May isang teacher intern sa school namin, na minsan napasulyap ako sa kanya at nasabi ko sa sarili, ang ganda nito ah. Wala pa akong naging kasintahan kasi yung mga taong gusto ko hindi ko mahanap kung saan, malayo o may nagmamay ari na sa kanila, o ayaw lang talaga magpakita, o basta maraming dahilan, hahhaha. At ito nga, hindi ko na lang namalayan, sabay na rin ng mga tukso ng iba kung mga kasamahan, hindi ko namalayan na nahuhulog na pala yung loob ko sa kanya, ang ganda kasi ng pagkakataon, siya yung andyan, pwedeng lapitan, oras oras lang ay pwede mong sulyapan. Oportunista man, kasi medyo may pagitan ng 6 na taon yung edad namin, 21 sya, 27 ako, pwede pa naman diba? Kaso lang medyo kinakabahan ako kasi wala akong karanasan pagdating sa mga ganito xd, kaya ito, edadaan na lang ulit sa tula, pero sana kahit man lang mabigay ko sa kanya ito ng personal, sana magkaroon man lang pagkakataon diba.. hahahaha, ay ewan.. ito yung tula, title nya paraluman kasi, ganun sya, hahaha
Paraluman
Kay gandang tanawin ng iyong ganda.
Kay sarap pagmasdan,
ngiti ng yong mga mata.
At sa bawat sulyap mo,
mundo ko'y humihinto.
Sabay ng pag bilis,
pintig nitong aking puso.
Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka.
Hindi naman nito napapawi,
tuwang aking naipipinta.
Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta,
Tiyak namang pag-ibig,
itong aking nadarama.
Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta.
Ngunit syang tunay,
ito ang batid ko sa twina.
Malabis man na kabilisan,
itong aking pagsinta.
Pangako ika'y iingatan,
saksi man ang mga tala.
Sa bawat taludturan ng tula kung ito.
Ipinababatid ko,
ang pag giliw ko sayo.
Ngunit kailan ma'y,
hindi aasang susuklian mo,
Mabasa mo lang ito'y,
lubusang ikasisiya ko.
Paraluman
Kay gandang tanawin ng iyong ganda.
Kay sarap pagmasdan,
ngiti ng yong mga mata.
At sa bawat sulyap mo,
mundo ko'y humihinto.
Sabay ng pag bilis,
pintig nitong aking puso.
Ako may kinakabahan sa twing' nakikita ka.
Hindi naman nito napapawi,
tuwang aking naipipinta.
Huwag lang sana umiwas sa akin o sinta,
Tiyak namang pag-ibig,
itong aking nadarama.
Ipagpatawad mo minahal kita agad sabi ng kanta.
Ngunit syang tunay,
ito ang batid ko sa twina.
Malabis man na kabilisan,
itong aking pagsinta.
Pangako ika'y iingatan,
saksi man ang mga tala.
Sa bawat taludturan ng tula kung ito.
Ipinababatid ko,
ang pag giliw ko sayo.
Ngunit kailan ma'y,
hindi aasang susuklian mo,
Mabasa mo lang ito'y,
lubusang ikasisiya ko.