Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel [Novel] Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

para po sa mga gustong masundan ang storya ni Victor,
Isang Araw Lang Naging Kami > ito ang mga naunang nangyari..

the sequel..
:rain: Everyday in the Rain :rain:


Chapter 1 : Si Victor at ang Di Kilalang Babae :cry:
Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.

Chapter 2 : Alaala :cloud9:
"Eh paano kasi, kanina pa ako nag-aabang at hindi ako sinasakay. Akalain mong nakasakay pa kita dito sa masikip na jeep." pagbitaw ko ng inis.

" 'Yan ang tinatawag na tadhana." ngiti nito.

Chapter 3 : Tuliro :panic:
“Sa’yo ‘to ‘di ba?” ang panyong ibinigay ko sa kanya noong mga bata pa lamang kami. Napatingin ako sa kanya.

“Ikaw nga pala ‘yun. Si Gel. Angelica pala ang buo mong pangalan. Itinago mo pa pala ‘to.” may galak na sabi ko. May ibang pakiramdam sa puso ko ang tagpong ‘yon.

“Sabi ko na nga ba ikaw si Victor na nakilala ko noon.” nakangiting sagot niya. Kumikinang ang mga mata niya, puno saya at ligaya.

Chapter 4 : Panganib :what:
"Umiiscore ka."

"Hindi ka galit?"

"Ngayon lang yan. Niligtas mo ko eh. Pero pag inulit mo pa, matitikman ng nguso mo 'tong kamao ko."

Chapter 5 : Sa Bahay :boogie:
Parang may mga glitter sa hangin habang tinitignan ko siya. Tulala ako, ngayon wala akong pakialam kung alam niya na nakatitig ako sa kanya. Parang slowmotion ang pangyayari. Unti-unting lumalabo ang background at para akong liliparin ng hangin. Hindi ako adik, hindi rin ako uminom ng energy drink at nagfeeling macho, ito siguro ang epekto kapag sininghot mo ang medyas mo. "You look great." sabi ko in English habang palapit sa kanya.

Chapter 6 : Bakit? :hilo:
"Angel, Gel, mine, babes, sugar, sweetheart, Angelica, ang ganda ganda mo. Hindi lang dahil madilim, hindi lang dahil inaantok ako, maganda ka, yun ang sabi ng puso ko. Alam ko marami ng nakapagsabi sa'yo nito, pero iyon ang totoo. Napakabait mo, hindi ka mahirap mahalin."- Victor

Chapter 7 : Ang Pagtatapat :giverose:
Bumangon siya at tinapat sa mukha ko ang mukha niya. Bumagsak sa akin ang buhok niya na kumikiliti sa laman loob ko. “Yung Fall of Adam, alam mo?” sabi niya. “Hu u?” sabi ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at dinampian ko sya sa labi. Mabagal pero hindi siya umiiwas kaya binukasan ko ang labi ko para sa mas intimate na halik. Napapikit ako at dinama ang labi niya na dumidikit sa akin. Ilang minuto rin ang lumipas nang matauhan siya. Inayos ko ang buhok niya, akala niya hahalik uli ako nang ilapit ang labi ko sa tainga niya, “Pwede ba kitang maging girlfriend?” diretsong tanong, walang paligoy ligoy, paligaw ligaw at palugaw lugaw.

Chapter 8 : Ken and Joyce :punish:
“Alam mo ba kung saan ako masaya?
Sa bawat ngiti at tawa sa iyong mukha,
Kung binibilang mo lang ang iyong mga piso,
Pwede ba kitang mayaya sa araw ng mga puso?”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung kailan ang pinakamasayang araw ko?
Yun ay noong araw sa Jolibee na tinulak mo ako,
Ngunit ngayon ito ay mag-iiba,
Sa araw na ito, nararamdaman ko na.”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung sino ang pinakamamahal ko?
Kilala mo siya at kapangalan mo,
Anghel siya sa lupa na itinadhana sa akin,
Nakangiti siya at titingin sa akin.
Sa harap niya ako’y may dalang bulaklak,
Sa likod ko si Kupido ay tumutulak,
Siya ang aking dugo, na bumubuhay sa aking puso,
Angelica ang kanyang pangalan, at siya ang date ko.”
-Mr.Suplado​
-Victor

Chapter 9 : Pagtataka at Luha:weep:
"Alam mo, ikaw lang ang mahal ko. Saka, bago pa lang kami magkakilala kasi nagtanong ako kung saan kita matatagpuan. Akala ko, pakikiramdaman ko lang ang puso ko malalaman ko. Pero hindi naman masama ang magtanong kaya kinausap ko siya."

