Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Pneuma

<I> “Marry me Anthony, I’ll be the best wife” </I>







Mag-iisang oras na pero hindi ko pa rin mapigilan na titigan si Anthony, ang lalaking masayang nakikipag-usap sa mga tao. Mag-lilimang taon na pero hindi pa rin siya nagbabago, maliban na lang sa tumutubong maliliit na balbas sa kanyang panga. Noon, 90% lang ang epekto ng sandamakmak niyang sex appeal ngayon siguro ay 101% na. Ang kanyang mga ngiti na kay sarap pagmasdan habang buhay. Ang kanyang mga matang nagniningning habang ang kanyang mapang-akit na bibig ay nagsasalita.



Hayyyyyyy…hanggang buntong hininga na lang talaga ako.



Kailangan kong lumayo sa mga oras na iyon, kaya napadpad sa liblib na hardin. How I wish I could have someone to share this beautiful night. Stars illuminate the vast universe; cicadas are singing their serene songs, the fresh breeze of the ocean nearby, and the mystical garden made me think that heaven exists. Pero hindi pa rin naiibsan ang rigodon ng puso ko dahil sa lalaking iyon.



Nagising ako sa pagninilay-nilay nang dumating ang humahalakhang magsing-irog. Hidi man lang nila ako tinapunan ng sulyap. Biglang natigil ang kanilang tawanan and I hid beside the bushes nang makita ko si Anthony pala ang lalaking kasama.




“Anthony, bakit?” tanong ng babae




“I can sense her presence Andrea, I can smell her scent” sagot ni Anthony




Huminga nang malalim ang babaeng tinawag niyang Andrea at naninibughong napasigaw “Bakit hindi mo pa rin siya makalimutan Anthony? Iniwan ka niya! Ako ngayon ang nandito, ako lang!” at naiiyak na umalis ito.



Tumingin si Anthony sa kalawakan na ngayon ay nababalot nang pag-asang uulan. Hindi ko na maawat ang awang lumukob sa aking katauhan , Napalingon siya sa direksyong tinatahak ko papalapit sa kanya. Biglang bumuhos ang mga luha mula sa misteryosong kalangitan.




“Vanilla…” Anthony whispered, he caresses my face as he feels the rain “Vanilla…I miss you”




I attempted to caress his face para lang mamulat sa isang masamang realisasyon na tanging tubig ulan na lamang ang makakahawak sa maamo niyang mukha.






<I>

“Marry me Anthony, I’ll be the best wife”



“Lets go Vanilla!” masayang yaya ni Anthony



“Where?” kinikilig kong tanong



“Magpapakasal na tayo…lets go” at inakay niya ako papuntang hardin.



Hindi namin inalintana ang ulan habang nagsusumpaan ng habangbuhay na pagmamahalan sa harap ng mga singsing na gawa sa bulaklak ng santan. Hindi din namin namalayan ang nakausling bato na sanhi ng pagkabagok ng aking ulo.

</I>





Hindi ko naisip na hinding-hindi ko na mahahaplos ang aking Anthony. Akala ko namulat na lang ako sa aking higaan para malaman na may iba ng girlfriend si Anthony.



“Vanilla…” bulong ni Anthony “Vanilla…it’s been five years, I need to let you go, I know you’re in God’s loving hands now…I am letting you go Vanilla, I love you for eternity, see you there”



Matapos kong haplusin ang basang-basa niyang buhok, ang pinakahuli kong naalala ay unti-unting lumutang paitaas ang aking kaluluwa.
 
namiss ko naman ang ganito. ganda mo talaga gumamit ng salita. :yipee:
 
Just enought bitterness, just enough sweetness.

:thanks: for sharing!
 
ganito yung mga banatan sa tcaf dati. nakakamiss :lol:

salamat sa kwento :salute:
 
Back
Top Bottom