Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PD30 Takot nga ba sa Tsina?

Status
Not open for further replies.

xDigoyx

The Devotee
Advanced Member
Messages
324
Reaction score
1
Points
28
Di ko maintindihan si PD30, bakit kinakampihan niya ang Tsina. Yong mga isla natin sa West Philippine Sea, ayaw niya rin makialam buti pa ang Vietnam umaalma na, ang sabi niya may panahon daw dyan, ang tanong ay kelan yong panahon na sinasabi niya eh hanggang 5 years na lang siya. Ngayong bago lang, pumasok na yong mga taga Tsina sa Benham Rise at wala pa rin siyang pakialam. Buti pa si Chief Lorenzana may pakialam. Di kaya't ayaw na niyang makialam dahil nabayaran na ang mga isla natin sa halagang $24B? Sabi niya parang lifetime na daw yong soft loan. ang tanong, kung ikaw ba ay negosyante, magpapautang ka ba ng ganung kalaki na walang kapalit at parang donation na lang? Klarong klaro may mali at pinagtatakpan lang.

Pede kayang ma impeach si PD30 dahil sa 'treason', dahil sa hindi niya pagdepensa sa soberenya ng bansa? Sa tingin ko, parang sinasalaula na ng Tsina ang bansa natin ng harapan at tayong mga Pilipino na rin. At wala man lang tayong nagawa para ipagtanggol ang dangal natin. Magaling talaga ang Tsina sa kanilang estratihiya na busalan ang mga lider natin (pagba bribe) habang ninanakaw naman nila ang natural nating yaman at mga isla. Kaawa awang Pilipinas...
 
Tiwala lang po sir.
 
Yun nga rin pinag tataka ko eh, masyadong kapit sa China kitang kita naman at lantad na lantad ang kangreedihan niyan, bakit niya natatangap yung mga ganung offer, nako talaga. Mukhang namind control tong binoto ko. No to China!
 
Tama ka nga. Na mind control nga siya dahil sa kilanting ng $24B. Kaya pala defensive siya masyado sa Tsina. Ang mahirap nito pag tumagal at talagang naging puppet pa siya ng Tsina ay baka nga suportahan pa siya nito upang maging diktador ng bansa at gawin pa tayong komunista. Sa tantiya ko, magaganap yan pag di lumusot yong kanyang Federalism, posibleng nasa kalagitnaan ng kanyang termino o one year before his final term magdedeklara siya ng 'revolutionary government'. Kaya pala di inaatake ang Davao ng mga NPA ay malaki pala ang suporta niya dito, kaya posibleng palabas lang niya yong away away niya sa CPP/NDF.
 
mag tiwala lang tayo mga master.. sabi nga sa isang news.. si PD30 ay isang political genius.. may mga plano sya, should i say planado na lahat ng mga moves nya... mala grand master sa chess...:thumbsup::thumbsup:
 
Tama, mala grandmaster na moves nga na gawin tayong komunista at alipin ng Tsina. Kuwidaw, di mo pede linlangin ang Tsina kasi mas tuso pa yan kesa sa idol mo. Dalawa lang yan, submit sa kanila o labanan sila. Saan ka sa dalawa?
 
Di ko maintindihan si PD30, bakit kinakampihan niya ang Tsina. Yong mga isla natin sa West Philippine Sea, ayaw niya rin makialam buti pa ang Vietnam umaalma na, ang sabi niya may panahon daw dyan, ang tanong ay kelan yong panahon na sinasabi niya eh hanggang 5 years na lang siya. Ngayong bago lang, pumasok na yong mga taga Tsina sa Benham Rise at wala pa rin siyang pakialam. Buti pa si Chief Lorenzana may pakialam. Di kaya't ayaw na niyang makialam dahil nabayaran na ang mga isla natin sa halagang $24B? Sabi niya parang lifetime na daw yong soft loan. ang tanong, kung ikaw ba ay negosyante, magpapautang ka ba ng ganung kalaki na walang kapalit at parang donation na lang? Klarong klaro may mali at pinagtatakpan lang.