"Baka naman sa kanya ka dinala ng nararamdaman mo?"

"Hindi rin. Kasi wala namang sinabi ang puso ko na siya na. Mabuti pa ngayon, pakinggan mo, binubulong ang pangalan mo."
-Victor

Chapter 10 : Rejected :kainis:
"Bukambibig mo talaga si Angel." malungkot niyang sabi. "Para kang kabayo. Nakatakip ang mata sa gilid kapag sinasakyan ng hinete, yan tuloy hindi mo nakikita ang nasa tabi-tabi kung hindi ka susunod sa hinete mo." -Joyce.

Chapter 11 : Misteryosong Gabi
"Mahal ka rin ni Angel, kaya lang hawak siya ni Sir Ken. Hindi ko alam kung ano ang gayuma o pangblockmail na gamit niya pero kapag ginusto niya nakukuha niya. Kakalabanin mo ba siya o ibabaling mo sa iba ang pag-ibig mo kay Angel?"
-Joyce

Chapter 12 : Parating na ang Ulan
"Alam mo bang masigla siya dahil sa'yo, masaya siya dahil sa'yo. Tadhana na ang bahala sa inyo. Balik ka 'pag naramdaman mong narito na siya. Alam ko malakas ang pakiramdam ng in-love." biglang sabi niya.

"Opo. Salamat sa payo. Babalik ako. Hindi ko siya hahayaang maging malungkot." ito lang ang masasabi ko dahil sa sobrang saya ng pakiramdam ko.
-Princess

Chapter 13 : Malakas na Ulan
"Sure because I like her better than my exes. I better say I love her."
- Ken

Chapter 14 : Payong

Hindi porque umuulan ay mananatili ka na sa bahay at matutulog o magkukulong sa kwarto at magpapainit ng sarili. May problema man, lumabas ka pa rin, huwag kang magbabago at ienjoy ang buhay. Isayaw mo lang ang ulan, ngitian mo ang bawat problema. Ang problema ay kasama ng buhay, parang ulan, kasama rin ito ng mundo. Kung wala ang ulan, paano na makakaroon ng cycle ang tubig? Kung walang problema, hindi tayo mamumulat kung paano maging masaya dahil hindi rin natin alam ang pakiramdam ng malungkot. Kung pangit ka, ngumiti ka, pangit ka pa rin. May payong na proprotektahan ka sa ulan, at may Diyos na laging pumoprotekta sa'yo.

Chapter 15 : Bahagharing May Lamt

"Hindi pwede ang naisip mo Victor."

"Bigyan mo ako ng address. Ako na lang ang pupunta."

"Makulit ka talaga?"

"Ako pa?"

"Samahan na kita. Sandali." sabi ni Angelica ng pasinghap.

Chapter 16 : Joyce's Chapter

"`Tay alam mo si Victor `di ba? `Yung kinukwento ko sa`yo na masarap magmahal, `yung kinokompara ko sa inyo." humila siya ng upuan at hinawakan ang kamay ng ama. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. May feeling ako na flattered dahil sa mga sinasabi niya. "Mukhang masaya na siya kasi parang wala ng sagabal sa relasyon nila ngayon."

Chapter 17 : Under The Rain

Ang kaninang kasalanan na inaako ko ay parang napawi sa effort na ginawa ni Angelica para sa akin pero ano'ng ginawa ko? Nagpalate pa ako? Kailan ba ako magiging matured? Kailan ba ako magkakaroon ng silbi sa taong mahal ko? Kailan ko siya mapoprotektahan?

