Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

One Morning of July [Complete]

j34ta.jpg

maraming thanks kay ma'am Melala, para sa astig na banner/image


A Harot Story :D

"Hello Houston!"

Wala ako sa Houston. Yun ang alarm tone ng cellphone ko, na nakikipag-unahan pa sa sikat ng araw. Hinila ko pang maigi ang comforter para takpan ang mga mata kong iritable sa liwanag ng paligid. Snooze mode na sya nang aabutin ko na. Kahit masakit ang ulo ko sa dami ng naitumba kong bote kagabi, pakiramdam ko’y ang sarap ng gising ko.

Nakapikit pa ang mga mata ko habang kinakapa sa paligid ng kama ang nakikipagtaguan kong unan. Nang magtagpo ang aming landas agad ko syang niyakap. Nothing beats this feeling ika nga. Mabango talaga sya kahit tatlong buwan ng hindi nakikipagkita sa labahan. Daig pa ang fabric conditioner na ginagamit sa Let’s Talk Dirty.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Para bang first time lang naming ulit nakasiping ang isa’t-isa. Nakikipagtalo pa ang antok sa akin, kaya inunat ko pang maigi ang aking mga paa na sa tingin ko’y tatama sa nais kong posisyon, para makakuha muli ng tulog.

“Urgh..”

“Huh?!”

“Good morning..”

“Good morning din..”

Napabalikwas ako. Mabilis kong hinawi ang makapal na telang nagtatakip sa aking katawan. Lumantad ang babaeng sa buong buhay ko ay hindi ko pa nakikita o napapaniginipan. Namutla ako’t napalunok. Mabagal ang pagdaloy ng laway pababa sa aking lalamunan. Agaran akong tumalikod sa kanya, nang napansin kong wala ni kapirasong tela ang pwedeng magtago kanyang katawan.

“Oh my God!” sabay naming wika.

Sabi ng tsismoso kong tenga, tumayo daw sya at mabilis na tinakip ang kumot sa kanyang katawan. Kasunod noon ang mga salitang, hindi na maaaring basahin ng mga batang mambabasa.

“Okay! Ilang bote ba ang naging dahilan nito? Kung anong nangyari wala akong alam.. Hindi ako aware!” nauutal-utal ko pang litanya, habang pilit na pinipigilan ang pagkilos ng aking katawan.

“What?! Hindi naman makapal ang mukha no? Anong ginagawa ko dito?!” mataray ang pagkakasabi nya.

“Ano nga bang ginagawa mo sa kwarto ko?”

“Kwarto mo?!”

“Ay hindi! Motel ito!” pilosopo kong sagot. “Pwede na ba akong humarap?”

“NO! Don’t even try!” mabilis nyang sagot na akala mo sya lang ang affected. “Nasaan ang phone ko?”

“Miss! Yung mga tanong mo imposibleng masagot..” agad akong humarap sa kanya.

Hinanap ko kung saan nagtalsikan ang aking mga ngipin, matapos malaglag ang aking panga dahil sa ganda ng babaeng kaharap ko. Kung pa-raffle lang ang mga babae sa mundo, malamang natumbok ko ang grand prize. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi, pero kahit simpleng detalye ay wala talaga akong matandaan. Kahit man lang kissing scene lang, sigurado akong kaya ko nang iguhit. Kahit anong halo ko sa sabaw, wala akong makuhang laman. Olats! Hindi sya pinagpala ng height, pero bumawi naman ang bilugan nyang mga mata. Bumagay din ang apple cut nyang buhok sa kanyang dimple, na kahit nakasimagot ay sumisilip.

“Sigurado ka bang wala kang natatandaan?” tanong nya habang diretsong nilalagok ang malamig na tubig sa baso.

“Company Anniversary lang ang event kagabi, at ang brand ng alak ang natandaan ko” sagot ko habang nagsusuot ng shirt.

“Hindi ka part ng company, kaya sigurado akong hindi tayo doon nagkakilala..” dugtong ko pa.

Magulo talaga ang takbo ng utak ko. Dagdag pa ang pag-iisip kung anong nangyari sa apat na sulok ng kama kagabi. Kung mayroon man hindi ko alam kung paano nangyari, dahil sa sobrang kalasingan.

“Yes! I’m not! But—“

“So, ano nang balak natin?” mabilis kong kabig.

“We? Uuwi na ako! I need to get home, bago pa ako tawagan ni daddy..”

“Baka gusto mong mag-breakfast muna! Or coffee? Or coffee and breakfast?” pagbabakasakali ko.

“You’re funny! I don’t even know you, tapos kung makayaya ka parang close lang tayo?”

“Pinapakalma lang kita. Hindi tayo magkakaunawaan kung puro hysterical”

“Nagising akong walang damit, at may kasamang lalaki na hindi ko kilala. Sa tingin mo kaya kong mag-breakfast at mag-relax?” talsik lahat ng laway sa mukha ko.

