Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Compilation

Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever)

Due to the word count limits sa pagre-reply sa mga threads ay naisip ko na Magpost nalang ng chapters individually, mas madali po kasi ito kaysa hati-hatiin ang mga chapters. Sana po maintindihan ninyo.

Note: Mayroon akong post sa Stories and Essays, duplicate copy pero di ko na tinuloy, nagbago na po pala ang mga rules dito about posting so if any moderator found them please kindly delete them. Yun lang po.

Story Description: The story of my life is considered tragic, kinailangang maghiwalay ng parents ko nung bata pa ako dahil may ibang pamilya si Papa. Naging kabit ang Mama ng hindi niya nalalaman, to cut the story short pinadala ako ng Mama dito sa Pilipinas para makapag-trabaho siya ng maayos sa Japan bilang isang singer. Di nagtagal nakapangasawa si Mama ng Hapon at dahil doon pakiramdam ko kinalimutan na niya na may anak pa siya na naiwan dito sa Pilipinas. Masaya naman ako sa pangangalaga ni Auntie Meghan, she is another proof na wala talagang forever, iniwan siya ng fiancé niya ng malaman nito na hindi siya pwedeng mag-kaanak. At ako... Si Miyuki Miyazaki, ilang beses nagmahal at ilang beses din nasaktan, takot nang magmahal pero patuloy na umaasa. Ang gulo di ba? Kahit ako naguguluhan din sa mga pinagsasabi ko pero... Isa lang ang natutunan ko at gusto kong matutunan ninyo.

There is no such thing called coincidence. Everything that happens in your life has purpose, whether its good or bad always remember that it happens for a reason. Sometimes in our life there are struggles and it will make you feel sad, lonely, unhappy, heart-broken, angry and worst melancholic. However you will realize one day that those unpleasant things you felt before is vital in order for you to reach your goals in life and have the things that will make you happy forever.

Originally Posted in Wattpad: http://www.wattpad.com/story/38818163


Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Chapter 1:http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1276811&p=21037352&viewfull=1#post21037352

Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Chapter 2: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1276811&p=21037362&viewfull=1#post21037362

Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Chapter 3: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1276811&p=21037472&viewfull=1#post21037472

Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Chapter 4: http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1276811&p=21037490&viewfull=1#post21037490
 
Last edited by a moderator:
Chapter 1
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak. I am happy with my life kahit sobra akong nasaktan noon. I fell in love with the wrong person. Kahit masakit tinanggap ko na talo ako pero seriously kailangan paba ulit naming magkita? For what? Tapos ngayon heto... heto na naman yung feeling na ayoko na ulit maramdaman... Ang saklap naman... So it means nai-inlove na naman ako kay Eugene? Paktay tayo diyan!

Malapit ng matapos ang klase namin sa Psychology kung saan classmate ko si Eugene. I chosen the course called Information Technology at si Eugene naman ay kumukuha ng kursong Computer Engineering. Sa pitong subjects na mayroon ako ngayong sem tatlo doon ang mga subjects kung saan classmate ko siya. Halos two weeks ago na rin simula nung mag-start ang klase pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap. Well maybe hindi na niya ako nakikila?

I've changed, I've grown. Back then I was soooo boooring... You can call me the typical nerd student who wants to go in the library and read books instead of hanging out with barkadas. Hahahaha! Paano ba naman ako magkakaroon ng barkada? When everyone seems to be afraid of me? Mahaba ang buhok ko na parang si Sadako, hindi mahilig mag-ayos ng sarili. Nakakatakot din daw ako tumingin, minsan kapag tinotopak nagpupunta ako sa garden ng school mag-isa at doon ako kumakanta.

Yes I want to sing pero ayokong may nakakarining. Ehh kung isali ako ng mga hinayupak kong classmate sa mga programme ng school at pakantahin ako "live" sa harap ng maraming tao?

Inferiority complex. That is the right word to be used para i-describe ako. Search ninyo nalang sa Google. Tinatamad akong iexplain eh.

Ang haba na ng flashback ko kaya lets go back to reality.

Heto ako ngayon sa classroom nagdadasal na matapos na si Mrs. Benitez sa kanyang lecture para makatakbo na ako pauuwi. Kanina pa kasi nakatingin sa akin si Eugene at pakiramdam ko kilala na niya kung sino ako.

I caught his eyes looking at me, nagbawi naman siya ng tingin at syempre ganoon din ako. Wish ko lang talaga hindi niya ako nakilala.

"And that is all for today, next meeting may quiz kayo chapters two and three, walang aa-bsent ha." Sabi ni Mrs. Benitez.

"Yes, Ma'am." Sabay-sabay naman naming tugon.

Nagmamadali akong nag-ayos ng gamit at mabilis na lumabas ng room. Medyo mabilis ang paglalakad ko para maka-uwi na ako kaagad ng biglang may humawak sa kamay ko...

"Miyu..?"

Alam kong siya yun... Si Eugene. Wala na akong nagawa kailangan ko siyang harapin. Alam ko naman na darating ang araw na mag-uusap kami. Hindi ko siya maiiwasan dahil three times a week kaming magkikita dahil mag-classmate nga kami sa mga minor subjects.

"Ohh hi... ikaw pala yan Eugene."

"Oo kumusta ka na? Ang laki ng pinag-bago mo Miyu."

"Ok lang naman ako, ikaw kumusta ka na? Akala ko sa Baguio ka mag-aaral kasama si Selena?"

"Sabi kasi ni Papa mas ok na dito nalang sa sa probinsya mag-aral ganoon din naman ang turo. Isa pa medyo kapos kami sa budget ehh." He said while smiling..

Damn it! Bakit ganon it seems hindi siya nagbago. Cute pa rin siya. sigh...

(-____-)

At isa sa mga naging dahilan kung bakit ko siya minahal ay yung cute smile niya. Napaka-inosente at very charming.

Suddenly my phone rings...

"Ahh wait sagutin ko lang yung phone."

"Ok sige lang."

"Hello Ma'am Jean."

"Miyu nasaan ka? I need you now here in the office." Medyo iritadong pagkakasabi ni Ma'am Jean.

"Ma'am sabi ninyo po mamayang 4 o'clock pa ang duty ko?"

"Yes, Pero may lakad ako today and it's urgent, walang magbabantay dito sa office may mga kliyente na darating at kailangan may humarap sa kanila dito dahil may dala silang importanteng documents."

"Ok ma'am on the way na po ako."

"Sige bilisan mo ha."

"Sige po ma'am."

"Sorry Eugene kailangan ko ng umalis may trabaho pa ako ehh."

"Working student ka?"

"Parang ganoon na nga pero hindi naman masyadong mahirap yung mga trabahong ibinibigay sa akin, kakilala ni Auntie Meg si Ma'am Jean parang secretary lang ako ni Ma'am Jean. Hindi na masama para sa weekly allowance na kapalit ng simpleng trabaho."

"Ganoon ba? Sige mukhang kailangan mo na talagang umalis, mag-iingat ka."

"Sige salamat." I smiled at him and waved good bye.

"Buti nalang tumawag si Maam Jean. *sigh*"

Pumunta na ako sa office ni Ma'am Jean, isa siyang lawyer at ako yung cute niyang secretary. Hihihihi

Hindi naman mabigat ang trabaho ko dito, sa katunayan nga minsan may mga kaibigan at kliyente si maam Jean na nagbibigay ng pera o di kaya ay regalo sa akin. Marami ang nagsasabi na maganda daw ako, natutuwa sila sa akin, the way I talked, the way I communicate with them and how I entertained them.

Some of the clients are indigent pero I always talked with them respectfully, hindi ako namimili ng pakikibagayan which is what Ma'am Jean like about me. Hindi ako plastic.

Last time I received a Samsung phone worth 5k. Not bad, mula ito sa mayamang kliyente in Maam Jean. They won the case against her husband. Nangaliwa kasi yung asawa niya and so kinasuhan niya ito ng bigamy.

And this time mukhang mag-uuwi ako ng isang basket ng gulay. Kasi naipanalo ni Ma'am Jean ang kaso ng mga taga San Marcelino.

May mayamang business man ang umaangkin sa lupain ng mga pobreng magsasaka. Pero napatunayan naman ni Maam Jean na ang mga taga San Marcelino ang lehitimong may-ari ng lupa dahil nai-salin ni Don Gustavo ang ownership ng lupa bago pa man ito mamatay. Natagpuan sa last will and testament ni Don Gustavo na ibinigay niya ang lupa sa mga magsasaka bilang ganti sa mahabang panahon na pag-sisilbi ng mga taga San Marcelino kay Don Gustavo at sa kanyang pamilya.
"Atty. Salazar salamat po ng marami."

"Walang anuman Lola."

"Heto pagpasensyahan ninyo na yung mga gulay na dala namin para pasasalamat na rin naming lahat mula sa San Marcelino."

"Ayos lang po iyon Lola Corazon.." sabi ni Maam Jean saka nginitian ang matanda.

Abot-langit ang pasasalamat ng buong San Marcelino kay Maam Jean. Somehow gusto ko maging kagaya niya. I mean I wanted to serve other people.Gusto ko makatulong sa kapwa lalo na yung mga mahihirap.

***

Araw ng Biyernes ang pinaka-ayokong subject sa lahat!

Advance College Algebra...

Naalala ko nung bata pa ako. Marining ko lang ang salitang Algebra halos maiyak na ako. Tapos ngayon may "Advance" Algebra pa pala? Asan ang hustisya?! (As if naman kasing gagamitin to sa real life.)

I can say na mahirap talaga for average students ang intindihin ang mga mathematical problems and formulas.

Well ok lang hindi naman ako naghahangad na maging magaling sa math... Well somehow yes, pero kuntento na ako sa mga biyaya ng Diyos sa akin. Wag naman abusada di ba?

Habang nakikinig ako sa teacher namin pakiramdam ko nahihilo talaga ako. Yung first part palang ng problem solving halos puno na yung papel ko, ehh halos 4 or 5 parts yata yun bago mo kakuha yung Final Answer!

Siyempre lahat ng mahihina sa math na-gegets ninyo ako di ba? Hahaha

Nang matapos ang lecture ng teacher namin agad nitong pina-ayos yung chairs. Halos dalawang upuan ang layo ng mga estudyante sa isa't-isa.

Alam ko na babagsak ako sa quiz na iyon so I prayed.

"Lord please help me."

Ang bilis sinagot ni God yung prayer ko.

Nag-ring ang phone ng teacher namin tapos kailangan daw nitong pumunta sa isang emergency meeting.

Since hindi naman niya ma-su-supervise yung quiz namin she decided na gawin nalang group work yung quiz!

"Ok class group your selves into two, pagbalik ko dapat tapos na kayo diyan. We will consider this quiz as a group activity." She said and left us.

Ang saya-saya ko! Hahaha I really love God Jesus Christ. Thanks po.

Now I need to find a classmate who posses great talents in math. Hmmm.

Halos lahat ng magagaling sa math may ka group na, kaya medyo nag-worry ako until may kumalabit sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko si Eugene.

"May ka-group ka na?"

"Ahhh wala pa.."

"Tayo nalang."

Medyo awkward pero pumayag na rin ako. If ever kasi friend ko naman si Marjorie one of the greatest math geniuses sa klase and since wala si Ma'am kaya libreng-libre kami magkopyahan!

"Sige tayo nalang magka-group." I just agreed since I still have Marjo as an option to pass this group-activity.

Tumabi kami malapit sa upuan nila Marj.

May apat na problem na kailangan sagutin. We decided na tig-dalawa kami nang sasagutan.

Well I choose the problems which are simpler. Hindi naman nagreklamo si Eugene.

After 15 minutes sumuko na ako, tumayo ako at lalapitan ko sana si Marjo pero hinawakan ni Eugene yung kamay ko.

"San ka pupunta?"

"Ahhh may hindi kasi ako maintindihan magtatanong lang ako kay Marjorie." Pagdadahilan ko, pero ang totoo non mangongopya lang ako hehehehe.
"Ha? Ano yung hindi mo maintindihan? Pwede mo naman akong tanungin di ba tayo yung magka-group?"
"Ahhh ehh hindi sige wag na, tapusin mo nalang yung ginagawa mo."

"Tapos na ako, eto ohh." Sabi niya saka ipinakita sa aking yung solution at mga sagot sa problems.

"Ahhh ganon ba sige paki-explain nga kung paano maso-solve yung problems?"

Ang serious niya habang nagpapaliwanag kung papaano makukuha yung final answer. Sa totoo lang para akong tanga because at that moment lahat ng sinabi niya pasok sa isang tenga labas sa kabila. I just enjoyed the moment looking at his handsome face.

Hindi siya nagbago except mas tumangkad siya at lumaki din yung pangangatawan. Maybe nag-gi-gym siya? Back then totoy na totoy pa siya hahaha. I can't imagine na magiging ganito ang itsura niya ngayon... pakshet.... Nag dadaydream na naman ako.

"Miyu... Miyu... Ano nakuha mo ba kung paano sagutan yung problem?"

"Ohhh? Sorry medyo nahilo ako sa paliwanag mo."

Natawa siya and he looked at me.

"Ibig sabihin wala kang naintindihan sa mga sinabi ko?"
(He is teasing me!!!)
"Ahh hindi naman may naintindihan naman ako, pero medyo naguluhan lang."