Chapter 18 : Pot of Gold


comment kayo..:thumbsup:
kwentuhan tayo..:whisper:
:thanks:


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) 1

Chapter 1

Si Victor at Ang Di Kilalang Babae.


Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.

Nag-angat ako ng ulo at nagpakita ng malungkot na mukha, mga matang lumuluha at tumutulong sipon. "Sino ka ba?" hagulgol na boses ang lumabas mula sa akin.

Tumayo ako at lumakad palayo. Napakabagal. Dinadama ang ulan na pumapatak sa aking katawan. Iniwan ang di kilalang babae, tinanggihan ang alok na silong mula sa lungkot aking nararamdaman.

Hawak ang gitara na basa sa ulan. Tumingala ako sa kalangitan, hindi ako makatitig sa itaas dahil sa bumabagsak na patak ng ulan sa mga mata.

"Suplado!" sigaw ng babae at tumalikod din ito pauwi.

Hindi ko manlang nilingon kung kanino galing ang boses. Lungkot at lumbay ang aking nadarama, wala ako sa mood makipag-usap sa taong walang magawa sa buhay.

Bumili ako ng alak. Lagok ng lagok na parang tubig kung lunukin. Nakapagtatakang hindi ako pinaalahanan ng tindera na ang tanging inisip ay ang bayad ng kawawang mama.

Tinangay ako ng paa sa Waiting Shed kung saan nakapwesto si manong magfifishball. Bumalik sa aking ala-ala ang tagpo, "Tama na...Nagkamali ka Victor...Natuwa ako sa harana mo eh..." Muling tumulo ang luha na sumabay sa agos ng tubig mula sa basa kong buhok. "Aaaaaaaaahhrrhh!!!" isang sigaw at sinuntok ko ang pader ng paulit-ulit. Pumatak ang dugo galing sa aking kamao, lumuhod ako at isang suntok sa lupa ang huli kong nagawa dahil sobrang sakit na ng aking kamay at dahil na din may umawat mula sa aking likuran.

Lingid sa aking kaalaman ay lihim parin akong sinusundan ng babae at dali-dali itong tumakbo para pigilan ako ng makita ang ginagawang pananakit ko sa sarili. Marahil ay hindi ko siya kilala pero malaki ang pag-aalala nito sa akin. Hindi lang siya isang babaeng walang magawa sa buhay. Isa siyang anghel na bumaba sa lupa upang gabayan ang lumbay na si Victor.

"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako..." pagpalag ko sa pagkakayakap ng isang kaibigan sa aking kahinaan.

"Ano ba'ng ginagawa mo! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" alalang alala ang boses ng babae. Boses na pamilyar, boses ng di ko pa kilalang babae.

Hinarap ko siya, yumakap ako dito at parang batang nagsusumbong, "Niloko nya ako! Minahal ko sya pero bakit ganon? Di nya inisip ang mararamdaman ko!" pagkatapos nito ay inakay ako ng babae papasok sa isang malapit na bahay. Isang tahanan na maglililim sa malungkot at nilalamig na katawan ng ginoo na nagbasa sa ulan.

Ginamot ng babae ang mga sugat ko habang ang kalahati ng diwa ko ay tulog pero ramdam ko ang alaga ng dalaga.

>

Nagising ako sa mga tilaok ng manok at tahol ng mga aso. "Aray. Anong nangyari sa kamay ko? Ahh. Ang sakit pa ng ulo ko. Teka, nasaan ako?" maya-maya ay nagbalik sa ala-ala ko ang ginawa kagabi. Nagulat at natuwa ako sa nakita, nakakumot, nakabenda ang kamay, at nakahiga sa sofa. Alas-singko pa lamang ito ng umaga.

Nakahanap ako ng papel at bolpen, dito ko na lamang isinulat ang aking pasasalamat. Iniwan ko sa mesa at lumabas ng bahay.

>>>

Mukhang nakita akong lumabas ng babae, nagbalabal ito ng tuwalya at hinabol ako. "Sandali!" sigaw nito dahilan upang mapalingon ako.