Mabuti nalang at kasing haba ng San Juanico Bridge ang pasensya ko, kung hindi pinalayas ko na sya. Naubusan na ako ng isasagot. Pakiramdam ko’y lahat ng sasabihin ko may counter attack na sya. Hindi ko tuloy lubos maisip na nakatabi ko ng isang gabi ang babaeng ito. Produkto lang ng alak ang lahat, at ang nangyari ay isang malaking kalokohan lamang. Alam kong bawal mag-expect sa ganitong klaseng sitwasyon, pero sa ganda nya hindi ko maiwasang umasa. Kung lalabas sya ng kwarto ko, at magkikita kami ulit sa ibang lugar.. Maniniwala na akong may invisible na sinulid na nag-uugnay sa dalawang taong tinadhana. Naks!

Nakalimutan ko pang magbayad sa jeep, kaka-imagine sa mukha nya. Mabuti nalang may mga sayings na naka vandals sa loob ng disco jeep, tulad ng “God knows Judas not pay” at “Katas ng Saudi” pati ang “Fool the string to stuff”. Parang si Nyan Cat lang kung lumipad ang isip ko mula byahe hanggang opisina. Kinalawang yata sa dami ng alak.

“Noel!”

Dahan-dahan kong sinilip sa ibabaw ng computer monitor ko, kung sino ang tumawag sa akin. Matapos kong malamang guni-guni, agad kong binalik sa ginagawa ang aking paningin.

“Noel! Anong nangyari kagabi?” kumunot agad ang noo ko sa boses ng ka-officemate kong bida sa videoke kagabi.

“Anong nangyari? Nalasing lang.. tapos umuwi..” pagsisinungaling ko. Baka sakaling may matuklasan ako sa kanya.

“Kaya pala bigla kang nawala.. Akala ko tinake-out mo si Marta, sabay kasi kayong nawala..” pabulong nyang sagot.

“Si Marta? Haha! Hindi! Sino ba si Marta?” curious kong tanong. Sa gilid ng utak ko may nabubuo nang kakaibang senaryo.

“Lasing ka nga. Daughter of Mr. Reonico.. Si Boss!”

Tinignan ko sa likod kung may pwedeng sumalo sa akin, kung sakaling hihimatayin ako. Nagpilipit ang dila ko sa sinabi nya. Hindi ko sigurado kung Marta nga ang pangalan ng misteryosang babae na nakitulog sa kama ko kagabi. Pero may kutob na akong magiging magulo ang takbo ng buhay ko, kung sakali mang sya iyon.

“Bilib na ko sayo Noel! Akala ko nga kayo na e, sa sobrang close nyo kagabi. Good thing lasing din si boss, kung hindi nag-iimpake ka na ng mga gamit mo dito sa opisina.” Pang-aasar nyang may halong inggit.

“Advantage daw kapag kargado ng alak, may automatic na humor na bigla nalang susulpot” pabiro kong sagot, o excuse na din para matapos ang usapan.

Naging problema ko ang paghahanap ng sagot, kaya nawala na din sa isip ko ang pagkuha ng pangalan nya. Contact o address man lang ay malaking tulong na. Naglalaro din sa pilyo kong isip na kung sakaling mag-krus ulit ang lasing naming landas, may chance pa kayang maging maayos ang aming relasyon. Friends ba? Kahit isang porsyentong tyansa lang, alam kong madedevelop iyon sa isang daan. Pero paano ako magsisimulang hanapin sya? Kung ang natandaan ko lang ay ang kurba ng kanyang balakang?

Tatlumpu’t tatlong minuto bago matapos ang oras ng trabaho. Himalang walang text message na natanggap ang cellphone ko. Sa ganitong tipikal na araw, ang pagpapadala ng mensahe at pagtawag sa akin ang trip ni mommy bukod sa pagko-cross stitch. Hindi ko alam kung tumumba ang cell site sa Bicol, o nang-chiks na naman si daddy kaya nalimutan nila akong kamustahin. Kung tutuusin yung party lang last night, ang pinaka-exciting na nangyari sa unang isang buwan ko dito sa company. Mababait naman sila, yun nga lang nasobrahan kaya ang produkto ay pagkaboring.

"Marta.. Marta.. Marta.." paulit-ulit kong bulong sa sarili habang binabaybay ang kahabaan ng Paseo sa Makati.

Nabitiwan ko ang cellphone ko sa sobrang gulat, dahil sa halos kasing nipis nalang ng buhok ang distansya ng sasakyang nasa harapan ko huminto. Hindi pa yata ako matatauhan kung hindi bumusina ang driver. Sumenyas lang ako at nagsabi ng sorry, kahit pa alam kong hindi nya iyon maririnig.

"Ikaw?!" wika nya habang binababa ang sunglass sa kanyang mata. bukas na ang bintana ng auto nang nilingon ko sya.