"Gusto mo ulitin ko?"

"Wag na.. ok na yun, nga pala bakit ang galing mo sa math?"

"Di ba nga Computer Engineering yung course ko? May mga math subjects ako na mas advance pa yung lessons kaysa dito sa itinuro ni ma'am Garcia."

"Ahh oo nga pala sorry po, malay ko ba, noon kasi nung high school pa tayo ang alam kong favourite subject mo ehhh mang-bully."

"Hindi ahh nagbago na ako, saka noon pa man magaling na ako sa math hindi mo lang napapansin kasi bigla nalang parang nag-iba ka nung patapos na yung school year. Hindi ka na nakiki-mingle sa barkada."

Medyo seryoso yung tono ng pananalita niya, but I just laugh to change that awkward moment.

"Hahahahaha ano ka ba, hindi ka na nasanay, di ba nga minsan weirdo talaga ako?"

"Sabagay.." -____-

(Aba! Nag-agree naman ang loko)

Di nagtagal dumating na si Mrs. Garcia at kinolekta na niya yung mga group activities namin.

Agad din kaming pina-uwi ni Mrs. Garcia dahil hindi pa pala tapos yung meeting nila. Pinuntahan lang kami para mag-dismiss na ng klase.


***

Dahil maaga pa naman naglakad-lakad muna kami ni Eugene.

"Miyu, Naalala mo sila Alfred, si Dennis saka si Vincent."

"Oo naman yung tatlong kolokoy na yun, naalala ko sila, kumusta na yung mga yun?"

"Si Alfred at si Dennis sa Cebu nag-college pareho silang Architecture ang kinuha si Vincent naman nasa Manila, sa UST, BS Psychology."

"Hmmmm.... Si Lorein pala nasa States na."

Bigla kong nabanggit yung pinsan ni Dennis, yung batang gifted, 14 lang siya nung gru-maduate ng high school, kumuha siya ng acceleration test. Kasabayan namin siyang gru-maduate yun nga lang sa Gifted class siya nabibilang, kami sa regular class lang.

"Oo nga doon siya nag-college at siguradong ilang taon lang tapos na nya yung masters degree niya." Sabi Eugene habang nakangiti.

"Oo nga mauunahan pa niya tayo magkaroon ng masters degree." Nakanigiti ko naman na tugon.

Hindi ko alam pero... kung tutuusin wala naman nakakakilig sa pinag-uusapan namin pero kinikilig ako.
The way he stares at me is quiet different compare to how he stares at me back then when we were still in high school.

"Ohh bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?"

(Natawa siya)

"Hindi napansin ko lang kasi cute ka din pala."

That moment alam ko nag-blush ako, I am half Japanese so my skin is fair kaya halata kapag nagba-blush ako.
"Ikaw din lalo kang gumuwapo." Sabi ko sabay ginulo ko yung buhok niya.
Palagi ko iyon ginagawa nung high school pa kami, guguluhin ko yung buhok niya kapag corny yung jokes niya o napipikon na ako sa mga pahapyaw niyang pang-aasar. Pero never niya ako inasar in an insulting way.

"Matagal na po akong gwapo..." He said while smiling.
"Yabang....."
"Bakit hindi ba totoo?"
"Ohh di sige na gwapo ka na."

(Natawa lang siya)

Maya-maya bumanat siya ng pick up line.

"Alam mo hindi mo na kailangan ng beautician."

"Bakit naman?" I asked and medyo kinilig ako don ha.

"Ang kailangan mo kasi MAGICIAN!" sabi niya saka tumawa ng malakas.


(-________- ) My reaction to his joke.

Feeling ko gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina na never niya ako inasar in an insulting way. Kasi nakaka-insulto yung banat ng tarantadong ito ehh. Well hindi naman ako papayag na hindi ako gaganti.

"Para ka palang energy drink" sabi ko sa kanya.

"Bakit? Kasi nakakagising yung ka-gwapuhan ko?"

"Hindi! Muka ka kasing cobra!"

( -________-) His reaction to my joke.
"Ohhh Heto totoo na ito, Hukay ka ba?" tanong niya sakin.

"Bakit?"

"Kasi kung hukay ka, gusto kong mahulog sayo."

Gusto ko sanang kiligin pero bad trip pa rin ako sa kanya... so I asked the same question.
"Hukay ka din ba?"

"Bakit?"

"Gusto kasi kitang tabunan ng lupa." Sabi ko sabay tawa yung nakakaloko talaga.
( -________-) His reaction to my joke.
"Unan ka ba?" He asked me again.

"Bakit? Kasi masarap ako kayakap sa gabi?" Hahaha!

"Hindi, Amoy panis na laway ka kasi."
(-________- ) My reaction to his joke.

(Akala mo papatalo ako ah! Wait!)


It's my turn.......

"Ikaw, Yelo ka ba?" tanong ko kay Eugene.

"Bakit?"

"Ang sarap mo kasi ihapampas sa pader ehh!"

"Kamote ka ba?" he asked.
(Yung totoo hindi pa ba siya titigil? Ayaw paawat eh. Kung sana puro mga magaganda yung sinasabi sakin kikiligin pa sana ako. Kaso puro naman hindi kaayaaya yung mga sinasabi! Tsk)


"At bakit?" gigil na ako this time..

"Muka ka kasing laman lupa."
Bwahahahahahahaha....
"Ewan ko sayo! Ayoko na nga!" sabi ko sabay walk-out pero pinigilan niya ako.

Hindi na sorry na, heto totoo na talaga."
"Ihi ka ba?" tanong niya sakin.

"Eugene wag na nga lang nakakabwisit na ehh, ihi talaga? Ang dami naman ipagkukumpara sakin ihi talaga? Ano dahil mapanghi ako? Ganon ba?"

"Tao ako!! Hindi ako ihi!!! Kasi kung nagkataon na ihi ako muka ka namang abno dahil nakikipag-usap ka sa ihi! Ewan ko sayo adik ka yata ehh."

"Ahh ganon ba, ehh ano nalang sabi ng posporo sa isa pang posporo?" tanong muli ni Eugene.

"Alam ko na yan ehh, sabi ng posporo sa isa pang posporo ay match tayo di ba?"

"Tanga! Walang sinabi, posporo nga di ba? Saan ka nakakita ng posporo na nagsasalita? Ikaw yata ang adik ehh."

Tawa ng tawa ang bugok! Naisahan niya ako don ahh pero hindi ako magpapatalo!

"Eugene kanal ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi "TANGA" lang ang mahuhulog sayo."

Bwahahahahahha....
Halos sumakit ang tiyan ko kakatawa, until I realized he is not responding to my joke anymore, hindi siya naiinis or natatawa, it seems he is in pain and I guess I hit below the belt, I am not sure kung may mali ba sa joke ko? When I looked in his eyes I saw his pain.