Paglapit ng babae ay napatawa na lamang ako. Halakhak ng halakhak dahil sa bakas ng laway na nangingilid sa pisngi niya. "Ano ba'ng nakakatawa?"

"May dumi ka sa mukha." tuwang tuwa padin pero inabot ng aking kamay ang pisngi niya at pinunasan ito.

Bahagyang nagulat sa napakaamong kong mukha pero agad ding nakabawi ang dalaga. Natulak niya ako at siya na lang ang nagpunas ng sarili. Ngayon lang nya ako nakitang nakangiti.

"Ano'ng pangalan mo?" wika ko habang nakangiti sa dalaga.

"Ako? Angelica." bahagya pang namula at nahiya ito.

"Angelica, bagay sa'yo pangalan mo. Salamat sa alaga."

"Hoy! Ayusin mo ang buhay mo ha! Buti na lang ako nakakita sa'yo. Eh kung di kita inawat dyan baka ano nangyari sa kamay mo! Tapos baka sa daan ka pa nakatulog!" sermon nito, ngunit sa mga alaala niya noong gabi ay naantig ang kanyang puso. "Kawawa ka kasi eh." mahinang sabi nito.

Niyakap ko siya at hindi na nagsalita at nag-umpisa akoong maglakad palayo.

Di pa gaanong malayo nang sumigaw uli ang babae, "Teka! Di ka pa nagpapakilala!" pasigaw ni Angelica na hindi na humabol.

"Victor!" tipid na sagot ko na hindi na lumingon at kumaway nalang habang palayo.

"Victor suplado!" pahabol ni Angelica bago bumalik ng bahay.

>

Umuwi ako at dinatnan si mama na nagluluto. "Anak, bakit di ka umuwi kagabi? Bakit maga yang mata mo? Bakit basa yang damit mo? Baka sipunin ka nyan. Kumain ka na ba?" paulan na tanong ni mama.

"Ma, isa-isa lang." kumuha ako ng kanin at nag-umpisa ng kumain.

"Saan ka natulog kagabi?"

"..." di ako makasagot. Sasabihin ko ba na sa bahay ng isang babae ako natulog? "Pass." ito nlang nasagot ko.

"Anong pass? Di ba usapan natin walang secret?"

"Ma, ibang tanong na lang."

"Sino'ng kasama mo kagabi?" halos mabuga ko ang laman sa bibig ng masamid sa tanong ni mama.

"Ma naman, wala akong kasama." bigla kong naalala, wala kayang nangyari samin ni Angelica? "Wala naman siguro." pabulong na sabi ko.

"Ha?"

"Wala akong kasama, ano ba kayo?" ngiting wika ko. "Ganyan kayo, pinag-iisipan nyo ko ng di maganda." patampong drama ko.

"O siya siya. Bakit hindi ka umuwi?"

"Nagkaproblema lang ma. Wala na kasi kami ni Gladys." malungkot na wika ko.

"Bakit? Naging kayo ba?" takang tanong ni Vilma.

"Hindi niyo pala alam. Pero tanda ko sinabi ko sa inyo."

"Sinabi mo nga." pagbibiro ni mama.

"Ang gulo niyo Ma." tawanan kami nang bigla kong naalala ang gitara ko. Naiwan ko yata sa bahay ni Angelica. Tumayo ako at akmang aalis.

"Saan ka nanaman pupunta?"

"Kukunin ko lang yung gitara ko."

"Ingat ka." Natigilan ako. Ramdam ko na nag-alala sa akin ang magulang ko. "Opo." sagot ko.

>>

Nakita ni Angelica ang papel na sinulatan ni Victor. "Bakit niya sinulatan ang research work ko! Hay kainis naman." binasa niya ang nakasulat.

Mayroon kang mabuting kalooban,
Sana magkakilala tayo ng lubusan,
Mga loob ay magkapalagayan,
Upang tayo'y maging magkaibigan.

Ika'y nariyan sa oras ng kagipitan,
Ako'y iyong pinatuloy sa iyong tahanan,
Walang alinlangang ako'y tinulungan,
Balang araw, ikaw din ay aking mapasalamatan.

