Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Pastilan!

Pa'no ba yan?
Valentine's Day ngayon..

Madaming pa-romantic ang peg,
Magreregalo ng roses and chocolates.
Pipili ng fancy restaurant,
Aayain si gf at ide-date.


Pero don't worry.
Napakarami pa rin'g single.
At eto..
Sila talaga 'yung totoong ma-emote.
Magpopost ng status sa facebook,
Selfie shots tapos hugot ng mapait na quote.

Magmumukmok..
Tatambay sa bahay..
Tatagay..
Magsesenti..
Iiyak..
At kapag nalasing?
Hahanap ng away!


Pero paano nga ba sisimulan ang araw ng mga puso na medyo espesyal?
Iyong tipong napamura si gf sa kilig!

"Tang-ina,ang sarap kaya sa pakiramdam ng may nagmamahal.."


Pero ang malas mo eh.
Noong matuksong umibig ang puso mo'y,
Ang hindi naiwasang mapili ay ako.

Walang yaman.
Walang pera.
Ni wala ngang maisanglang ari-arian upang mailibre ka kahit chickenjoy man lamang.

Pero OK lang.
Alam mo bang mula nung mahalin kita'y kahit sulyap sa ibang chick ay akin ng iniwasan.
At kung mag-enjoy man ako?
Ang tanging dahilan,
ay ikaw na lamang!



Ngayong araw ng mga puso,
Wala akong maiaalay na regalo kundi ang aking nguso.
Este puso!!
Pasensya na magkatunog kasi,kaya hindi ko natiis.
Parang ‘yung tunog ng tumitibok kong puso para sa’yo,
Walang mintis!
At nakakainis,
Araw-araw ka’ng nakakasama’y parang parati na’y namimiss.

At nagkukumahog at nagsusumigaw..
Parang baliw..
Hindi maka-ayaw!

Sa tuwi-tuwina’y ang nais,
Matanaw..
Ay ikaw!



Putragis!!
Humahaba na ang usapan.
Kanina lang ay problema kung paanong ang pagbati ay sisimulan.
Ngayon nga’y suliranin naman,
Ay ang lilikhaing hangganan.

Nitong natatangi ko’ng pagbati,
Sa’yo giliw.
Nawa’y nadama mo kahit kaunti,
Ang natatangi ko’ng pagtangi na hindi magmamaliw.



Kahit magunaw ang mundo at magkawakasan.
Kahit wala pa din’g poreber ay mananatiling walang hanggan.
Kaht umunti ang sapat..
Kahit magkulang ang lahat..
Umasa ka’ng laging sakto!
Ang pag-ibig ko sayo’y parang coke.
Ang nais ko’y ikaw mismo.
Mas malaki pa sa litro.
Nag-uumapaw at umaawas.
Walang labis.
Walang kulang.
Walang bawas!

At kahit na ang pinagpupu-putok ng butse ko’ng ito’y,
Wala ng matagpuang wakas.
Pautang na lang pambiling yosi,
Bayaran ko bukas!!

 
Pa'no ba yan?
Valentine's Day ngayon..

Madaming pa-romantic ang peg,
Magreregalo ng roses and chocolates.
Pipili ng fancy restaurant,
Aayain si gf at ide-date.


Pero don't worry.
Napakarami pa rin'g single.
At eto..
Sila talaga 'yung totoong ma-emote.
Magpopost ng status sa facebook,
Selfie shots tapos hugot ng mapait na quote.

Magmumukmok..
Tatambay sa bahay..
Tatagay..
Magsesenti..
Iiyak..
At kapag nalasing?
Hahanap ng away!


Pero paano nga ba sisimulan ang araw ng mga puso na medyo espesyal?
Iyong tipong napamura si gf sa kilig!

"Tang-ina,ang sarap kaya sa pakiramdam ng may nagmamahal.."


Pero ang malas mo eh.
Noong matuksong umibig ang puso mo'y,
Ang hindi naiwasang mapili ay ako.

Walang yaman.
Walang pera.
Ni wala ngang maisanglang ari-arian upang mailibre ka kahit chickenjoy man lamang.

Pero OK lang.
Alam mo bang mula nung mahalin kita'y kahit sulyap sa ibang chick ay akin ng iniwasan.
At kung mag-enjoy man ako?
Ang tanging dahilan,
ay ikaw na lamang!



Ngayong araw ng mga puso,
Wala akong maiaalay na regalo kundi ang aking nguso.
Este puso!!
Pasensya na magkatunog kasi,kaya hindi ko natiis.
Parang ‘yung tunog ng tumitibok kong puso para sa’yo,
Walang mintis!
At nakakainis,
Araw-araw ka’ng nakakasama’y parang parati na’y namimiss.

At nagkukumahog at nagsusumigaw..
Parang baliw..
Hindi maka-ayaw!

Sa tuwi-tuwina’y ang nais,
Matanaw..
Ay ikaw!



Putragis!!
Humahaba na ang usapan.
Kanina lang ay problema kung paanong ang pagbati ay sisimulan.
Ngayon nga’y suliranin naman,
Ay ang lilikhaing hangganan.

Nitong natatangi ko’ng pagbati,
Sa’yo giliw.
Nawa’y nadama mo kahit kaunti,
Ang natatangi ko’ng pagtangi na hindi magmamaliw.



Kahit magunaw ang mundo at magkawakasan.
Kahit wala pa din’g poreber ay mananatiling walang hanggan.
Kaht umunti ang sapat..
Kahit magkulang ang lahat..
Umasa ka’ng laging sakto!
Ang pag-ibig ko sayo’y parang coke.
Ang nais ko’y ikaw mismo.
Mas malaki pa sa litro.
Nag-uumapaw at umaawas.
Walang labis.
Walang kulang.
Walang bawas!

At kahit na ang pinagpupu-putok ng butse ko’ng ito’y,
Wala ng matagpuang wakas.
Pautang na lang pambiling yosi,
Bayaran ko bukas!!


Hahaha! Natawa ako.
Anong ibig nga sabihin ng pastilan? Lagi ko naririnig yan sa bahay ng bestfriend ko nung bata pa kami. :)
 
Pastilan?!
Hmmm... Parang expresion yan ng mga bisaya brad eh,wala syang eksaktong kahulugan kasi ginagamit sya sa lahat ng pagkakataon na tipong labis labis na ang nadaramang emosyon,parang "imba" na nauso nuon. Yan yun,haha. Sana naexplain ko ng tama kasi hindi din naman ako bisaya,salamat sa pagdaan dito brad.
 
nakakakilig naman to lodi.. ang galing ng flow ah.. mula sa problema hanggang sa naging romantic pagkatapos mangungutang sa huli :lmao:


napaka-sweet.. simple lang pero patok yung nilalaman.

:salute:
 
Back
Top Bottom