Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel [Novel] Everyday in the Rain Chapter 18: Pot of Gold (END)

para po sa mga gustong masundan ang storya ni Victor,
Isang Araw Lang Naging Kami > ito ang mga naunang nangyari..

the sequel..
:rain: Everyday in the Rain :rain:


Chapter 1 : Si Victor at ang Di Kilalang Babae :cry:
Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.

Chapter 2 : Alaala :cloud9:
"Eh paano kasi, kanina pa ako nag-aabang at hindi ako sinasakay. Akalain mong nakasakay pa kita dito sa masikip na jeep." pagbitaw ko ng inis.

" 'Yan ang tinatawag na tadhana." ngiti nito.

Chapter 3 : Tuliro :panic:
“Sa’yo ‘to ‘di ba?” ang panyong ibinigay ko sa kanya noong mga bata pa lamang kami. Napatingin ako sa kanya.

“Ikaw nga pala ‘yun. Si Gel. Angelica pala ang buo mong pangalan. Itinago mo pa pala ‘to.” may galak na sabi ko. May ibang pakiramdam sa puso ko ang tagpong ‘yon.

“Sabi ko na nga ba ikaw si Victor na nakilala ko noon.” nakangiting sagot niya. Kumikinang ang mga mata niya, puno saya at ligaya.

Chapter 4 : Panganib :what:
"Umiiscore ka."

"Hindi ka galit?"

"Ngayon lang yan. Niligtas mo ko eh. Pero pag inulit mo pa, matitikman ng nguso mo 'tong kamao ko."

Chapter 5 : Sa Bahay :boogie:
Parang may mga glitter sa hangin habang tinitignan ko siya. Tulala ako, ngayon wala akong pakialam kung alam niya na nakatitig ako sa kanya. Parang slowmotion ang pangyayari. Unti-unting lumalabo ang background at para akong liliparin ng hangin. Hindi ako adik, hindi rin ako uminom ng energy drink at nagfeeling macho, ito siguro ang epekto kapag sininghot mo ang medyas mo. "You look great." sabi ko in English habang palapit sa kanya.

Chapter 6 : Bakit? :hilo:
"Angel, Gel, mine, babes, sugar, sweetheart, Angelica, ang ganda ganda mo. Hindi lang dahil madilim, hindi lang dahil inaantok ako, maganda ka, yun ang sabi ng puso ko. Alam ko marami ng nakapagsabi sa'yo nito, pero iyon ang totoo. Napakabait mo, hindi ka mahirap mahalin."- Victor

Chapter 7 : Ang Pagtatapat :giverose:
Bumangon siya at tinapat sa mukha ko ang mukha niya. Bumagsak sa akin ang buhok niya na kumikiliti sa laman loob ko. “Yung Fall of Adam, alam mo?” sabi niya. “Hu u?” sabi ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at dinampian ko sya sa labi. Mabagal pero hindi siya umiiwas kaya binukasan ko ang labi ko para sa mas intimate na halik. Napapikit ako at dinama ang labi niya na dumidikit sa akin. Ilang minuto rin ang lumipas nang matauhan siya. Inayos ko ang buhok niya, akala niya hahalik uli ako nang ilapit ang labi ko sa tainga niya, “Pwede ba kitang maging girlfriend?” diretsong tanong, walang paligoy ligoy, paligaw ligaw at palugaw lugaw.

Chapter 8 : Ken and Joyce :punish:
“Alam mo ba kung saan ako masaya?
Sa bawat ngiti at tawa sa iyong mukha,
Kung binibilang mo lang ang iyong mga piso,
Pwede ba kitang mayaya sa araw ng mga puso?”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung kailan ang pinakamasayang araw ko?
Yun ay noong araw sa Jolibee na tinulak mo ako,
Ngunit ngayon ito ay mag-iiba,
Sa araw na ito, nararamdaman ko na.”
-Mr.Suplado

“Alam mo ba kung sino ang pinakamamahal ko?
Kilala mo siya at kapangalan mo,
Anghel siya sa lupa na itinadhana sa akin,
Nakangiti siya at titingin sa akin.
Sa harap niya ako’y may dalang bulaklak,
Sa likod ko si Kupido ay tumutulak,
Siya ang aking dugo, na bumubuhay sa aking puso,
Angelica ang kanyang pangalan, at siya ang date ko.”
-Mr.Suplado​
-Victor

Chapter 9 : Pagtataka at Luha:weep:
"Alam mo, ikaw lang ang mahal ko. Saka, bago pa lang kami magkakilala kasi nagtanong ako kung saan kita matatagpuan. Akala ko, pakikiramdaman ko lang ang puso ko malalaman ko. Pero hindi naman masama ang magtanong kaya kinausap ko siya."