"Galing." sabi ni Angelica. Tinupi niya ang sulat at ibinulsa nakita niya ang gitara sa tabi ng pintuan. Naiwan ito ni Victor. Napangiti siya. "Magkikita pa tayo."

itutuloy..:f1:
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) 1

revision muna..:lolcard:
nasira momentum ko..:D
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) 1

wow.. Galing more pa! Update na po haha..
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) 1

ganda ng story .. :thumbsup:

asan na po kasunod TS ? :D
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) 1

wow..galingka ding magsulat ngkwento tol..

ayus ah..ipagpatuloy mo!
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) 1

@stupefy,
:thanks: for reading..:D

@czarinah,
:hi: wait nalang for new updates..subaybay lang :thumbsup:

@sam,
di naman magaling, sakto lang..:lol: :thanks:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) 2

Chapter 2:

Alaala

"Ngayon kaya siya babalik?" sabi ni Angelica sa sarili, marahil nainip na kakahintay sa akin. "Baka bukas na. May trabaho pa ako." aniya. Lumabas na ito at nagtungo na sa trabaho. "Di pa rin siya nagbabago."

>

Nagmamadali akong bumalik sa bahay ni Angelica. Kabilang baranggay lang naman sila nakatira. Walking distance kahit medyo malayo o kaya pwede rin sumakay ng tricycle. Martes, at alam kong may klase ako, hapon pa naman ang schedule ko kaya pinuntahan ko ang bahay niya.

Pagdating ko, nakaabang ang isang pitbul na aso sa tapat ng pintuan. "Wala naman ito kanina ah." sabi ko na lang. Buti at nakatali ang aso ngunit kahit nakatali ito kinabahan padin ako baka biglang makawala. "Bukas ko na lang babalikan." sabay karipas ng takbo.

Pag-uwi ko galing school, nag-aabang ako ng jeep na masasakyan pauwi. Pinara ko yung jeep pero hindi ako tinigilan kahit na maluwag siya at hindi naman ito puno. Nagpalinga-linga ako sa paligid, wala namang mamang nakablue na nanghuhuli, wala ding 'no parking' o 'no loading' sign. Nagkibit-balikat na lang ako at naghintay ng susunod na jeep. Sa pangalawang pagkakataon, hindi uli ako isinakay. "May problema ba ang mga driver ngayon!" inis ko ng sabi, lalo akong nainis dahil isinakay niya yung mga babae di kalayuan sa pwesto ko.

"Bwisit. Kung pwede lang haharang ako sa daan para tumigil eh!" sabi ng kanang bahagi ng utak ko, napakamot ako ng ulo, "paano kung hindi pa rin tumigil?" sabi ng kaliwang bahagi ng utak ko. Napatulala tuloy ako, at may dumaan nanamang jeep.

Nainip na ako, at gusto ko na talagang makasakay. Ang pang-apat na jeep ang nasakyan ko, puno na ito pero isinakay padin ako. Kalahati na nga lang ng pwet ko ang nakaupo, umusog ang katabi ko at inipit ang mga hita para bigyan ako ng espasyo sa pagkakaupo. "Thank you." pasalamat ko. Nagulat ako dahil babae ito at pagtingin ko sa mukha, si Angelica.

"Oh ikaw pala." ani Angelica.

"Angelica?"

"Oo bakit? Parang gulat na gulat ka dyan?"

"Eh paano kasi, kanina pa ako nag-aabang at hindi ako sinasakay. Akalain mong nakasakay pa kita dito sa masikip na jeep." pagbitaw ko ng inis.

" 'Yan ang tinatawag na tadhana." ngiti nito.

Hindi ko maintindihan pero parang bigla siyang naging pamilyar sa akin. Ang hugis ng mukha niya, ang mga mata, ang labi. Iba ang dating sa akin ng init ng kanyang katawan, ang pagdampi ng balat nya sa balahibo ko, biglang lumakas ang kalabog at biglang naglikot ang tigre sa dibdib ko.

"May dumi ba sa mukha ko?" dinig kong sabi ni Angelica na naging dahilan upang mapakurap ako at umiwas sa pagkakatitig sa kanyang mukha.

