Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Naadik ako sa dota2

darklight2121

Apprentice
Advanced Member
Messages
65
Reaction score
0
Points
26
Guys help naman.
Ganto kasi
araw araw ako nag dodota2 hindi ko mapigilan ang kaadikan.
Dati ginawa ko ng hindi maglaro ng isang araw pero di ko kaya
tapos minsan nalalate ako ng isang subject dahil sa dota2
minsan pa nga nakakalimutan ko ng kumain.
Gusto ko na matanggal to.
Naghanap ako ng ibang hobby pero ganto parin
may girlfriend ako ganto pa rin.
Adikna tlga ako. Try ko delete pero hanap hanapin ko din.
Tinary kong bawasan pero di ko magawa need hlep!!1
 
ikaw may control sa sarili mo ts! kung gugustuhin mo makkaya mo yan! try mo naman gumala with your friends
 
kahit ano pa ang payo namin sa iyo, kung ikaw mismo hindi lalayo. wala din. Pero diyan sa kalagayan mo, at least alam mo na may problema ka, may adiksyon ka. Seek help. Magulang, kapatid, pinsan, sabi mo pa may girlfriend ka din. Huwag ka mahiya humingi ng tulong sa kanila na lumayo sa bisyo mo.
 
Guys help naman.
Ganto kasi
araw araw ako nag dodota2 hindi ko mapigilan ang kaadikan.
Dati ginawa ko ng hindi maglaro ng isang araw pero di ko kaya
tapos minsan nalalate ako ng isang subject dahil sa dota2
minsan pa nga nakakalimutan ko ng kumain.
Gusto ko na matanggal to.
Naghanap ako ng ibang hobby pero ganto parin
may girlfriend ako ganto pa rin.
Adikna tlga ako. Try ko delete pero hanap hanapin ko din.
Tinary kong bawasan pero di ko magawa need hlep!!1


Paano mo ibabaling ang atensyon sa mas makabuluhang bahay?
 
tirahin mo ng tirahin gf mo. everytime naiisip mong mag dota. tirahin mo nalang gf mo
 
Try mo lumanghap ng sariwang hangin. Huwag isipin ang dota. Tumingin sa paligid magmasid. Masdan ang mga tao kung pano sila mabuhay.
 
TS magtry ka maghanap nang social responsibity program like volunteer tutor... like me,, every saturday morning may tutorial ako sa mga d marurunong magbasa na mga bata sa elementary. Kay nagiging bz ako,, I used to be addict sa Dota,, even now naglalaro pa din ako paminsan minsan,, pag feel nabobo ako sa trabaho dahil sa subsub (paulti paulit lang kasi ang trabahao hahah),, but dahil may tutorial na ako,, at may resposibility ako na mag gawa nang report napipilitan ko rin d na makapagdota .... once in a while nalang,, Kailangan mo lang magkaroon nang sense of responsibilty. If kung may work diffirent kasi iyon kasi obliged ka todo the work,, kasi you have to responsible kasi yan ang source of living natin, but if magakaroon ka nang sense of responsibity sa mga gawaing walang kapalit ay magkakaroon ka nang significant value sa ibang tao. Sana maktulong hehehe
try search CORNERSTONE-changing lives not just only for the kids but for the volunteer tutor itself...
 
ganyan din ako sa una adik sa dota pero nung nag tagal na hindi na pa minsan minsan nlang ako naglalaro.
 
Self disipline lang yan try mag set ng oras mu kumbaga 5 hours gaming then next day 3 hours gaming hanggang lumiit yung time mu sa gaming, kasi pag biglaan naman nagstop talagang manggigil ka sa maglaro ulit based on experience LOL
 
TS. ganyan rin ako dati pero nag iba na ako ngayon,sa COC clash of Clans na naman. try mo clash of clans diba ma aadik karin keysa dota. pwede rin add mo ko para laro tayo pa minsan-minsan. eto ID no ko.146877494
 
Lahat nag-uumpisa sa disiplina.

College na ako, nag-aaral ng Mining Engineering. Noong short-term sa school, nag-advance ako ng subjects, dun ko rin nakasabayang naki-enroll sa mga dati kong kaclassmate noong highschool. Kami ang magkakasama at ang trip nila ay paglalaro ng League of Legends (LOL). Sa totoo lang dun ko lang ako natoto maglaro ng MOBA games, hindi ko kayang gumastos ng allowance ko noong highschool at bantay pa ako ng ate ko. Anyway, nagustuhan ko at dinownload sa laptop sa bahay. Kada uwian galing sa university diretso maglaro. Itinuloy-tuloy ko ang paglalaro hanggang sa nag-first sem second year ako.