Pede kayang ma impeach si PD30 dahil sa 'treason', dahil sa hindi niya pagdepensa sa soberenya ng bansa? Sa tingin ko, parang sinasalaula na ng Tsina ang bansa natin ng harapan at tayong mga Pilipino na rin. At wala man lang tayong nagawa para ipagtanggol ang dangal natin. Magaling talaga ang Tsina sa kanilang estratihiya na busalan ang mga lider natin (pagba bribe) habang ninanakaw naman nila ang natural nating yaman at mga isla. Kaawa awang Pilipinas...

di mu Brod alam kung gaano kautak si DU30,. akalain mung maiisip nya ang mangyayari sa Amerika bago ang Elelksiyon nila dun,. kaya siya nakipagAlyansa sa Tsina at Ruso..
 
total mga idea lang naman at opinyon lang ang labanan dito. para sakin sympre magtitiwala ako kay PD30 kasi at tama yung mga comment dito sa taas.. tiwala lang.

nag tiwala nga tayo dati sa PANOT.. ngayon pa kaya itong malabakal na kamay at kitang kita naman sa News na nakikita ang mga baho ng ibang government diba..

sa akin po titiwala ako sa binuto ko at alam ko sa akin isip ay ito lang ang aking matutulong magtitiwala ako sa PD30 natin.
 
di mu Brod alam kung gaano kautak si DU30,. akalain mung maiisip nya ang mangyayari sa Amerika bago ang Elelksiyon nila dun,. kaya siya nakipagAlyansa sa Tsina at Ruso..

yan nga ang punto ko.. tama ka master eifla666.. sa bawat gagawin nya may nka plano na salikod nito na makakabuti sa atin.. kaya trust lang parang condom... haha:rofl::rofl::thumbsup::thumbsup:
 
opinyon ko lamang po eto, ang gasulina mas lalong nagmahal. ang piso biglang bumagsak $1 = 50.19
sa mga kapulisan at sundalo asan ang increase?ang natatanggap palang nila yun kay Pnoy pa.
bakit yun Benham Rise at scarborough shoal aangkinin na din ba ng tsina?

yan nga ang punto ko.. tama ka master eifla666.. sa bawat gagawin nya may nka plano na salikod nito na makakabuti sa atin.. kaya trust lang parang condom... haha:rofl::rofl::thumbsup::thumbsup:
 
Alam mo ang tamang gawin dyan ay magkaroon sana ng Memorandum of Understanding (MoU) ang China at Pilipinas para di na magka problema pa. Dapat nakalagay doon sa Memo ang limitasyon at scope ng aktbidad ng bawat bansa, na bawat isa ay pwede naman maglayag sa West-Philippine at sa may Benham Rise. Pwede rin yong mga Chinese vessels na payagan mag conduct ng marine scientific research at kung may makikita na pedeng pagkakakitaan ay pedi naman paghatian ng dalawang bansa o kaya ay 60-40 o 70-30 ang hatian kasi nga wala naman tayong mga kagamitan. Pag may Memo na kasi di na maaalarma yong DND at DFA parang napa praning. Dapat sana ito ang ginawa. Ako na lang sana ang naging Adviser ni Presidente Duterte. Hehehehe....:happy:
 
takot tlga si du30 sa china:rofl::rofl::rofl:

Tama ka nga. Takot nga talaga siya sa China. Sumurender na agad hindi pa nga nakikipaglaban at nalimutan pa ang Jetski. Binenta pa mga isla natin sa halagang $24B. Katwiran ni Dutete, eh, gumanda na daw relasyon natin sa kanila, makakabenta na daw tayo ng saging at pinya sa kanila na galing naman sa Mindanao. So, sa tingin ni PD30, para na syang langaw na nakatuntong sa kalabaw. Ang problema lang ay napakatuso talaga ng Tsina at kahit na galing pa si PD30 sa makakaliwa ay di siya sasantuhin nito. Ika nga, ang polisiya ng China ay tinatawag na 'China First Policy'. Kung papanoorin mo yong Jumong na teleserye, makikita mo doon na sa umpisa maganda kunyari ang pakikitungo ng Tsina, pero, sa bandang huli mag-iiba na. Yan talaga ang history ng China. Ano kaya ang posibleng mangyayari pa sa hinaharap:

1. Dahil duwag si PD30 at nag deklara pa ng 'capitulation' o 'submission' sa Tsina, gaganahan ngayon ang Tsina na okupahan pa ang mga natitirang isla natin sa may West Philippine Sea at sa may Pacific Ocean.

2. Dadami pa ngayon ang pagtatayo ng Tsina ng mga istruktura nila at itutuloy ang pag kontrol sa tinatawag na 9-dash line at iba pang lugar sa Pacifico gaya ng Benham Rise. Mas dedepensahan pa lalo ng Tsina ang mga nasabing mga isla at lalagyan ito ng mga kagamitang pandigma gaya ng Surface-to-Air Missiles (SAM), High Frequency Active Auroral Research Program (HAARP) at mga Sea or Naval mines as a first line of defense nila.

3. Dahil nga binayaran na tayo ng Tsina ng $24B, matutuloy naman ngayon yong mga programa ni PD30. Of course, yong pera na yan ay magagamit through Publi-Private-Partnerships (PPP) at yong iba pera ay mapupunta sa mga 'offshore accounts' ng mga pulitiko. Syempre, hindi magpapakamatay yong mga alipores niya kung wala naman silang makukuha. Prankahan na lang, di ka mabibigyan ng pwesto sa gobyerno kung wala kang naiaambag sa kampanya. Ganyan talaga ang pulitika. At yong plano naman ni PD30 na pagpapatayo ng mga tulay, pati mga railway system ay matutuloy naman talaga, atbp.

4. Sa kinalaunan, makokontrol ng Tsina ang halos buong South East Asia maliban lang sa mga teritoryo ng Indonesia at Malaysia. Habang unti unting pumapangit naman ang relasyon natin sa Europa at Amerika na makakaapekto naman sa ating ekonomiya,depensa at kalakalan. Pati ang South Korea, Taiwan at Vietnam ay mag-aalangan na rin. Dahil ayaw na ni PD30 ang joint-exercises ng Pilipinas at Amerika, posibleng walang tulong pang militar gaya ng ekipo, armas, atbp ang makakaabot na sa atin.

5. Dahil nga tataas ang populasyon ng Pilipinas, na sa ngayon ay 105 million at sa taong 2020 ay aabot ng 115-120 Million (est.), lalaki ngayon ang demand ng mga Pilipino para sa pagkain, gaya ng bigas, isda, meat products, enerhiya, fuel at trabaho. Ano nga ba ang mga epekto? Pag lumalaki ang populasyon a.)dadami ngayon ang pangangailangan sa pabahay, kaya dadami ang magpapa konbert ng mga lupang agrikultural na makakaapekto naman sa produksyon natin sa bigas, prutas at gulay. b.)Lalaki rin ang pangangailangan natin sa yamang dagat kaya lang maaapektuhan talaga ang 'supply' dahil babawalan o lilimitahan ng Tsina ang pagpalaot ng ating mga mangingisda sa teritoryo nila na nasa loob ng 9-dash line at sa mga lugar na may mga 'stations' nila. Pede din kasi pagsabihan nila ang ating pamahalaan na may mga 'naval mines' silang nilagay bahagi ng depensa nila. c.)At dahil nga rin na tataas ang pangangailangan natin sa enerhiya at fuel, posibleng mag dedepende pa rin tayo sa Middle East na patuloy magdidikta sa presyo. Sayang na oportunidad dahil meron pa naman sana tayong mga 'energy and fuel reserves' na magagamit sana natin para ma develop pa ang ating bansa at sumigla ang kalakalan at trabaho, pero, ibinigay na ni PD30 sa Tsina ang pagkontrol dito kaya malilimitahan talaga ang 'sustainability' at pag-asenso ng ating bansa.

6. Ang gusto ng China ay makontrol ang South East Asia pati na rin ang ibang parte ng Africa (kaya marami din silang mga proyekto doon). Ano nga ba ang kadahilanan ng ekspansyon nila sa Africa? Dahil nga isang World Factory ang China, naka pokus ito sa industriyalisasyon at dahil dito malaking lupain nila ang kinailangang mako konbert sa pagiging industriyal na magpapahirap naman sa pagkukuhanan nila ng pagkain. Kaya kinakailangan nila ang West Philippine sea, mga bansa sa Asya at Africa para sa pangangailangan nila sa pagkain, isda, prutas at enerhiya upang masustentuhan ang malaki nilang populasyon.

7. Tuwang-tuwa si PD30 na nag eeksport na tayo uli sa China ng saging at pinya, at least, makakabayad na siya ng utang na loob sa kanyang mga 'financiers' nung nagdaang eleksyon. Ang problema nga lang talaga ay napakatuso ng China, hindi niyan kinakalimutan yong mga utang natin. So, ano ngayon ang pagbabayad? Ang pagbabayad natin ngayon ay sa pamamagitan ng pagbibigay natin sa mga isla sa WPS, pagbibigay kontrol sa kanila sa Benham Rise o di kaya naman ay sa 'trading' activities. At habang kumpyansa tayo sa pangangalakal ng saging at pinya sa China, darating din ang panahon na kokontrolin naman nito ang presyo ng 'trading'. Sila ngayon ang magdedekta kung anong presyo ng pagtanggap nila sa ating mga produkto habang mahal naman ang bili natin sa mga produkto nila gaya ng produktong enerhiya at iba pang kalakal. Dahil sa kanilang pagko kontrol, tayo ay magiging 'puppet' nila lalong lalo na ang mga pulitiko na mas lalong magpapayaman na kabaligtaran naman para sa mga ordinaryong mamamayan. Kaya kawawa ang henerasyon ni Stonefish, dahil sila ngayon ang magbabayad sa utang ng ngayong henerasyon.

8. Tanong: Magkaka modernize pa kaya ang sandatahang Pilipinas natin? Sagot: Syempre,Hindi na. Dahil pasasaan pa ba ito? Eh, kaibigan na daw ng Pilipinas ang China at Russia sabi ni PD30. At syempre, dahil gagawing puppet o tuta ngayon si PD30 ng China, lalong pagsasabihan ito na huwag ng i-modernize ang sandahatan natin dahil maging 'threat' ito sa kanila. Kaya lalo lang hihina ang ating AFP na hindi na makakalaban pa sa Tsina, bagkus, tayo pa nga ay magiging alipin na lamang.

9. Wala namang nagbago sa history natin. Parang paulit-ulit na lang at hindi tayo nagtanda. Noong sinakop tayo ng Kastila at Hapon, marami ang naging mga 'fanatics' nila, naging 'Makapili' o traydor pa nga ang iba nating kababayan. Sa umpisa maganda ang pinakikita nung mga mananakop pero nung lumaon eh pang-aalipin na pala.
 
Last edited:
hindi ko alam kung ano plano nyas sa pilipinas,, sana naman hindi ma dissapoint ung 16m Voters
 
sa totoo lng po pano naman sya matatakot..hindi nya lng pwede kalabanin bansang tsina kasi maraming tao ang maapektohan at ang ekonomiya madaling babagsak kasi pagsisimulan po yan ng gyera.. ang amerika naman di sa atin yan magagalit kasi ang pilipinas ay may kayamanan na tinuturing ng amerika na makukuha nila.
 
at ano ba yung wala pa dawtayo kakayahan na pag aralan ang mga islana yun..
para saakin,mtatalino ang mga pinoy!!kahit siguro simulan ng walangtulung ng ibang bansa ang pag aaral dun eh kaya natin yun...
pinoy pa ba ang tatanungin kaya pwede ma impeach si PD30 dahil sa 'treason'...
asan ba yang transparency na yan?!!! bat di alam ng mga taohan nya at ng madlang pipol na pinayagan nya na pala mag kalkal yang mga taga tsina na yan...
 
Parang nakakabuti lang sa kanila (PD30) ang ginagawa niya hindi for the future.
 
Last edited:
Kung sarili lang nya iniisip nya hindi siya matatakot kalabanin ang China. Pero kung sa kapakanan ng nakararami mas makabubuting makipagusap ng maayos. Yung tipong walang halong galit at pagtuligsa sa China. Alam naman ng lahat na bully at loko-loko ang China. Pag yung mga produkto natin na ineexport sa kanila hinarang nila, maraming negosyante satin ang malulugi. Kung ang mga produkto naman nila minahalan nila at inipit nila paniguradong mapaparalisa ang maraming negosyo dito sa bansa natin. Kailangan talaga ng mahinahon na pakikipagusap. Wag brasuhin. Kung yung Japan at India nga na may problema din sa China di nila tinutuligsa o binabraso ang China at dinadaan na lang sa mahinahon na paraan e. Malawak ang hawak ng China na bumubuhay sa malalaking industriya sa mundo kaya ganyan kalakas ang loob nila na maski US at EU di sila mapigilan at di tayo matulungan. Tayo pa kaya. Umasa na lang tayo sa maayos na usapan. Mahirap talaga yang problema na yan, aminin na natin yun lalo na sa kagaya nating maliit na bansa.
 
na tumbok mo master... :salute::salute:
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom