Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[One Shot] PITX

Pauwi na sana ako nang biglang sumulpot si Ayesha sa sakayan. As usual umiwas ako kaya natapakan ko ang ebak ng aso na alam ko naman kanina pa nandoon. Kumalat sa puti kong sapatos. Bad trip.

"Hi, Rancho." Alam kong nakangiti siya kahit may telang humaharang sa kanyang ilong at mga labi. "Kumusta?"

Sobrang hirap ng sitwasyon. Pipili na naman ako. Si Ayesha o ang tae sa paa ko. "Ito may tae sa paa," sa isip ko.

"Pauwi ka na ba? Sabay na tayo." Sobrang lawak ng labas ng PITX at may sandamakmak pang tao ngunit magtatagpo kami ng taong minahal ko. Sabagay ganoon din naman kami nagkakilala. Mahal pa, I mean. Mahal, sinaktan. Iniwan.

"Yosi?" Alok ko. Iyon na lamang ang naisagot ko. Wala naman iba kasi.

"No. Thanks. Tinigil ko na." Iniabot niya ang bote ng tubig para ibuhos sapatos ko. Kasunod ang isang bungkos ng tissue.

Hindi ko alam kung paano pa niya nagagawang makipag-usap sa akin. Matapos kong putulin ang lahat sa pamamagitan ng isang text message habang nasa kalagitnaan ng inuman. Habang nilalamon ang utak ng bisyong makasarili at palalo. Pakiramdam ko noon sakal na sakal ako habang tinatawanan ako ng tropa na takot ako kay Ayesha. Lasing lang pala ako noon. Hindi. Tanga lang talaga ako. "Daming tao. Pahirapan na naman umuwi nito ng Trece."

"Sabay na tayo." Ang mabagal kong pagsagot at buntong hininga ay alam kong ramdam niya ang pag-iwas. Na pagtanggi ang aking gustong sagot.

"May hinihintay pa ako." Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Pero ilang saglit lang. Dalawang kurap siguro.

"Sino? Kilala ko ba? Sabay-sabay na tayo."

Hindi tao. Kundi hinihintay ko ang oras. Ang pagkakataon. Ngunit hindi ito. "Yung kakilala kong bus driver. Sa habang ng pila na yan baka mamaya pa makauwi. Sisingit lang ako sa tabi niya."

"Ganon ba? See you around.." Tumungo siya kasunod ang mabilis na pagtalikod. "Ingat."

Ang masasakit na salitang binitawan ko noon sa text message ay alam kong mahapdi ngunit pilit niyang tinitiis. Gumawa ng pilat na bahagya niyang tinapalan ng ngiti. Hindi ko siya kayang harapin. Mananatili ang pagmamahal ngunit hindi puro. May dungis. Walang dangal. Puno ng kasakiman.

Hinihintay ko ang kahuli-hulihang bus na aalis. Kung maari konti lang ang sakay. O ako lang sakay.
Hinihintay kong kainin ako ng lupa hanggang matuto akong manindigan.

Bumalik ang aso. Ipinakita kung paano siya lakas loob tumae sa harap ng madaming tao.

-Wakas

Newbie lang po. ✌️
 
sana nga aso na lang ako para wala din akong keme.. :rofl:
 
Back
Top Bottom