Dun na talaga ako naging tamad, at kiniquestion ko lahat ang pinagagawa ng mga instructors ko at nawalan talaga ng gana na magpractice sa pagsolve ng Calculus; bagsak-bagsak na mga quizes at exams ko pati yung Physics Lab wala na rin. Kahit na ganun pinasukan ko parin mga class ko. Kahit na wala akong matutunan. Kahit na matrabaho, pinilit ko pa ring tapusin lahat ng mga requirements. Di ko alam kung bakit pero kailangan kong wag himinto, kundi katapusan ko na yun.

Tungkol pala sa LOL, ilang beses ko na idelete ang game sa laptop ko pero di ko magawa. Ilang oras na ang sinayang ko sa paglalaro ng walang kwentang game. Sana ginamit ko nalang ang oras ko sa pag-acquire ng bagong skills kagaya ng coding, pag-guitara, o di naman kaya'y naggym nalang ako at nakipag-usap sa mga kuya ko na mga successful na. Natanong ko na rin talaga kung ano ba talaga ang patutunguhan ang buhay ng isang tao (pero sa ibang oras nalang yun).

Long-story-short nabwisit ako at ng kapatid ko sa paulit-ulit na pagkatalo sa LOL at tuluyan ko nang inalis sa laptop ko. Ngayong second sem mas okay na ang lahat. Magagaling pa sa akin ang mga kaibigan ko ngayun at mababit naman ang mga instructors ko. Yung mga subjects ko pala pinasa naman ako ng instructors ko kahit na ganun, mercy points kung baga.

Kung talagang siryoso ka na magbago ito ang dapat mong gawin araw-araw for 30 days. Walang pero-pero. Kinakausap kita ngayung bilang isang lalaki.

1. Mag-alarm ka at gumising ka ng 5:30 am impunto.
2. Maligo ka ng malamig na tubig wag nang magpakulo.
3. Humarap ka sa salamin at sabihin mong: "I am smart, I am Alpha." Sabihin mo yan ng tatlong beses.
4. Magpush-up ka ng 10 beses. Kahit na paputol-putol basta matapos mo 10 push-ups.

Yan lang muna ang maipapayo ko sa ngayon. Ang ginawa pag lumalambot ako sa sobrang katamaran ay mas matindi kaysa jan at baka di mo pa kaya. Pag nakaya mong gawin yan tulot-tuloy sa 30 araw ay ipagpatuloy mo pa kung saan kaya mo.
1. Gumising ng 4:30 am.
2. Once per week wag kang kumain ng kahit ano man hanggang alas sais sa hapon. (dito ako nahirapan)
3. 100 pull-ups, 200 push-ups, 300 sit-ups (Navy SEAL prep)
4. Matulog na walang kama, matulog sa sahig.
5. Kumain ng mapapait.

Ang concept nito ay icondition yung katawan mo na makayanan ang karamihan ng hirap, pero kailangan talaga ng disiplina.
At huli sa gustong baguhin ang buhay. Subukan niyong basahin ang mga to:
1. Walden (book)
2. https://boldanddetermined.com/18-things-every-18-year-old-should-know/
3. http://www.dangerandplay.com/2015/04/20/37-thoughts-on-not-wasting-your-20s/
4. http://www.dangerandplay.com/2012/03/05/dont-waste-your-twenties/

"You are what you repeatedly do, EXCELLENCE then is not an act, but a habit." -Aristotle
 
magkulong k sa kwarto mu ng ilang buwan tpos magbasa ka ng bible. malamang paglabas mu may sarili k ng nabuong religion. tpos pangalanan mu ng Iglesia ni Zeus. . . . . hahahaha!
 
maghanap ka ng kakumpetensya mo dapat mas mgaling ka sa mga ksamahan mo, magAral ka, magtrabaho, magExercise.. yung tipong mga tropa mo lalaki ng ktawan ikaw patpatin or kea pny taba lng.. lamangan mu yung iba ndi ung pny laro lng
 
pa hack mo dota2 mo ... sigurado akong hihinto ko at mawawalan ng ganang mag laro .. :D ganyan minsan pag nahahack tayo tsaka pa tayo titigil
 
okay lang yan bro. enjoyin mo lang

para pagdating ng araw ay pagsisisihan mo

intayin mo nalang na singilin ka


yan tayo eh

alam mo naman na walang patutunguhan yang ginagawa mo pero sige ka parin

edi gawin mo ng gawin para magdusa ka balang araw


-reverse psychology
 
Dinanas ko rin yan di magtatagal sasawaan ka rin dyan. Yung pinsan ko ganyang ganyan din talagang araw araw puro dota pero nung tinutok nya sa pagaaral yung atensyon nya nawala yung pagkaadik nya sa dota. Kung gugustuhin mo naman maiiwasan mo e. Ako naging adik din ako dyan na halos gabi na ko nakakauwi dahil sa laro na yan pero sinawaan din ako nagpaka busy ako sa trabaho, pakikisalamuha sa mga pinsan at girlfriend ko ayun nawala na ng tuluyan hilig ko. Hehe
 
Back
Top Bottom