Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Wish

First time ko lang magpost dito. isa ito sa Naisulat ko nuon sa scratch. Sa totoo lang naisip ko ung plot ng story habang papauwi ako ng bahay galing work.

Enjoy :)

-------------------------------------------------

Hindi porket masakit ay aayawan mo na. May mga bagay sa mundo na sadyang magdudulot sayo ng pagkadapa ngunit ito din ang dahilan upang bumangon ka muli.

"Hi Ash" bati sa akin ng lalaking kanina pa ang sunod sa akin. Kanina pa buntot ng buntot ang lalaking ito. Kung di nga lang ito saksakan ng gwapo ay pagkakamalan mo itong stalker pero gwapo sya eh. Kaya admirer ko sya. "Hi din Juan." Tugon ko sa gwapong binata na nasa tapat ko. "tulungan na kita sa mga gamit mo" alok nya sakin na may nangungusap na mata. "Ah eh. Wag nalang kaya ko naman ito eh" pagtangi ko sa kanya at pagsisinungaling na din, kasi ba naman e, Ang kapal ng libro kapag Nursing. "tulungan na kita nabibigatan ka na eh." Sabi nya sabay kuha ng makapal na libro na hawak ko. ayaw ko nga sanang ibigay ang libro pero siniko nya ako at napaatras ako sa lakas. "Ay sorry. Ikaw kasi eh ayaw mo pang ibigay nahihirapan ka na. ayoko ng nahihirapan ka kasi mas nahihirapan ako" banat nya sa akin di ko alam pero feeling ko ng oras na iyon ang ganda-ganda ko syet. Simula ng araw na iyon ay lagi na nya akong inihahatid sa dorm ko. Naging matalik na kaibigan kami sa maigsing panahon di ko alam kung ano ang mayroon sya pero ang bago ng kili-kili nya.

Habang kumakain kami sa isang Unlimited Rice Restaurant, na parang malagkit ang kanin. Ewan ko ba kung ito talaga ang strategy nila para lang konti lang ang makain mong kanin. "May boyfriend ka ba Ash?" tanong sakin ni Juan sabay higop ng sabaw na parang powder lang naman talaga ang ginamit upang magkalasa. Pinunasan ko muna ang nagpapawis ko sa noo gamit ang manggas ng blusa ko bago sumagot ng "Wala, bakit mo naman na itanong". Paechos ko lang na sagot iyon gusto kong sabihin sa kanyang ligawan mo na ako. "Ash, pwede ba kitang ligawan. Sorry ah alam ko pwedeng mawala ang pagkakaibigan natin pero mahal kasi kita eh. Patawad." Sabay kuha ng kulay orange na likido saka inilagay sa malagkit na kanin. Hinalo nya ito para magmukha daw java rice. Muntik ko ng malunok ng buo ang hita ng manok na hawak ko pero naisip ko mas masarap na pakonti-konti ang pagkain para makaabot ako ng 5 rice o higit pa, kaya di ko nalang nilunon ng buo ang hita ng manok. "Jason, pwede bang pagisipan ko yan?" pakipot kong sagot pero sa totoo lang ay gusto kong mag-I Do sa kaya ngunit syempre as dalagang pilipina nagtimpi ako. Tumitig sya sa akin, diretso sa mga mata ko. napalunok ako ng laway ko. Unti-unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Ito na ata ung part na pipikit ako. Kaya pumikit ako, nagsalita sya. "Sige, Di naman ako nagmamadali eh. Pero pwede bang akin nalang itong hita mo kung di mo na kakainin?" bulong sya sa akin. Napadilat ako. Gusto ko syang sampalin hindi dahil akala ko hahalikan nya ako ngunit nagkamali ako dahil gusto nyang kunin ang hita ng manok ko. "Sige na sa'iyo na" mabait kong tugon sa kanya habang umiinom ng softdrinks. "bluufffffffff!!!!" oppps. Tumawa nalang ako.

Lumipas ang isang lingo habang nanonood ng sine. Ang palabas noon ay tungkol sa isang libro na pilit na ginawan ng kwento kahit wala naman talaga. Sikat lang kasi ang libro at best seller. Isa lang ito sa nakiusong libro na ginawan ng pelikula. Pero ang totoo ay ganon pa din naman ito. Isang panget na babae na gumanda din naman pagdating sa dulo ng pelikula. Tahimik kaming nanonood. "Pwede ka ng manligaw" pambabasag ko sa katahimikan. "talaga?" paninigurado ni Juan sa narinig. "Opo" mahinang tugon ko sa binata. Naguumapaw sa kagalakan ang puso ko pero di ko pinahalata sa kanya.

Panay ang padala sa akin ni Juan ng kung ano anong bagay tulad ng Chocolate, Teddy Bear at kung ano ano pang bagay na laging pinapadala kapag nanliligaw.

Habang nagdedate kami sa isang magarbong tindahan ng kape. "John, please stopping sending me a regalo." PaConyo kong sabi kay Juan. "Why? You don't like ba?" He said but - teka pati ung pagkukwento ko paConio na, Porket nasa magarbong tindahan ng kape ay kailangan magenglish? Eh parepareho din namang kape yan. Ang pinagkaiba lang madaming bula. Anyway. "Hindi naman sa ayaw ko Juan, ayaw ko kasi ng mga material na bagay na ako lang ang nasisiyahan, kung gusto mo talagang maging tayo tatlong bagay lang naman ang gusto ko" Pagkasabi ko nuon ay napatingin sa akin ni Juan. "tatlo? Ano-ano iyon ?" mabilis na tugon nya. "Una, Ligawan mo ang parents ko. Pangalawa, bigyan mo ako ng Star. Pangatlo, ibigay mo sa akin ang hindi pa naibibigay ng kahit na sinong manliligaw sa kanilang nililigawan". Nakita kong nagulumihanan si Juan ng pagkasabi ko nuon. "Parang ang hirap naman ata nun." Matamlay nyang sabi sa akin "Kung mahal mo talaga ako kaya mong gawin iyon" nakangiti ko sa kayang tugon. Ngunit miski ako ay nagugulumihanan kung kaya nga ba talaga ng lalaking ito ang gusto ko.