"Siyam na oras palang tayong nagkakahiwalay ha! Ang bilis mo naman akong ma-miss"

"Kung nalaman kong ikaw yan, hindi na sana ako nag-preno" natatawa nyang wika.

Hindi ko alam kung paano susuklian ang kanyang ngiti. Moody ba sya? Kanina lang gusto nya na kong tirisin sa pagitan ng kanyang mga kilay, at kahit footprints ko ay pinagdadasal nyang hindi na nag-exist. Ngayon kung ngitian nya ako, daig nya pa naglalambing na bata. Nang-aakit ang kanyang mga labi, na hindi ko magawang titigan ng diretso. Pumaling ang kanyang ulo kasunod ng isang kindat.

"Free ride ba 'to? o Peace offering?"

"Both! Malinis na kasi ang pangalan mo sa akin.." wika nya habang tinatahak ang u-turn.

"Ah.. Walang nangyari?" pigil kong tanong.

"Do you expect na may nangyari?" mataray nyang sagot.

Supalpal ako sa sinabi nya. Halata ang motibo ko. Dali-dalli kong nilihis ang aking mata papalayo sa kanya. Binalak ko nang mag kwento ng malayo sa usapan, pero kahit anong pilit ko hindi ko alam kung paano magsisimula. Napansin ko na lang ang kalyeng tinatahak namin ay hindi pabor sa akin.

"Bakit dito tayo? Anong meron at ang daming tao?"

"Guess what?!" nakangiti nyang wika.

"Birthday ko! At ikaw ang magiging partner ko ha! Just pretend na matagal na tayong magkakilala.. Kung maari pwede ding boyfriend"

Alam na siguro ng kahit sino ang ngumiti, kahit mukhang nagulat lang ang mukha. Sa loob-loob ko may weird na pakiramdam. Feeling ko'y gwapo ako, at ang pagpilit nya sa akin ang nagpapatunay nun.

Ilang minuto pa nakapag-park na din sya ng maayos. Bago tuluyang hugutin ang susi sa pinagsasaksakan nito, sinilip nya pa ang sarili sa rear mirror at tumingin sa akin. Ngiti din ang sukli ko. Kahit kabado, pinilit kong magmukhang relax. Mabuti nalang at naka semi formal ang porma ko.

"Ready ka na--"

"Noel! Noel nga pala.." agad kong sagot.

"Nice name. Mukhang mabait. I'm July!" sabay abot ng kanyang kamay para makipag-shake hands sa akin.

"July? Sino si Marta?" bulong ko sa sarili.

bibitinin din syempre :lol:


Para sa naghahanap ng complete at tamad maghukay ng thread na to.. credit kay RedSky :salute: Maraming Salamat! :beat:
PDF file
 
Last edited:
Re: One Morning of July

boss, master, sensei... :D

paupdate naman neto oh. nakakamiss :pray:
 
Re: One Morning of July

kaunti nalang :D salamat :salute:
 
Re: One Morning of July

paupdate nito bossing..
 
Re: One Morning of July

Kahit ang DPWH ay 'di kayang gibain ang ngiti na bumakas sa aking labi. Kahit ilang pulitiko pa ang magtangka, mukhang hindi uubra. Kung babalik ako ng highschool at susulat ulit sa slumbook, ang sarap isagot sa tanong na happiest moment ang pag-ukit ng pangalan nya sa baitang ng aming hagdan. Corny talaga, pero kahit si tulfo kikiligin. Iba talaga ang takbo ng kwento namin ni Marta. Kung kaya lang i-predict ng tao kung anong mangyayari sa mga susunod na araw, siguro 'di na aabot pa sa ganito. Pero, siguro.. Kaya walang access ang tao sa future, para malaman natin kung paano bibigyan ng halaga ang mga bagay na pinaghihirapan.

Wala na naman si Marta pag-gising ko. Hindi na bago yun, pero may biglang takot na baka 'di ko na talaga sya makita sa mga susunod na araw. Isang linggo? Alam kong pagbalik namin malaki ang posibilidad na gigising nalang ako ng walang babaeng sisigaw o magkukunwaring iba ang pangalan nya.

"Estong!" salubong sakin ni Marta. Nagbura muna ako ng ngiti, para 'di halatang may bakas pa ang mga naganap kagabi. "Let's have a date!"

"Tanghaling tapat date?" bulong ko. "Malayo ang bayan dito, tsaka 'di uso dito ang mamahaling kape"

"Sino bang magkakape sa tanghaling tapat?" giit nya. Bahagyang kumunot ang noo. "Sige na, please!"

Yari! Sa 7,300 na lenggwahe sa mundo, mukhang walang salitang kayang i-describe ang pagiging under ko, lalo't sasabayan pa ng lintik nyang mga mata na sumisingkit kapag may kailangan. Hindi kayang hawakan ng pagiging maton ko kapag gumagamit na sya ng mga salitang nangingiliti sa aking imahinasyon. Tumanggi ako, hindi dahil tanghaling tapat pa, kundi, gusto kong makita ang side nya bilang tunay na Marta.

