Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Mnting Anghel

Fisrst time ko ko pong mag post dito ng akda..

MUNTING ANGHEL
02/15/11

Sa twina, nagigising akong madilim ang paligid. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ito. Balot ng kadiliman, wala ako makita ni kapirasong liwanag. Madalas nagigising akong nagugutom. Wala akong magawa kundi ang maghintay ng pagkain na darating sa aking bibig. Wala akong lakas para sa aking sarili, saan ako hahanap ng pagkain ganitong puro kadiliman ang paligid.

Lumilindol na naman, dugdug.. dugdug.. dugdug.. pabilis ng pabilis ang tunog na iyon na madalas ko ng naririnig. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, bakit ako nandito. Anong klaseng lugar ba ito? May ingay, may nagsasalita na hindi ko maintindihan.

"Putang ina mong babae ka, lumayas ka dito, hindi kita anak"

"Itay, patawad po, hindi ko sinsadya ang nangyari"

"Walanghiya kang bata ka. Pinalaki kitang may takot sa Diyos, minahal ka namin ng ina mo, binuo namin ang mga pangarap namin sayo, tapos ganito pa ang igaganti mo sa amin, lumayas kang suwail ka"

"Arayyyy.. tama na po.. maawa na po kayo sa akin"

Kasabay ng mga ingay ay ang pagdagundong muli ng tunog na iyon, at ang pagyanig ng aking paligid. Ano ba itong nangyayaring ito? Anong ingay ang aking naririnig? Sinong babae? sinong Itay? Ano ang pinaguusapan nila? Hindi naman nagtatagal at nagkaron ng katahimikan. Ang ingay napalitan ng pagtangis. Pagiyak ng isang babaeng hindi ko makita, kasabay ng haplos ng kamay na aking nararamdaman. Kapayapaan. Nasaan ba talaga ako?

Hindi ko namamalayan ang paglipas ng panahon. Mga panahong katahimikan at kadiliman pa rin ang sa akin ay nakapaligid. Subalit, sari saring ingay pa din ang aking naririnig nitong mga nakaraan. Iba't ibang boses, iba't ibang tunog. Ibat ibang awitin, iba't ibang tinig.

Hanggang sa muli, yumayanig na naman sa aking kapaligiran, palakas ng palakas. Isang nakabibinging sigaw ang aking naririnig. Nakakaramdam na ko ng takot. Anong nangyayari? Eto na naman ako, hindi ko malaman kung saan ako kakapit. Sa isang bahagi ng lugar na ito, may liwananag akong nakikita, tila kidlat sa una. Parang nabutas na dingding. Unti unti, lumiliwanag ang kapaligiran. Mapusyaw na liwanag subalit hindi nawawala ang sigaw. Ilang sandali pa at wala na ko sa lugar ng kadiliman. Malinaw na ang tinig na aking naririnig subalit hindi ko maintindihan.

"Pa...ta......wad anak...., hin....di ko na ka.....ya"

Sa utal na salita ng babaeng iyon, kasama ng pagtangis at pag iyak, unti unti muling nagdidilim ang aking kapaligiran. hanggang sa wala na kong naramdaman. At ang pagtigil ng aking isipan.

Sa pagmulat ng aking mga mata, kapayapaan ang aking naramdaman. Subalit nakamasid sa babaeng nakaluhod na luhaang nakatitig sa sanggol na nasa loob ng kahon sa isang tambakan ng basura. Gusto kong lumapit, gusto kong magtanong, baka ito na ang kasagutan subalit nagmamadaling umalis ang babae. Unti unti naging malinaw sa aking ang lahat. Hindi ko na kayang pagmasdan pa ang aking kalagayan. Nararamdaman ko, ako ang sanggol na nasa loob ng kahong iyon. Kay lupit naman ng pangyayari. Ano ang aking kasalanan?

May humawak sa aking kamay, isang munting anghel na kagaya ko. Nakangiti sa akin. Tumalikod na kami at tumungo sa kaitaasan.
 
Back
Top Bottom