"Teka." sambit ko. "Ang nunal sa ilalim ng kanyang mata." bulong ng isip ko. Napatingin uli ako at biglang nagpreno si manong driver. Napahawak tuloy ako sa hita niya, nakamini skirt pa naman siya malamang uniform sa trabaho nya, at muntik ng sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "Aaaaayy!" sigaw niya dahil sa preno hindi dahil sa aksidenteng nagawa ko.

Agad naman akong nakarecover, naiiwas ko din agad ang mukha ko sa harap ng kanyang dibdib, "Sorry. Wala ka namang dumi." sabi ko.

"Victor..."

"Bakit?"

"Nakahawak ka pa sa hita ko."

"Waah. Sorry. Sorry. Wala akong... Hindi ko sinasadya... Aksidente... Lang." agad ko din tinanggal ang pagkakahawak ko at hingi ko ng tawad sa kanya, pero iba na ang tingin ng mga kapwa ko pasahero sa akin.

"Malapit na ako." aniya na parang walang nangyari.

"Ah. Eh. Teka, sabay na tayo bumaba." ramdam ko na iba nanaman ang tingin sa amin ng mga pasahero. Gusto kong sabihin na, "ang dumi ng isip nyo" pero ayaw lumabas ng boses ko.

"Sige. Para po!" sigaw ni Angelica.

Nauna na akong bumaba at inabot ko ang kanyang kamay at inalalayan sa pagbaba. "Salamat." nakangiting wika ni Angelica.

"Tadhana nga kaya ang nangyari?" tanong ko sa sarili, pero biglang napasingit sa imahinasyon ko ang pagkahawak ko sa hita at kamay niya. Napangiti ako at,

"Huy! Ano'ng iniisip mo dyan at nakangiti ka?" tanong ni Angelica.

"Wala. Pakialam mo ba." sagot ko.

Tumakbo ito palapit sa bahay sabay sigaw ng, "Suplado!"

Biglang nagpaulit-ulit sa ulo ko ang tunog na parang echo sa isang kwarto. "Suplado..lado..do..do.."

Noong 4 na taong gulang ako, lagi akong isinasama ni Mama sa Jabee kasama ni Tatay. Naglalaro ako noon sa playground ng Jabee, yung may slide, pool na bola ang laman, doon sa manibela. "Bata padaan." sabi ng isang batang babae dahil nakaharang ako sa slide.

"Ayoko nga." sabi ko.

Tumakbo ang babae at lumipat ng laruan sabay sigaw ng "Suplado!"

"Victor, padaanin mo ang ibang naglalaro." sabi ni Tatay.

"Pero tay, akin 'to. Akin ang slide." sagot ko.

"Anak, masaya ka ba na wala kang kasama dyan? Makipaglaro ka sa iba para magkaroon ka ng bagong kaibigan. Mas masaya 'pag may kaibigan kang napapasaya mo din." sabi ni Tatay.

Tumayo ako at nilapitan yung batang babae. Nakipaglaro ako sa kanya, "Tara sabay tayo magslide." aya ko.

"Sige, unahan tayo makakuha ng bola. Redi, set, go!" aniya.

Masaya nga kapag may kaibigan. Tama si tatay.

Nauna siya sakin makakuha ng bola kasi tinulak niya ako, sabi ni tatay bad daw magalit sa kapwa kaya di ako nagalit. "Nauna ako sa'yo. Belat!"

Kumuha ako ng bola at ibinato sa kanya. Natahimik siya. Iiyak yata. Linapitan ko siya, "Bata, sorry kung nasaktan kita." seryoso kong sabi sa kanya.

Tumawa siya at itinulak uli ako, natumba ako kaya tawa kami ng tawa. Humiga siya sa tabi ko. "Umuulan nanaman. Malungkot pag umuulan 'di ba." sabi niya.

"Pero dapat masaya tayo lagi kahit umuulan. 'Yan ang sabi ni mama." wika ko. Napansin ko ang nunal sa ilalim ng kanyang kanang mata. "Ano 'yan?" turo ko.