"Baka naman sa kanya ka dinala ng nararamdaman mo?"

"Hindi rin. Kasi wala namang sinabi ang puso ko na siya na. Mabuti pa ngayon, pakinggan mo, binubulong ang pangalan mo."
-Victor

Chapter 10 : Rejected :kainis:
"Bukambibig mo talaga si Angel." malungkot niyang sabi. "Para kang kabayo. Nakatakip ang mata sa gilid kapag sinasakyan ng hinete, yan tuloy hindi mo nakikita ang nasa tabi-tabi kung hindi ka susunod sa hinete mo." -Joyce.

Chapter 11 : Misteryosong Gabi
"Mahal ka rin ni Angel, kaya lang hawak siya ni Sir Ken. Hindi ko alam kung ano ang gayuma o pangblockmail na gamit niya pero kapag ginusto niya nakukuha niya. Kakalabanin mo ba siya o ibabaling mo sa iba ang pag-ibig mo kay Angel?"
-Joyce

Chapter 12 : Parating na ang Ulan
"Alam mo bang masigla siya dahil sa'yo, masaya siya dahil sa'yo. Tadhana na ang bahala sa inyo. Balik ka 'pag naramdaman mong narito na siya. Alam ko malakas ang pakiramdam ng in-love." biglang sabi niya.

"Opo. Salamat sa payo. Babalik ako. Hindi ko siya hahayaang maging malungkot." ito lang ang masasabi ko dahil sa sobrang saya ng pakiramdam ko.
-Princess

Chapter 13 : Malakas na Ulan
"Sure because I like her better than my exes. I better say I love her."
- Ken

Chapter 14 : Payong

Hindi porque umuulan ay mananatili ka na sa bahay at matutulog o magkukulong sa kwarto at magpapainit ng sarili. May problema man, lumabas ka pa rin, huwag kang magbabago at ienjoy ang buhay. Isayaw mo lang ang ulan, ngitian mo ang bawat problema. Ang problema ay kasama ng buhay, parang ulan, kasama rin ito ng mundo. Kung wala ang ulan, paano na makakaroon ng cycle ang tubig? Kung walang problema, hindi tayo mamumulat kung paano maging masaya dahil hindi rin natin alam ang pakiramdam ng malungkot. Kung pangit ka, ngumiti ka, pangit ka pa rin. May payong na proprotektahan ka sa ulan, at may Diyos na laging pumoprotekta sa'yo.

Chapter 15 : Bahagharing May Lamt

"Hindi pwede ang naisip mo Victor."

"Bigyan mo ako ng address. Ako na lang ang pupunta."

"Makulit ka talaga?"

"Ako pa?"

"Samahan na kita. Sandali." sabi ni Angelica ng pasinghap.

Chapter 16 : Joyce's Chapter

"`Tay alam mo si Victor `di ba? `Yung kinukwento ko sa`yo na masarap magmahal, `yung kinokompara ko sa inyo." humila siya ng upuan at hinawakan ang kamay ng ama. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. May feeling ako na flattered dahil sa mga sinasabi niya. "Mukhang masaya na siya kasi parang wala ng sagabal sa relasyon nila ngayon."

Chapter 17 : Under The Rain

Ang kaninang kasalanan na inaako ko ay parang napawi sa effort na ginawa ni Angelica para sa akin pero ano'ng ginawa ko? Nagpalate pa ako? Kailan ba ako magiging matured? Kailan ba ako magkakaroon ng silbi sa taong mahal ko? Kailan ko siya mapoprotektahan?

Chapter 18 : Pot of Gold


comment kayo..:thumbsup:
kwentuhan tayo..:whisper:
:thanks:


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 3: Tuliro

Everyday In The Rain
Chapter 3:
Tuliro

“Bakit mag-isa ka lang dito?”tanong ko kay Angelica.

“Dito ang trabaho ko kaya dito na ako tumira. Kapagod bumyahe eh. Paminsan-minsan dinadalaw ako ng parents ko at kapatid ko.” sagot niya.

“Ilan ba kayong magkakpatid?”

“3 kami, bakit ba ang dami mong tanong?”

“Masama ba magtanong?” as usual na sagot sa tanong na yun.

“Hindi naman.” As usual din na sagot sa sagot ko sa tanong niya.