"Wow!" halos pasukan na ng langaw ang kanyang bibig sa pagkamangha. "Bakit 'di mo agad sinabing may market pala kayong parang kalsada lang ng Paris?"

"Mukha lang maganda sa paningin mo, o masama lang epekto sayo ang sariwang hangin" bulong ko. Pumasok kami sa isang maliit na stall na may tindang pang-souveneir. "Dito tayo! Marami kang makikitang maganda rito"

Nag-ikot ikot kami sa loob. Lahat halos ng makikita nya ay 'di maiwasang mamangha, kahit pa ang simpleng beaded coin purse nagmumukhang Prada sa kanyang paningin. Weird talaga ang mga taong lumaki sa apat na sulok ng sibilasyon.

"Magkano po?"

"200 nalang dahil maganda ka," nakangiting sagot ng lalaking nagtitinda. Nakalingat lang ako namakyaw na ng mga bagay na 'di mawari kung ano ang itsura.

"Bagay ba sakin?" tanong nya habang sinusukat ang kwintas na yari sa pinagdugtong-dugtong na seashell. Umikot pa na parang nangangailangan na ng medical treatment.

"Bagay! Bagay sayo! Sa conyo age ba 'di uso ang mumurahing kwintas?"

"Yabang mo! Hindi ka lang talaga maka-appreciate ng fashion!"

"Fashion daw oh, eh mukha ka nang posteng pinagpyestahan ng mga jumper ng kuryente"

"Break na tayo!"

"Ay, ito maganda! Sige sabit mo sa kilay mo!"

Kung enerhiya ang pag-uusapan, pwedeng gawing altenative si Marta sa mga lugar na uso ang brown out. Hindi ko pa nai-sasayad ang pwet ko sa bakanteng upuan, nagyaya na agad na lumipat ng ibang lugar. Mas trip daw nyang mamasyal talaga sa mga lugar na 'di pa nasasayaran ng kanyang mga mata. Uncharted territory ang dating sa kanya ng mga puno at palayan.

Sunod ko syang dinala sa pinakamalawak na rice field. Yung hindi kayang tanawin kahit gumamit ng AR15 scopes. Napatawa ako habang iniisip ko ang pag-back out nya. Alam kong sa ganito pwedeng maubos ang lakas nya. Siguradong 'di nya kayang ikutin ang kalakihan nito. Naupo ako sa ilalim ng puno. Pinagmamasdan ko kung anong bagay ang biglang papasok sa utak nya. Natawa ko nang sumimangot sya. Sumandal ako't nagtulog-tulugan nang makita kong paparating sya.

"Nagtataka ko kung bakit ayaw mo sa lugar na 'to," panimula nya. Hindi ako sumagot, kunwari malayo na narating ko. "Simple, maganda, at nakaka-relax"

"Kung tulad mo kong lumaki sa maynila, ganyan din siguro sasabihin ko"

"Bakit? Hindi mo ba mahal yung lugar kung saan ka nanggaling?"

"Iba yung pagmamahal sa pangarap," umayos ako ng pagkakasandal. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata para silipin sya. Nakasilip ang kanyang mata sa lente ng camera habang kumukuha ng litrato. "Gusto ko dito, pero may pangarap din ako"

"Pero Estong! Ang pangarap ay sinasamahan ng pagmamahal para makamit mo. Tulad yun ng isang simpleng bagay na gusto mong makuha. Parang babae. Mahal mo, pinapangarap mo, kaya gusto mong makuha. Hindi naman pwedeng gusto mo lang sya, pero 'di mo naman mahal. Display?"

"Nasasabi mo lang yan kasi 'di mo pa nararanasan"

"Nasasabi ko yan dahil ginagawa ko na ngayon," giit nya. "Oh, ito!"

"Anong gagawin ko dyan?"

"Punta ka dun sa malayo para kumuha ng picture, nakakapagod e!"

"ANO?!"

"Please!"

Kung hindi lang ako tinamaan sa huling sinabi nya, hindi ako tatayo. Nilakad ko mga dalawampung dipa ang layo sa kanya. Sa halip na rice field. Si Marta ang naging produkto ng bawat kuha ko. Letse talaga! Hindi maipagkakaila ang tama ko sa kanya. Nang matapos halos ipukpok nya sa ulo ko yung camera.

Napanood ko yung Pursuit of Happiness. Naalala ko yung linyang "You got a dream. You gotta protect it. People can't do somethin' themselves, they wanna tell you you can't do it. If you want somethin', go get it. Period" Akala ko tapos na ang ligaya sa isang bagay na pinapangarap mo at nakuha mo na. Hindi pala talaga pwedeng sukatin ang kaligayahan at 'di pwedeng tapusin sa salitang period. Habang nasa daan pauwi, nalaman kong unlimited pala ang tuwa lalo't mahal mo ang pinapangarap mo, na ngayo'y.. Katabi ko lang. Nakangiti, at tila walang pakielam sa mundo.