"Sorry may mali ba sa joke ko? Na-offend ba kita?"

"Hindi ok lang.."

He smiled bitterly.

"Tara uwi na tayo." He said.

"Ahhh, Sige...." nasabi ko nalang kasi na-guguilty ako dahil bigla siyang nalungkot ng dahil sa joke ko.

Hanggang maka-uwi ako sa bahay palaisipan pa rin sa akin kung ano ba yung mali sa biro kong iyon. Sigh...


***
Originally posted on Wattpad,
Here's the link: http://www.wattpad.com/story/38818163

I am Fan of symbianize so I wanted to post some of the stories made in my account.
I will also update here pero mas mabilis po yung update sa Wattpad,(Nasa editor po kasi yung mga drafts) sana po magustuhan ninyo at sana po i-share ninyo din sa iba.
Salamat po.
 
Last edited by a moderator:
Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Chapter 2

Chapter 2

Ilang araw din kami hindi nag-usap ni Eugene, I don't know but maybe busy din siya sa mga major subjects niya at ganoon din naman ako. Pinag-kibit balikat ko nalang yung nangyari.

Sa hindi inaasahang pangyayari I met someone from the past...

Inutusan ako ni Ma'am Jean na bumili ng office supplies sa mall and I saw Doralyn Devenecia. She is known as the Gossip Queen nung high school palang kami. She knows everything... as in "Everything". Ang palayaw nga niya noon ay Dora Chickadora...

"Oh my G... Miyuki? Is that you?"

"Ahhh ehhh... Oo.. Kumusta ka na?"

"I'm good, pero grabe ha!! Look at you!! You look fab!"

"Hehehe thank you... sige aalis na ako bye Dora..."

Well for some reason I don't like gossipers, I mean bakit ba kailangan nilang halukayin at pagchismisan ang buhay ng ibang tao? I don't like her and I don't hate her either, I just don't want to associate myself with people like her, period!

"Miyu... aalis ka na? Sayang naman, mayroon kasi akong chicka about Eugene. Remember him? Akala ko nga magiging kayo tapos biglang sila na pala ni Selena."

I really wanted to slap her face pero nagtimpi ako... Wait may chika daw siya about Eugene? Well I can't help it. Naku-curious ako ng dahil sa sinabi niya so I asked her.

"Ano yung chika mo tungkol kay Eugene?"

She smiled and answered me...

"Sabi ko na nga ba interesado kang malaman yung chicka ko ehh, anyways want to join me for a coffee? Medyo mahaba kasi itong ikukwento ko sayo..."

I have no choice so sumama ako kay Dora Chikadora...

We went to a coffee shop at doon na siya nagsimulang magkwento...

"Miyu did you know na hindi pala boto yung family ni Selena kay Eugene?"

"Bakit naman? Disente namang tao si Eugene."

"Well it turns out na may mayamang manliligaw si Selena and yet sinagot niya pa rin si Eugene."

"Ehh ano naman ang masama kung sinagot ni Selena si Eugene? Marami naman siyang katangian na magugustuhan ng isang babae."

"Let me finish first ok?"

"OK tuloy mo lang..."

"Nung una ok naman yung relationship nila until malulong si Eugene sa Online gaming, pati na rin sa billiards, and nabalitaan ito ng family ni Selena."

"Tapos anong nangyari?" I asked.

"Muntik na silang maghiwalay pero mahal ni Selena si Eugene, sa totoo lang si Eugene ang humingi ng cool off, he said Selena is too perfect for him, he is so insecure dahil alam niya na mas may future si Selena doon sa manliligaw niya na ubod ng yaman."

"So naghiwalay sila?" I asked again.

"According to my source as of now sila pa rin... grabe... bilib ako sa tibay ni Selena dahil mula ng magsimula ang relasyon nila ay palagi na nitong ipinaglalaban sa kanyang pamilya ang pagmamahalan nila ni Eugene..."

That moment nag-sink-in sa utak ko yung joke ko kay Eugene...

"Tanga lang ang mahuhulog sayo!..." Now it make sense, nasaktan ko pala talaga ang damdamin ni Eugene... Shit.. ang gaga ko!

Bukod sa kwento niya kay Eugene marami pang i-chinika sa akin si Dora... Hanggang sa wakas napagod din siya at nagpaalam na...

"Sige haa.. Miyu, ingat ka... I'll go ahead na..."

"Sige Dora, bye ingat ka din..."

Matapos namin magkape ay dumiretso agad ako sa office ni Ma'am Jean. Inayos ko yung mga office supplies. Maya-maya dumating na si Ma'am Jean.

"Miyu, may mga clients ba na dumating?"

"Wala naman po Ma'am."

**

Maaga akong pinauwi ni Ma'am Jean dahil may meeting pa daw siya na pupuntahan at baka gabihin na siya.

Somehow I feel guilty, knowing na nasaktan ko si Eugene, on the other hand hindi ko naman sinasadya, malay ko ba na may pinagdadaanan pala ang relationship nila ni Selena...

"Hmmm... kailangan makabawi ako kay Eugene, ano kaya ang pwede kong gawin?"

30 minutes later.....

-____- Wala pa rin akong maisip..

Suddenly I received a text message....

From: Ma'am Jean,
Advance Happy Birthday Miyu, bukas ibibigay ko sayo yung gift mo ha. Pasensya na, I almost forget na birthday mo pala sa Saturday. I will give you 5k.

"Oo nga pala birthday ko na this Saturday... "

I decided to reply to Ma'am Jean para mag-thank you.

From: Miyu
Thank you po Ma'am Jean.

Bigla ulit nag-beep ang phone ko.

From: Ma'am Jean
Siya nga pala, sa birthday mo puntahan mo yung restaurant ni Atty. Gonzales, Mag-sama ka ng friends mo and no need to worry kasi lahat ng orders ninyo ay free.

From: Miyu
Thank you po talaga Ma'am at paki-sabi po kay Atty. Gonzales thank you din po.

That night nabuo sa isip ko ang dapat kong gawin para makabawi ako kay Eugene!

Isasama ko siya sa restaurant to celebrate my 17th Birthday.


[Friday P.E. Class]


I really hate my P.E. Uniform dahil sobrang maikli ang shorts ko! Wala naman akong kailangang ikahiya dahil maganda naman ang legs ko, kaso lang kasi I am not comfortable na pinagtitinginan ng mga tao.

Actually kasalanan ito ni Marj dahil nga sa wala pa akong pera that time to pay my P.E. Uniform I decided na mangutang muna kay Marj, nung araw na bibili kami ng P.E. uniform nagkataon na may client na dapat asikasuhin sa office kaya hinabilin ko nalang kay Marj yung uniform ko. Guess what ang lakas ng loob umorder ng small size na shorts di naman pala magkakasya sa kanya, medyo chubby kasi si Marj, pero may hubog ang katawan niya at maganda din siya.