“So, pwede pa ba magtanong?”

“Nagtanong ka na eh.” pilosopong sagot niya.

“Oo nga no? Hmm, may boyfriend ka ba?” tanong ko. Natahimik siya sa tanong ko, parang biglang nalungkot ng 3 seconds tapos ngumiti rin.

“Wala. Nagbreak din kami kamakailan lang. Kagaya mo…” sagot niya na halatang tinatago sa damit ang lungkot ng katawan.

“Happy Condolence!” sabi ko sa kanya at ngumiti.

“Bakit condolence naman?” tanong niya na para bang nagtataka na natatawa na maiiyak na ewan.

“Kasi nawalan ka ng minamahal sa buhay. Pero di magtatagal ikasasaya mo yun.” sagot ko sa kanya. Napakamot na lamang siya ng ulo, parang di pa rin niya naiintidihan ang eksplanasyon ko.

“Nga pala, nabasa ko yung tulang iniwan mo sakin. Salamat, kahit research paper ko yung sinulatan mo.”

“Ay! Sorry.” ngiti na lang ang binawi ko sa kanya simbolo na hindi ko sinasadya ito. “Buti naman nagustohan mo.”

“Parang ang dali mo lang kasing ginawa yung ganon kagandang message.” napansin ko lang na nawala na sa kanya ang usapan naming. Ang babae talaga.

“Bakit pala kayo naghiwalay ng boyfriend mo? Kung ok lang ba malaman ko? Siguro naman friends tayo.”

“ ’Wag na nating pag-usapan.” sabi ko na nga ba hindi siya ok eh. Ewan ko ba kung bakit nalulungkot ako kapag hindi siya nakangiti. Parang gusto kong pisilin ang pisngi niya kapag nakatawa, pero pag malungkot siya, nalulungkot din ako. Gusto kong pawiin ang lungkot na kanyang nadarama.

“ ’Wag ka ng malungkot. ‘Di bagay sayo.” sabi ko at hinawi ko ang kanyang buhok. Ayun! Ako pa ang nakurot sa pisngi.

“Sige. Para sa’yo ngingiti ako, Mr. Suplado.” sabi niya at ngumiti kita ang gilagid. “Eh ikaw, bakit kung ano-ano ang ginawa mo noong isang gabi?”

Ako naman ang natulala. Binalik niya sa akin ang pakiramdam ng nawalang na mahal sa buhay. Naalala ko si Gladys. “Ganyan ka, pinaalala mo pa.” tampo daw ako.

“Masama ba magtanong?” binalik niya sakin ang mga sinabi ko kanina. Napangiti tuloy ako.

“Nakipagbalikan kasi yung ex-boyfriend niya sa harap ko. Pagkatapos, sa oras ding ‘yon, naghiwalay na kami.”

“Nagtagal ba kayo?”

“Hindi. Hindi naman sukatan ang oras o haba ng taon ng relasyon niyo.”

“So, ok ka lang?”

“Mahal ko siya pero may mahal siyang iba. Kailangan kong maging masaya para sa kanya. Gusto kong umiyak pero para saan pa? Maibabalik ba siya sa'kin? Hindi ‘di ba?”

“Tama yan. Move on na.” sabi ni Angelica at hinimas ang ano ko, likod.


Muli nanamang bumalik sa aking alaala ang mga panahon noong kami’y bata pa. Ang ngiti niyang kita ang ngipin, ang paghawi ko sa kanyang buhok , ang pagkurot ko sa kanyang pisngi at paghimas ng aking likod. Parang nauulit. De ja vu? Hindi eh. Napatitig ako sa kanya habang kumakain ng jump foods, junk goods, ah basta, Piatos. Nang akmang titingin na siya ay natauhan ako. “Pahinge! Natatakam ako eh.”

“Kuha ka.” aniya at tuloy sa panonood ng Final Destination na ilang ulit na ata niyang napapanood. Bago pa mangyari ay kinukwento na niya ang mga magaganap. Tapos, pipikit naman kapag nandoon na. Aakbayan ko sana siya, “Oy. Oy.” wag na lang.

‘Di na rin ako nagtagal dahil pagabi na at baka paluin pa ako ni Mama. Nasira ang gitara ko dahil sa kadramahan ko. Ewan ko ba bakit ang pag-ibig nagagawa tayong timang, ginagawa ang hindi dapat tapos kapag namulat sa katotohanan ay matatawa nalang tayo okaya ay magsisisi dahil sa ginawa natin.