"Thanks!"

"Thank you lang?" biro ko habang pasimpleng kinukuha ang awa nya para makatikim ng kiss man lang.

"Thank you talaga!"

Napawi ang tuwa ko ng sumalubong samin ang isang itim na auto sa harap ng aming bahay. Napahinto si Marta. Dahan-dahang bumukas ang pinto sa likod. Napalunok ako ng niluwal nito si Nancy. Hindi na ko magtataka kung sino ang driver. Ilang segundo pa nasa harap na namin si Mr. Reonico. Tapos na ba? Sumagi sa isip ko ang period sa kwentong pag-ibig na ngayon pa lang sana isusulat.

tbc..
 
Re: One Morning of July

Hindi ko nagawang ikilos ang aking katawan sa pagkagulat. Sa mga mata palang ni Mr. Reonico parang kusang nag-back out ang boses ko. Sa tirik na araw, malamig na pawis ang umaagos mula sa aking noo. Seryoso ang kanyang anyo. Kinakabahan na 'ko. Kung kaya ko lang magtago sa piraso ng walis tingting baka ginawa ko na. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng takot na kakaiba. Tipong kusang gagawa ng sink hole ang dibdib ko sa kaba. Lumunok ako ng laway.

Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Marta sa aking kamay. Itataas ko na sana ang aking kamay at ituturo sya bilang master mind sa kalokohang 'to, pero laking gulat ko nang umabante ng hakbang si Marta. Hinarangan nya ang paningin ko. Sumingit ako ng silip. Si Mr. Reonico parang 'di natinag sa ginawa ng dalaga sa harapan ko. Hindi ko ma-drawing sa isip ko ang susunod na posibleng mangyari.

"Umalis ka dyan," mahinahong utos nito kay Marta.

Ako ang pakay nya. Sigurado. Ang daming umiikot na dahilan sa isip ko, pero mukhang walang pwedeng paniwalaan. Hindi ko pwedeng idahilan ang katigasan ng ulo ng anak nya, pero mas lalong 'di ko kayang manghiram ng mukha sa kapitbahay kapag may biglang lumipad na kamao. Mahirap ang sitwasyon namin. Mahirap pa kay Villar.

"Kasalanan ko po!" matapang kong singit. Hinarap ko si Mr. Reonico nang buo ang loob ngunit nakapikit. "Mahal ko si Marta!"

Handa na ko sa susunod na eksena. Kung kaya ni Marta, kaya ko din. Bulong ko sa sarili. Mura lang naman ang yelo at band aid. Dinig ko ang hakbang nya papalapit sa akin. Bawat pag-abante patibay naman ng patibay ang pananalig kong 'di gaanong masakit ang sasalubong sa akin.

"Gaano mo ka-mahal si Marta?"

"Mahal na mahal po!"

"Kung susukatin gaano kalaki?"

Ano daw? Tama bang may sukatan ang pagmamahal? Hindi ko alam. Sana exam nalang na may biglang magbabato ng sagot. Hindi ko maidilat ang aking mga mata, o nagkusa na tong natakot kaya ayaw nang dumilat.

"Hindi ko po alam kung gaano kalaki sir, hindi kayang sukatin ng mga kamay ko" kahit siguro si Einstein mapapa-kunot ang noo sa mga sagot ko.

"Dad, that's enough! Wala syang kasalanan, ako ang nagpilit sa kanyang isama ako dito,"

Hindi ko alam kung maiihi ako sa tuwa sa narinig ko. Nabawasan ang pag-aalala ko sa kahahantungan ng mukha ko. Alam kong maiintindihan kami ni Mr. Reonico, yun ay kung dumaan din sya sa ganitong kalagayan. Napakahirap palang paniwalaan ng sariling thoughts paminsan-minsan.

"I know.. Sinabi na sakin ni Nancy ang lahat, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit pumayag ang lokong 'to"

"Mahal ko kasi ang anak nyo! tsaka.. she's pregnant!" huminto ako. Hindi ko alam kung anong insekto ang pumasok sa ilong ko, pero wala ng ibang reason na pwedeng maging alibi. Inisip ko lamang na ayokong makasal ang babaeng mahal ko sa lalaking 'di nya naman mahal. Handa na ko kung anong kalalabasan, basta wag ko lang syang makitang umiiyak sa huli.

Tumahimik ang paligid. Tanging dibdib ko na lamang ang naririnig kong nagrereklamo sa sobrang kaba. Idinilat ko ang aking mata. Simula kanan hanggang kaliwa. Ang driver na ni Mr. Reonico ang nakatayo sa harap ko. Sarado ang kamao. Sa isang suntok lang agad akong nabuwal. Narinig ko pa ang boses ni Marta bago ako ulit napapikit sa sakit. Hindi ko matandaan kung ngipin ba ang nalunok ko bago ako nawalan ng malay.