So to cut the story short, she asked me na palit nalang kami ng shorts dahil kasya naman daw sakin yung small size na shorts! Ayoko sanang pumayag pero nakakahiya naman dahil nangutang lang ako sa kanya. So heto ako ngayon wearing my short shorts and makes me feels uncomfortable.

Papasok palang ako ng closed Gym nang bigla akong lapitan ni Tristan..

Tristan Ocampo,
One of the cutest guys in my section and he is also a playboy!

Kaliwat kanan ang GF niya. Hindi naman nakapagtataka dahil swabe talaga ang da-moves ng gago!

He possess charm and those exotic looking eyes, the colour of his eyes is hazel green!

"Hello" he approaches me.

"Hi, nandiyan na ba si Ma'am Reyes?"

"Wala pa, wag kang mag-alala hindi ka pa naman late." He said and smiled at me.

"Sige tara na sa loob ng room."

"Ahh Miyu, I just noticed ang sexy mo pala, sana laging P.E.class natin para laging ganyang ang suot mo"

Maniac alert!!! Maniac Alert!!! -____-

"Ahh ganon ba? Sige next time magpapantalon nalang ako!"

"Hahahaha ang sungit mo naman, meron ka ngayon ano?" he said and wink.

"Aba! Bastos ka ahh!"

Suddenly Eugene came..

"Miyu, may problema ba?"

"Pare, nagbibiruan lang kami ni Miyu."

"Ahh Eugene, tama siya nagbibiruan lang kami.."

"Ganon ba, sige Miyu tara na sa loob ng gym." Eugene said.

Pumasok na kami lahat sa gym..

Nagstart na ang class, volleyball ang sport na lalaruin namin, hindi ako ganoon kagaling pero natatamaan ko naman yung bola.

Natapos ang game and guess what our team won, hahaha buti nalang magaling yung mga teammates ko!

After class nagpalit na ako ng damit. Hindi talaga kasi ako kumportable na magsuot ng daring na damit.

Wala na si Eugene, malamang umuwi na siya, somehow I feel good kasi pinagtanggol niya ako kanina, knight in shining armor ba? I think it's a sign na hindi na siya galit sa akin.

Habang naglalakad ako, biglang sumulpot si Tristan.

"Miyu.."

"Ohh bakit?"

"May lakad ka ba bukas?"

"Meron bakit?"

"Ahh sige, next time nalang siguro.."

Umalis na din si Tristan. Nararamdaman niya siguro na hindi ako intersado sa kanya..

Sa totoo lang ok naman siya, mabait, at friendly kaso lang babaero siya ehhh... Call me old-fashioned pero ayaw ko talaga sa taong hindi makuntento sa isa!
 
Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Chapter 3

Chapter 3

After ng klase namin I decided to ask Eugene if pwede na niya akong samahan sa mall dahil may pinapabili si Ma'am Jean sa akin at medyo marami yun so I need help to carry them all.


"Eugene, salamat ha.."


"Wala yon. Saan ka ba bibili at ano yung mga pinabibili sayo?"


"Ahhh nasa bag ko yung list ng mga dapat bilhin."


"Sige..."


Di nagtagal nakarating din kami sa restaurant ni Atty. Gonzales.


"Miyu, akala ko ba may ipinabibili sayo? Bakit nasa restaurant tayo?"


"Oopps , sorry I lied, birthday ko kasi ngayon and Ma'am Jean told me to bring some friends with me here, kaibigan niya yung may ari ng restaurant so wala tayong babayaran."


"Talaga Birthday mo pala ngayon? Happ Birthday.." He said and smiled.
( *sigh* Nakalimutan na niya?)


"Sige, tara na sa loob , gutom na ako ehh."


Pagkaupo namin sa isang table naghari agad ang katahimikan...
-____-


Kinuha ng waiter yung order namin tapos umalis din ito...


Hindi pa rin nagsasalita si Eugene so I need to break the silence.


"Eugene, siya nga pala, kumusta ka na? I mean, after a year ago anong nangyari sayo?"


"Ahhh heto ok naman ako. Sa totoo lang a year ago nakikita na kita sa university kaso parang hindi mo ako pinapansin, or hindi mo ako nakilala?"


Ohhh... let me remember... a year ago nakita ko si Eugene...


[Flashback]

Habang papasakay ako ng Jeep sa di kalayuan ay may lalaking nakatanaw sakin...


Nearby may mga hitad na schoolmates ako na parang mga tanga na kinikilig pa habang nakatanaw doon sa lalaki.


"Grabe ang gwapo sis!" sabi nung isa sa mga hitad.


"Oo nga sis, sakin yata nakatingin!" sabi naman nung isa pa.


I just stare at them and they stare at me as well.


I simply smile and gaze again at the boy whom they have crush on.


"Ayy sis doon yata sa girl na yun nakatingin yung guy."
Bulong nung isa pang hitad.


I smirk knowing that they have realized that the guy is actually checking on me and not on them.
(Yes! Sometimes I'm bitchy.)


"He looks familiar." My mind tells me.
Tinignan ko ng mabuti yung lalaki...
It takes few minutes until I realized kung sino talaga yung lalaki na yun.



"Eugene!!!" My mind screams!



Buti nalang may dumaan ng jeep, sumakay ako agad..



"Akala ko ba nasa Baguio siya? Anong ginagawa niya dito?"

[End of flashback]


"Ahhh, sorry hindi siguro kita nakilala.."


"Ganon ba? Sige Ok lang.."


Biglang dumating yun order namin, masarap ang kain namin kasi masasarap yung food sa restaurant. Hindi ko mapigilan na tumingin sa kanya habang kumakain kami.


"Miyu Bakit?"


"Ha? Anong bakit?"


"Parang tulala ka kasi ehh, may problema ba?"


"Wala, Ok lang ako..."


"Siya nga pala thank you sa libre."


"You're welcome, bukas lalabas din kami nila Marj kasama yung friends niya naipangako ko sa kanila na magvivideoke kami ehh. Apparently I also took this opportunity because I wanted to talk to you. Kasi last week parang iniiwasan mo ako."


"Ha?? Hindi ahh. Feeling mo lang siguro yon, saka madami din tayong ginagawa nung mga nakaraang araw, busy lang ako. Pero sorry kung pakiramdam mo iniiwasan kita."


"Ahh hindi Ok lang, hindi mo kailangang mag-sorry."


"Alam mo Eugene mas OK pa dito sa probinsya ano? Sa Manila kasi, mausok, puro pollutants tapos ang init pa."


"Dahil yon sa mga puno, dito kasi sa probinsya mas maraming puno, kaya hindi masyadong mainit."