Naglalakad na ako palabas nang tawagin niya ko. “Mr. Suplado!”

“Ano ba? May pangalan ako, Victor!” sabi ko. Linapitan ko siya habang palapit rin siya sa’kin. “Ano ba ‘yun?”

“Sa’yo ‘to ‘di ba?” ang panyong ibinigay ko sa kanya noong mga bata pa lamang kami. Napatingin ako sa kanya.

“Ikaw nga pala ‘yun. Si Gel. Angelica pala ang buo mong pangalan. Itinago mo pa pala ‘to.” may galak na sabi ko. May ibang pakiramdam sa puso ko ang tagpong ‘yon.

“Sabi ko na nga ba ikaw si Victor na nakilala ko noon.” nakangiting sagot niya. Kumikinang ang mga mata niya, puno saya at ligaya.

“Eh ano kung ako nga ‘yun?” biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. Saka ko lang napagtanto, nagulat ako sa mga salitang galing sa mga labi ko. Babawiin ko sana pero isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Tumakbo siya palayo sa’kin, papasok sa kanyang bahay. Naiwan akong tulala sa pwesto ko, nakatayo at nakabilad sa araw. Bumabalik sa paningin ko ang pagtakbo niya palayo, limang beses, ang pagsampal niya sa akin, limang beses din. Bawat pagbalik sa paningin ko ay sumasakit ang sampal niya sa mukha ko, sumasakit, kumikirot at tumatagos sa kaloob-looban ng puso ko. Gusto ko man siyang katukin ay hindi ko na ginawa, nagdadalawang isip at nalilito. “Ano ba ang nagawa ko? Masama ba ang sinabi ko?” mga tanong na paulit-ulit sa isip ko, habang ako’y naglalakad pauwi. “Bakit niya ‘ko sinampal? Bakit?” parang timang na nagsasalita mag-isa, umiiling, hinahawakan ang pisngi, titngala, yuyuko at hindi tumitingin sa dinadaanan.

Sabi ko na nga ba eh, babangga ako. “Sorry ho.” sabi ko kahit hindi ko pa kilala ang nabangga ko.

“O Victor, wala ka ata sa sarili mo?” wika ng boses.

“Tay! Ba’t nandito kayo?”

“Ayaw mo ba?”

“Gusto!”

itutuloy…:D
sa wakas!! update na..:lol:
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 3: Tuliro

update pa ulit heheheh...

naadik tuloy akong tumambay dito dahil sa mga magagandang kwento na tulad nito
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 3: Tuliro

update pa ulit heheheh...

naadik tuloy akong tumambay dito dahil sa mga magagandang kwento na tulad nito

:thanks: :excited: :dance:
balik lang kayo sir..:clap:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Chapter 4:
Panganib


Sabay na kaming umuwi ni tatay nang makasalubong ko siya. Every week siya umuuwi kasi may tirahan naman para sa employees yung pinasukan niya, pero nakakamiss pa din. Para kaming magkabarkadang magkaakbay ni tatay pauwi, "Kamusta kayo nung nililigawan mo?" masakit na tanong ni tatay.

"Wala na kami eh." nakayukong sagot ko.

"Aba. Nawala lang ako ng ilang araw, naging kayo na? Tapos naghiwalay din?"

"Ang saklap nga eh tay, isang araw lang naging kami."

"Isang araw? Hahaha!" ginulo pa niya ang buhok ko.

"Ano ba'ng nakakatawa?" tanong ko kahit na alam ko na masaklap talaga na isang araw lang kami.

"Di bale. May ipapakilala ako sa'yo pag natapos ka na sa pag-aaral."

"Ba't hindi pa ngayon tay?" tanong ko.

"Hoy, magtapos ka muna, tapos magtrabaho ka. Para hindi ka sa amin humingi ng ipanliligaw mo." halakhak pa ni tatay pagkatapos.

Hindi ko naitanong bakit ngayon siya umuwi, hindi noong linggo. Kapag babae kasi ang usapan, bigla akong nagiging interesado. Bakit kasi hindi pa ngayon ipakilala eh. Matipid naman ako sa panliligaw. Saka parang sigurado siya na liligawan ko yung ipapakilala niya. Duh!

Naalala ko uli si Angelica, galit kaya siya sakin?

