Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Munting kahapon

Mundong walang pag-asa
Direksyong hindi alintana.
Buhay na walang patutunguhan
Hindi nag-iisip kahit kinabukasan.

Malayong lugar ay tinahak
Walang iniisip kundi ang sariling kapakanan.
Hindi nakatagal sa sobrang kainitan
Umuwing luhaan, walang dala kahit ano man

Hanap ay kaibigan
Itinuro kung saan
Madami ang nakilala
Subalit hindi sapat ang ngiting nadama

May isang nilalang na tahimik lamang
Kanyang atensyon ay inaasam asam
Ibinigay ng walang pag-aalinlangan
Hindi binigo ngiti ang inilaan

Nagsimula sa biruan
Mga ngiting walang saysay
Masaya na kwentuhan
Humantong sa pagkakaibigan.

Tawagan sa isa't-isa'y walang kahulugan
Kwentuhan na walang katuturan
Pagsuyong walang alinlangan
Basta't mapangiti sa simpleng paraan lamang

Nagising isang araw
Kakaiba ang pakiramdam
Isang simpleng nilalang lagi ng hanap hanap
Nadarama ay kalunglutan kapag hindi nakita at nakausap

Mga ngiti at papuri'y kaligayahan
Mga binitiwang salita'y ninamnam
Walang pagsidlan ang kasiyahan
Ito na ba ang kasagutan sa matagal ng katanungan...
 
Back
Top Bottom