"Oo nga ehhh. Saka mas sariwa ang hangin dito." I said and smiled at him.

Matapos namin kumain, umuwi na din kami... Atleast alam ko na ngayon na hindi naman pala talaga masama yung loob sa akin ni Eugene.

***

[Wednesday]

Physics class..


Nakasalubong ko sa hallway si Eugene, basang-basa ng pawis.


"Ohhh Bakit naliligo ka sa pawis anong nagyari sayo?"


"Nag-try out ako sa volley ball team. Nakapasok naman ako."


"Talaga? Ang galing ahhh"


"Miyu, pwedeng punasan mo yung likod ko?"


"Ahh ok..." sabi ko nalang saka kinuha yung bimpo sa kamay niya.
Tumalikod siya at itinaas yung t-shirt niya. (Kaya mo to Miyu, pupunasan lang yung likod niya. Hay. Ano ba tong iniisip ko!)


Nung una awkward para sa akin... Dahan-dahan pa yung paghagod ko sa kanyang likod hanggang parang naging natural nalang yung paghagod ko sa likod niya at mabilis na natuyo yung pawis sa likod niya.


"Thank you, sige punta lang ako ng C.R. magpapalit lang ako ng damit."


"Sige punta na ako sa room."


Sa totoo lang nung high school pa kami hindi naman ganoon kalakas ang tama ko sa kanya, noon nga parang halos barkada nalang ang naging turingan namin, Selena is a good friend, for some reason kahit may gusto ako kay Eugen noon mas pinili ko pa rin na panatilihin yung friendship naming tatlo pati na rin yung pagkakaibigan naming magbabarkada. So ang ending ng love story namin noon ehhh... teka paanong ending eh kahit kalian naman hindi naging kami?? Hahaha Ayoko rin naman maging assuming, sometimes even I see some signs that a guy likes me I always ignored it, ang pangit ko kasi noon, I mean... not really ugly pero wala akong panahon na mag-ayos sa sarili or more likely hindi ko hilig ang mag-ayos sasarili. Si Eugene kasi... iba siya sa mga lalaking nakilala ko sa lahat, hindi siya katulad ng iba na mag-tatake advantage sa girl, hindi din siya yung tipo na magpapaiyak ng babae, at totoo siyang magmahal... In other words isa siya sa mga lalaki na malapit ng ma-extinct dito sa mundo... To be honest guys? Ilan sa mga lalaki sa panahon ngayon ang gwapo pero hindi gago?


Medyo malayo pa ang lalakarin ko papuntang classroom.


Suddenly I saw Marry Anne or simply Maan. She is a good friend of mine sa P.E. class.


"Miyuki!!! Tara dali ipapakilala kita sa mga kababata ko!"


Dear I think I am facing a problem! My mind shouted.


Napako ang mata ko sa lalaking kausap ni Maan, actually may kasama itong girl. (Oh my... girlfriend kaya niya yon?)


My eyes automatically scanned the girl...


Skin Tone: Miyu = 100 percent vs Unknown girl = 80 percent.
Height: Miyu = 90 percent vs Unknown girl = 70 percent.
Weight/Body Structure: They are both skinny and their bodies are considerably sexy.


Eye Color: Both Brown but Miyu wears contact lenses so she's more attractive, she wears hazel brown coloured contact lenses which make her beautiful, feathered eyelashes eyes sparkle! On the other hand the girl wears large eye glasses which is similar to eye glasses that Miyu used to wear.


Actually she reminds me of myself few years ago.


Hair Color: Miyu = Naturally Brown vs Unknown girl = Fake light brown curly hair. (Halata kasi sa buhok niya which has uneven color, hindi siguro na-dye mabuti yung hair niya.)


I smiled and then come closer to Maan and her friends.


"Hi..Maan.."


"Hi Miyu, nga pala, birthday ko sa Linggo, invited ka ha! At umattend ka!"


"Ahhh ok... sa house ninyo ba yung venue?"


"Yup!..." Maan said while smiling...


I can't help it.. Maya-maya I stared at him.


I stare at the guy and scanned him..


This is the best way to describe him.
Tall, Dark, and Handsome... I know its cliché but that is true.


That time parang nag-play yung OST ng Romeo and Juliet (Lovefool) sa mind ko! Hahaha by the way that song was sung by the Cardigans.


"Maan, akala ko ba ipapakilala mo kami sa kanya?" the guy spokes. He has a perfect baritone voice.


"Ayy Oo nga pala... Ito si Tricia." Sabi ni Maan sabay turo kay Tricia (Unknown girl) Tricia pala pangalan niya. Not bad para sa average na girl. *flip hair*


"Hello." She said and smile na para bang nahihiya.


"Ito naman si Brice.."


"Hello.." He said and smiled at me..


Ayyyy!!! Potek napaka-gwapo kapag naka-smile! Pantay-pantay ang mga nginpin niya at ang puputi, pwede siyang endorser ng toothpaste. He has that perfect colgate smile!!!


"Hello din." I said and smile back..


"Miyu may pasok ka ba ngayon?" Maan asked.


"Meron pero mamaya pa naman bakit?"


"Di ba nagpapart-time ka kay Atty. Jean Salazar?"


"Oo bakit? Kailangan ninyo ba ang tulong ni Ma'am Jean?"


"Hmmm medyo... yung Papa kasi ni Tricia na pagbintangang nag-nakaw, actually hahanapin talaga kita para humingi ng tulong sana and to invite you na rin sa birthday ko."

"Sige let's go, sasamahan ko muna kayo kay Ma'am Jean bago ako pumasok."

"Sige salamat." Sabi ni Maan.

Malapit lang naman sa school ang office ni Maam Jean so mabilis din kaming nakarating doon.

Habang papunta kami sa office na-i-deltaye na ni Trica at Maan ang mga pangyayari tungkol pagkakabintang sa Papa ni Tricia. I asked several questions na kakailanganin ni Ma'am Jean para sa kaso.
 
Melancholy of Miyuki Miyazaki (Walang forever) Chapter 4

Chapter 4

"Good Morning Ma'am Jean."


"Oh, why are you here? Di ba may klase ka today?"


"Ehh Ma'am I bring my friends apparently they needed your help."


"Why? What happened?"


"This is Patricia San Pedro. Her father was accused of robbing a house; she badly needs your help Ma'am."


"Hmmm OK, bring your father here first thing in the morning para mapag-aralan ko yung kaso niya."


"Sige po, thank you po." Sabi ni Tricia.


"Miyu, ipaghanda mo muna ng makakain yung friends mo."


"Ay, wag na po..." pagtanggi nina Tricia, Brice, at Maan.