"Hello Houston!"



Syempre wala pa din ako sa Houston. Ginising ako ng nag-alarm kong cell phone. Gumuhit sa sintido ko ang sakit na bitbit ng limang in-can na tinumba ko kagabi. Inalis ko ang nakatakip na kumot sa aking hubad na katawan tsaka diretsong pumasok ng banyo.

Isang buwan na ang lumipas matapos ang nangyari pero parang fresh pa sa isip ko ang mga detalye. Kasabay ng pag-dulas ng malamig na tubig sa aking mukha ang paggunita. Namamayani ang mukha ni Marta. Naamoy ko pa din ang pabango nya, naaalala ang kanyang ngiti, kahit at itsura nya kapag nagagalit ay nakakatuwa ding isipin. Natuloy ang kasal ni Marta nang kami'y makabalik. Hindi ko na nagawang pigilan dahil sa bilis ng pangyayari.

Bumalik ako sa normal matapos ang lahat. Balik trabaho pero ibang kompanya. Ibang mukha ng mga tao. Lumipat na din ako ng apartment. Ayoko mang iwan ang mga lugar na nagpapa-alala sakin ng mga masasaya naming sandali, darating din sa puntong kailangang lisanin.

Pinatay ko ang oras sa paghigop ng kape habang nakatitig sa bintana. Maraming tanong ang sumisiksik sa aking isip. Mga tanong na 'di ko akalaing nasa dulo na pala ng aking utak ang sagot. Kung may ibang tao sa paligid malamang napapakamot na ng ulo sa akin.

Inagaw ng isang tawag ang aking pagsisintimyento. Lumabas ang pangalan ni Nancy sa screen. "Where na you? Kanina pa kita hinihintay dito" reklamo ng nasa kabilang linya.

"20 minutes, nariyan na ko" pinutol ko na ang usapan.


-tbc..
 
Re: One Morning of July

amphie :more: tagal ko nawala sa symbianize, eto agad una ko pinuntahan :lol:

great story :salute:
 
Re: One Morning of July

salamat! ubos na idea kaya mabagal ang update. last chapter na kasunod :D
 
Re: One Morning of July

like the first half of the story! thanks for sharing ^^
 
Re: One Morning of July

update update. :giggle: ganda talaga ng mga story mo boss amphie. :thumbsup:
 
Re: One Morning of July

One Morning of July - Final

Importante daw ang role ng genes sa buhay ng tao. Nalaman kong ang babaeng masayahin, palatawa, at madaling mahulog ang loob sa simpleng bola, ay lamang ang genes na pagiging jolly. Ang lalaking malakas ang dating sa babae o sobrang matamis ang dila ay siguradong namamayagpag ang genes ng pagiging maton. Genes din daw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng 3rd sex. Kung bakit may matalino, masipag, tamad, tanga, masungit, apurado, at workaholic. Genes din daw ang may sala kung bakit may mga lalaking hindi alam ang pinagkaiba ng breast implant sa natural. Lahat iyan ay kwento lang ng madaldal na babaeng nakasabay ko sa paglalakad habang papunta sa kung saan naroon si Nancy.

May bagay na naglaro sa isip ko. Hindi ko alam kung anong genes ba ang kulang o sobra sa pagkatao ni Marta. At kung anong supplement ba ang kailangan para bumaba ang genes ko na sobra ang attachment sa kanya. Naisip ko na kung may kulang o sobra sa kung kanino man sa aming dalawa, hindi kaya kailangan namin talaga ang isa't-isa para maisapat o maisakto sa level ang pangangailangan naming dalawa? Ewan. Kaya siguro nauso ang trabahong gumagamot sa mga pusong nangangamote sa algebra.

"Sorry kung late!" bati ko kay Nancy.

"Kaya siguro hindi mo alam ang mga nangyayari sa paligid mo," pabitin nyang sagot. "Kung hindi ka puyat, malamang lasing ka"

"Aware ako dun. Hindi ko lang alam na ganun pala ending"

"Maiba ko, nakapag-relax ka na ba? I mean, okay ka na?"

"Sabihin nalang nating eight out of ten. Yung natitirang dalawa siguro kapag gumaling na black eye ko"

"Maarte ka. Hindi pa nag-landing sa mukha mo hinimatay ka na"

"Gutom ako nun e, tsaka malay ko bang nakalimutan kong i-apply yung natutunan ko sa taekwondo"

Napapailing nalang si Nancy sa mga sagot ko. Alam nyang idinadaan ko na lamang sa pagpapatawa ang mga nangyari. Para bang sinasakyan nya ang maling byahe dahil alam nyang wala akong kasabay at hindi alam ang pupuntahan. Sapat na ang halos dalawampung minutong lakaran para ma-realized kong hindi dapat maniwala sa alamat ng genes. Sa simula palang nakalabas na ang sinulid na nagdudugtong samin. Ang thread of fate. Bagay na parehas kaming naging biktima.

