Hindi kaya ng gobyerno ng Pinas ang gastos ng maintenance, problema pa kung saan dadalhin nuclear waste. Hindi napapanahon ito kung kailan ang mga mauunlad na bansa ay nag-iinvest na sa renewable energy. Mas okay na sa renwable sources of energy na rin tyao mag-invest, bukod sa napapanahon na dahil sa global warming mas efficient na kasi mas mura na din at may posibility na pwedeng maging per island or sitio and power distribution at hindi na centralized.
Kaya naman ang maintenance costs. May kasabihan nga, 'if there's a will, there's a way'. Ang problema kasi nating mga Pilipino ay mahilig tayong umasa sa ibang bansa gaya na lang ng nangyayari sa MRT at LRT. Bili ng bili ng mga bagon at piyesa sa ibang bansa, kaya ang nangyayari ay nadidiktahan tayo sa presyo.
Yong sinasabi mong problema sa Nuclear Waste, actually, may solusyon na dyan yong bagong imbensyon ni Bill Gates na Terra Power, i google mo na lang. Zero nuclear waste ang kalalabasan. May pending agreement yata para sa proyekto si Bill at South Korea tungkol dito.
Ok yong renewable energy, walang question dyan. Ang problema lang sa renewable ay mahal ang initial o capital cost tapos yong output capacity ay maliit. Di talaga kaya magsustain ng pang massive o kahit sa pangangailangan man ng industriya natin. Kaya ang China sa Carbon plant pa rin umaasa. Ok din ang renewable pag maliit ang populasyon ng susupplayan mo, pero sa Pilipinas di talaga sasapat yan dahil malaki ang populasyon. Sa kinalaunan, papatayin ka sa gastos mo sa maintenance, ewan ko lang kung makakabawi ka pa sa capital mo. Take for example, mahal yong solar panel, may lifespan kasi yan, tapos yong 'battery' mo pa. Buti sana kung gumagawa tayo ng solar panels dito sa atin, para madaling palitan at hindi masyadong magastos. Pero kung bibili ka ng mura na made in China, e, dali masira nyan. Pede siguro gawin mo nalang project sa bahay mo. Iilan lang talaga ang makakayang gagawin ito, kasi ugali ng nakakaraming Pinoy na ayaw gumastos ng malaki pero mas gugustuhin na bayaran na lang ang singil ng Meralco.
Ayaw natin sa global warming pero sa totoo lang maliit lang naman talaga ang kontribusyon natin. Dahil nga sa maliit tayong bansa, di katulad ng US, China, India atbp.
Yong sinasabi mong gagamitin yan per sitio, barangay o isla, e nangyayari na yan doon sa may Malita parte ng Mindanao. Maliit lang ang singil nila sa kuryente pero limitado lang din ang kanilang gamit. Sa tingin ko, kaya nagmamahal ang kuryente natin ay dahil dumadaan kasi sa mga 'distributors' na kalimitan ay 'monopolyo'. Tingnan mo yong singilan ng mga kooeratibe o 'electric cooperatives', mas mababa ang singil nila. Bakit mahal ang monopolyo? Dahil malaki din ang gastos nila, mga pa sweldo sa mga empleyado at top officers nila, gastos sa advertising, gastos sa pag sponsor sa mga sports teams, at syempre, target ROR na rin ng mga may-ari.