"Sige na, I insist, ngayon lang nagdala ng kaibigan itong si Miyu dito sa office, Feel at home." Nakangiti pang sabi ni Ma'am Jean.


"Miyu, aalis lang ako sandali ha, magtext ka nalang kapag babalik ka na sa school."


"Ok Ma'am thank you."


Hindi nagtagal naka-alis na rin si Ma'am Jean.


***


"Miyu, hindi ba nakakahiya?" sabi ni Maan.


"Ok lang yun, pa-thank you ko na rin ito kasi naimbitahan mo ako sa birthday mo." I said and smile.


I gaze at Brice and to be surprised he is also looking at me. I just smile and he smile back.


Pinaghanda ko sila nang makakain, I checked the fridge and found some softdrinks, I prepare sandwiches for them too.


Iniabot ko sa kanila yung sandwiches and softdrinks.


"Hmmmm ang sarap naman ng sandwich." Brice said.
The way he said na masarap yung sandwich na gawa ko and the way he smile at me. S-P-E-E-C-H-L-E-S-S


For some reason kahit ayaw ko, naakit pa rin ako sa kanya...


"Thank you." I said and smile back...
I try to give my flirtiest smile to him.
I also looked at him seductively; I tried to make an eye contact with him as well.


Well I think he is responding kasi he is also looking at me... This time medyo poker face siya but I know those gazes were for me, panakaw ang mga tingin niya sa akin... Sa tingin ko talagang may relasyon sila ni Tricia. Hmmmm... I can't blame him.. hindi sa nagbubuhat ng bangko pero mas maganda naman talaga ako kay Tricia. Damn it Miyu! Don't you dare activate your bitch mode... Hindi ito ang tamang lugar at oras!


I observed the girl, tahimik lang ito, tila walang alam sa nagaganap...
Maybe she didn't know or she is just ignoring my seductive presence.


I actually enjoyed observing them both especially Brice.


He asked me several questions, we had a small conversation and I am happy to know that he is a humble guy. We have same interest in life like watching anime and horror movies, protecting mother earth, God-fearing person, and we are both addicted in reading manga. Manga yun po yung Japanese term sa komiks (comic) hindi yung prutas na mangga. Hahaha. (Okay, tawa naman kayo. Huhuhu.) Hahaha!



"Miyu tara kain ka din." Brice said and offer his own sandwich!! (Pota haba ng hair ko!) I mean kung ako ang girlfriend ni Brice and he will offer his own food to other girl he just met... uhmmm mapipikon talaga ako. Anyways hindi ko pa rin naman lubusang kilala sina Brice at Tricia. Who knows if mabait lang talaga si Brice and super understanding girlfriend lang talaga itong si Tricia. As I can see wala naman talagang masama kung alukin niya akong kumain, malisyosa lang siguro talaga ako?


"No I'm good." I replied.


Medyo lumamlam yung mata ni Brice nung tumanggi ako...


I wanted to eat with him and take a bite on his sandwich (Ano ba tong mga pinag iiisip ko! Miyu talaga oh!) kaso alam mo yung pakiramdam na diet ka? Alam mo yun... Hindi naman ako ganon ka-desperada na pati pag-di-diet ko mapupurnada para lang mapagbigyan ang isang tao na ngayon ko lang naman nakilala.


Maya-maya nagpa-alam na rin sila. I also went back to school bago pa magsimula yung klase namin sa Physics.

***

[Maan's Birthday]

Alam ninyo ba yung pakiramdam na pupunta ka sa birthday party ng friend mo tapos kasama mo yung kaibigan mo? Crush mo nung highschool, and at the same time you are also expecting to see someone na crush mo ngayon? So yeah past meets present.

O____O


Teka paano nga ba ang nangyari? Dapat si Marj ang kasama ko dito sa party na ito ah.


Let's review this flashback. Shall we?


[Flashback]


"Marj. Sa Linggo ha, samahan mo ako sa party, birthday ni Maan."


"Sinong Maan?"


"Yung classmate ko sa P.E., Sige na! Ayoko naman kasing ma-OP dun."


"Eh kung Ma-a-out of place ka lang pala don bakit ka pa pupunta?"


"Ha?? Ehh basta sumama ka nalang kasi!" I yelled at her.


"Sige sasama ako pero sabihin mo muna kung anong dahilan mo at gustong-gusto mong pumunta sa birthday party na yan? I have lots of things to do Miyuki pero if you will tell me the reason why you are so eager to go in that party I might consider and I will go to that party with you."

" Sige wag nga nalang.." sabi ko sabay walkout.


I didn't noticed that malapit lang pala samin si Eugene and he heard our conversation.


"Miyu ako nalang ang sasama sayo." Eugene shouted and then lumapit siya sa akin...

"Ahhh... Ehh... kasi..." hindi ko alam ang isasagot ko...


"Bakit ayaw mo ba akong kasama?"


"Hindi naman sa ganon, kaso lang kasi, nevermind, sige sa Linggo text ko nalang yung iba pang details."


"Sige I'll go ahead." Eugene said and walks away.


Ngayong nandito na kami sa house nila Maan parang gusto ko ng umurong at umuwi nalang.


"Eugene, umuwi nalang kaya tayo?"


"Ha? Akala ko gusto mong pumunta dito sa party na ito?"


"Eh kasi... Hmmmm teka lang bakit nga pala nag-presinta kang sumama? Hindi ka ba busy sa mga major subjects mo?"


"Hindi naman, pero knowing you kasi since high school hindi ka pupunta sa isang event kung wala kang kasama. Maybe you really wanted to go pero nahihiya ka?"


"What—? No—I mean... hindi ahh nagbago na ako, hindi na ako gaya ng dati.." I lied...


"Well that is good to know, so tara lets na? Let's party..." he said and winks at me.


"Sige..."nasabi ko nalang saka naglakad papasok sa house nila Maan.


**


"Miyu! I am glad you came! Welcome, and oh wait I know you, Eugene right?"


"Yeah, sinamahan ko si Miyu, dapat talaga si Marjorie ang kasama niya pero hindi siya available."


"Ok lang yan, tara na sa loob, kumain muna kayo..."


Pagpasok namin sa loob agad na bumungad ang mga bisita, Ok naman ang mga bisita ni Maan. In-fairness lahat sila friendly, sa totoo nga niyan I had little conversation to some of them.


"Oh Miyu, bakit parang matamlay ka? Hindi pa tayo nagtatagal dito sa party ah? May problem ba?" Eugene asked.


"Wala naman Ok lang ako..." I said, pero sa totoo lang hindi ako OK, nasaan na ba kasi si Brice? Siya ang ipinunta ko rito pero wala naman siya, gusto ko sanang tanungin si Maan pero ang pangit namang tignan, and by the way it's confirmed In a relationship si Tricia at Brice. However, I need to know bakit ganooon nalang makatingin si Brice sa akin, I need to know... I need to know if he is also interested in me. Call me whatever you want; a snake, a bitch, an other woman, but I will never be a pathetic single. I will try my luck! Who knows if gusto din pala ako ni Brice. Ayon nga sa kasabihan; Ang manok mas madaling hulihin kung nakatali!


Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito, pakiramdam ko I need someone to love me. Nagsimula lang naman ito ng magbalik sa buhay ko si Eugene, gusto ko siyang kalimutan and maybe because of that my subconscious mind is telling me to find someone para makalimutan ko siya.


[A few moments later]


Music played in my mind: Lovefool by the Cardigans.


I saw Brice walking... Kasama niya si Tricia... (Damn it!)


Papalapit sila sa table namin, Brice looked at me and he smile at me. Ohh yeah that is the sexiest smile I ever saw!


They join us in the table.


"Hello Miyu, siya nga pala, thank you ulet sa pagtulong samin para sa kaso ni Papa." Tricia said.


"Ok lang yun Tricia." I said and smile at her.


Napadako ang tingin ko kay Brice. He is smiling...

In my head a song was started to play...

Love me! Love me! Say that you love me!!
Fool me! Fool me! Go on and fool me!!
Love me! Love me! Pretend that you love me!!
Lead me! Lead me! Just say that you need me!!
So I cried... and I begged for you to
Love me! Love me! Say that you love me!!
Lead me! Lead me! Just say that you need me!!
I can't care about anything but you...


"Here guys, heto yung cocktails ninyo, if may kailangan kayo just call me ok?" Maan said.


Marami din itong bisita kaya hindi siya magkanda-ugaga.


"Sige Maan thanks." I said.
Tahimik kaming lahat sa table ng biglang nagsalita si Brice.


"Miyu is he your Boyfriend?" Brice asked.


Muntik ko nang maibuga yung iniinom ko dahil sa prankang tanong ni Brice.


Si Eugene naman pilit na pinipigilan ang pagtawa...


"Hell no! Bakit mo naman nasabi yon Brice?"


"Well kasi magkasama kayo ngayon sa party? Isn't that enough reason?"


"No—I have a girlfriend. Her name was Selena." Eugene said.


Medyo napatigil ako sa sinabi ni Eugene... I know that... but... never na nabanggit ni Eugene ang tungkol sa kanila ni Selena sa harapan ko. We never discussed it.


Napansin ni Eugene na tila apektado ako dahil sa sinabi niya.


Magsasalita sana siya pero bigla akong nagsalita.


"He is my good friend, wala kasi akong choice kaya siya ang kasama ko dito sa party... hindi kasi ako sanay dumalo sa mga parties or other events ng walang kasama."


"Ah ganoon ba?" Brice said.


Suddenly a phone rings.


"Hello... Mama." Tricia said and answered her phone.


"..."


"Ano po yun Ma? Anong problema?"

"..."

"Sige po Ma, uuwi na ako. Magpahinga nalang po kayo."

"..."

"Ok lang po yun Ma. Sige po bye."


After ibaba ni Trica ang cellphone niya bigla naman naka-received ng message si Eugene.


From: Nanay
Anak anong oras ka ba uuwi? Nandito si Selena, na-surpresa nga din ako ehh, sabi niya hihintayin ka daw niya may mahalaga daw kayong pag-uusapan.


After he read the message agad na nag-paalam si Eugene.


"Ah guys mauna na din ako, pasensya na may emergency sa bahay." Sabi ni Eugene.


"Ganoon ba? Kailangan ko na din umuwi. May emergency sa bahay. Kailangan ako ni Mama." Tricia said.


"Ok, sabay nalang tayo, sasamahan kita hanggang sa sakayan ng jeep?" Eugene offered.


Hindi ako makapaniwala...
Parang destiny na ang gumagawa ng paraan para ma-solo ko si Brice!!
Grabe thank you po!!


"Wait! Ako na ang maghahatid kay Tricia." Brice said..


-______-


"Teka paano naman ako? I-iwan ninyo ako dito ng mag-isa?" I yelled at them.


"Ahh Brice ok lang, samahan mo muna dito si Miyu, Tama si... Teka ano na ngang pangalan mo?" Tricia asked Eugene.


"Eugene, my name is Eugene." He said and smile.


"Ako naman si Brice, pare, sige salamat, pakihatid nalang si Tricia."


"Sige pare ako na ang bahala sa girlfriend mo, but please promise me also na hindi mo pababayaan si Miyu."


"Oo naman pare." Brice said..


Umalis na sila Eugene at Tricia...


Naiwan kaming dalawa sa table...


"Mabait si Eugene, don't worry, I guarantee you that she's safe with him."


"Yeah, sa tingin ko naman mapagkakatiwalaan siya." Brice said.


Ang ingay dito sa party. Gusto mo maglakad-lakad muna tayo sa village?" I suddenly asked Brice.


"Ah sige, pero magpaalam muna tayo kay Maan, baka hanapin niya tayo ehh."


Pinuntahan ni Brice si Maan para magpaalam dito samantalang ako naman dumiresto muna sa restroom para mag-retouch.


Habang nagrere-touch hindi ko napigilan ang mag-monologue.


"Grabe, titignan lang ba niya ako hanggang matapos yun party? Hmmm parang nawawalan na tuloy ako ng pag-asa kay Brice, maybe he is a faithful boyfriend? Nakakainis? Still I want to try to seduce him, kapag wala talagang nagyari eh di wag nalang. Atleast I tried."


I looked at the mirror and stared at my own reflection. Ang ganda ko talaga! Humanda ka Brice! You'll be mine!" I said and smiled mischievously.


Paglabas ko sa restroom bumalik ulit ako sa table namin, nadoon si Brice, hinihintay niya ako.


Lumabas kami ng bahay at nagsimulang libutin ang village...


"Bakit mo pala naisipan lumabas at maglakad-lakad? Hindi ka ba nag-e-enjoy sa party ni Maan?" Brice asked.


"Hindi naman sa hindi ako nag-e-enjoy pero sa tingin ko kasi mas kumportable tayong makakapag-kwnetuhan kung tayong dalawa lang, kanina kasi sa party medyo tahimik ka."


"Ahh... Sorry ha, hindi kasi ako talkative."


"Yeah, its ok, so siya nga pala saan ka nag-aaral at ano ang kikukuha mong course?" I asked Brice.


"Marines, sa St. Joseph Maritime School."


"Ahh, ako naman I.T. doon lang din sa University kung saan nag-aaral si Maan, were classmates, P.E. class."


"Ahh ehh si Eugene?"


"Computer Engineering siya, ehh si Tricia?"


"B.S. Educ, Secondary teaching." He smiled.
 
Back
Top Bottom