Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Nasaan na nga ba tayo ngayon?

Nasaan na nga ba tayo ngayon?

Nasaan na nga ba tayo ngayon?
Nagsimula sa isang matamis na ngiti ang lahat, hanggang sa nauwi ito sa isang samahang di inaasahan ng lahat.

Nasaan na nga ba tayo ngayon?
Isa, dalawa, tatlo, pagkakaibigan natin pinatibay pa ng panahon.
Isa, dalawa, tatlo, mga taon na akala ko ay di na iibahin pa ng panahon..

Nasaan na nga ba tayo ngayon?
Pangako hanggang sa dulo, tayo ay di magkakalayo.
mga katagang kaysarap damhin, bagay na akala ko ay di magbabago.

Nasaan na nga ba tayo ngayon?
Ihip ng hangin ay nag-iba, mga ngiti sa labi ng bawat isa'y nag-iiba, pangako ay unti-unti ng di natutupad..

Nasaan na nga ba tayo ngayon?
Isa, dalawa, tatlo, ang dating hakbang ng bawat isa ay palapit para magkasamang muli ay nag-iba.
Isa, dalawa, tatlo, bawat hakbang ng taon na lumilipas ay siya din ang iyong paglayo..

Nasaan na nga ba tayo ngayon?
ito ang paulit-ulit kong tanong, na siya din iyong binibigkas sa akin pabalik..

Hanggang dito na lang ba tayo?.
ito ang huling salita na parehong iniisip ng bawat isa.
natatakot marinig ang sagot, pagkat di sila iisa.

Paalam.
Luha sa mga mata pilit pinipigilan, sakit ay nilalabanan.
at ang tanging hiling sana ay magwakas na.

Nasaan ka na nga ba ngayon?
 
naku, naku nasaan na nga ba yan, tito?

galing pa rin ng pagkakasulat mo
wala ka pa ring kupas, saludo pa rin ako sa'yo
 
Back
Top Bottom