Umuulan..
Malakas at malamig ang hangin..
Mag-isa..
Tulala..
Sa kisame nakatingin.
Pipikit..
Hihikab..
Tatagilid.
Dadapa.
Uunat.
Nagawa mo na'ng lahat ng posisyon.
Magdamag pa din'g mulat.
Mag-e-emote..
Sesenti..
Mag-i-imagine..
Putang-ina kasi kahit saan tumingin,
Ang nakikita ay ikaw pa rin.
Naiiyak ng kaunti..
Pero pilit ngingiti.
Baliw eh!
Oo..
Pero..
Nakaka-aliw lang eh.
Ang sarap lang,
Sa pakiramdam nang,
Ala-alang,
Minsan may isang,
Pag-ulang pinagsaluhang,
Patilain sa natakbuhang,
Bubungang may butas at tumutulo pa din,pero ok lang.
Nakangiti ka pa din,
Habang nakahawak ka pa din,
Sa kamay ko'ng tulad ng mga katawan nati'y basa na din.
Ngunit walang balak patuyuin,
Kahit giniginaw ay nag-aalab pa din,
Ang mga damdamin natin'g,
Hindi maawat ng kulog at kidlat,
At ng langit na madilim!
Ngunit bakit ba?
Kahit na..
May mga bagay-bagay na,
Sadyang hindi na maaari pa.
At..
Gaano man kataimtim idasal,
Natatapos din ang pag-ulan,
At may hangganan ang pagmamahal.
[
/B]Malakas at malamig ang hangin..
Mag-isa..
Tulala..
Sa kisame nakatingin.
Pipikit..
Hihikab..
Tatagilid.
Dadapa.
Uunat.
Nagawa mo na'ng lahat ng posisyon.
Magdamag pa din'g mulat.
Mag-e-emote..
Sesenti..
Mag-i-imagine..
Putang-ina kasi kahit saan tumingin,
Ang nakikita ay ikaw pa rin.
Naiiyak ng kaunti..
Pero pilit ngingiti.
Baliw eh!
Oo..
Pero..
Nakaka-aliw lang eh.
Ang sarap lang,
Sa pakiramdam nang,
Ala-alang,
Minsan may isang,
Pag-ulang pinagsaluhang,
Patilain sa natakbuhang,
Bubungang may butas at tumutulo pa din,pero ok lang.
Nakangiti ka pa din,
Habang nakahawak ka pa din,
Sa kamay ko'ng tulad ng mga katawan nati'y basa na din.
Ngunit walang balak patuyuin,
Kahit giniginaw ay nag-aalab pa din,
Ang mga damdamin natin'g,
Hindi maawat ng kulog at kidlat,
At ng langit na madilim!
Ngunit bakit ba?
Kahit na..
May mga bagay-bagay na,
Sadyang hindi na maaari pa.
At..
Gaano man kataimtim idasal,
Natatapos din ang pag-ulan,
At may hangganan ang pagmamahal.
[