"Mata. Hindi mo ba alam 'yon?"

"Hindi 'yon. 'Yung nasa ilalim ng mata mo. 'Yung tuldok."

"Ha? Hindi ko makita eh." pilit tinitignan ang nasa ilalim ng mata.

"Gel! Uwi na tayo." tawag ng ate ng bata.

"Opo." at tatakbo na sana siya palabas.

"Sandali. Victor pangalan ko. Sa'yo na 'to. Sana magkita pa tayo uli." sabi ko sa kanya at binigay ang panyo ko sa kanya.

"Sige. Itatago ko ito. Babay!" masiglang sabi niya at kumakaway pa palayo. Masaya at masigla kahit umuulan sa labas.

Pagkatapos nito ay di ko na siya nakita pang muli.

"Tara! Yung gitara mo nasa bahay!" sigaw ni Angelica na nagpabalik sakin galing sa nakaraan.

"Siya kaya yun?" tanong ko sa sarili.

"Ang bagal mo. Bilisan mo nga."

"Nandyan na."

"Tara."

"Nasaan yung pitbul dito?" tanong ko.

"Ano'ng pitbul? Wala naman kaming aso eh." sabi ni Angelica.

"Dumaan kasi ako kanina dito. Babalikan ko nga sana yung gitara ko."

"Ah. Baka yung sa kapitbahay."

Lumabas uli ako at sinilip ang kapitbahay nila. Nandoon nga. Kulang pa pala ng isang bahay ang tinignan ko kanina. Tumahol ang aso na ikinagulat ko, pasimple nalang akong naglakad na kunyari walang nangyari.

itutuloy..
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

astig ng kwento.
More updates to come :thumbsup:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

Nice! :)) more pa po hehe..
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

wala pa po ba kaatuloy.. ayos yung istorya eh..

:thumbsup: :rock:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

Pre hinihintay ko ung next Chapter,,,
ang ganda eh..
parang ganito din nangyari sakin..
pero walang 3rd party.. haha
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

wala pa po ba kaatuloy.. ayos yung istorya eh..

:thumbsup: :rock:
:thanks: :rock:
gawan ko na..di kasi ako makapagpuyat eh..:lol:
Pre hinihintay ko ung next Chapter,,,
ang ganda eh..
parang ganito din nangyari sakin..
pero walang 3rd party.. haha
:thumbsup: thanks..abang lang sir..:excited:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

wala pa din po bang kasunod. .? Exciting po yung kwento. .nabasa ko na din yung ghost story mo. . Halos 5hours kong binasa pero sulit naman parang pelikula. .papm naman po ts kapag may kasunod na. .:thanks: po. .
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

wala pa din po bang kasunod. .? Exciting po yung kwento. .nabasa ko na din yung ghost story mo. . Halos 5hours kong binasa pero sulit naman parang pelikula. .papm naman po ts kapag may kasunod na. .:thanks: po. .

wala pa eh..:yipee:

gusto ko mang gawin pero busy na at wala pang idea sa isip ko..:upset: thanks for waiting..:thanks:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

Tagal naman nung next chapter! hahaha :))
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

Tagal naman nung next chapter! hahaha :))

:slap:
ndi ko maituloy kasi....:think:
wala pa sa pagsulat ang focus ko..:lol:

sorry for the inconvinience sir..:panic:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

maghihintay talaga ako. hehe.. sarap basahin kwento mo..

huwag ka po magisip ng negative para makapagconcentrate.. payo lang..

balang araw, gagawa din ako nyan dito.. :rock:

wait kami.. :thumbsup:
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 2: Alaala

maghihintay talaga ako. hehe.. sarap basahin kwento mo..

huwag ka po magisip ng negative para makapagconcentrate.. payo lang..

balang araw, gagawa din ako nyan dito.. :rock:

wait kami.. :thumbsup:

:thanks: sa payo bro..puro negative sign talaga dumadaan sa isip ko ngayon..as in puro dash (-) haha.

:thanks: din sa pagdaan sir..buti appriciated padin kahit bitin..:lol:
 
Back
Top Bottom