>

Isang araw nanaman ang lumipas na puro hikab at pagtunganga ang pangunahing ginagawa. Ginabi ako dahil nag-enjoy sa pagkukwento ng kalokohan niya ang speaker sa aming seminar. Naglalakad na ako pauwi sa amin nang mapadaan ako sa kanto papunta kina Angelica, bumili ako ng boybawang at candy para may kinakain ako habang naglalakad. Kinakabahan ako sa mga nag-iinuman dito, baka biglang may magsuka at madumihan pa ang damit ko. Hindi ko mamukhaan ang mga panget, malamang hindi sila taga-rito. Tinuloy ko ang paglalakad, eksakto namang nasulyapan ko si Angelica di kalayuan pagtalikod ko. Gusto ko siyang lapitan pero nagdalawang isip ako nang mapag-isip-isip ko kung galit ba siya sa'kin. Hindi niya ako pinansin, o baka hindi niya ako nakita dahil nagtago ako sa may puno?

Lumakas ang kabog ng puso ko nang sinundan siya ng isa sa mga lasing na parang manyak makatingin, "Pare sexy". "Pare maganda." sabi pa ng sumunod ang tatlo, iniwan nila ang inuman, hindi pa ata nagbayad. "Baka mapano siya." sabi ko sa sarili. Pasimple kong tinuloy ang paglalakad, nang maitago ako ng dilim at ng gumagalaw na trak, inakyat ko ang bakod ng malapit na bahay at sinundan ko ng daan si Angelica. Payatot lang ako, pero ayoko siyang mapahamak. Hindi ako lumalaban ng suntukan, mabuti pa kung takbuhan at taguan.

Mukhang nakahalata na rin siya na sinusundan siya. Bakas na sa mukha niya ang kaba, binilisan niya ang paglalakad. "Wag kang magmadali!" sigaw ng isang lalake. Tumakbo na sila habang mala-demonyong tumatawa. Naiiyak na si Angelica, tumakbo rin siya.

Nakashortcut ako sa mga bakod at naunahan si Angelica at ang apat na lalake. Sana lang ay hindi ako makasuhan ng trespassing at mabuti na lang, nakatali ang mga aso. Nagtahulan ang mga aso sa mga dinaanan ko. Hindi dumiretso si Angelica sa bahay nila, mabuti na lang at may presence of mind pa rin siya. Lumiko siya sa kaliwa, imbes na kanan na papunta sa kanila. Buti na lang at nakita niya ako, inakyat ko siya sa bakod eksakto lang para sa aming dalawa. Hindi ito madaling maaakyat ng isang tao lang.

Pagliko ng mga lalake sa kaliwa ay dead end na ito ngunit wala doon si Angelica. "Pare, natakasan tayo." dinig pa naming sabi ng isa. "Hindi naman agad makakaakyat yun dito, bakit nawala?" tanong naman ng isa pa. "Pare baka namalik mata lang tayo, multo 'yon pare." takot na sabi ng isa. "Utot mo. Multo ka dyan. Tara na nga." sagot nung isa. "Ang sabihin niyo, natakasan kayo." magsusuntukan pa ata ang mga loko.

Dali-dali naman kaming umalis, malabo na kaming masundan ng mga 'yon. "Tahan na. Ligtas ka na." hinaplos ko ang buhok niya habang naglalakad. "Di pa ligtas para sa'yo umuwi sa inyo. Tuloy ka muna sa'min."

"Salamat. Buti dumating ka." habang hinahaplos pa ang mga luha.

"Wala 'yon. Galit ka ba sa'kin?" alam ko hindi ito ang tamang oras para itanong pero yun ang nasabi ko eh.

"Hindi. Sorry nasampal kita noong isang araw." aniya.

"Bakit mo nga ba ako sinampal?"

"Wala." sabi niya. Halatang tinatago ang totoong dahilan.

"Pwede ba naman yon? Sasampalin mo ko tapos wala lang?"

"Hindi ganun. Basta." napangiti siya ng bahagya. Sana lagi siyang masaya.

"Eh ano nga? Para mapatawad na kita." ang kapal ko.

"Seryoso akong nag-eemote nun eh. Tapos susupladuhan mo ko."

"Pasensya na. Di kasi ako makapaniwala na magkikita pa tayo. Buti nga naaalala mo ako." namula siya. Ewan ko kung bakit. Nawala na sa isip namin ang nangyari kanina. Di ko rin akalain na maliligtas ko siya. Thanks God. "Nandito na pala tayo."

"Ito pala bahay niyo."

"Ay hindi, dun sa aso namin 'to." biro ko. Naghihintay ako ng sampal. Pero kurot sa pisngi ang natanggap ko.

