Pagod ka na ba maging Pilipino?
Hindi ako galit sa mundo at lalong hindi ako galit sa Pilipinas.
Mahal ko pa rin ang bansang Pilipinas pero katulad mo ako rin ay naghahanap, nagtatanong at nangangarap na umangat at umunlad kahit na kaunti ang kabuhayan ng Pilipinas at ng Pilipino. Pag-unlad na hindi lang sa press release kundi pag-unlad na nararamdaman, nakikita at nari-realize talaga ng mga Pilipino. Hindi ko pinapangarap na umunlad ang Pilipinas ng madalian, hinihiling at pinapangarap ko lang na wala na sanang pumapatay, napapatay at nagpapakamatay dahilan sa kawalan ng makain. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural pero ilang milyong Pilipino ang dumaranas ng gutom sa ngayon?
Mahigit isang-daang taon na mula ng iwagayway ang watawat na simbolo ng kalayaan. Ilang milyong Pilipino ang nagbuwis ng buhay para magkaroon tayo ng tinatawag na kasarinlan? Ilang milyong aktibista, rebelde o simpleng tao na rin ang nangarap sa pagbabago? Kastila, Amerikano at Hapon, mga bansang sumakop sa ‘tin. Sa nakalipas na ilang dekada, nasaan na ang bansang Espanya, Amerika at Hapon? Sila’y mga mayayamang bansa na tinitingala, hinahangaan ng mga bansang mahihirap na katulad natin. Kung sakaling hanggang ngayon ay sakop pa rin tayo ng alin man sa mga bansang ito, oo nga wala tayong “kasarinlan” pero maunlad kaya tayo? Kung tayo’y colony nila ang tinatamasa kaya nilang kayamanan ay tinatamasa din natin? Masarap maging malaya at masarap ang pakiramdam ng malaya… Hanggang saan na ba tayo dinala ng kalayaang ito?
Sabi ni Manuel Quezon noon…”mas nanaisin pa raw niya ang isang Pilipinas na pinapatakbo na parang impiyerno ng mga Filipino kesa isang Pilipinas na pinapatakbo na parang langit ng mga dayuhan…” makaraan ang napakaraming taon ng kasarinlan, ito na nga ba ang nangyayari? Lugmok sa kahirapan ang Pilipino, over-populated, bagsak ang ekonomiya, maraming walang trabaho, laganap ang korapsyon. Mayroon pa ba kong nakalimutan?
Sa puntong ito, marami ng mga Pilipino ang nag-a-abroad hindi lang para mag-trabaho. Maaring sila’y nag-a-abroad para takasan ang hirap ng buhay sa bayang kinagisnan nila, maari ding hindi nila masikmura ang garapal na pangungurakot ng mga nakaposisyon sa gobyerno. Nakaposisyong walang sapat na programa para sa pag-unlad ng ekonomiya, kanya-kanyang diskarte kung anu-ano ang pwedeng pagkakitaan.
Pagod na kaya silang maging Pilipino?
Kung sila’y tatanungin gusto pa rin ba nilang maging Pilipino sa kanilang susunod na buhay?
Umiiyak na ang bansang Pilipinas gayundin ang karamihan ng Pilipino. Ano ba ang magagawa ko? mo? natin? Maaaring biktima tayo ng krimen na ang salarin ay hindi habang-buhay na nakakulong kundi habang-buhay na nasa pwesto, mananatili at mamumuno sa atin sa iba’t-ibang katauhan.
Komunismo? Monarkiya? Diktaturya? Sa desperadong si Juan, Ilan na rin ang gustong yakapin ang ganitong uri ng pamamahala. Malupit, mahigpit pero sa tingin ng iba’y okay ito kaysa sa malaya na hikahos naman ang pamumuhay. Sa ganang akin, Okay pa rin naman ang tinatamasa nating kalayaan kahit na ang kalayaang ito ay ginagamit ng husto at inaabuso ng matatalino at makapangyarihan. Kalayaan sa pagnanakaw, kalayaan sa pag-utang sa World Bank, kalayaan sa pagsupil sa katotohanan. Ilang salaysay na ba ng whistle-blower ang nawalan ng saysay? Ilang expose na ba ang ibinabaon lang sa limot?