"Kailangan maging tunay na lalaki ka" wika nya habang pinapasadahan ng tingin ang suot kong polo, "Hindi lang sa pagsasalita, syempre damay ang pananamit"

Umikot sya sa kinatatayuan ko. Bawat hakbang bumibilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko pa ang mahinang tapik sa balikat nya sa balikat ko bago hilahin ang braso ko.

"Sakay na, medyo late na din tayo" wika nya habang tinuturo ang naghihintay na sasakyan.

"Hindi ba dapat may dala ako? Kahit ano! Flowers? Sa tingin mo?"

"Ano yun patay? May sakit? Tsaka na yan!"

"Kinakabahan talaga ko!"

"Just.. Be a man about it"

"Wow! Toni Braxton?"

"Sakay na!"

"Regine?"

Matapos ang isang buwan, dumating ang isang imbitasyon sa akin. Galing kay Nancy mula sa pamilya ni Marta. After ng nangyari at after ng mga nalaman ko, may lakas pa ba ko ng loob para dumalo? Lamang talaga ang idea ng pagtanggi kaso involve si Marta kaya napagpasyahan ko nang sumama. Kami ba talagang dalawa ang dapat sa isa't isa? Madalas kong isipin na siguro sa last life namin ay dapat kami kaya lang namatay kaya naudlot, tapos ngayon lang matutuloy sa new life. Madalas kong sisihin ang shortage ng sign galing sa taas. Tinitipid nila ang love life ko.

Tahimik ang naging byahe liban nalang sa putol-putol na tugtog ng radyo. Kahit anong magandang tanawing madaanan hindi man lang nakuha ang atensyon ko. Sa isipan ko madalas pa ding tumatambay ang imahe ni Marta. Labas pasok lang sa dalawang tenga ko ang mga kwento ni Nancy. Samahan pa ng mga advice na hindi ko naman kayang i-take. Kalimutan ko na nga daw ang nangyari, at sundin na lamang ang nais ng tadhana. Hindi ba nya alam na iba ang takbo ng utak ng tao keysa sa aso?

Tatlong minutong lakaran pa after ng parking bago kami makarating sa meeting place. Weird ang lugar. Parang set-up lang ng mga movie ni John Lloyd. Madalang ang mga tao. Mga representative lang halos ng garbong hotel ang makikitang gumagala sa paligid. Klase ng lugar kung saan mas malaki ang binabayad sa service keysa sa pagngiti ng mga empleyado. Malaking pinto na gawa sa mamahaling materyales ang hinintuan namin. Naunang pumasok si Nancy. Sinenyasan nya lang ako na sumunod na.

"Excuse me Sir! Nandito na po kami," magalang na wika ni Nancy.

"Sit down, please!" sagot ng lalaking 'di ko pwedeng malimutan ang mukha kahit masagasaan pa ko ng lrt.

Iginala ko agad ang aking mata sa paligid. Hinanap ko agad si Marta. Ngunit wala. Bigo ako. Sayang. Sayang lang siguro ang pera kung bumili ako ng flowers. Naupo ako sa upuang alam kong nakatalaga para sa akin. Masyadong tahimik ang kwarto. Sinundan lang ng pag-ubo ni Mr. Reonico kaya bumalik ang atensyon ko.

"Kamusta na iho?"

"Mabuti, maayos naman po"

"Are you nervous?"

Kung pwede lang pigilan ang pagpatak ng pawis ginawa ko na. "Medyo lang po"

"First, humihingi ako ng tawad sa nangyari. Second, sa pagsisinungaling sa inyong dalawa ni Marta"

Gumuhit ang linya sa noo ko. Hindi lang pala sa politika uso ang pagsisinungaling. Kahit mataas ang grades ko sa Values noong elementary, nahirapan pa din akong unawain ang mga sinasabi nya.

"I will not ask you again, so listen" seryoso ang kanyang tinig ganun din ang mukha. "Handa ka na bang pakasalan si Marta?"

Natigilan ang pangangatog ng tuhod ko. Na-paralized ang dila ko. Parang gusto kong mabingi ng pansamantala at ipa-ulit sa kanya ang tanong, kaso isang beses lang daw. Baka magbago ang isip kapag sablay ang sagot ko. "Si Marta?!"

"Of course! Sino pa ba? Nancy paki-explain.."

Ilang beses ko nang binanggit ang bagay na tungkol sa fate. Hindi ako makapaniwala sa mga inilalahad ni Nancy. Sumisiksik sa utak ko ang bawat sinasabi nya. Lahat ng nakatago sa likod ng company anniversary ay isang malaking palabas. Kada detalye ng kwento palapad ng palapad ang ngiti sa labi ko. Gusto kong tumalon sa tuwa at mainis ng sabay. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Pakiramdam ko may malaking kahon sa harap ko na nagpasabog ng sari-saring emosyon at halos sinalo ko lahat. Tulala ako matapos masabi lahat ni Nancy.

