... pero sa tingin ko masaya eh, natural lang naman na minsan hindi magkaintindihan, pero pag nagkaisa ang mga magkakapatid sa isang bagay(halimbawa birthday ng magulang) masaya!

nakita ko ito sa mga uncle at auntie ko. tatlo silang magkakapatid, 1 babae at 2 lalake.
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

Masaya ang may kapatid. lagi ka may kausap sa bahay, kakulitan, kasama sa lamesa, oh sa iba pang trip mo. Bukod sa mga yan ay para ka na rin may kaibigan. Kung ang kaibigan nga pwede mo maituring kapatid diba? Patulad din dito. :)

Hindi mo kailangang mag alala kung mag away kayo. Gaya ng mga mag kasintahan, mag asawa o mga magkakaibigan. Ang lahat ay nakararanas nito. Normal lang naman ang magaway. Ang mahalaga ay alam niyo na mahal niyo ang isat-isa. :)
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway ang mga magkakapatid?

ako ts, i wish i have a brother..puro babae kasi mga kapatid ako.

ako pa ang panganay. hindi pa ako close sa father ko eh.

i feel you ts..
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway an

Yiiiiiiiz masaya may kapatid I have a baby brother :lol: 23 na yun pero baby ko paren, kahit na minsan nagaaway kame nun eh mahal ko yun, lage ko pa nga ginugulo yun sa kwarto niya aaaaaand he is my forever movie date kahit na magkabf ako or magkagf siya nagpromise o sige i made him promise that he will always have time to take me out for a movie date. :) he is the sweetest!

Nagpromise din siya saken na pagnakazombie apocalypse eh hahanapin namen ang isa't isa haha. :lol: at kahit na mag ala Merle ako dindaw niya ako iiwan. :lol:

At ako lang may karapatang lumait o mambully dyan the last time may nagtangka mambadtrip dyan inaway ko. Haha big sister duties he isn't a wuss pero nobody messes with le bro except me! :lol:
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway an

Isa lang ang kapatid ko at lalake sya pero masaya naman kami. Nung bata pa kami, madalas kami magaway nun pero nagkukulitan din naman kami. yung tipong gagawa kayo ng kalokohan na magkasabwat kayo or maghaharutan/maghahabulan kayo sa loob ng bahay. maglalaro kayo ng console or pc games.

masarap ang feeling ng may kapatid :thumbsup:
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway an

Nung bata ako, sabi ko sa sarili ko, dyahe ang merong kapatid. Kapag may bago kang laruan, dapat sa kanila din, kung anong meron ka, meron din dapat sila, kaya minsan, hindi naibibigay lahat ng gusto ko. Inggit na inggit nun ako sa mga kaklase kong lahat ng bagay napapagbigyan.

Pero ngayong tumanda ako, naisip kong nakapa-immature na pag-iisip nun.

Masaya ang may kapatid - nag-aaway kayo every now and then, pero may mga pagkakataong kayo din ang magdadamayan at magtatakipan ng kabulastugan sa buhay. Minsan, kapag may problema kang di mo masabi sa mga magulang mo, mga kapatid ang unang takbuhan. Kapag naman stressed, sila lang pwede mong imbitahan kapag hindi available mga kabarkada mo. Ako masaya ako sa mga kapatid ko. Kasi, at the end of the day, sa dinami-rami ng stress ng buhay, isang korning joke lang ng mga kapatid ko ang makakapag-tanggal ng stress na 'to.
 
Re: Masaya ba kapag may Kapatid? Bakit palaging nag-aaway an

Minsan masaya, minsan hindi. Sometimes I wish na sana solo nalang ako kasi lagi kaming nagaaway ng kapatid kong babae. xD

Siguro yung sibling rivalry hindi naman na talaga matatanggal. Talaga naman aksing may time na magpapagalingan, magpapataasan at maglalaban para sa atensyon ng parents.

Though lagi kaming nagaaway ng kapatid ko, pag may umaway sakanya, ako ang unang una na nagtatanggol sakanya. Di ko na alam ilang manliligaw at bf nya ang inaway ko. Pati yung so called friends nya na binack stabbed sya kasi for me, ako lang ang may karapatang umaway, mambully and magpaiyak sakanya,. Kahit sa baby brother ko o sa kahit sinong mahal ko. Haha!
 
Back
Top Bottom