Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Nagmahal, Umasa, Tsumamba

Share ko lang ginawa kong tula para sa aking sinisinta.


Noong unang pagkakataon na ika'y makita
Hindi na maalis sa isip ko ang iyong mukha
Parang nakakita ng anghel sa iyong ganda
Nasabi sa sarili ikaw na nga ang aking prinsesa

Dumaan ang panahon na puro lamang nakaw tingin
Hindi ko naman kasi alam kung ako'y iyong papansinin
Pero larawan mo laman lagi ng aking paningin
Makuha ang iyong puso 'yan ang aking dalangin


Biglang isang araw nabigyan ng pagkakataon
Pinaaral sa akin ang isang kanta noon
Puso'y napatalon at nasabi'y "pagdating ng panahon"
Mukhang ito na nga yata ang aking pagkakataon

Nang dahil sa isang kanta puso'y napakasaya
Lagi kang nakakausap at ako'y puno ng tuwa
Unti-unti pang mas lalo kang nakilala
At mas lalo pang nahulog ako sa'yo sinta

Dumating ang panahon na ika mo'y ika'y nahuhulog na
Wag mag-alala at sasaluhin naman kita
Bawat panahon bibigyan ka ng masasayang ala-ala
Hindi hahayaan na ikaw ay pakawalan pa

Dito na magtatapos itong liham
Nilalaman ng aking puso't isipan
Minamahal kita magpakailan man
Hayaan na ang mga salita'y mauwi sa kasalan
 
inlove si TS :salute:

looking forward sa ibang gawa mo :praise:
 
Back
Top Bottom