"Mahal ko si Marta, so gusto ko ang best para sa kanya" si Mr. Reonico.

"Pwede ko ba syang makita?"

Agad na bumukas ang pinto sa likuran namin. Naglakad papasok ang babaeng naghahatid ng kakaibang saya sa buhay ko. Puti ang kanyang suot. Kumikinang. Hindi wedding gown pero alam kong alaga sa branded na sabon panglaba. Most of all, ang kanyang ngiti ang syang tuluyang nakapagpatulo ng laway ko. Tumayo ako, pero di maka-alis sa kinatatayuan ang mga paa ko. Halos pantay ang feeling ng excitement, kaba, at saya.

"Ehem!" wika nya. Hindi ko na napigilan. Tumakbo na ko para salubungin sya ng yakap. Kaso nag-trip ang tadhana. Nag-krus ang mga paa ko. Muntik ko nang mahalikan ang sahig imbis na labi nya.

"Excited lang sya" biro ni Nancy.

"Ganyan ako nahulog sa kanya," sakay ko.

Sino bang mag-aakala na ang pag-ibig ay hindi lang nabubuo sa maliit na pag-uusap? Sa simpleng ngitian sa pampasaherong dyip? Sa aksidenteng paghinto ng elevator at kayo lamang ang nasa loob? O hindi kaya'y sa loob ng klase, sa palengke, school bus, coffee shop, blind date, sa simpleng barkadahan, naligaw na text message, maling send ng love letter, pagkakaparehas ng interes sa iisang bagay, pagsali sa santa krusan, o pagkakasabay ng paglakad sa iisang ruta araw-araw.

Maraming posibilidad para pagtagpuin ang dalawang tao. At mayroong libo-libong dahilan para magkaroon ng interaksyon ang dalawang puso. Pero sa lahat ng paraan para mag-krus ang landas ng dalawang tao, samin ni Marta ang hindi ko aakalain. Isang set-up na binuo ng mga taong malapit sa akin.

---

Gabi ng anniversary. Late ako dumating sa venue. Si Nancy na unang nakilala ko sa company ang syang sumalubong sa akin. Sa pagkakatanda ko sya din ang taong naging link para makapasok sa trabaho. Anyway, nang gabing din yun. Naroon si Marta. Anak ni Mr. Reonico na nakatakdang ikasal. Si Marta, Nancy, Mr. Reonico, at ako ang kasama sa set-up. Nakakagulat malaman na kami pala talaga ang naka-set para ikasal. Oo kami nga! Si Nancy ang bumuo ng plano para magkakilala kaming dalawa. Natupad iyon ng gabi ring yun. Sya ang dahilan kung bakit ako nalasing, ganoon din si Marta. Sya ang naghatid sa akin sa parking at hindi taxi ang sinakyan ko kundi ang kotse ni Marta. Hanggang sa magising na lamang akong kasama sya. Lahat ng nangyari ay nakasaad sa plano ni Nancy at ni Mr. Reonico.. Isa lang ang tanong. Bakit ako?

"Bakit ako?!" biglaan kong tanong kay Mr. Reonico.

"Well, sagutin mo ang tawag na to.." iniabot sa akin ang phone. Nanglaki ang mga mata ko. Malabong may kinalaman pero malinaw ang nakarehistrong pangalan.

"Noel?" kasunod ang malakas na tawa sa kabilang linya. "Anak, pasensya na kung hindi ko nasabi sa'yo ha! Anyway nasa vacation kami ng mommy mo. Huwag kang mag-alala darating kami bago sumapit ang kasalan! Goodluck at Congrats!"

Muntik na kong mawalan ng malay. Umiikot ang kwento sa aming dalawa na pina-iikot ng mga taong nakapaligid sa amin. Parehas kaming walang kamalay-malay. Parehas kaming naging biktima. Ngunit sa lahat ng kasinungalingan, hindi ko pwedeng itago na nahulog ako. Nagmahal sa isang babaeng noong una'y laman lang ng pangarap ko. Mahaba na siguro ang litanya nasabi sa love story namin. Dasal ko lang na hindi maging set-up ang honeymoon.

"I do!" nakangiti kong wika kay Marta.

"Anong I do?" sagot nya kasunod ang isang batok.

-end



salamat sa lahat ng nagbasa :salute: pass muna sa mga nobela :lol:

bisitahin nyo ang blog ko para sa mga nagseseksihang mga kwento click me!
 
ang ganda.. ngaun ko lang nabasa tong series na to, binasa ko from start to finish, hindi ko namamalayan na 3:20 am na pala..

ngenjoy ako, salamat sa magandang kwento,.. :)

:salute:
 
Back
Top Bottom