"Ang suplado mo. Kakagigil ka. Salamat uli kanina." hinalikan niya ko sa pisngi, haharap sana ako kaya lang hindi niya sinabi.

"Sa kabila naman, para pantay." akala ko lumang istilo na ni bossing, pero epektib pa rin.

"Asus. Salamat." ayun naka smack sa lips na ikinabigla niya. Nagulat din ako, kasi ang lambot ng labi niya. Parang gusto ko pa, lumulutang ang pakiramdam ko. Parang nakashabu (hindi ako adik ah :D). Tinampal niya ang braso ko. "Aray!" aray na may kasamang ngiti.

"Umiiscore ka."

"Hindi ka galit?"

"Ngayon lang yan. Niligtas mo ko eh. Pero pag inulit mo pa, matitikman ng nguso mo 'tong kamao ko."

"Aw. Takot ako." halakhakan kami parang walang panganib kanina. "Tara pasok tayo."

>>

"Anak! Bakit ka nag-uwi ng babae?" oa na tanong ni mama.

"Ano?! Si Victor nag-uwi ng babae?" oa na reaction din ni tatay na lumabas pa ng kwarto. "Oh, Angel, paano ka napunta dito?"

"Sir Nick. Dito pala kayo nakatira." ani Angelica na ipinagtaka ko.

"Tatay ko siya." singit ko sa usapan.

"Magkakilala kayo?" tanong ni tatay Nicanor.

"Opo, kalaro ko siya noon. Tapos nagkakilala kami ulit noong nag-eemo ako." sagot ko. Hinila ako ni tatay palayo at inakbayan.

"Hindi ko na pala kailangan ipakilala eh." sabi ni tatay.

"Siya po ba yung sinasabi niyo?"

"Oo. Nagtatrabaho din siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Syota mo na ba?" ngiti ni tatay sabay kalabit sa tagiliran ko.

"Hindi pa po. Hindi ko pa nga nililigawan eh."

Binatukan ako, "Hindi mo pa nililigawan, inuwi mo na? Hanep ka Victor." sabi ni tatay. "Teka, sabi mo, hindi pa, ibig sabihin may balak ka?"

"Ah. Ewan ko tay."

"Ayaw pa sabihin. Pero wag mo muna ligawan, nangungulit pa yung ex niyan." sabi ni tatay at napatingin ako.

itutuloy...:lol:
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Waaah. Nice. Ang landi mo pre. Feel na feel ko yung kagandahan at kaseksihan ni angel. Ngehehe
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Waaah. Nice. Ang landi mo pre. Feel na feel ko yung kagandahan at kaseksihan ni angel. Ngehehe

haha..meron pa yan..:D
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

@TS, kelan kaya update nyan ulit? :excited:

ang sarap basahin ng mga kwento mo. medyo nakakarelate ako :)
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

@TS, kelan kaya update nyan ulit? :excited:

ang sarap basahin ng mga kwento mo. medyo nakakarelate ako :)

soon na pare..may idea na, busy lang..:)
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Nasan na update. Update na paps kung ayaw mo masaktan. :madslap:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Nasan na update. Update na paps kung ayaw mo masaktan. :madslap:

:laugh: demanding..:lmao:
itatype ko na mamaya..:D
nagbabasa kasi ako ng iba para mapaganda rin itong story nito..:D
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Huwag na magproject. Kwento nalang paps. :haha:
 
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Grabe ang ganda ng story nga lang bitin hahaha thank uw! Po dito ts update kapa po :)
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain (Victor) Chapter 4: Panganib

Chapter 5:
Sa Bahay




"Ano po ba'ng nangyari? Bakit sila naghiwalay ng boyfriend nya?" tanong ko kay tatay.

"Ganito kasi yon...

Si Angelica ay isang magaling na programmer sa kumpanya namin. Maganda siya, sexy, masayahin, masipag at mabait. Hindi na ako nagtataka kung bakit halos lahat ng lalake sa kumpanya ay may gusto sa kanya. Kapag nga inuutusan siya, lahat ng nakakasalubong niya ay binabati siya at kinakausap, kaya pagdating niya sa office ay mapapagalitan na siya. Madalas ding libre ang lunch niya sa mga gustong pumorma sa kanya, pero mabait siya kaya hindi na siya naglulunch. Meron nitong lalakeng si Ken, niligawan siya. Si Ken naman, gwapo, may tikas, maangas, singkit, at mayaman."

"Wala akong paki sa kanya tay. Si Angelica ang ikwento niyo." putol ko sa pagkukwento ni tatay.