Kasalanan na ba ang magsabi ng katotohanan sa bansang ito?
Naaalala nyo pa ba si Panfilo Villaruel Jr?
Kilala nyo ba si Jun Loazada?
Pamilyar ba kayo kay Suwaib Upham?
May mangyayari ba sa mga salaysay ni Heidi Mendoza?
Mas kapani-paniwala ba ang mga magigiting nating heneral kaysa kay Col. George Rabusa?
Marami nang kahihiyan ang inabot ng Pilipinas sa mata ng mundo, kung anu-anong konotasyon ang idinidikit sa mga Pilipino, napakasama na natin sa tingin ng mga banyaga. Nagiging popular tayo hindi dahil sa galing, talino at talento natin kundi dahil sa mga palpak na ginagawa ng kapwa natin Pilipino. Maniniwala ka ba na ang Pilipinas ay pinakadelikadong bansa (sa mamamahayag) kaysa Iraq? Nakakahiya pero totoo. Ganyan ba ang kalayaan? Iilan na ba sa atin ang nagsabing nakakahiyang maging Pilipino? Ano na ba ang naitulong natin sa larangan ng Syensya at Teknolohiya at itinuring ang kredito na sadyang sa atin? Sapat na ba mayroon tayong Arnel Pineda, Allan Pineda, Lea Salonga, Charice Pempengco at Manny Pacquiao para mapagtakpan ang kahihiyan ng buong Pilipinas? Oo humahanga at bumibilib tayo sa kanila, repleksyon na ba ito ng pagiging mahusay at matapat na Pilipino, in general. Sila na nga lang yata ang dahilan kung bakit kilala ang Pilipinas sa positibong banda. May tulong ba ang gobyerno at pamahalaan natin para sila ay makilalala at linangin ang kanilang talento? Wala. Sila ay nagsumikap sa sarili nilang paraan para makamit nila kung anuman ang mayroon sila ngayon. Walang tutulong sa Pilipino kundi ang sarili nya mismo. Hindi ang gobyerno, hindi si Mayor, hindi ang Pangulo.
Nakakapagod bang maging Pilipino? Hintay tayo ng hintay nang ganap na pagbabago simula ng ibigay sa ‘tin ang ating kalayaan, nagkaroon na tayo ng iba’t-ibang klase ng lider Abogado, Heneral, Ekonomista, Makamasa at iba pa. Ano na ba ang nangyari? Ano ba ang nagbago? Kakambal na ba natin ang kahirapan at katiwalian? Sa aking opinyon, hindi ko pa nakikita ang bansang Pilipinas na uunlad sa loob ng dalawampung-taon, sa nakikita nating sistema ng mga namumuno na nananalaytay sa kanilang dugo ang kamunduhan at kasakiman. Diyos na ba nila ang pera? Nakakalungkot isipin na ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asya na Kristyano pero numero uno naman tayo sa Asia sa tatlong K – korapsyon, katiwalian at kalokohan.
Bakit ko ginagawa ito? Wala akong maisip na kongkretong dahilan sabihin na lang natin na ginagamit ko ang pribileheyo ng pagiging isang “malayang” Pilipino. Sanay na naman tayo makakita ng mga taong may paningin pero nagbubulag-bulagan, mga taong may pandinig pero animo’y bingi sa mga karaingan, mga taong balido pero mistulang paralisado kung kumilos. Gustuhin mo mang sumigaw, lumabas ng kalye, magsulat para sa panawagan ng pagbabago eh sigurado namang walang patutunguhan ito.
Tama na, hindi ko na kaya. Baka isipin ninyo na ako’y isang maka-pili na traydor sa kapwa Pilipino. Hindi ko nais na libakin at hamakin ang bansa ko at ang Pilipino pero ito ang nakikita ko. Ikaw, iba ba ang nakikita mo?
nainspire mo din ako ayusin ito..

thanks to master chizcarl sa sipag at tyaga na ayusin ang post ko..maraming salamat po..The format is pretty annoying. Hard to read. Ito, inayos ko:
thanks,
chizcarl
nainspire mo din ako ayusin ito..
Last edited: