Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Payong ( hindi na baging love story)

"UWIAN NA!!" ito ang pakiramdam ng halos lahat ng tao sa loob ng locker area ng isang kilalang super market. Makikita ang mga ngiti ng mga kasamahan kong "diser" (merchandiser) na sabik nang umuwi sa kanikanilang tahanan. Maririnig ang kanya kanyang kwentuhan, kantyawan at yayaan ng inuman. Maamoy mo rin ang ibat ibang mumurahing pabango na nakikidigma habang dumadampi sa tshirt na buong araw basa ng pawis at syempre sigang amoy ng gamit na medyas. Lahat pagod pero lahat masaya, maliban sakin.

Last day na kase ngayon ng crush kong guard na si Camille. Iba sya sa ibang lady guard sa store. Maganda, maputi, matangkad. Pero ang pinakagusto ko ay mukhang matatag sya. Parang boyish pero hindi tibo. Mukhang mataray pero may mabuting kalooban. Ang cute pag nakangiti at parang bata kung makatawa.

Habang palabas ng employees entrance ay nagmamabagal ako. Gusto ko kase kahit sa huling pagkakataon ay makasabay ko ulit sya pauwi.

Sumimangot ang lahat ng malamang ang lakas pala ng ulan sa labas. May mga napilitang magantay at may mga nakisukob nalang sa ibang may dalang payong.

Ilalabas ko na sana ang payong ko ng makita kong nakaupo lang si Camille. Sa kaunting laway na nilunok ko ako kumuha ng lakas ng loob tumabi at kausapin sya.

"Ma'am? Wala din po kayong payong?"

"Meron pero ayoko mabasa paa ko. Maghapon ako nakatayo baka mapasma ako. Ikaw wala kang payong?"

Swerte ata ako ngayon at mukhang makakasama ko sya ng masmatagal.

"Wala ma'am. Tambay nlng muna ako dito."

At kinain kami ng katahimikan. Palihim ko syang tinitignan sabay lingon pag pakiramdam ko ay mapapansin na nya. Binunot nya ang kanyang cellphone para libangin ang sarili habang ako naman palihim na humihiling na sana wag muna matapos ang ulan.
Nangangarap na yayain nya akong makihati sa payong nya, makakwentuhan sya habang nakasakay sa jeep, tsetsempong kukuhain ang # nya, magiging mag txtmate, at di magtatagal maaamin ko rin ang paghanga ko sa kanya at sasabihin nyang may pagtingi . .

BEEP . . . BEEP . . .BEEP!!!!

Tatlong malalakas na busina ang gumising sakin sa pananaginip ko ng gising. Gusto ko sana murahin ang driver ng biglang tumayo si Camille at lumakad papunta sa magarang kotse. Bumaba ang gwapo at matipunong lalaki at sinalubong sya ng payong ma may logo ng bigating iskwelahan. Pinagbuksan sya ng pinto at nang parehas makapasok ay naaninag ko ang paghalik ng lalake sa labi nya.

Sumikip ang dibdib ko at napayuko. Wala akong panama sa lalaking para sa akin ay karibal ko. Narinig kong bumusina ulit ang kotse na parang tinatawag ang pansin ko. Tumingin ako at nakita si Camille na sinesenyasan akong lumapit. Tumakbo ako palapit at binuksan nya ang bintana.

"Yes ma'am?" Tanong ko

Inabot nya sakin ang payong nya

"oh, sayo na yan. Umuwi kana anong oras na"

Inabot ko ang payong at nagpasalamat. Nang tumalikod ako ay tinawag nya ulit ako.

" T. L. F. (pangalang ng kompanya namin) wag kana malelate ok?" .

Sumaludo ako at ngumiti sabay sabing "Yes Ma'am!"

At tinanaw ko ang paglayo ng magarang kotse dala ang babaeng hinahangaan ko habang mahigpit na hawak ang nagiisang ala-alang iniwan nya sa akin.
 
Ito ang maganda akdang nabasa ko ngayong buwan! Simple...hindi mabigat pero may dating.

Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat para maensayo :salute:
 
salamat sa pagbahagi ng gawa mo .. sulat pa ng marami para gumaling lalo
 
Back
Top Bottom