Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Nanay, Tatay

Nanay, tatay, gusto ko ng tinapay...
Hingi kay nanay, hingi kay tatay
Ganyan sana kasimple ang aking buhay
Kung hindi lamang sa pagiging bata ay naumay
Ngayon tuloy, ako na si tatay, ikaw na si nanay

Ate, Kuya, gusto ko ng kape...
Sana parang kape na sa diwa ko'y gumising
Sarili'y hindi hinayaan sa kapusukan ay mahumaling
Ngayon, may responsibilidad ng papasanin
Pagiging magulang nakaatang na sa akin

Lahat ng gusto ko ay susundin nyo...
Hindi ko nalang sana ipinilit ang aking gusto
Sitwasyon ko sana'y hindi ganito
Maagang namulat sa pagbabanat ng buto
Upang buhayin ang pamilya ko

Ang magkamali ay pipingutin ko...
Sana nga pingot nalang ang kabayaraan
Kabayaran para sa aking nagawang kamalian
Ngayon sana'y hawak ko ay laruan
At hindi bata na aking pinapatahan

Kung hindi lamang sana ako nagmadali
Maaaring ako ay nakaiwas sa pagkakamali
Tagu-taguan nalang sana ang nilaro
At hindi ang aking musmos na puso
 
ang lawak ng isip mo lodi.. akalain mong may ibang anyo pa pala ang pambatang larong yan. ang galing ng pagkaka-apply mo.. korek, dapat makontento tayo.. hindi dapat lahat ng gusto ay masunod dahil hindi lahat ay pwedeng umayon sa kagustuhan mo .. :salute: :clap:
 
ang lawak ng isip mo lodi.. akalain mong may ibang anyo pa pala ang pambatang larong yan. ang galing ng pagkaka-apply mo.. korek, dapat makontento tayo.. hindi dapat lahat ng gusto ay masunod dahil hindi lahat ay pwedeng umayon sa kagustuhan mo .. :salute: :clap:

naging project lang namin sa school yang tula.. naisipan ko na rin ishare dito XD
 
Back
Top Bottom