"Patapusin mo nga ako, batang to. Oo, gwapo siya at mayaman, pero hindi naman siya gusto nitong si Angelica. Ano'ng ginagawa sa manliligaw na hindi mahal?" pang-aasar ni tatay.

"Malay ko. Hindi ko alam ang sinasabi niyo." sabi ko.

"Imposibleng hindi mo alam to kasi madalas to mangyari sa'yo. Hindi ka kasi nagpapaturo sa'kin eh."

"Oo na binabasted na. Hindi sila yung dapat sa'kin kaya ganun yun tay. Wala kayong kinalaman dito." biro ko at lumayo kay tatay. "Nay, pahiram niyo muna ng isusuot si Angelica. Kakasya naman siguro." tampo kunwari ako, pero interesado akong marinig ang kwento ni tatay.

Bigla akong binatukan ng nanay ko. "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi na sexy ang nanay mo? Lokong bata talaga to."

"Wala akong sinasabing ganon nay." pagpapaliwanag ko, napangiti naman si Angelica at tinakpan ng panyo ang labi. Nakakatuwa, para akong lumulutang at napatitig sa kanya. Napakurap ako at umiling. Nag-isip ng sasabihin, baka mahalata akong napatitig, "Oh anong nakakatawa?" tanong ko kay Angelica.

"Pahiram mo nalang siya ng t-shirt mo Victor, pati short na rin. Ineng pahiramin kita ng panty ko, ok lang ba sa'yo?" tanong ni nanay. "Pwera na lang kung gusto mo magthong." bulong niya pa.

Namula si Angelica, "Tita naman, uuwi din po ako agad. Hiram na lang po ako kay Victor."

"Ha? Malaki para sa'yo yung mga damit ko." sabi ko.

"Tshirt lang ok na, may dala akong shorts." sabi niya.

Pasimple namang nagbulungan ang magulang ko at dahan-dahan kaming iniwan. "Ma! Tay! Sa'n kayo pupunta?"

"Magluluto ako anak." sabi ni nanay.

"Ma..Matutulog ako." bahagya pang nag-isip si tatay. "Bahala ka na sa bisita mo ha."

Kainis! Pinagtulungan ako. 'Pag andito talaga si tatay, pati si mama nadadamay sa kalokohan ni tatay. "Tara sa kwarto. Pili ka ng isusuot mo."

"Ano ka? Saan ba ang kwarto mo? Maghintay ka sa labas." sabi ni Angelica sabay labas ng dila.

"Eto. Baka may makita mo yung mga brief ko. Babantayan kita." sabi ko.

"Baka may gawin ka sa'kin eh."

"Ano sa tingin mo, pinagnanasaan kita? Gusto mo iwan nating bukas ang pinto."

"Sige."

Namili ng namili ng namili ng namili ng damit ko si Angelica. Pati yung mga hindi ko na sinusuot, nahalungkat niya. Buti hindi niya nahalungkat ang mga bagay sa ilalim ng mga damit ko. Katawa talaga ang mga babae. Ang kalat tuloy ng kwarto ko. "Eto. Gusto ko to." sabay sukat sa isang damit na pati ako hindi sinusuot sa sobrang laki.

"Sa CR ka nalang magbihis." sabi ko, lumabas siya ng kwarto at nagCR.

Bumalik siya sa kwarto ko at isinara ang pinto. "Bagay ba?" Isinuot niya at wow. Ang cute. Suot niya ang napakalaki kong damit. Lubog na nga ang shorts niya at parang shirt lang ang suot. Buti na lang at hindi maluwag sa neckline kung hindi, may makikita akong di dapat.

Parang may mga glitter sa hangin habang tinitignan ko siya. Tulala ako, ngayon wala akong pakialam kung alam niya na nakatitig ako sa kanya. Parang slowmotion ang pangyayari. Unti-unting lumalabo ang background at para akong liliparin ng hangin. Hindi ako adik, hindi rin ako uminom ng energy drink at nagfeeling macho, ito siguro ang epekto kapag sininghot mo ang medyas mo. "You look great." sabi ko in English habang palapit sa kanya.

"Sabi sa'yo ako mamili eh. Panget kasi yung mga pinipili mo."

"Kahit ano pa ang isuot mo, hindi mo maitatago ang ganda mo. Hindi ko maiwasan ang tumitig sa mukha mo, sa mata mo, at sa labi mo." sabi ko na hindi na pinansin ang damit nito.