Dalawang araw ang lumipas mula ng magusap kami ni Juan ay dumating s’ya sa bahay naming nakaFormal attire at tipong akala mo ay bulak nalang ang kailangan. "Magandang araw po" magalang nyang tugon sa aking mga magulang ng makita nya ito sa pinto. Sabay abot ng bugkos ng bulaklak sa aking ina. Nagmano pa ito. Di ko na alam kung anong pinaguusapan nila ng aking mga magulang pero ang tantya ko ay nagkakatuwaan sila. Mukhang maganda ang kalalabasan ng panliligaw na ito ni Juan sa aking mga magulang.

Ilang araw bago magpasko, napagpasyahan namin ni Juan na pagsimbang gabi. Habang binabagtas naming ang daan pauwi sa bahay naming ay naisipan naming ni Juan na maupo sa isang malaking tipak ng bato sa gilid. Napapagod na kasi ako. Saka ang saya din naman kasi panuorin ng mga Gangster na naglipana sa daan. Para silang mga sampayan na naglalakad. Nakakatuwa. Naisipan din kasi naming na maglakad upang masulit daw naming ang oras. Napansin ko si Juan na mayroong kinakalikot sa kanyang bag. "Ano yan?" tanong ko sa kanya. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya sinilip ko nalang ung laman ng bag. Nagulat ako ng bigla nyang ilabas ung malaking Star na chocolate. "Ito na ung star mo. Pagpasensyahan mo na kung medyo cheap". Napayakap ako kay Juan ng mga sandaling iyo. Gusto ko na syang sagutin ngunit isa nalang ang hinihintay ko. Ang huli kong hiling sa kanya.

Mahal na mahal ko na si Juan, Para na kaming magsyota kung tutuusin. Oo ko nalang ang kulang upang maging Opisyal kaming maging kami. Kung tutuusin di ko na kayang mawala sa kanya. Pero pinili kong wag muna syang sagutin dahil hinihintay ko ang huli kong hiling.

"Pangatlo, ibigay mo sa akin ang hindi pa naibibigay ng kahit na sinong manliligaw sa kanilang nililigawan" pumauulit sa aking isipan ang huli kong hiling kay Juan. Ano nga ba ang di pa naiibigay ng kahit na sinong manliligaw sa kanilang nililigawan? Mukhang mahirap ata ang kahilingan kong iyon. Pero nagawa iyon ni Juan. Alam mo ba kung anong ibinigay nya?

Isang araw nagmomotor kami gamit ang bago niyang motorsiklo. Kung saan saan lang kami pumupunta. Parang amin na ang mundo. Ayoko ng matapos ang mga sandaling ito. Mabilis ang takbo ng motor ni Juan. Habang binabagtas ang kahabaan ng Mindanao Ave papunta ng Trinoma ng bilang may kung anong bagay na di ko maintindihan. Kumapit ako ng mahigpit kay Juan. Mabilis ang mga pangyayari. Ang mga sumunod na pangyayari ay di ko na matandaan.

"Magiingat ka palagi ah." Sabit ni Juan habang nakatitig sa mga mata ko. "Kung magsalita ka akala mo naman ay di mo ako poprotektahan" pagbibiro ko. Ngiti lang ang sinukli nya sa akin. Saka tuluyan akong hinagkan sa aking mga labi.

Nagising nalang ako sa isang kwarto na may puting kumot at puting unan. Oo sa Hospital. Panginip lang pala. Nakahawak ang aking ina sa aking kamay habang ito ay natutulog. Diniinan ko ang pagkakahawak na iyon upang ipaalam sa kanya na gising na ako. "Ashley, anak gising ka na" pagaalalang tugon ni ina sa akin. Nginitian ko sya at saka nilibot ang aking mga mata. Nang di ko makita ang hinahanap ay nagsalita na ako "Ma, Si Juan?" malamyang sabi ko sa kanya. Napahawak ng mahigpit si mama sa akin. "Wala na sya anak" nanghihinang tugon ni ina. "Anong wala? Saan sya nagpunta? Babalik daw ba sya?" sunod na sunod kong tanong kay ina. Naguguluhan ako. "P-Patay na sya" mautal-utal na tugon ni ina sa akin. "Hindi ma, nandyan lang sya. Wag kayong magbiro ng ganyan." Halos paiyak ko ng sabi kay ina. "Anak namatay sya. Halos dalawang lingo na. dalawang lingo ka na ding tulog. Nangailangan ka ng puso, at ang puso nya ang ginamit." malungkot na sabi ni ina. Tuluyan na akong humagulgol ng oras na iyon. “Juaaan!!! Mahal kita!!!” sigaw ko sabay hagulgol ko.

Nagawa nga ni Juan ang huli kong hiling ngunit wala naman sya ngayon sa piling ko. Mahal na mahal ko sya. Sana ay hindi nalang ako humiling.
 
Back
Top Bottom