Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Pa critic :3

Ganti ng kahapon

Salamat Mayor ako'y binuhay mo pa
Alam kong ako'y hindi mo na kilala
Subalit hindi na iyon mahalaga
Dahil ngayon ako'y makagaganti na

Gamit ng gaas at posporong hawak ko
Ibabalik ko ang dapat na sa iyo
Higit pa sa kahayupang ginawa mo
Sa Ina kong nasa kabila ng mundo

Damhin mo ang hapdi ng poot at galit
Kasabay ng kat'wan mong namimilipit
Sa apoy na tila imp'yernong mapait
Na tanging buhay mo ang gustong makamit

Isipin mo nang ako'y masamang tao
O higit pa sa alagad ng demonyo
Ngunit ito lang ang ikasisiya ko
Ang makita ang patay mong pagkatao
 
Last edited:
Back
Top Bottom