Titigan kami. Wala na siyang masabi. So ako ulit ang magsasalita. "Gusto kong dampian uli ang mga labi mo. Papayagan mo ba ako?" tanong ko at hinawakan ko ang baba niya para itingala ang mukha niya sa'kin. Unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kanya. Napapikit siya, ganun din ako. Nakakabinging katahimikan.

"Kakain na!" sigaw ni mama. Syet! Sira ang diskarte ko. Nagmulat ang mga mata namin, at biglang natauhan.

"Tawag na tayo." sabi niya at napalayo na ako sa katawan niya.

"Tara, feel at home." sabi ko.

"Oh. Bagay mo iha. Marunong kang magdala ng damit. Sana ganun din yang si Victor." sabi ni mama.

"Ako nanaman ang nakita niyo." simangot ko. Tuwang tuwa si Angelica sa'min. Ang sigla rin ni mama, bihira kasi akong magdala ng bisita.

"Kain na. Pray tayo. Victor, ikaw mag-lead." sabi ni tatay. Mukhang nagulat si Angelica, hindi siguro nila ginagawa ito.

"Bakit ako? Haay. In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, Amen. Lord salamat po sa araw na ito, sa pagkaing nasa hapag namin, at sa pagsasalo ng buong pamilya namin. Lord, bless niyo po kami ng pamilya ko at ang pamilya ni Angelica at maging kalakasan sa aming pisikal na pangangatawan ang biyayang ito. Salamat po Lord. Amen."

Natapos kaming kumain at napag-usapan na magkasama kami ni tatay matutulog at si mama ang kasama ni Angelica. Dalawa lang kasi ang kwarto ng bahay namin. Gusto ko sana siyang makatabi sa pagtulog. Yung mapapayakap ako sa kanya, o kaya siya ang yayakap sa’kin. Pagmamasdan ko ang pagtulog niya, aalamin kung mabait din siya kapag tulog. Pero sa kabutihang palad, pinaghiwalay kami ng tadhana. Hindi nga naman tama na magkatabi kami matulog, baka nga sa sofa na ako matulog dahil aayaw siyang tumabi sa’kin. Mabuti na rin ito pero sayang.

"Tay, tuloy mo yung kwento mo." sabi ko habang nakahiga kami ni tatay.

"Saan ba ako natapos?" pakamot pa ng ulo.

"Dun sa nabasted yung Ken. Kung nabasted siya, siya ba yung ex-bf ni Angelica na sinasabi niyo?"

"Oo, naging sila nga. May mga bali-balita na ginayuma daw si Angelica at ngayon lang natauhan, may nagsasabi din na pinepera daw ni Ken kaya siya sinagot. Nakakainis pero chismis lang yun. Kasama na sa buhay ng Pilipino yun."

"Bakit alam mo yun tay? May pagkachismoso ka pala." tawa ko.

"Luko-luko. Napansin ko lang." ginulo nanaman niya ang buhok ko, lagi niyang ginagawa sa’kin yun. Kainis, sayang ang pagod ko sa paglalagay ng wax. Nakakangawit kaya yon. Buti na lang at gabi na, matutulog na.

"Nililigawan ka ba ng anak ko?" tanong ni mama sa kabilang kwarto.

"Ay hindi po. May sumusunod po kasi sa'kin kanina kaya hindi muna ako umuwi. Isinama po ako ni Victor dito. Ang bait po ng anak niyo. Swerte po kayo sa kanya, at napalaki niyo siya ng tama." paliwanag ni Angelica.

"Kung liligawan ka ba niya may pag-asa siya?"

"Tita..." nahiya si Angelica. Pero sa sinabing ito ni mama, parang napaisip siya.

"May gusto ka sa kanya, tama ba 'ko?" napalingon si Angelica nang sabihin ito ni mama. "Huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sa kanya."

Ngunit biglang nagbago ang mood niya. Parang nalungkot. Yumuko siya at sinabing....

"itutuloy..." :rofl:
 
Last edited:
Re: Everyday in the Rain Chapter 5: Sa Bahay

yumuko sya at sinabing....
Itutuloy....
Hehehe ts ok ah
Salamat sa update
 
Re: Everyday in the Rain Chapter 5: Sa Bahay

yumuko sya at sinabing....
Itutuloy....
Hehehe ts ok ah
Salamat sa update

:lmao: natawa ako nung maisip ko yan..:lol:
salamat at may sumusubaybay pa dito..:yipee::excited:
 
Back
Top Bottom