Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pa-help sa problema ko sa trabaho..

justiriser

Recruit
Basic Member
Messages
3
Reaction score
0
Points
16
Good day mga sir/maam.. ako ay isang video editor sa isang network dito sa pinas.. pero di na ako masaya sa pinag gagagawa ko.. 3 yrs na akong nag wowork dito.. gusto ko na umalis para i pursue tlga ang gusto kong gawin.. gusto ko maging isang 3d artist..

Ang dahilan kaya di ako maka alis kasi may hinuhulugan akong sasakyan.. nung mga 1st 2 years ko dito sa network na to.. ok ang sweldo.. ngayon imbis na tumaas lalo pa itong bumaba dahil sa mga production stuffs na ang management lang ang nakakaalam.. binawasan ang oras ng trabaho.. kaya bawas na bawas din ang sahod..

And dahil nga di naman na ako masaya sa pinaggagagawa ko at di na din ako masaya sa pasahod.. parang ang incompetitive ng performance ko..

May mga iba pa akong skills sa computer like 3d art, konting programming sa unity3d (c#), graphics like after effects and photoshop.. and somehow di ko na alam kung saan patungo ang career life ko.. dama kong akoy isang jack of all trades but master of none..

Gusto ko nga matutunan ang pagiging isang 3d artist.. pero super basics palang din ang alam ko dun.. alam nyo yung pakiramdam na alam mo kung ano ang gusto mo.. pero imposible png makuha dahil kulang na kulang pz ang experience sa isang bagay? Ganun.. magulo ba kwento ko?

Nag post ako dito kasi gusto ko lang din magreach sa madaming tao.. gusto ko lang po hingin ang opinyon nyo.. salamat po.. :)
 
Kung gusto nyo matuto nang ganun boss mag aral po kayo ulit ako mag aaral ako ulit. pero ikaw na may work na eh mag self study ka boss sundin mo kung san ka masaya wag ka mag payaman aanin mo yung pera kung di ka naman masaya, gawin mo kung anong gusto mo boss, wag ka munta titingin sa problema kundi dun muna sa goal mo :)
 
Self study nalang ts diba bawas bawas na din naman ung oras mo sa pagtratrabaho dun mo nalang ilaan sa pagaaral ng 3D Drawing pagkatapos mo magwork magstudy ka o kaya hanap ka muna ng part time tapos imanage mo nalang ung oras mo sa pagseself study part time at work .. :thumbsup:
 
magstudy ka kpg free time mo, habng nagtatrabaho ka, ipon ka, tapos magaral ka ulit, para magawa mo tlga yung gusto mo,
 
Thank you po sa mga sagot.. appreciated.. napag desisyonan ko na tapusin nalang yung 2 years na hinuhulugan kong sasakyan bago ako mag-aral ulit ng gusto ko.. thanks ulit mga boss.. :)
 
Back
Top Bottom